“Mika? Bakit anong nangyayari?” Mabilis na lumapit si Princess sa nakitang nakahiga si Mika sa lapag, hawak nito ang sariling leeg at parang hindi na makahinga. Halos nakapikit na rin ang mga mata nito at kita mo ang hirap sa kaniyang mukha. Hinila-hila ni Princess ang mga kamay ni Mika dahil mahigpit iyong nakahawak sa mismong sariling leeg. Parang sinasakal ni Mika ito ng mahigpit. “Mika! Mika!” Sinasampal-sampal na ni Princess ang mukha ni Mika. Naiiyak na si Princess dahil parang hindi gumagana ang mga ginagawa niya sa parang binabangungot na si Mika. At sa tingin niya na hindi na ito humihinga, isang malakas na sampal ang iginawad ni Princess kay Mika. At nagulat siya nang bigla itong nagmulat ng mga mata at isang malakas na singhap ang ginawa nito kasabay nang pagbangon. Buti na

