Where is Rosie by SundayisBest
Mystery Box
NOTE: Biglaang update lang po. WARNING: Eudora-Sicario Moments are ahead, be prepared, Chour
ANOTHER WARNING: Medyo baboy
THIRD PERSON POV
"May something ba sa inyong dalawa ni Frankie, Indiax?" Tanong ni Olivia habang naghahain ng pagkain sa mesa.
Nasa bahay sila ngayon ni Russelle, nagplano kasi sila ng isang linggong celebration para sa birthday ni Russelle. Hindi makapaniwala si Ece na magce-celebrate sila ng birthday ni Russelle na wala si Rosie. Pero kung tutuusin mas okay na 'yun, walang mangyayaring masama dahil baka ilabas ng kung sino man ang mga sine-send kay Russelle na picture nilang dalawa ni Rosie.
"Bakit anong meron sa kanilang dalawa?" tanong ni Eudora, pati siya ay inimbita na rin kahit naman nilang araw palang nila nakakasama si Eudora ay nagiging komportable na sila sa dalagita.
"Parang may something kasi silang dalawa, lagi na silang mag kasama ngayon e' dati halos hindi sila mapagdikit tapos palagi pa silang wala." sagot ni Rollen, himala na lang na naging magkaibigan pa silang dalawa ni Eudora.
"Baka naman may ginawa lang?" Napakibit balikat na lang silang lahat hindi na lang pinansin ni Indiax ang mga pinagsasabi nila, Napalingon silang lahat sa biglang pagpasok ni Frankie sa Dining Area sabay lapit sa pwesto ni Indiax.
Dahil tapos na silang ihanda ang pagkain, tinawag na rin nila ang ibang boys.
"Uulitin ko 'yung tanong ko para sa inyong dalawa ha..." Tanong ni Olivia sabay turo sa magkatabi na sila Frankie at Indiax
"May something ba sa inyong dalawa?"
Nagkatinginan muna silang dalawa bago umiling bilang sagot.
"Naku! 'Wag niyo kaming lokohin dito kasi wala kayong maloloko, tsaka ayaw niyo bang malaman ni SIcario ang totoo? Gusto ko ngang nasasaktan 'tong si Sicario eh." Ani Olivia nagtawanan naman silang lahat sa pagsama ng timpla ng mukha ni Sicario.
"Baka naman gusto mong bigyan ng pagkakataon 'tong tropa natin na makaporma kay Indiax? Sobrang broken na niya oh." Gatong pa ni Oswald kaya lalong naging bad mood si Sicario.
"Hindi ba pwedeng pareho lang kami nang ginagawa? Pareho kaming dalawa?" Taas kilay na sambit ni Frankie, Nanlaki ang mata ni Rollen.
"Bi ka din Indi?!" Sambit nito, hindi naman kaagad nakasagot si indiax.
"Sobrang kawawa na talaga si Sicario, 'yung dati niya lang naman pinormahan at mukhang popormahan pa ulit ay isa palang Bisexual. Malabo ka na talagang magka-jowa ngayon, napaka-torpe mo pa namang tukmol ka." Napailing-iling pa si Russelle
"Hindi ako Bi, pwede ba tantanan niyo na 'yang si sicario?" Sambit ni Indiax pero imbis na tantanan si Sicario ay naghiyawan ang ilan sa kanila habang inaalog si Sicario.
"May pag-asa ka pang tukmol ka! Grab the opportunity, pinansin ka na ni Indiax. Humayo ka at magpakarami!"
NATAPOS ang kainan nila at nasa garden na silang lahat, may mga alak din na nakalapag sa lamesa, may mga upos ng sigarilyo sa sahig, may bonfire pa sa gitna nilang lahat. Hindi nila iniisip na bata pa sila, nakagawa nga sila ng krimen, manigarilyo pa kaya.
Napansin ni Sicario na tahimik lang sa gilid si Eudora, para itong takot na lapitan silang magkakaibigan. Dahil gago nga ang isang Sicario, nilapitan niya si Eudora. Agad napa-layo sa kaniya si Eudora habang nakatingin sa sigarilyo na hawak nito, agad naman niya itong napansin kaya tinapon niya ito kung saan.
"May problema ba?" Tanong niya dito, umiling na lang si Eudora at tumingin sa malayo. Nanaig ang katahimikan sa kanilang dalawa, napatingin si Sicario sa mga kaibigan niya na ngayon ay nagsasayawan pwera sa mahal niyang si Indiax.
