"Tumawag sa 'kin si Attorney. Ipinapaayos mo daw ang annulment niyo ni Jane?" Itinigil niya ang ginagawa para harapin ang Papa niya. Tinawagan niya kanina ang abogado para ipa-annul na ang kasal nila ng babaeng pinakasalan niya. Napagdesisyunan niya iyon matapos niyang ihatid si Janine at ma-miss hindi pa man siya nakalalayo sa bahay ng biyenan niya. He wanted her. Hindi iyon dahil lang sa pangangailangan ng katawan. He wanted to be with her in his entire lifetime. Gusto niyang aminin na umiibig siya kay Janine. Pero saka na siya magsasabi sa Mama't Papa niya kapag maayos na ang kalagayan ng kompanya at naiproseso na rin ang annulment nila ni Jane. It will take time. But he will make sure it will come true. "Gusto ko nang ayusin ang buhay ko, Papa." "That's great news! Finally, you've

