Magang-maga ang mga mata ni Mika habang nakatingin sa nasusunog na katawan ni Kit sa isang crematorium. Napagpasyahan ng magulang ni Kit na sunugin na lang ang labi nito dahil sa hindi na rin makilala ang itsura nito at ilalagak na lang ang abo nito sa museum ng pamilya nito. Katabi ni Mika si Princess at Jess na pawing lumuluha rin. Kahit pa hindi nila nakasundo si Kit, lalo na kagabi na nagkasagutan pa sila, itinuturing pa rin nila itong kaibigan. Usapan-usapan na napagtripan ito ng isang adik. May nakaalitan daw itong isang tambay at kumuha ng tiyempo para magawa ang plano. Pati ang guard ay pinaslang din at walang matibay na cctv para makapagturo kung sino ang salarin. Isang ka-teamate ni Kit ang magpapatotoo na sobrang nagalit daw ang adik kay Kit sa hindi nito pag-aabot ng pera nan