"Bakit ka nandito?" Napatigil ang pagtitig niya kay Indiax
"Napansin ko kasing nag-iisa ka kaya sinamahan kita dito." Ngayon lang niya nakita ng malapitan ang mukha ni Eudora, Maganda ang mga mata niya parang nangungusap ang mga mata nito.
"Pansin ko lagi ka nilang inaasar kay Indiax." Napatungo na lang si Sicario at nag-iwas ng tingin kay Eudora.
"Matagal ko na talaga kasing gusto si Indiax, kahit na sabihin mong mas matanda siya sa akin walang makakapigil sa akin. Naniniwala kasi talaga ako sa kasabihang 'Age Doesn't Matter' kaya ito ako umaasa kahit na sa simula pa lang talo na." Sambit ni Sicario
"Bakit ayaw mo siyang kalimutan? You know, mag move forward ka na lang." Move Forward?
"Move Forward?"
"Ang Move on kasi kakalimutan mo siya, lahat ng meron kayong dalawa ay ibabaon mo sa hukay and then magpro-proceed ka sa buhay mo. While ang Move Forward naman ay babaunin mo lahat ng memories mo with that person 'tsaka ka magpro-proceed sa buhay mo." sagot nito habang diretsyong nakatingin kay Sicario. Nakaisip ng kakaibang ideya si Eudora.
"Kung gusto mo tulungan kitang mag-move forward?" Napatingin bigla si Sicario dahil sa sinabi niya, hindi ito sumagot dahil inaantay niyang mag-sabi ito ng "JOKE LANG, HINDI KITA TYPE" or "GUYS, NANIWALA SIYA SA AKIN HAHA" pero wala
"Seryoso ka?" Tumango na lang si Eudora
"Parang rebound mo ako na hindi, gano'n." Nakangiting sambit ni Eudora.
"Pero bakit?" Hindi sumagot si Eudora, tumayo na lang ito at bumalik na lang sa mga kaibigan nila. Napadako ang tingin niya kay Indiax na nakatingin sa kaniya ngayon.
Simula pa lang day 1 ikaw na gusto ko pero humantong nasa last day ang nararamdaman ko sayo. Magmo-moving up na nga ako 'e.
Napatigil silang lahat dahil sa biglang may nag-dorbell, napatayo si Oswald at exicted na pumunta sa Gate nila Russelle, akala niya bubungad sa kaniya ang isang delevery boy ngunit dalawang box lang ang nadatnan niya sa labas. Nagkibit kalikat na lang siya at pinasok sa loob ang dalawang box.
Nagtaka silang lahat dahil sa bitbit ni Oswald nang bumalik ito, lahat sila nakatingin kay Oswald na nakangiting aso.
"Um-order ako ng Mystery Box sa Lazada okay?" Sambit nito at binuksan ang isang Box.
"Vlogger ka ba ha? Bakit kailangan pang um-order ng Mystery Box?" Sambit ni Russelle, lumapit ito kay Oswald at tinulungan sa pagbubukas ng box.
"Lahat ng nandito, regalo ko sayo. Swerte mo kung may protection dito, may magagamit kayo ni Rollen." Napaiwas na lang ng tingin si Rollen dahil sa sinabi ni Oswald, sinapak siya ni Russelle sa braso.
Binuksan nila ang box at talagang pinanindigan ni Oswald ang pagiging isang vloggerist niya. Isa-isa pa niyang tinesting ang mga bagay na nasa loob, nagmistula pa itong pino-focus na parang may camera sa harap niya.
"Tangna---" Napatakbo ni Oswald dahil sa last item na nasa loob ng box, samantalang si Sicario ay tawa lang ng tawa at si Russelle ay namumutla na. Nagtataka ang audience, ang mag girls, dahil sa reaksyong nilang tatlo. Napatayo si Rollen, titignan niya dapat ang laman pero bigla na lang bumalik si Oswald at kinuha ang box, sumama sa kaniya ang dalawang boys.
"Anong nangyari?" takang tanong ni Olivia, naiwan silang tulala at hindi maka-sunod sa ginawa ng tatlong 'yun.
Nilapitan ni Rollen ang isa pang box na naiwan at binuksan ito, halos mamamatay siya sa gulat dahil sa laman ng box.
"WHAT THE FCK?!" Dahil sa sobrang shock ni Rollen ay nabato niya ang kahon na nagresulta ng paglabas ng laman nito.
Lahat ng girls ay nagsilayuan habang nagsisigawan. Ang kakaalis lang na boys ay nagmamadaling bumalik.
"Anong nangyari?" Natatarantang tanong ni Sicario, kaniya-kaniya silang lapit sa mga girlfriend nila, pwera kay Sicario na wala namang jowa.
