Where is Rosie by SundayisBest Epilogue THIRD PERSON POV "Ito ang hinahanap niyong tao, siguraduhin niyong mahahanap niyo siya dito sa lugar na 'to! Walang uuwi hanggat hindi natin siya kasama, naiintindihan niyo?!" Maotoridad na sambit ni Madam lahat ng alagad niya ay nagsi-tango at nagsimula nang mag-lakad paalis. Napabugtong hininga si Madam, hindi niya mapigilan ang ma-excited dahil sa mga susunod na mangyayari. Sa ika-'hindi niya alam kung ilan' beses na pagkakataon muling mako-kompleto ang kolesyon niya ng iba't ibang klase ng tao. Lumapit siya sa pwesto ni Chief na naka-ngiti sa kaniya, hinubad niya ang suot niyang gwantes agad naman itong hinalikan ni Chief. Malandi kasi si Chief wa'g niyo siyang i-judge. "Kanina pa kayo rito pero hindi man lang kayo naka-hanap ng kahit ano

