Where is Rosie by SundayisBest
THIRD PERSON POV
"Anong nangyari?" Tanong ni Detective Rose sa grupo nila Ece
Umagang-umaga palang ay nasa bahay sila ngayon ni Rose kasama nila sila Connor at Cole na walang imik sa isang tabi. Dahil lunes ngayon ay hindi sila pumasok dahil ma-trauma sila sa nangyari kagabi.
Hindi makatulog ang ilan sa kanila dahil naaalala parin nila ang pugot na ulo na galing sa hindi malamang tao pero panigurado silang isa itong Death Threat para takutin sila.
"Hindi namin alam kung kanina nagmula 'yung Box nadatnan ko na lang 'yun sa labas ng bahay nila Russelle." Paliwanag ni Oswald, nagkatinginan pa sila Connor at Cole parang iisa lang ang naiisip nilang dalawa.
"Hindi niyo ba alam kung sino ang may kayang gumawa nito sa inyo?" tanong ulit ni Rose pero napailing nalang silang lahat at yumuko.
"Baka naman isa sa inyo 'yun?" Biglang sambit ni Cole at nainom ng hawak niyang baso na may lamang kape. Tinignan siya ng masama ni Rose ngunit nagkibit balikat na lang si Cole at nag-iwas ng tingin.
"Bakit naman isa sa min ang gagawa noon? Baliw ba kami para takutin ang sarili namin?" Nanginginig na sambit ni Rollen
"Oh, Wa'g kang defensive napaghahalataan ka." Biro ni Cole, sinapak siya ni Connor sa braso para manahimik na lang.
"Please Detectives tulungan niyo kami, pakiramdam namin nasa paligid lang ang gumawa nito at anytime soon baka isunod na niya kami kay Rosie." Giit ni Olivia
"Baka isunod kay Rosie? Ano bang nangyari kay Rosie?" Tanong sa kaniya ni Cole, napa-iwas ng tingin si Olivia
"D-Diba patay na si Rosie?"
"Sinong nagsabi na patay na si Rosie? Sa pagkakaalala ko wala naman kaming binanggit na nawawala si Rosie, Paano mo nalaman na patay na si Rosie? Sino nagsabi sayo?" Napatayo na si Cole sa pwesto niya at nilapitan si Olivia. Hindi parin niya magawang tignan sa mata si Cole
"Anong alam mo Olivia? May alam ka bang hindi namin alam?" Bulong ni Cole na nagpakaba kay Olivia ng sobra.
"Cole, Tama na." Pigil sa kaniya ni Rose, hinigit niya ito at pinalabas muna na sinundan naman ni Connor.
Sa palagay ni Rose wala sa tamang lugar ang pagiging gano'n ni Cole kay Olivia, wala sila sa Interrogation Room para ganunin si Olivia at nanghihingi ng tulong ang mga batang ito para sa kaligtasan nila.
"Pasensya na kayo kay Cole, masama lang ang nalanghap niya kaya gano'n ang pakikitungo niya sa inyo." Saad ni Rose at naupo sa harap nila.
"Paniguradong ubos na ang pasensya nila sa atin, ilang buwan na nalipas pero wala parin si Rosie." Ani Sicario
"Ayan ang gusto kong sabihin kay Detective Cole, ilang buwan na ang nalipas pero wala paring lead kung nasaan si Rosie kaya paniguradong wala na siya at nadadamay pa tayo sa pagkawala niya, tignan mo may natanggap tayong death threat." Sabi ni Olivia. Nagbitaw ng isang malalim na hininga si Rose, hindi niya alam kung anong gagawin niya lalo na't sa nangyari sa mga batang ito.
"Para wala na kayong alalahanin sa safety niyong lahat, ipapabantay ko kayo. Huwag na kayong mag-alala." Sambit ni Rose tsaka siya lumabas sa loob ng bahay, nadatnan niya sila Connor na nag-uusap mukhang seryoso ang pinaguusapan nilang dalawa.
"Anong meron sa inyong dalawa ngayon ha?" Tanong niya tsaka naupo sa harap ng dalawa
"Wala, sabog lang talaga si Cole ngayon." Sagot ni Connor sabay akbay kay Cole
"Nakasinghot ako ng kapeng hindi masarap pre." Sinamaan ng tingin ni Rose si Cole.
bwisit na lalaki 'to ako pa naman nagtimpla ng kapeng iniinom niya ngayon. Sabi ni Rose sa kaniyang isipan.
Ilang oras ang lumipas nanaig ang katahimikan sa kanilang tatlo hanggang sa lumapit sa kanila si Ece.
"Ahm, Detectives mauuna na po akong umalis." Sambit niya hindi na niya inantay na sumagot ang tatlo dahil bigla na lang itong naglakad paalis.
Hindi inalis ni Rose ang tingin sa kaniya habang papalayo siya sa pwesto nilang tatlo hanggang sa hindi na niya ito matanaw. Pakiramdam ni Rose may mali kay Ece na hindi niya maintindihan.
"Anong meron do'n sa babaeng 'yun?" Sambit ni Cole tsaka nainom ng kape.
"Hindi ko alam pero mukhang nagmamadali siya o 'di kaya natataranta siya." –Connor
"Baka natatae na." Napailing na lang si Rose sa kanilang dalawa at pumasok sa loob, sumalubong sa kaniya sila Frankie at Indiax.
"Oh! Aalis na din ba kayong dalawa? Papahatid ko na kayo kila Connor." Tanong nito pero sabay lang silang umiling
"May gusto po sana kaming sabihin sa inyo Detective." Mahinang sambit ni Indiax, napatungo na lang siya at pinasunod ito sa kwarto niya.
Sa loob ng kwarto ni Rose ay may isang king size na kama, ang tema ng kwarto ni Rose ay White, Black at Yellow.
May maliit siyang chandelier sa kwarto niya, may dalawang cabinet sa magkabilang gilid ng kaniyang kama, na puro pictures niya no'ng kabataan ang nakalagay at iilang statues.
Sa gilid naman ng Headboard ng kaniyang kama ay may dalawang maliit na ilaw ang nakadikit dito. Sa harap ng kaniyang kama ay may isang full length mirror at may katabi no'n ang kaniyang closet.
Naupo silang tatlo sa kama ni Rose. Nagkatinginan pa sila Indiax at Frankie, nagdadalawang isip kung paano magsisimula.
"Anong sasabihin niyo?" Tanong ni Rose
"Actually Detective alam na nila Connor ang sasabihin namin sayo.." Panimula ni Indiax, napatungo na lang si Rose at pinakinggan ang bawat sinasabi nilang dalawa.
Kinabukasan, pumasok na ulit silang lahat sa eskwela may mga iilang pulis na nakabantay sa labas ng school kaya pakiramdam nila na mababawasan ang threat sa buhay nila.
Nasa secret room sila ngayon dahil luch break naman, walang nagsasalita sa kanilang lahat dahil may kani-kaniya silang ginagawa.
Hindi nila alam may nagmamasid sa kanilang lahat, may isang tao na alam na alam kung saan ang pasikot-sikot sa loob ng University pati na rin kung saan ang mga pwedeng daanan sa loob ng Secret Room.
Pumasok sa loob ng Restroom si Olivia, may nakita siyang isang sticky note na nakadikit sa salamin nila sa loob, may nakasulat dito.
बेहतर अपनी पीठ देखो
"What the?" Bulong ni Olivia dahil hindi niiya maintindihan ang nakalagay dito at tinapon niya ito sa basurahan.
Nag-ayos siya ng kaniyang sarili at lumabas na, pinuntahan niya si Indiax na busy sa pagsusulat.
"Nagsasayang ka lang ng papel Indiax, Wa'g mo ng ulitin 'yun." Sambitniya tsaka umalis, nagtataka siyang tinignan ni Indiax.
Sinasabi no'n?
Hindi na lang pinansin ni Indiax ang sinabi ni Olivia at nagpatuloy na lang sa pagsusulat niya.
Nasa opisina si Rose busy siya sa pagta type niya sa kaniyang keyboard, hindi na rin niya napansin ang pagdating ng dalawa niyang kasama.
"Bakit hindi namamansin 'yang si Rose? Baka mamaya may something pala kayong dalawa na hindi ko alam ah." Sambit ni Cole.
"Gago ka ba? Paano kami magkaka-something e' wala namang interest sa akin 'yan." Sagot ni Connor nag-make face si Cole.
"Edi kung meron siyang 'interest' sayo babakuran mo na siya?" nang aasar pang sambit ni Cole, napa-iling na lang si Connor dahil sa kaniya.
"Ayiiiieeeee dinaig niyo pa sila Mamita at Mentos ha." Sabay tawa ni Cole, bumalik na sila sa trabaho nila.
Napabugtong hininga na lang si Rose at nilapitan ang dalawa na nakaharap sa monitor nila, mukhang may ginagawa rin sila.
Halos mapatalon silang dalawa sa gulat dahil sa biglang paghampas ni Rose sa harap ng table ni Cole.
"Ano ba naman 'yan Rose? Anong trip 'yan?!" Galit na tanong ni Connor.
"Huwag ganon Rose, panget 'yun." Giit ni Cole habang naka hawak sa dibdib niya pero binaliwala na lang ni Rose ang reklamo nilang dalawa.
"May kailangan kayong sabihin sa aking dalawa." Seryosong sambit niya habang naka krus ang dalawang kamay niya sa kaniyang dibdib.
Nagkatinginan ang dalawang lalaki at parehas pa silang napabugtong hininga at isa lang ang tumatakbo sa isipan nilang dalawa.
Patay na tayong dalawa neto.
UNKNOWN POV
"Anong nangyari sayo asdfghjkl?" Tanong niya sa akin pagkapasok ko ng bahay, agad kong hinubad ang suot-suot kong hoodie 'tsaka naupo sa sofa.
"May pinuntahan lang ako." Sambit ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang sariling kamay.
"Malamang kaya nga wala ka dito kanina diba?" Napairap na lang ako sa sinabi niya.
Kagabi pagkatapos akong ikulong ni ate sa kwarto ko ay 'tsaka naman dumating itong kasama ko ngayon, siya ang nagpakawala sa akin sa kwarto ko.
Lima silang nakakaalam kung sino talaga ako, kung ano ako at kung anong ginawa ko. Sila ang kasama ko pagkatapos kong isend ang mga pictures sa mga kaibigan ni Rosie.
Gusto ko silang tulungan kung nasaan si Rosie at kung sino ang pwedeng gumawa no'n sa kaniya, pero kahit na gumawa ako ng paraan para tulungan sila nandiyan ang ate ko para hadlangan ang mga plano ko.
Kaya nandiyan ang mga kasama ko 'pag wala si ate sa bahay, sila ang nagtutupad ng mga plano ko at sa tingin ko naman gumagana ang plano namin.
"Alam na ba ni Detective Rose ang tungkol sa akin?" tanong ko
"Sa pagkakaalam ko, Oo, pero tignan natin kung mahahanap ka nila." Sagot ng kasama ko napatungo na lang ako, may tiwala naman ako sa kaniya.
" 'Tsaka na kamo ako hanapin 'pag nagawa na natin ang plano natin." Tumango siya bilang pagsang-ayon, napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas napatigil ako sa paghinga at inabangan kung sino ang tao sa likod ng pinto na 'yun.
Nakahinga ako ng maluwag dahil isa sa lima ang bumungad sa amin, isang magandang babae.
"Hey, kinabahan ka ano?" Tanong nito 'tsaka siya may nilapag na isang plastic sa lamesa.
"Anong nangyari? Kumusta ang pinapagawa naming sayo?" Tanong ko sa kaniya.
"Okay naman." Naupo ito sa harap namin.
"Siguraduhin mo lang na bawat kilos mo, siya ang maaalala niya hindi pwedeng mapurnada ang plano natin. Kailangan natin lituhin ang taong 'yun." Sambit ko sa kaniya
"Yes sir." Sabay saludo pa nito.
Napabugtong hininga na lang ako, kahit wala pa kami sa kalahati kinakabahan na ako para sa aming lahat. Sa isang pagkakamali naming pwede kaming mamatay lahat.
"Bakit kaya hindi namin sabihin sa kanilang lahat?" Suggestion niya sa akin.
"Gusto mong sabihin ko din sa kanila na nandito ka?" Tanong ko kaya napairap na lang siya sa akin.
"Huwag muna sa ngayon 'tsaka na 'pag gagawin na natin ang plano natin." Sambit ko, bigla naman tumayo ang kasama ko kanina at humarap sa amin.
"'Yung plano natin na Oplan: Isa-isahin sila? Ayun ba 'yun?" Tanong nito sa akin kaya tumango na lang ako napapalakpak silang dalawa.
"Oh My Gosh! Excited na ako!" Tuwang tuwang sambit nito
Napaisip ako sa suggestion nila na sabihin kung sino talaga ako, pwede naming gawin 'yun para mas mapadali ang plano pero sigurado akong hindi mapagkakatiwalaan ang mga 'yun lalo na 'pag sinabihan mo sila ng isang sekreto.
"I'm having a second thought sa sinabi mo sa akin." napatingin ako sa kaniya.
"Papakilala ka na sa kanila?" tanong niya sa akin, napatungo na lang ako wala ng atrasan 'to.
"Operation: Introduce Yourself"
End of Chapter 013