008

1932 คำ
Where is Rosie by SundayisBest Friends... NOTE: I know nasabi na sila sa Chapter 006 but in this chapter mas lalo niyo pa silang makikilala.  Third Person POV "Oh." Sambit ni Rose sabay lapag ng dalawang slice ng Chocolate Cake sa harap ni Connor at Cole. Silang tatlo ay nasa bahay ni Rose, napagpasyahan nilang doon na lang mag-usap usap para mas siguradong walang makakarinig sa kanila. Pagkatapos makabuo ng theory ni Rose sa mga sinabi ni Indiax sa kaniya kanina ay hindi na siya nag sayang ng oras para sabihin sa dalawang kasama niya. "So what now? Anong alam mo na kung bakit dalawang beses nag-black out?" Tanong ni Cole habang kumakain ng cake. "Remember kanina sinabi ni Indiax na sa unang blackout, may hawak na bote si Rosie nung pagkabukas ng ilaw. Habang blackout ay dapat dudukutin nila si Rosie pero hindi natuloy dahil nahampas siya ni Rosie ng bote." Tila naguluhan sila sa sinabi ni Rose. "So, sa pangalawang blackout tsaka na lang nila napagtagumpayan ang pagdukot kay Rosie? Ayun na 'yung theory mo? Maski ako maiisip ko din 'yun eh." Saad ni Cole, napairap na lang sa hangin ni Rose. "Hindi mo naiintindihan, magaling ka lang kasi magsinungaling..." Sabay irap. "Merong isang tao ang nakaka-alam kung anong mangyayari kay Rosie, Ayun sa mga napagtanungan ko saglit lang ang unang blackout pero 'yung pangalawa medyo matagal-tagal. Ang unang blackout ay warning kay Rosie, alam ng tao na 'yun na matalino si Rosie, na gagawa siya ng action sa mga ganung bagay. Alam din ng tao na 'yun ang mangyayari pagkatapos ng blackout. Doon na niya in-approach si Rosie pagkalabas niya, maybe he wants to protect Rosie sa mga kidnapper nito. "Sa pangalawang Blackout, doon na talaga ki-kidnappin si Rosie pero naunahan na nga sila. Kaya medyo matagal-tagal ang pagbalik ng kuryente, tinake advantage na rin 'yun ng kumuha sa kaniya para maitakas na si Rosie. Kaya siya dumaan sa gilid ng Parking Lot at nagpakita sa CCTV dahil alam niyang iyon lang ang camera na hindi mamamatay sa blackout. "Kaya niya rin iniwan ang sapatos ni Rosie, hindi dahil gusto niyang magpahuli pero alam ko may iba pang dahilan. Hindi niya iniwan 'yun nung time na kinuha niya si Rosie noong gabi na 'yun. Pero binalikan niya ang lugar na 'yun at nilagay ang sapatos ni Rosie."   Tumango-tango ang dalawa at iniintindi ang lahat ng sinabi ni Rose. "So you mean na may magkasabwat sa party na 'yun?" Tanong ni Connor, tumango na lang si Rose. "May magkasabwat para iliigtas si Rosie, may magkasabwat sa pagdukot kay Rosie." "And you think na lahat sila ay nasa party lang na 'yun?" Tanong naman ni Cole. "Maybe, I don't figure that one yet. Pero I'm sure na isa sa kanila ang dahilan kung bakit gusto nilang dukutin si Rosie, maybe for money or something shits." Sambit ni Rose saka uminom ng tubig. "Since mukhang wala namang kinalaman ang parents ni Rosie dahil sarili nilang anak ang nawawala and hindi nila madalas kasama si Rosie dahil puro trabaho, and 'yung grandparents niya ay masyadong busy sa pag gawa ng pera at mukha naman wala silang kwenta. Mag focus na lang muna siguro tayo sa friends ni Rosie." Sambit ni Cole at may kinuhang 8 folder saka nilapag sa table nila. "What's this?" Tanong ni Rose, binuksan niya isa-isa ang folder at nandoon sa loob ang files ng mga bata. "Where did you find this?" Tanong ni Connor. "You know, Charms can use at everything, better try it too." Saad ni Cole sabay kindat kay Connor. Bakla ka ba? Sabi ni Rose sa kaniyang isip pero binaliwala niya lang ito. "Let's start with Frankie Abigail Sebastian, Nakilala ang mga Sebastian dahil mga singers ang parte ng pamilya na ito. Frankie Abigail is working on a night club as a singer, ginagawa niya ito as a part time job. Kilala si Frankie dahil sa kakaiba nitong style sa pagkanta. Nakilala niya si Rosie dahil nagpunta ito sa gig niya na sobrang nagustuhan ni Frankie, Siya ang unang nakilala ni Rosie sa kanilang magkakaibigan. Sabi nila Lesbian daw si Frankie pero wala pang nakakapagpatunany nun sa akin." Ani Cole sabay lapag ng isang litrato nito sa mesa. "Second, Sicario Aadolf De Castro, nagtra-trabaho siya sa isang store which is sa 7/11 dahil ayaw niyang tustusan ng mga magulang niya ang pag-aaral niya. Sikat siya sa mga riot, gang war at iba pa na related sa mga underground things, kaya siya sobrang protective sa mga kaibigan niya dahil baka balikan siya nito at gantihan ang mga kaibigan niya. Si Sicario ang pinaka huling nakilala ni Rosie, nagkakilala sila sa mismong pinagtra-trabahuan ni Sicario." Katulad ng ginawa niya kay Frankie, naglapag siya ng larawan nito. "Oswald Pace Garcia, kung iisipin mukha siyang normal pero hindi spoiled brat 'yang tarantado na 'yan. Ang parents niya ay nagmamay-ari ng mga luxury hotels dito sa pilipinas pero ang balita ko nag-e-expand na daw ang negosyo nila. Hindi siya makikilala ni Rosie kung hindi dahil sa jowa niyang si Olivia. Hindi masyadong close si Rosie at Oswald dahil magkakumpetensya ang parents nilang dalawa, at syempre laging busy itong si Oswald sa jowa niyang hipon." "Olivia Price Nicolas, isa pa 'tong spoiled brat dahil ang parents niya isa sa mga high-paid actors, Mana lang naman siya sa jowa niyang tukmol sa pagiging spoiled brat niya. Nakilala si Olivia hindi dahil sa parents niya kundi isa siyang fashion designer at Runaway model katulad ni Rosie, pero para siyang underrated sa mga ganung bagay. Nagkakilala silang dalawa ni Rosie sa isang fashion show at syempre parehas lang naman sila ng University na pinapasukan." Huminto muna saglit si Cole sa pagsasalita at uminom ng isang basong tubig bago magpatuloy. "Sunod, Rollen Mikyla Collen, katulad lang din ni Olivia at Rosie mahilig din siya sa Fashion. Ang parents niya ay parehong nakilala sa pagrampa sa mga bigating fashion show kaya sumunod na rin siya sa yapak nila. Malas lang nila dahil hindi naman masyadong maganda anak nila. Nagkakilala sila Rollen at Rosie sa isang Boutique, mahilig sa fashion. May karelasyon si Rollen which is ang sunod na isa pang tukmol na si Russelle." Napailing na lang si Rose sa pananalita ni Cole, hindi daw kasi nawawalan ng panlalait ang lalaki sa tuwing sasabihin niya ang mga pangalan ng mga kaibigan ni ROsie. "Russelle Prinz Santiago, Ganto talaga ang mga pangalan ng mga cheater, mga magaganda ang mga pangalan nila.." Suko na talaga si Rose kay Cole. "Kaya pala Cole Wade Ferrer ang pangalan mo, babaero ka pala." Sambit na lang ni Rose habang nakataas ang kialy nito. "As what I'm saying, Girlfriend niya si Rollen pero may secret realation siya sa kapwa niya kaibigan na si Rosie, uhm Love triangle na talagang sumakto na pare-parehong nagsisimula sa R ang pangalan nila. Russelle parents are known for Casinos, nagkakilala silang dalawa sa mismong bahay nila, nauna kasing nakilala ni tukmol si Rosie kesa sa jowa niya ngayon. 2 Years na sila ng jowa niya while silang dalawa ni Rosie ay halos tumagal din ng 3 years, hidden relationship pa 'yun." "Itong si Ece Hezekiah Martinez, punyeta pinahirapan ako netong b***h na'to." Inis na sambit ni Cole. "Why?" "Sa kanilang lahat si Ece lang naman ang pinaka-mahirap hanapin ang files, halos hindi mo na makikita ang kaniya kung hindi mo lang hahalungkatin ng mabuti. Pero dahil ako si Cole, may connection ako sa lahat." mayabang na saad niya. "Connection sa lahat? O Connection sa lahat ng babae?..." Poker face na saad ni Rose. "Wa'g mo ng sagutin, magpatuloy ka na lang." "Ece Hezekiah Martinez, dating nagda-drugs dahil ang kapatid niya ay nagtutulak din. Nakulong ang tatay niya dahil sa parehong dahilan, halos lahat nga sila nagda-drugs, nahuli lang talaga siya. Simula ng makulong ang tatay niya, wala na silang pinagkunang budget at nabaon sila sa utang, pero dahil sa kuya niya ay nakaahon sila. Hindi ko alam kung dahil sa kuya niya o dahil sa drugs. Pero ayon na nga, naampon siya ng mga MArtinez at nagbago na siya. Siya na 'yung nakilala niyong Ece ngayon." "Pero may something talaga dito sa batang 'to. May tinatago siya na kahit ako hindi ko malaman." Saad ni Cole "Ano naman 'yun Cole?"  Tila wala siyang narinig at nakatulala lang sa larawan ni Ece, hinawakan siya ni Rose sa balikan kaya nabalik na siya sa ulirat niya. "May problema ba?" "Wala, Wala. Pagpatuloy na natin." "Indiax Charlotte Gabrielle, mas matanda siya sa mga kaibigan niya dahil nag stop siya sa pag aaral. Nag balik naman siya sa pag-aaral at naging magkaklase silang dalawa ni Rosie, medyo may pagka anti-social itong si Indiax pero nung naging magkaibigan silang dalawa ni Rosie, nagbago siya. Super active sa mga charity, kung ano-anong charity ang tinulungan niya. Nagtra-trabaho siya sa isang Night Club bilang isang Bartender, part time job niya."  Kumpleto na ang larawan nilang lahat sa lamesa, napabugtong hininga silang tatlo at isa-isang tinignan ang mga larawan. Isa lang ang tumatakbo sa isip nilang tatlo, isa sa kanila ang may kinalaman sa pagkadukot 'dapat' kay Rosie, pero pakiramdam nila isa din sa kanila ang tumulong upang maging ligtas si Rosie. "Itong case na 'to ang pinaka magandang nahawakan ko, hindi natin alam kung buhay pa ba si Rosie o patay na, baka tama ang naisip ni Rose tungkol sa blackout thingy na 'yan pero isa lang alam ko..." Sabay na napatingin sila Rose at Connor kay Cole na umiinom na ng tubig. "Isa kanila ang mastermind sa lahat ng 'to. And kung akala niya magaling siyang mag-laro, hintayin niya lang kung paano tayo makipaglaro." Sa boses ni Cole halatang hindi na siya nakikipag biruan. Bigla na lang naalala ni Rose ang Records na nahalungkat niya, tumakbo siya papunta sa kwarto niya at kinuha ang isang Box. Dinala niya ito at binagsak sa table. "May pagkakaiba silang lahat pero may pagkakaparehas silang lahat.." Nagkatinginan si Cole at Connor sa sinabi ni Rose. Binuksan niya ang box. "They all have criminal records." Ece POV Nasa loob ako ng bahay, mag-isa lang ako dahil wala naman sila Daddy, Mommy at Kuya Magkakasama silang pumuntang Singapore para sa isang conference.  Habang nanonood ay may biglang kumatok, tumayo ako at binagbuksan ang tao sa labas. Nadatnan ko si Russelle na mukhang hindi maganda ang mood, dahil naka kunot ang kaniya noo. "Anong ginagawa mo dito?" Hindi niya ako sinagot, inangat niya ang kaniyang kanang kamay at pinakita ang nasa cellphone niya. Halos mabitawan ko ang cellphone niya dahil sa isang larawan, naka polaroid ang larawan, hawak siya at pinicturan lang ito at sinend kay Russelle. Ang nasa larawan ay silang dalawa ni Rosie, nasa banyo, Parehas silang nakaupo sa bathtub sa unang tingin alam ko na agad na bahay ito ni Russelle. Nakaupo sa hita ni Russelle si Rosie at naghahalikan silang dalawa. May text message pang kasama.. From: Unknown Hey, Russelle! Miss these moments? Don't worry para hindi mo ma-miss si Rosie at ang moment niyong 'to pinicturan ko na para sayo.  PS. Don't wait na isend ko 'to sa Girlfriend mo, you should tell the truth na. "K-Kanino galing 'to?" Nanginginig na sambit ko. "Hindi ko alam kung sinong tarantado ang kumuha sa aming dalawa ni Rosie, Pero isa lang ang alam ko.." Humakbang palapit sa akin si Russelle, hindi ako gumalaw sa pwesto ko. "Sa lahat ng kaibigan ko ikaw lang ang nakakaalam sa amin ni Rosie." Ani Russelle kaya tinulak ko siya palayo sa akin. "Gago ka ba? Sa tingin mo ba ipapahamak ko si Rosie dahil lang may secret affair kayong dalawa. Kapag nalaman 'to ni Rollen mayayari si Rosie, sa tingin mo gagawin ko 'yun?" Hindi nakasagot si Russelle "Umalis ka na Russelle bago pa ako tumawag ng security." Pagbabanta ko dito tsaka siya umalis. Pagkasarado ko ng pinto biglang nanghina ang mga tuhod ko mabuti lang napakapit ako sa doorknob namin, dahan-dahan akong naupo sa sahig. Para akong baliw dito, nakatulala, hindi alam kung anong gagawin. Kung gusto mong maglaro, makikipaglaro ako sayo End of Chapter 008
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม