Chapter 17

2580 คำ
Javi's POV "Louie, mahal mo pa ba ko?" tanong ko sa kan'ya habang nakayakap. "Hindi na," mabilis niyang sagot. Napahikbi ako pero nawala yon at napalitan ng inis nang bigla siyang magsalita. "Joke lang! Syempre oo! Mahal na ma-Aray, Loe!" saad n'ya kasi kinagat ko yung balikat n'ya. "Mukha kang tanga! Nakakainis! Ang sarap mo ihulog dito sa balkonahe!" inis na saad ko at inis na bumitaw sa yakap n'ya. Agad naman na hinimas n'ya yung balikat n'ya na kinagat ko. "Ang sakit, Loe..." saad n'ya at mukhang nasaktan talaga s'ya. Kaya naman tinignan ko s'ya at nakita kong 'di s'ya nagbibiro na nasaktan. "Totoo ba? Hindi naman madiin yun.. Patingin nga," nag aalala na saad ko tapos ibinaba yung collar ng damit n'ya. Nakita kong namumula yung kinagat ko. "Hala! Sorry. Kasi ikaw e! Nagtatanong ako ng maayos, bibiruin mo ko!" saad ko at hinimas yung kagat ko sa kan'ya. "Tsk! Gagawin ko ba lahat ng ginawa ko kung hindi kita mahal. Hindi ako mag aantay ng limang taon o higit pa kung hindi kita mahal, Lorraine. Kaya kitang antayin hanggang maabot mo yung pangarap mo. Ganu'n kita kamahal. Kaya nga binuo ko si Jash para may alas ako sayo e. Tsk! Ang sakit talaga," reklamo saad n'ya pero ramdam mo yung inis. "Sorry na. May ice pack sa ref, kunin ko. Lagay natin dyan. Pero wait! Mag iintay ka sa'kin kahit may Jash na tayo?" tanong ko sa kan'ya. "Oo! Ayokong madaliin ka, Loe. Aantayin kong maging ready ka ulit. 'Ska kita ihaharap sa altar, ay hindi, liligawan pala muna kita tapos magiging boyfriend mo ko ulit tapos magpopropose ako sayo tapos 'ska kita ihaharap sa altar. Okay na bang sagot yun, Javielle Lorraine Manliquez? Nasagot ko ba yung tanong mo?" tanong n'ya sa'kin habang nakataas ang kilay kong nakatingin sa kan'ya. "Tss! Oo at hindi lang naman yung sagot du'n, Lou! Ang dami mo pang sinabi!" saad ko sa kan'ya. Umirap naman s'ya. "Minsan ba inamin mong kinikilig ka sa sinabi ko? Pakita mo naman minsan, Loe!" saad n'ya kaya natawa ako. Bakit?! Inamin ko din naman na kinikilig ako sa kan'ya minsan ah! Hayop 'to! "Ewan ko sayo!" saad ko lang tapos umirap din. Pero agad ding napaharap nang iharap n'ya yung mukha ko sa kan'ya at pinunasan yung luha ko. "Ewan ko din sayo," saad n'ya habang patuloy na pinupunasan yung luha ko. "Ikaw, mahal mo pa ba ko?" seryosong tanong niya habang inaayos yung buhok ko. "Hindi na," tugon ko kaya ngumiti siya pero nawala yun nang hindi ko na sundan ng kahit ano. "Totoo ba?" Tanong n'ya na may hinanakit pero ngumiti ng pilit. Cute ni Louie! "Sige. Hayaan mo na. Lalandiin na lang ulit k-" "Hindi na ko makapag antay na ligawan mo," dugtong ko sa sinabi ko kanina. Kaya yung kaninang pilit n'yang ngiti napalitan ng ngisi. "Tss! Oo at hindi lang naman yung sagot du-Aray! Ang hilig mong manghampas!" reklamo n'ya, kasi naman ginaya n'ya yung sinabi ko at pati yung tono ko kaya hinampas ko s'ya. Sira ulo! "Kasi naman nanggagaya ka! Line ko yun eh!" singhal ko sa kan'ya. "Tsk! Kinagat mo na ko, kinurot tapos ngayon hinampas. Ano kayang magandang bawi?" saad n'ya at parang nag isip pa. "Hahampasin mo din ako? Kukurutin? Kakagatin?" tanong ko sa kan'ya na nagpakunot ng noo n'ya. "Kailan kita pinagbuhatan ng kamay para isipin yan?" tanong n'ya. "Wala! Akala ko lang," saad ko at tumingin sa mukha n'ya. Magkalapit lang pala kami. Kaya kitang kita ko yung mukha n'yang nakabusangot dahil sa sagot ko. "Halikan na lang kaya kita para masarap yung bawi ko kahit masakit yung ginawa mo sakin," saad n'ya kaya ako naman ang bumusangot. "Yang kamanyakan mo, iwan mo sa kotse mo ah!" akmang hahampasin ko s'ya kaso natigil kasi nagsalita na s'ya ulit. "Isa pang hampas, hahalikan na talaga kita!" banta n'ya kaya hinawakan ko na lang s'ya sa pisngi at kinurot du'n. "Cute mo! Sarap mong ihulog dito," saad ko at tinanggal na yung kamay ko sa mukha n'ya. "Tsk! Dumali pa talaga ng kurot eh," saad n'ya at hinimas yung pisngi n'ya. "Payakap na lang ako para naman makabawi sa pananakit mo," hanol n'ya kaya niyakap ko na lang s'ya. "Sorry, namiss kita, Lou." saad ko. "Don't leave me hanging again, okay? If you need someone to believe in your story, nandito lang ako. I'm always on your side. Promise," saad ko kaya biglang humigpit yung yakap n'ya sa'kin. "Bawi ka na sa pananakit mo. Thank you! I thought I did the right thing not to tell you but I'm wrong. Nakalimutan kong maniniwala ka sakin at papakinggan yung side ko. I'm sorry, I missed you too, Loe." sincere na saad n'ya. "Desisyones ka kasi!" saad ko na ikinatawa namin pareho. "You really know how to ruin the moment." saad n'ya tapos bumitaw. "Malamig na. Pasok na tayo," yaya n'ya sa'kin at tumayo. "Tara! Baka din magising si Jash bigla," saad ko at tumayo na din. Naglakad kami papasok ng kwarto na nakaakbay s'ya sakin. Hm.. Wala ulit usap kung ano talaga kami pero I guess.. Okay na muna yung nagkalinawan kami. Nalaman ko yung side n'ya at nalaman n'ya yung side ko. After all, he is still the man I love, siya at siya pa din. "Good night, Loe," saad n'ya at humalik sa noo ko. "Good night, Lou" balik ko sa kan'ya at sabay na kaming humiga sa tabi ng anak namin. Niyakap ko lang si Jash at pumikit. Naramdaman ko din na yumakap si Louie pero abot yung kamay niya hanggang sa akin kaya napangiti ako. Pangarap ko 'to! "Mahal ko kayong dalawa," rinig kong saad n'ya. 'Di na ko nagsalita pero kinikilig ako. 'Di naman nagtagal at hinila na ko ng antok. Kinabukasan, nagising ako na tulog pa yung dalawa pero nakayakap sila sakin pareho. Sarap naman gumising ng umaga na ganito ang makikita mo. Bumangon na lang ako at nilagyan ng unan sa gilid si Jash. Tapos naghilamos at bumaba na para magluto ng breakfast, pagbaba ko, nagluluto na si Leah pati si Ate Myla. Oo nga pala! Nakalimutan kong may maid na nga pala kami. Tsk! "Aga ng gising ha! Mukhang maganda ang tulog mo, bunso," rinig kong saad ni Kuya galing sa taas. "Hm. Pwede na. Good morning, Kuya," bati ko lang sa kanya. "Nandyan pa si Louie? Kumusta kayo?" tanong ni Kuya. "We're okay," saad ko at wala ng sinabi pa. "Gisingin ko lang yun. May site visit yun alam ko e." saad ko at umakyat na ulit para gisingin si Louie. Pagpasok ko ng kwarto. Aba! Tulog pa silang dalawa parang walang pasok 'tong isang 'to. "Louie.. Lou.. Wake up!" tapik ko sa kanya pero walang talab. "Mark Louie! Gising na. Hey.." wala pa rin pero bigla akong napasimangot. "Lou! Tumayo ka na. Gising ka na wag mo kong artehan dyan," saad ko sa kanya kaya naman nasilayan ko yung ngiti sa mukha n'ya. "Gising na po," paos na tugon n'ya tapos dumilat at humarap sakin na nakangiti. "Good morning, Loe." bati n'ya sakin kaya kahit bwisit ako sa kanya napangiti ako. "Good morning, Lou. May breakfast na sa baba. Tara na at yang si Jash mamaya pa ang gising n'yan." saad ko habang inaantay s'ya tumayo. Dahan dahan naman nga siyang tumayo at nilgayan ng unan yung gilid ni Jash. "Una ka na sa baba. Maghihilamos lang ako," saad n'ya at dumeretso sa bathroom. Sanay naman s'ya dito kaya iniwan ko na lang. Bumaba na ko at pumunta ng dining, nandun na si Kuya at umiinom ng kape pati na din si Leah. "Oh? Nasaan na si Louie?" tanong ni Kuya nang makita n'ya kong umuupo na. "Pababa na. Maghihilamos lang daw s'ya." saad ko at kumuha ng tinapay. 'Di naman nagtagal pumasok na din si Louie at naupo sa tabi ko. Hihikab hikab pa. Late na nga pala kami natulog. "Kain na," yaya ko sa kan'ya. "Bakit hindi ka mukhang puyat? 2am na tayo na tulog," saad n'ya at kumuha din ng tinapay. "Sanay na lang akong mapuyat kaya parang wala na lang. 'Di ba Leah?!" saad ko sabay hanap ng kakampi. Nakangiti lang na tumango si Leah samin. "Oh 'di ba?! You want coffee?" tanong ko sa kan'ya. "Pagtitimpla mo ko? Sige," saad n'ya tapos kumuha na ng fried rice. Taga dito talaga 'to eh! "Hindi 'no?! Chiks ka ba?! Joke lang!" saad ko sabay bawi din kasi sinamaan ako ng tingin. Tumayo na ko para magtimpla ng kape n'ya at chocolate drink ko. "Bakit 2am na kayo natulog?" tanong ni Kuya. "Nagpahangin lang sa balkonahe tas nagdrama si Loe. Joke lang baka lagyan ng asin ang kape ko," agad n'yang bawi kaya natawa ako. Sira ulo ka ha! Hawak ko kape mo! Natawa lang si kuya habang umiiling. After kong magtimpla. Inilapag ko sa gilid n'ya yung kape n'ya tapos umupo sa upuan ko. Nagkukwentuhan lang sila ng mga pwedeng gawin ngayong summer. Gusto ni Kuya na magdagat o mag outing kasi first time ni Jash dito. Sumang ayon naman yung ama kaya nagpaplano sila kung saan at kailan para makapag leave sila. "Ikaw? Saan mo gusto?" tanong ni Kuya sakin. "Sa jeju! Charot! Korea pa din! Bahala na kayo. Wala naman akong maaambag dyan," saad ko at tinuloy ang pagkain. "Ngayon ka lang naman walang ambag. Sa susunod ikaw na manlilibre samin. Kaya wag kang malungkot dyan." saad ni Louie kaya tinignan ko s'ya tapos tumingin kay Kuya Gelo. "Bat ba biglang daldal nito, Kuya?" tanong ko kay Kuya na natatawa lang sa tanong ko. Tapos tumingin kay Louie na nakakunot ang noo. "Parang hindi ka naman madaldal dati! Suplado at Tahimik nga lang ang pagkakakilala ko sayo." saad ko sa kanya. "Nainlove, nag antay, nakascore, nasaktan, nagkaanak, nag antay ulit! Ayan dumaldal. Yaan mo na at least maganda ang pagbabago n'ya," natatawang saad ni Kuya kaya naman nung tinignan ko si Louie ulit. Nakangisi habang kumakain. "Mabilaukan ka sana." saad ko at sakto naman na pagsabi ko nu'n bigla nga s'yang inubo. Nag alala din naman ako. Si Kuya at Leah, natawa dahil sa nangyari. "Lagot ka, Javi!" pananakot sakin ni Kuya habang inaabutan ko si Louie ng tubig. Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya mas natawa s'ya. "Huy! Lou! Okay ka lang? Sorry na," nag aalalang saad ko habang hinihimas yung likod n'ya. Kasi umuubo pa din s'ya. "May galit ka ba talaga sakin, Loe. Ang sakit sa dibdib." saad n'ya at umuubo ubo pa. "Eh... Sorry talaga. Joke lang naman yun." saad ko at hinihimas pa din yung likod n'ya. "Okay na. Sige na. Kain ka na ulit," saad n'ya kaya naupo na ko at kumain pero tinitignan ko pa din s'ya. Ilang minuto pa ang lumipas at sabay kaming napalingon nang magsalita si Jash. "Good Morning po Mama, Papa, Tito, Ate Leah." bati n'ya at agad na lumapit sakin. Kaya napangiti ako at kiniss s'ya sa pisngi. "Kamusta tulog mo?" tanong ko sa kan'ya. "Masarap po. Really Good!" saad n'ya at tumingin sa papa n'ya na nakangiti samin tapos bumaba sakin at umupo sa lap ng papa n'ya. "Good morning, baby." bati nito tapos kiniss s'ya sa pisngi. "Anong breakfast mo?" tanong ni Louie kay Jash. "Sandwich lang po papa. I don't want rice, dito lang naman po ako sa bahay," tugon n'ya sa papa n'ya kaya naman yung isa pinaghandaan s'ya. Tumayo na si Kuya dahil may pasok pa s'ya kaya daw mag aasikaso na s'ya, si Louie naman after asikasuhin si Jash, nagpaalam na din dahil wala naman siyang damit na sa kotse. "Papa, babalik ka po dito mamaya?" tanong ni Jash sa kanya. "Oo naman. After ko sa work but I can't sleep here later ka- Okay. I'll sleep here later. Hm.. Don't be sad na. I don't want you to be sad. Magdadala na si Papa ng maraming damit," saad n'ya at ngumiti. Kaya naman yung isa nagdiwang. Humalik na lang si Louie sa pisngi ni Jash tapos nagpaalam na. Inakbayan naman n'ya ko habang maglalakad kami palabas dahil may sasabihin ako sa kanya. Nang makarating kami sa kotse n'ya, hinarap na n'ya ako bago pa s'ya magsalita inunahan ko na s'ya. "Lou, may pupuntahan ka ata bukas. Okay lang naman sabihin kay Jash yun. He will understand that," saad ko bago s'ya makapasok sa sasakyan n'ya. "Sabi ko na iniisip mo pa din yan ih. It's okay, Loe. May site visit lang naman ako bukas sa Pangasinan. Hindi na lang ako sasabay dun sa ibang engineers na magchecheck doon and alis na lang ako bukas ng maaga or kahit antayin ko lang na makatulog s'ya. Hayaan mo na. Minsan lang naman," saad n'ya at hinimas pa yung pisngi ko. "Sure ka? Pwede kasi nating sabihin sa kanya un. Ayokong mamihasa s'ya," saad ko at ngumuso pa. "Ngayon lang naman. Wag ka nang ngumuso dyan," biro n'ya at kinurot yung pisngi ko. "Oo na. Sige na! Next time sasabihin mo ah! Hindi pwede ang ganyan. Kahit pa alam kong gusto ka lang n'yang makasama, dapat alam n'ya pa din yung nangyayari sa paligid n'ya," saad ko at tinignan s'ya. "Yes, Mama. Promise!" saad n'ya at itinaas pa yung kanang kamay n'ya. "Sige na. Magrereview ka pa panigurado. Una na ko," saad n'ya tapos akmang tatalikod na pero yumakap muna ko. Ako ata ang hindi makatiis saming dalawa. sabi ko hindi ko mamadaliin pero bakit parang gusto kong bumalik kami agad sa dati. "Ingat ka. Message me pag pupunta ka na dito ah." bilin ko habang naka subsob sa dibdib n'ya. Matangkad sakin si Louie. Hanggang balikat n'ya lang ako. "Yep, I will. Ingat kayo dito. Tawagan mo ko pag may kailangan kayo ni Jash. Wag na si Gelo. Nandito na ko kaya ako na bahala sa inyo. I also save my number to your phone," saad nya kaya mas humigpit yung yakap ko sa kanya. "Hey, okay ka lang ba?" "Yes, gusto ko lang yumakap sa'yo," saad ko at bumitaw. Nakatingin lang s'ya sakin at parang inaarok ang iniisip ko. "Babalik ako. Okay? Message or call me, baby" saad n'ya at hindi ko alam pero napangiti ako sa tinawag n'ya sakin kaya sumilay din yung ngiti sa labi n'ya. "Sus! Ayun lang pala ang magpapangiti sayo. Sige na, baby. Uuwi pa ako ng condo para maligo," saad n'ya kaya biglang nawala yung ngiti ko, nahalata naman n'ya yung iniisip ko. "May iba akong condo na binili kaya wag kang mag isip na naman ng iba. Sayo at kay Jash lang ako uuwi, love." natatawang saad n'ya. "Mind reader ka ba, Lou? Bakit alam mong yan yung iniisip ko?" tanong ko sa kan'ya. "Itsura mo! Sige na, love. Bye na," saad n'ya tapos humalik lang sa noo ko 'ska tumalikod. "Oo! Ingat ka ulit," saad ko at umatras ng unti pero nakatingin sa likod ko. Akala ko naman nakapasok na s'ya pero pag lingon ko sa kan'ya nasa tapat ko s'ya at kung paano n'ya kinuha yung first kiss ko. ganu'n n'ya din ako hinalikan ngayon. Mabilis at magaan pero this time ramdam ko yung pagmamahal. "I love you," nakangiting saad n'ya nang naghiwalay yung labi namin tapos pumasok na ng sasakyan n'ya. Habang ako nakatulala pa din dahil sa nangyari. Bahagya pa kong napaigtad nang bumisina s'ya. "Love, pasok na!" nakangiting saad n'ya kaya ako naman, dali-dali ding pumasok ng bahay. Gaga! Bakit nahihiya ka, eh may anak na nga kayo?! Wait! yung puso ko! Gustong humabol kay Louie! Sheteng pating! --------------
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม