Javi's POV
While listening to his story, I'm just staring at him. He looked so matured. Alam kong hindi madali ung pinagdaanan n'ya. Ipakasal ka sa hindi mo man lang ganu'n kakilala at hindi pakinggan ng mga tao ung paliwanag mo basta na lang naniwala sa nakita nila. Hindi madali 'yun! Ang sakit no'n!
But I'm also sad for his ex-wife, ung malaman mong hindi man lang tanggap ng sarili mong pamilya ung anak mo, hindi pa lumalabas pero ayaw na ng tao sa kan'ya.
Pero kung matagal na silang hiwalay, bakit nung nasa mall kami tinawag s'yang Daddy nung bata?
Dahil sa naisip ko, napahinto ako kaya bumangga s'ya sa'kin at nausog ako unti. Hinarap ko s'ya at nakita kong nakasalubong ung kilay n'ya.
"Bakit bigla kang huminto? Buti at hindi malakas ung pagkakabangga ko sa'yo kun'di susubsob ka," inis na saad n'ya.
"Sasaluhin mo naman ako e," biro ko sa kan'ya.
"Malamang, alangan namang hayaan kita sumubsob d'yan. Bakit ka ba kasi huminto?" tanong n'ya na may kasamang irap! Aba!
"Irap pa!" inis na singhal ko sa kan'ya at kinurot s'ya. "Matagal na pala kayong hiwalay. Bakit daddy pa din ang tawag sa'yo nung bata?" tanong ko.
"Selos ka? Wala 'yun kahit naman kasi naghiwalay kami, we still helping her, kaya nung nagkaisip ung bata, natatawag n'ya akong daddy. Hindi lang naman ako ung natulong, pati sila Gelo at Dad. Simula kasi ung nangyari sa'min hindi na s'ya pinuntahan ng Mommy n'ya. That's why ung condo na binili ko para dapat sa'tin, ibinigay ko na sa kanila ni Nalia para kahit papaano may pang umpisa sila. Naawa naman ako kaya hinahayaan kong si Nat ang sumaway," paliwanag n'ya.
Naawa naman din ako. Malaking advantage ko na nasa tabi ko si Papa at Kuya noong panahong nagbubuntis ako. Hindi ako itinakwil at bukod du'n pinuno nila si Jash ng pagmamahal.
"Gusto ko s'yang mameet kaso baka awayin ako, sabihin inagaw kita sa kan'ya. Ay! Wait! Hindi kita inagaw ha!" maktol ko at umirap pa.
"Irap pa!" pang gagaya n'ya sa'kin tapos kinurot ung pisngi ko. "Wala ka naman inagaw, dahil una palang sa'yo na ko," saad n'ya sabay kindat.
"Tusukin ko yang mata mo e!" singhal ko sa kanya tapos tumalikod para makapaglakad na ulit.
Nakarinig pa ako ng mahinang tawa pero hindi ko na pinansin.
Okay naman na kami, casual lang. 'ska na pag natapos ko 'tong exam ko at least ngayon alam kong okay kami para kay Jash.
Paglabas ko ng likod bahay, agad na tumingin sakin ung apat tapos si Jash patakbong lumapit sa'kin kaya pinantayan ko na s'ya.
"You want to meet your papa, right?" nakangiting tanong ko sa kan'ya, tumango lang s'ya sa'kin. "Look behind me and meet your papa," saad ko pero si Jash nagtatakang tumingin sa likod ko.
"Mama, there's no one behind you," malungkot na sabi ni Jash kaya napalingon agad ako.
Ang hayop talaga nito ni Louie! Huminga muna ko nang malalim bago magsalita.
"Hindi, anak. Joke lang pala. Wala ka palang papa," malakas na ko at on que naman na lumabas ung isa na nakangiwi at magkakamot ng batok n'ya.
