Inilipat ni Julian ang cursor sa notepad para mag-type. "This is a good idea to make him come out from the dark. Mas mapapadali kung makikilala natin ang kalaban. Mukhang hindi ka na niya titigilan pa kahit nagpapalit ka na ng kulay ng buhok. He is obsessed with you." "What are we going to do?" bulong ko. "Natatakot ako para sa kaligtasan ko, pati sa 'yo. Isa pa, paano kung idamay niya pati ang pamilya ko sa probinsya?" "Let's trigger him. Inisin pa natin para mapalabas natin siya," sambit nito saka kumindat sa akin. "Mahirap makipagsagupa sa kaaway na hindi natin kilala." Napatitig na naman ako sa kaniya. He's really charming. Nawawala ang alalahanin ko kapag nakikita ko siya at nakakasama. Ang gaan din ng aura niya. "S-sige." "Are you okay?" tanong nito sa akin habang kunot ang noo.

