Naupo na kami ni Julian sa work station ko. Nagpanggap kaming tinuturuan ko siya habang nakamasid sa paligid. May kakaibang reaksyon ang katawan ko sa tuwing magkakalapit kami. Gusto ko siyang yakapin, pupugin ng halik, amuyin... napapalunok ako na parang uhaw kapag malapit siya sa akin. Napahinga ako nang malalim dahil sa mga iniisip ko. Tumigil ka nga, loka. Sita ko sa sarili ko. Hinihintay ni Julian kung may kakaibang reaksyon ang isa sa mga katrabaho ko dahil nag-iba na ako ng kulay at style ng buhok. Imposibleng hindi mapapansin ng stalker ko ang pagbabago ng hairstyle ko gayong kanina ko pa inirarampa ang sarili ko para makita niya, kung sino man siya. Pabalik-balik na nga ako sa restroom para masigurong exposed ako at ma-trigger ang stalker ko. "You really look lovely in your new

