Pumasok ang dalawa sa coffee shop. Nakasunod pa rin ang mga mata ko habang nakanganga. Hindi ko alam kung tatayo ako, iiwas ng tingin, hahatakin palayo si Ara para hindi niya makita ang pagtataksil ng jowa niya o ano. Paniguradong masasaktan nang husto ang kaibigan kong ito. Mas emosyonal pa naman siya kaysa sa akin. Ang sweet tingnan ng boyfriend ni Ara at ng babaeng kasama nito. Biglang umangkla ulit ang babae sa braso ni Byran, at humilig naman ang ulo ng lalaki sa ulo ng kasama. Mukha silang bagong kasal o galing sa honeymoon sa sobrang katamisan. Hinalikan pa ni Bryan sa noo ang babae saka hinahod ang bandang likuran nito. Hindi pa sila nakuntento, nagtutukaan pa habang naghihintay ng turn nila sa counter. Ilang ulit na smack sa mga labi ang nakita ko. Kinikilig pa ang babae habang

