009

1749 คำ
Where is Rosie by SundayisBest Back to Zero Detective Connor POV "They all have criminal records."  "Criminal records? Sa bata nilang 'yun?" Hindi makapaniwalang sambit ni Cole. "Parang dati hindi ko magawang magpa guidance 'tas sila criminal records agad." Dagdag pa nito, napakunot noo na lang ako dahil sa sinabi niya Hindi ka nag-iisa Cole, hindi ka nag-iisa. "Plaihim ko lang 'to kinuha sa laptop ni Chief, kaya hindi ko muna gad sinabi sa inyong dalawa." Nilabas ni Rose ang isang notebook na galing sa loob ng box. "Lahat ng criminal records meron siya, since nagkulong nga ang tatay ni Ece, naisipan kong hanapin ang criminal records ng tatay niya and it turns out na meron pala silang lahat." Binuksan niya ang notebook at pinaglipat lipat ang pahina. "Para hindi na ako mahirapan sinulat ko na lang ang records nila at kung bakit nila ginawa 'yun." Napatungo na lang kaming dalawa ni Cole at inantay na magsimula si Rose sa mga nalaman niya. "Si Indiax ay nakasuhan ng Arson noong 19 years old siya, nakulong siya ng 2 years dahil nakapagpiyansa ang mga magulang niya. Hindi kasi nila alam na nakulong pala ang anak nila, akala nila naglayas lang ito o kaya nasa kung saan lang. Sinunog niya ang bahay ng kaklase niyang babae, sabi niya sa statement niya kaya niya lang naman daw niya 'yun ginawa dahil bored lang siya." Napataas ang kilay ko dahil sa dahilan ng babaeng 'yun. "Bored? Tang-- subukan ko din kayang manunog ng bahay dahil bored ako." React ni Cole. Pambihirang bata iyan, hindi ako makapaniwala dahil sa dahilan niya, Sinong bata ang manununog ng bahay dahil bored? SI Indiax po iyon. "Si Sicario naman ay nakasuhan ng Homicide, nakulong siya for 1 year lang dahil may koneksyon ang parents niya sa underground kaya ayun napawalang sala siya. Pinatay niya ang anak ng mayor na si Castollo sa mismong bahay nila. So basically dalawa dapat ang kaso niya, Trespassing at Homicide pero Homicide ang hinatol sa kaniya." "Bakit niya naman pinatay 'yung anak ng mayor? Baka bored din siya?" Cole "Hindi, nakalaban ni Sicario si Castollo sa isang underground fight, may nasabi sigurong hindi maganda si Castollo at nagdilim ang paningin niya kaya napatay niya si Castollo." Sagot ni Rose, nilipat niya pahina sa susunod at nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Kay Oswald ay r**e, hindi siya gaanong nagtagal sa kulungan dahil napawalang sala siya. Sabi ng mga napagtanungan ko binayaran daw ng mga magulang ni Oswald ang Judge at pinagbantaan kaya ayun napawalang sala si Oswald. Ni r**e niya ang anak ng katulong nila, at obviously nagpakamatay ang babae dahil sa depress.   "Ang Olivia, Robbery naman ang kaniya. Pinasok lang naman niya ang pinaka malaking bangko dito sa pilipinas pero nahuli siya dahil may tumamang bala sa kaniya. Katulad ng kay Oswald, ganun din ang ginawa ng parents niya. " "Wow, mala money heist naman pala 'tong babaeng 'to. Siguro si tokio siya." "Si Ece, obviously Drug Trafficking ang kaniya. Since bata pa lang siya nung nahuli, hindi siya kinulong, dinala siya sa DSWD at doon namalagi." "At 'yung natira sa kanila, katulad ni Sicario ay Homicide ang kinaso sa kanila. Nakalaya dahil may connection ang mga pamilya nila." Saad ni Rose sabay sara ng notebook niya. "Grabe ang babata pa nila pero nakagawa na sila ng crimen." Bulong ni Cole "Hindi nakakapagtaka na kaya rin nilang gawin 'yun sa kaibigan nila." Dagdag pa nito. Kinuha ko ang cellphone ko at kinontak si Nate, hindi nagtagal ay sinagot niya ang tawag. "Hello, this is Detective Nate. How can I help you?" Bungad niya  "Nate pwede bang ipa-surveillance mo ang mga kaibigan ni Rosie? Pakibantayan sila 24/7, kung pwede kunin mo ang schedule nila sa School, Balitaan mo kung may kahina-hinala silang ginagawa pati na rin kung may nagbago sa schedule nila at kung saan sila pupunta." Sambit ko/ "Masusunod po Sir." Binaba ko na ang tawag at binalik sa bulsa ang cellphone ko. "Kung totoo man ang sinabi ni Rose tungkol sa sabwatan na 'yan we need to make sure na makikipagtulunan siya sa atin para maprotektahan si Rosie."  "So basically sa kanilang lahat si Rosie lang ang walang criminal records?" Tanong ni Cole habang may tinitignan sa loob ng box. Tumango na lang si Rose bilang sagot. "Tang*nang yan, napapalibutan ng mga demonyo ang isang inosenteng anghel." Ani Cole, bigla siyang may kinuha sa loob ng box, pinakita niya sa amin ang isang bracelet. "Kanino 'to? Baka sayo 'to Rose, nahulog mo bigla." Hindi sumagot si Rose at kinuha ang Bracelet. "Hindi ako mayaman para bumili ng isang Martin Katz Diamond Bracelet." Sagot niya habang tinitignang mabuti ang bracelet. "Martin Katz Diamond Bracelet, huh. Sobrang mahal niyan para sa isang batang babae." Inagaw ni Cole ang bracelet mula kay Rose. Ang bracelet ay napapalibutan ng diamond, aakalain mong simpleng bracelet lang siya pero ang presyo niya ay mukhang mas mahal pa sa inaakala mo. Pero kung gusto mo magkaroon ng isang bracelet na napapalibutan ng diamond pero ang gagastusin mo ay nasa 50 lang, try mo ng pumunta sa Divisoria.  "Sino ba afford ang isang gantong kamahal na bracelet?" "Si Candy lang naman ang mahilig sa mga mamahaling accessories."  "Why she do that? I thought ayaw niya sa apo niya." Sagot ni Cole ng hindi pinuputol ang tingin sa bracelet. Nanaig ang katahimikan sa amin ng biglang may humampas sa mesa. "Ano ba Cole?!"  Binagsak lang naman ni Cole ang bracelet sa mesa ng walang pag-aalinlangan. Tukmol din 'tong isa na 'to, binagsak lang naman ng pagkalakas-lakas ang bracelet na parang hindi milyon-milyon ang halaga non. "Wa'g kayong mag-alala, diyamante 'yan hindi madaling mabasag 'yan." Nilapitan ni Rose si Cole dahil naka taas ang kamay niya sa ilaw tila may hawak siyang kung ano. "Ano ba 'yang hawak mo?" tanong ni Rose. "Isang hibla lang naman ng buhok ang nakita ko bracelet na 'yan." Si Cole. "Kailan ba nasuot ni Rosie ang bracelet na 'yan?"  "Kasama daw iyan sa mga narecover nila na gamit ni Rosie nung party." Sagot ni Rose. "Buhok 'to ng isang babae, mahaba ang buhok na ito eh' , lalaki ang kumuha sa kaniya diba?" Oo nga ano, or siguro hindi. "No, maybe ang humila kay Rosie ay babae." Pwede ang sinabi ni Rose, may posibilidad na babae nga ang kumuha sa kaniya. "Kailan siguro natin 'to dahil sa lab, DNA din naman 'to." Nauna na akong umalis sa kaniya, napatigil ako sa biglang pag-sigaw ni Cole. "Anong nangyari sayo Cole?" Natagpuan na lang namin siya na nakahandusay sa sahig at may isang asong dumidila sa mukha niya. "Stop! Argh! Go away!" sigaw niya habang tinataboy ang aso, lumapit sa kaniya si Rosie at hinila ang aso papalayo sa duwag na si Cole. "Ashton!" "f**k! Kanino bang aso 'yan?" Inis na sambit ni Cole at pinagpagan ang damit niya. "Sa 'kin may problema ba?" Taas kilay na sambit ni Rose habang pinapasok sa kwarto niya ang aso. Nagpatuloy sa pagpagpag ng damit niya, teka asan na 'yung hawak niya? "Cole, nasaan na ang hibla ng buhok?"  Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig, kinapa-kapa niya ang damit niya at sabay sabing... "f**k!"  "No Way! Cole naman!" napa-face palm na lang kaming dalawa ni Rose. "Baka naman nandito lang 'yun." Lumuhod pa siya at kinapa-kapa ang sahig. "Imposibleng nandyan 'yan, it's either nalusot sa butas na 'yan o nasa damit mo o baka nasa aso ko."  Ayon na lang ang chance namin para malaman kung kanino ang buhok na 'yun at kung saan niya tinago si Rosie, kung sino man siya. Napa-sandal na lang si Cole sa dingding na nasa tabi niya, hindi parin siya natigil kaka-mura niya. "Back to Zero."  THIRD PERSON POV Ang buong tropa ay nasa bahay ni Frankie, inaaliw na lang nila ang kanilang mga sarili dahil sa interrogation na nangyari. Sila Ece at Russell ay parehas na wala sa tamang wisyo dahil sa picture na sinend kay Russelle, hanggang ngayon ay wala parin silang ideya kung sino ang kumuha nun at mukhang balak pa yatang sirain ang pagkakaibigan nilang lahat, dahil sa isang pagkakamali. Lahat sila ay may sari-sariling mundo, may iba iba silang ginawa upang maaliw. Sila Indiax at Frankie ay may pinag-uusapan sa isnag gilid, mukhang seryoso dahil hindi naman sila natawang dalawa. Si Olivia at Rollen naman ay pinapanood ang boys kasama si Ece sa paglalaro nila ng Uno, laro na kung saan magkakasira kayo ng mga kaibigan mo, na ngayon ay mangyayari na dahil sa pagkapanalo ni Ece. "Uno!" Sigaw nito sabay lapag ng natitira niyang baraha, all the boys groaned, how many times did they lose against Ece? I lost counting. "You are great Ece, hindi ko na mabilang kung ilang beses mo kaming natalo sa baraha na 'yan." Sambit ni Oswald. "She's amazing because that what she does before we met her, right?" Nag-umpisa na naman si Rollen, napapikit na lang ng mariin si Ece. Keep calm, Ece. Keep calm.  Pagpapakalma ni Ece sa kaniyang sarili. Nanaig ang katahimikan sa kanilang lahat, maski sila Indiax at Frankie na malayo sa kanila ay napatingin sa pwesto nila. "Sa sobrang addicted niya diyan, tignan mo nakulong." Dagdag ni Rollen, hindi na nakapag tikpi si Ece kaya nasagot na niya ito. "I didn't go to jail because I'm addicted to gambling, you know that." May konting pasensya pang natitira si Ece pero hindi iyon para kay Rollen. "Yes, I know, You go to jail because you sell drugs." Lumapit si Ece kay Rollen at tinignan ito ng masama. "Unlike you, pinatay ang sariling lola dahil hindi binigyan ng pera pampasinghot, bakit hindi ka na lang lumapit sa akin nung time na 'yun baka nakalibre ka pa. Hindi 'yung kailangan mo pang pumatay ng matanda." Naubos na ang pasensya ni Ece sa kaniya, lagi na lang siya nitong pinagmumukhang masama. "Yeah, I killed that son of a b***h and guess what sunod ka na." Bago pa siya makapalag ay naawat na siya ng boys. Nilayo nila si Rollen kay Ece, hinigit ni Russelle si Rollen papalayo sa kanilang lahat. Namayania ng katahimikan nilang lahat, hindi parin sila makapaniwala sa action ni Rollen kay Ece, mukhang may lihim na galit si Rollen sa kaniya na hindi niya maintindihan kung saan nanggaling. "Ano bang nangyayari sa ating lahat? Simula ng mawala si Rosie nagkaganto na tayo, maayos naman tayo dati ah." malungkot na sambit ni Olivia kaya napayakap na lang si Oswald sa kaniya. Hindi nagsalita si Ece at umalis na lang papunta sa bahay nila. Bumungad pa ang mga magulang niya sa Salas pero hindi niya ito pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa pagakyat sa kwarto nito. Pagkasarado niya ng pinto ang pagkasabay ng pagbagsak ng luha niya. Ayaw na niyang balikan ang nakaraan niya, it makes her depress even more. She can't forget what happened in the past but she's sure that her past can't speak and will not repeat again. One mistake is enough and no need to add more. End of Chapter 009
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม