“Na-narito siya. Narito rin siya sa bahay n’yo. Sinusundan niya tayo.” Makailang ulit na itong sinasabi ni Mika bago pa man abutan ito ng tubig ni Princess. Ni sulyap ay hindi iyon pinansin ni Mika. Magkadikit ang mga tuhod habang yakap niya ito at umiiyak ng walang humpay. Huminga muna ng malalim si Princess bago inilapag sa maliit na lamesa ang baso ng tubig, bago tinabihan si Mika na humihikbi pa rin. Napasugod din kanina ang kaniyang ina nang marinig ang pagsigaw ni Mika subalit, sinabihan na lang ni Princess ang ina na binangungot lang ang kaibigan kaya siya na lang ang bahala. Kanina, napabalikwas siya ng bangon at nakita na lang si Mika na nanginginig habang nakaturo sa bandang paanan nito. At kahit anong silip niya ay wala naman siyang makitang kakaiba para katakutan nito. Alanga

