Inilagak muna ang abo ni Kit sa bahay nito ng tatlong araw bago ilagay sa museum ng kilalang sementeryo. Pilit na pinapakain sila Mika ng magulang ni Kit, subalit tumanggi sila dahil bukod sa wala silang ganang kumain, maghihintay lang sila ng ilang oras at balak na rin nilang umuwi. Nakaupo sa harap ng kinalalagyang abo ni Kit si Mika. Pamaya-maya ang punas niya ng tisyu sa mata at ilong. Mahal na mahal niya si Kit. Hindi niya akalain na sa ganito matatapos ang buhay nito. Na maaaring sapitin din ng buhay nila. “Mika.” Bagamat nakangiti ang ina ni Kit kay Mika, kita sa mga mata nito ang lungkot at mamaga niyon. Tumabi ito sa dalaga at hinawakan ang mga kamay. Matagal ng magkasintahan ang anak niya at si Mika kaya kilala na ito ng halos buong pamilya nila. “’Yung mga gamit ni Kit … balak

