Where is Rosie by SundayisBest Family THIRD PERSON POV Katulad nga ng napag-usapan ay dumeretsyo sila sa isang korean restaurant, habang nasa byahe ay nagkakantahan sila na pinangunahan ng isang sintunadong si Sicario. "Tumigil ka na Sicario baka magulat sila kung anong nangyayari sa loob ng sasakyan baka isipin nila sinasaktan ka namin," Reklamo ni Oswald. "'Yung boses ko mala-anghel kaya 'wag mo akong pigilan na kumanta ha!" Giit ni Sicario "Baka mala-demonyo ang boses mo," Sobrang pangbu-bully nila kay Sicario pero ayos lang ito. Parang ito na ang reward sa kanila dahil natapos na ang kalbaryo sa kanilang buhay, kung nagtataka kayo kung paano nila napalabas na patay na sila ay naglabas si Cole ng mga 'fake bodies' na pinaghandaan niyang mabuti, ilang araw na trinabaho ito ni Cole