"Huminga lang saglit dahil kinakabahan ako, galit agad," saad n'ya na nakanguso tapos tumingin kay Jash. "Hi Jash," nakangiting bati n'ya.
Tumingin naman sa'kin si Jash na nagtataka kaya ngumiti ako sa kan'ya. "I know kanina mo pa gustong lumapit sa kan'ya, kaya naman go to him but this time call him Papa, anak," saad ko at biglang may luhang lumabas kay Jash pero nakangiti at patakbong lumapit kay Louie.
Pareho silang umiiyak na nagyakap, mahigpit at walang gustong bumitaw. Nakangiti lang ako at alam kong masaya si Jash na makita si Louie.
"Papa.." rinig kong iyak ni Jash habang yakap pa din ung papa n'ya.
"Gumaan ba ang pakiramdam mo?"
Agad akong napalingon nang magsalita si Kuya sa likod ko.
"Opo, sobra" may ngiti sa labi kong saad at lumapit sa kan'ya. "Thank you, Kuya" ginulo lang ni Kuya ung buhok ko.
"Ang sarap nilang tignan dalawa. Nakakainggit," saad ni Kuya Van habang nakangiti.
"Magjowa ka muna o kaya ligawan mo na si Nat," biro ni Kuya Kiefer sa kan'ya. Tinawanan lang naman nila 'yun. "Nakwento n'ya ba lahat sa'yo?" tanong n'ya sa'kin.
"Nagpaliwanag s'ya pero alam kong hindi pa lahat 'yun at anoman 'yun alam kong maganda ang dahilan n'ya 'ska ko na din siguro aalamin pag okay na okay na kami," kwento ko at ngumiti.
Ung dalawa, mukhang ayaw na magbitaw kaya naman nilapitan ko na.
"Papa.. Don't leave na po.. Please.." saad ni Jash at sumiksik sa leeg ng papa n'ya.
"I won't, baby. Hindi na aalis si Papa.. hindi na kayo iiwan ni Papa.. Hindi na tayo magtatago kay mama. sorry, anak" saad ni Louie. "Hindi ka na din iiyak sa gabi, okay? Nandito na ako."
"Katabi na po kita matulog, papa, when I wake up, you're with me and mama?" tanong ni Jash na hindi agad nasagot ni Louie kaya ako na ung sumagot.
"Yes, baby. Papa, will sleep with us. Tabi tayong tatlo," sagot ko at ngumiti.
Agad naman silang bumitaw sa yakapan nila at parehong tumingin sa'kin.
"Seryoso ka?" tanong ni Louie.
"Really, Mama?" tanong ni Jash
Natawa naman ako dahil pareho sila nang itsurang dalawa!
"You two, really look a like!" natatawang saad ko at sabay naman silang busangot kaya mas natawa ako na napahawak pa sa tyan ko.
"Ah! Lorraine, sagutin mo kaya muna ung tanong namin," inis na usal ni Louie kaya tumigil ako tas huminga nang malalim.
"Okay! Yeah! I'm serious," saad ko at ngumiti ulit. Pagsabi ko nu'n agad naman nagtinginan ung dalawa tapos nagyakapan ulit.
Ilang minuto pa, ako na ung pinagtripan nila at pinagtulungan! Aba magaling 'tong mag ama na 'to!
Kaya naman lumapit ako kila Kuya na tinatawanan lang kami.
"Kuya! Pinag tutulungan ako ng dalawa!" sumbong ko kay Kuya kaya tinawanan naman nila ako.
"Si Javi, may anak na kuya pa din," asar ni Kuya Liam. Napaismid naman ako.
"Bakit ba?! Kuya's girl ako e," saad ko at yumakap kay Kuya sa tagiliran, si Kuya naman umakbay sa'kin.
"Mama, you're too clingy to Tito," sambit ni Jash.
"E, kasi you're also too clingy to your papa kaya kay Tito na lang ako," saad ko sa kanila ni Louie.
Tinalikuran ko na lang sila at nag umpisa ng magligpit, habang nagliligpit naman ako nakaramdam ako nang paglapit sa'kin ng kung sino pero nung naamoy ko ung pabango ni Louie, alam kong silang dalawa ni Jash 'yun.
"Mama? Are you mad? Sorry na po," tanong ni Jash kaya hinarap ko sila at ngumiti.
"Hindi naman galit si Mama," tugon ko. "Jash, baba ka na kay Papa. Bigat ka na oh.." sabi ko sa kan'ya pero hindi s'ya binitawan ni Louie kaya nag tuloy na lang ako sa pag liligpit.
Lumipas lang din ang minuto na nagkakatuwaan kaming pito habang nag liligpit. At tinotoo nga nila ung picture namin. Maluwag sa loob kong magpicture kami dahil alam kong walang masasaktan.
Tuwang tuwa si Jash dahil may picture s'ya kasama ung lima. Buhat buhat s'ya ng papa nya.
Natapos kaming magligpit, nakauwi na din sila Kuya Kiefer, pero si Louie dito mags-stay dahil gusto ng anak n'ya, nakapagshower na din kami at si Jash ayun at tulog na. 'Di na nga ako naantay dahil nagtagal ako sa shower. Naiinitan kasi ako!
"Louie, labas lang ako saglit ha. Pahangin lang," paalam ko sa kan'ya at tumango naman s'ya.
Ayaw n'yang iwan si Jash kasi baka daw magising at hanapin s'ya.
Habang tinitignan ko ung mga picture namin napapangiti ako. Matagal na simula ng magpicture kami nang sama-sama.
New year pa 'yun. Okay na okay pa kami ni Louie. 'Di ko akalain na huli na pala 'yun at limang taon bago masusundan.
"Matagal na din simula ng nagpicture tayong anim," rinig kong sabi ni Louie sa likod ko kaya nilingon ko s'ya.
Sumunod pala s'ya. Nandito ako sa balkonahe kung saan ako laging natambay nitong mga nakaraang araw.
"Oo nga e, ang cute! Nakakamiss pala," saad ko at binalikan ung picture namin.
Naramdaman ko naman na umupo s'ya sa tabi ko nang tahimik at pagtingin ko nakatingin s'ya sa malayo.
"Okay ka lang? Ahm! Baka may pasok ka bukas, pwede ka nang matulog," saad ko sa kan'ya at tumingin din sa malayo.
"Hm? Wala naman akong gagawin bukas. Magvivisit lang sa site ta's tapos na," sagot n'ya sa'kin
"Hm.. Do'n ka pa din sa firm nila Tito Marcus nagtatrabaho?" tanong ko sa kan'ya.
"Oo, I'm the head engineer now there. Ikaw? Kailan exam mo?" tanong n'ya din sa'kin.
"October, gusto ko ngang magtrabaho muna habang wala pang exam para kahit papaano may pangprovide kay Jash kasi kahit naman willing sila Kuya na tulong para kay Jash hanggang makakuha ako ng lisensya at makapagtrabaho, iba pa din ung may sarili ako dahil ako ung nanay ni Jash at kailangan kong magprovide," saad ko at tumingin sa kan'ya, nakatingin din s'ya sa'kin at seryoso.
"At ako ang tatay, I'm here now, Loe. It's my responsibility to provide what you and Jash need. Don't pressure yourself," malungkot na saad n'ya lang habang nakatingin sa mata ko.
"Yeah, I know. Thank you! Pero wag mo na ako isama. Focus ka na lang kay Jash," natatawa kong turan ko at umiwas ng tingin.
Hindi na nya ako kailangan alalahanin kasi wala naman kaming relasyon, hindi n'ya ako responsibilidad.
Nabalot na naman kami ng katahimikan habang pareho kaming nakatingin sa kawalan.
"Nahirapan ka ba nung nagbuntis ka sa Korea?" basag n'ya sa katahimikan.
"Nahirapan dahil nag aaral ako habang pinagbubuntis ko si Jash pero laking pasalamat ko dahil nasa tabi ko si Papa at inaalalayan ako, kahit na si Kuya na nandito, nakaalalay sa'kin," sagot ko sa kan'ya.
"I'm sorry for not being there," mahinang turan n'ya at yumuko.
"It's okay. Tapos na yun, pero aaminin kong nasasaktan ako nang mga panahon na 'yun. Walang gabi na hindi ako umiiyak. Why you cheated? Anong kulang sa'kin? Hindi ba ako naging sapat? Questions always pop up in my head. We make love and you even told me that you love me, but why did you cheat? That's only the question runned to my head that time," saad ko at tumingala saglit pero napababa din iyon nang naramdaman ko na lang na may humawak sa pisngi ko. Pagtingin ko,
Si Louie, pinupunasan ung luha ko, seryoso lang s'ya pero mababakasan mo ng lungkot.
"I really hate seeing you crying because of me, kasi hindi kita mapapatahan. But Loe, You are more than enough to me. Sobra sobra ka pa," saad n'ya habang nakatingin sa mata ko.
"'Yan din ung sinasabi ni Kuya sa'kin. I'm more than enough but I can't help but to think na may kulang sa akin dahil sa nangyari. Sabi ko pa nu'n, kung may kulang sa'kin, bakit hindi mo sinabi para nagawan ko ng paraan. Isa pa sa dahilan kaya hindi ako sumusubok ulit kasi natatakot ako na baka hindi na naman ako maging sapat sa taong mamahalin ko, baka hindi n'ya matanggap si Jash, baka maloko na naman ako, natatakot ako. Maybe because I didn't hear anything from you. I didn't hear your explanation," lumuluhang saad ko habang nakatingin sa kan'ya, hindi nakaligtas ung mga luha n'ya na maglalandas sa pisngi n'ya.
"Isang dahilan kaya natagalan na ipakilala ko sa'yo si Jash dahil gusto ko may mapatunayan muna ako. Gusto ko maging worth it akong nanay ni Jash na this time hindi ako magkukulang kay Jash, katulad ng nangyari sating dalawa," dagdag ko pa.
Naramdaman ko na lang ung mga palad n'ya sa pisngi ko at pinupunasan ulit ung luha ko, I miss him, namiss ko ung hawak n'ya sa'kin, kaya pumikit ako at hinayaang maglandas ung mga luha ko sa pisngi ko.
Naramdaman ko din na umupo sya sa harap ko at niyakap ako kaya yumakap din ako sa kan'ya habang umiiyak.
"Lorraine, I'm really sorry for leaving you hanging. Hindi ako nagpakita kasi ayokong makitang masaktan ka, hindi ako nagpaliwanag kasi ayokong makitang umiiyak ka pero mali pala ako kasi mas nasaktan kita. You even question yourself worth. I'm sorry, love.." sambit n'ya at ramdam na ramdam ko na umiiyak s'ya.
Tahimik lang kaming nag iiyakan dalawa habang magkayakap. Minsan lang 'to gusto ko lubusin. Baka bukas pag gising ko wala na 'to. Pana-
"Hindi naman ako na nanaginip 'di ba? Yakap kita ngayon at may anak ako sa'yo, 'di ba? Sh*t! Please.. Someone tell me I'm not dreaming kasi ayoko nang gumising," drama n'ya kaya napangiti ako. Parehas kami ng iniisip. Kinurot ko s'ya ng maliit at pinuno kaya napaaray s'ya. "Masakit pero Thank you! At least I know that I'm not dreaming," saad n'ya at mas humigpit ung yakap.
Nabalot na naman kami ng katahimikan pero ko binasag ng isang tanong.
"Louie, mahal mo pa ba ko?" tanong ko sa kan'ya.
-------------------