"Anong nangyari babe?" Nag-aalalang tanong ni Russelle kay Rollen, Umiiyak at nanginginig ang lahat ng mga babae. Tinuro ni Rollen ang isang bagay dahan-dahan naman nila itong tinignan.
"Tanginang 'yan."
Hindi nila alam kung anong gagawin sa bagay na 'yun. Ang laman ng kahon ay isang pugot na ulo ng isang babae, hindi matukoy kung sino ito dahil kinudkod ang mga mata nito, tinahi ang labi at hiniwa ang ilong.
Nilapitan ni Sicario ang ulo, hindi makapaniwala sa nakikita niya ngayon, tinignan niya ang loob ng box halos masuka siya sa natirang laman nito.
"Huwag mong sabihin may extrang ulo diyan?" Sambit ni Oswald, hinampas siya sa braso ni Olivia na nanginginig parin ngayon.
Hindi nakasagot si Sicario at nakatitig lang sa kahon, nilapitan siya ni Eudora katulad ng kay Sicario hindi niya rin kinaya ang nasa loob. Dinampit niya ang gunting at ginupit ang apat na gilid ng kahon, hindi humihinga si Eudora habang ginagawa ito.
"Tangina talaga kung sinong gumawa nito." Giit ni Sicario
Kahit nandidiri si Eudor ay kinuha niya ang kahon at hinarap sa mga kaibigan niya sandaling natahimik sila at halos mabuwal sa nakikita nila ngayon.
I see you (⌒_⌒;)
'Yan ang nakasulat sa kahon pero hindi iyon simpleng sinulat lang. Ang nagmistulang I ay ang hiniwang ilong mula sa pugot na ulo, Ang see naman ay hindi literal na sinulat pero ang nakalagay doon ay ang pares ng mata mula ulit sa ulo at ang you naman ay sinulat mula sa dugo ng babae kasama na roon ang emoji na nakadugtong dito.
Dahil sa pandidiri ay agad na binitawan ni Eudora ang kahon, hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha niya.
"Mabuti pang iuwi na natin ang girls, tsaka natin itapon 'tong ulo na 'to." Sambit ni Russelle
Hinatid nila ang mga babae at bumalik ka agad sa bakuran nila Russelle, nakatitig lang sila sa ulo hindi alam kung anong gagawin nila dito.
"Pati ba 'to kasama sa in-order mo?" Tanong ni Sicario kay Oswald.
"Isa lang in-order kong Mystery Box, 'tsaka kanina noong kinuha ko ito nakalapag lang sa sahig, hindi ko na rin nakita kung sino ang naglapag nun do'n." Paliwanag ni Oswald
Kumuha ng plastic na itim si Sicario, sinilid nila ito sa loob kasama ang kahon na ginupit kanina ni Eudora.
"Sabihin kaya natin 'to kila Detective Rose? Baka makatulong sila kung sinong hinayupak ang gumawa neto sa atin." Suhestsyon ni Oswald, napatungo na lang ang dalawa at tinawagan nila si Detective Rose.
UNKNOWN POV (since hidden pa ang identity nitong batang ito, ito muna POV niya.)
Pagkapasok ko ng bahay ay agad bumungad sa akin ang ate ko, nakataas ang kilay.
"Nakuha ba nila 'yung box?" Tanong nito sa akin, tumango na lang ako sa kaniya at naupo sa sofa.
"Anong reaksyon nila?" Dugtong pa nito.
"Natakot." Ang tanging sagot ko sa kaniya, hindi ko alam kung bakit ba ako nagsusunod-sunuran sa kaniya,Papatayin niya ako pati ang mga kaibigan ko 'pag nilabag ko siya.
"Subukan mo ulit akong suwayin hindi lang 'yan ang matatanggap ng mga batang 'yun." Ani nito at hinila ako patungo sa silid ko. Para akong papel na hinagis niya lang papasok sa loob. Tumingala ako at tinignan ko siya ng masama.
"Walang mangyayari sa pagtingin mo sa akin ng masama, Nabuhay ka sa mundong 'to para sundin lahat ng gusto ko at sa oras na tinarantado mo ko patay ang mga kaibigan mo." Saad niya bago niya ako ikulong ulit sa silid na ito.
Tumayo ako at binuksan ang isang aparador, wala itong lamang mga damit pero ang larawan lang niya ang nakapaskil dito.
Paulit-ulit kong sinira ang larawan niya gamit ang kutsilyo hanggang sa naiyak na lang ako.
Balang araw mamumuhay ako na wala siya sa paligid ko, mamumuhay ako bilang ako.
End of Chapter 012
(。♥‿♥。)