Where is Rosie by SundayisBest
Dark Past
Ece POV
"Let me clear, kahit na sinabi niyong wala kayong kasalanan hindi pa rin kayo maalis sa suspect list naming. Thank you."-Detective Rose
Nandito parin kami sa loob ng AVR, pagka alis ng dalawang detective namayani ang katahimikan sa loob ng AVR. Hindi parin kami makapaniwalang nawawala si Rosie, isa kami sa pinagbibintangan na may kinalaman sa nangyari at posible ngang tama sila.
Isa isa ko silang tinignan, hindi ko alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko sa kanilang lahat, May isa lang naman sa amin ang naging dahilan sa pagkawala ng sarili naming kaibigan. Lahat naman ng tao may hidden agenda pero bakit kailangan si Rosie pa ang kailangan nilang kuhanin?
"Nakakainis, Nagbibintang sila na wala namang pruweba." Inis na sambit ni Rollen.
"They just doing their work, Rollen," I said, napatingin naman siya sa akin at inirapan lang ako.
"Kapag nalaman 'to ni daddy mayayari ako sa kaniya." Seriously? 'Yan pa talaga ang iniisip nitong babaitang ito, Nawawala si Rosie at isa tayo sa tinitignan nila Suspect, Hello? Tatay mo parin iniisip mo?
"Don't overreact, suspects pa lang tayo. They will not see any evidence na may isa sa ating ang gumawa nun kay Rosie." Saad ni Indiax
"It's the same thing, Paano kung meron silang makitang evidence? And then isa pala sa atin is may kinalaman." Out of nowhere nagsalita din Oswald na tulala katulad ng iba.
"Bahala na ang mga detective na 'yun ang umasikaso diyan, Ang gagawin lang natin ay be normal, 'wag kayong gagawa ng ikakapahamak niyo. Baka masuspetsyahan na talaga kayo." Sabi ni Frankie saka ito umalis, nagsisunuran kami sa kaniya.
Pagkabalik naming sa classroom, lahat sila nakatingin sa amin na para bang may ginawa kaming hindi maganda.
"Anong tini tingin-tingin niyo 'ha? Wala kaming ginawang masama baka gusto niyong tusukin ko 'yang mga mata niyo." Inis na sambit ni Sicario saka naupo sa upuan niya.
Napuno ng bulungan ang buong kwarto dahil sa inasal ni Sicario, Why they can't shut up? Alam naman siguro nila na naririnig naming sila at nandito parin kami sa loob ng Classroom.
I pick up my phone at tinext si Rosie, nagbabaka sakaling magre reply siya sa akin pero wala. Napahilamos ako ng mukha ko, iniisip kung bakit kailangan si Rosie pa? Ang daming tao diyan na pwede nilang kunin pero si Rosie pa ang napili nila.
I should protect her more even better.
Natapos ang buong period nang hindi pumupunta ang prof namin, naglalakad kami ngayon papuntang scret room naming. Obviously lahat sila napapatigil pag dumadaan kami sa harapan nila, 'oag nalalagpasan namin sila tsaka sila naguumpisa na mag si bulungan.
Mga mapanghusga, hindi naman alam ang buong storya.
Sa sobrang banas ni Sicario dahil sa mga bulungan sinipa niya ang isang tash can na nadaanan namin. "Mga putang*na kayo, bulung bulong pa kayong nalalaman 'e naririnig parin naman naming kayo. Bago kayo bumulong diyan alamin niyo muna kung anong nangyari mga pakshet---" Hindi na natuloy ni Sicario ang sinasabi niya dahil hinila na siya paalayo ni Indiax.
Kinaladkad siya nito papuntang Secret Room, nang makapasok na kami sinampal kaagad ni Indiax si Sicario na kinagulat naming lahat.
"Ano bang problema mong lalaki ka?! Gago ka ba?!" galit na bulyaw sa kaniya ni Indiax.
"Nakakairita ang mga bulungan nila, kung makapagsalita parang alam nila 'yung sinasabi nila." Parang naging maamong tuta si Sicario, ni tignan si Indiax ay hindi niya magawa.
"Nairita din ako sa kanila pero hindi ko sinipa ang trash can, Gago ka talagang putang*na ka. Ano na lang sasabihin nila, Na guilty tayo sa pagkawala ni Rosie? Mag-isip ka nga munang tang*na ka bago ka gumawa ng desisyon. Bobo ka masyado, pinapairal 'yung kabobohan mo bago 'yung image natin dito. Punyeta ginagalit mo akong tarantado ka." Halos lahat kami tulala dahil sa sinabi ni Indiax, 'yun na yata ang pinakamahabang sinabi ni Indiax.
Ngayon lang naming nakita na ganun si Indiax, hindi siya gaanong nagmumura pero mukhang nabwisit siya nang big time ni Sicario ngayon.
"Wow, first time 'yun." Saad ni Oswald kaya siniko siya ni Olivia at pinandilatan ng mata.
"Sorry Indiax, hindi na mauulit. Sorry." Panghihingi ng paumanhin ni Sicario sa kaniya, nagpunta si Indiax sa Bar counter at kumuha ng isang bote ng alak at nilagyan ng laman ang baso na hawak niya
"Hindi na talaga muulit 'yun Sicario, bago kayo kumilos pag isipan niyo muna. Lalo na ngayon na isa tayo sa tinitignan na may kinalaman sa pagkawala ni Rosie at kung meron man sa iyo na may kinalaman, Galingan mong magpaka anghel kahit na demonyo ka." Saad niya saka inunom ang baso.
"Anong sinasabi mo ngayon Indiax? Na meron talaga sa akin ang may kinalaman?" Tanong ni Rollen, tinaasan lang siya ng kilay ni Indiax at hindi ito sinagot.
"Ganun ba talaga pag may ginawang katarantaduhan dati, kung makapangbintang akala mo perpekto." Nagsalita si Rollen na parang hindi niya alam kung anong sinasabi niya.
"Rollen sumusobra ka na." Saway sa kaniya ni Russelle.
"Hindi, masyadong nagmamalinis 'yang kaibigan mo 'e dati din namang nakulong 'yan." Dagdag pa nito, nilapitan ko siya at hinigit sa braso.
"Ano bang gusto mong mangyari Rollen?" Tinignan ko siya sa mata, kung nakakamatay lang ang titig kanina pa kami lumalangoy sa sarili naming dugo.
"Wala akong gustong mangyari pero 'wag naman kayong magmalinis na para bang santo kayo kasi alam naman namin na lahat tayo dito merong 'DARK PAST' na hindi niyo matanggap." Saad ni Rollen na kinatahimik naming lahat.
"Hindi kami nagmamalinis Rollen, baka ikaw." –Ako
"Hindi ako katulad mong lulong sa sugal at isang dating drug addict." Napatigil ako sa sinabi niya. Mga salitang ayoko nang marinig sa tanang buhay ko.
"Lahat tayo may nakaraan, mas malala pa 'yung iba sa inyo pero hindi ko kayo jinudge dahil alam kong masakit para sa inyo."
Hindi ko na pinakinggan ang mga sasabihin nila at umalis na lang sa Secret Room, sa sobrang gusto kong umalis sa lugar hindi ko na pinapansin ang mga taong nakatingin sa akin, Nakarating ako sa likod ng school may lagusan dito palabas ng school.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta alam ko wala na ako doon.
"Hoy Ece! Bumaba ka nga dito at ibili ako ng isang pakete ng malboro black." Agad-agad akong bumaba nang marinig ko ang utos ng mama ko sa akin, wala na si papa dahil nahuli siya sa isang drug raid dito sa amin.
"Amin na po ang pera mama." Saad ko pero tinignan niya lang ako.
"Wala akong pera, mangutang ka muna doon." Sabay tulak sa akin, Wala naman akong nagawa kundi ang umalis sa harapan niya baka mamaya makatanggap na naman ako ng bugbog sa kaniya.
Hindi ako pumuntang tindahan, ayokong bilhan ng sigarilyo si mama. Wala na nga kaming makain tapos uunahin pa ni mama ang sigarilyo niya. Sobrang baon na rin kami sa utang dahil sa kapabayaan niya.
7 years old pa lang ako ngayon pero alam ko na kung papaano magnakaw ng mga bagay para lang makakain. May nakakatanda akong kapatid na wala ring kwenta dahil nagsha shabu siya.
Naalala ko ang sinabi niya sa akin na kapag wala na daw kaming makain ay sa kaniya lang kami lumapit. Napagpasyahan kong puntahan siya sa lunga niya. Nagtatago siya sa lugar na ang mga tao ay katulad niya, Addict din sa droga.
Nadatnan ko si kuya na sumisinghot sa isang maliit na plastic. Lagi namang ganto si kuya hindi na nagbago.
"Kuya." Tawag ko dito, tumigil siya sa pagsinghot at tumingin sa akin. Sobrang itim na ang paligid ng mata ni kuya, sobrang laki na rin ang pinayat niya simula nung huli ko siyang makita.
"Wala na kaming makain kuya, wala na rin kaming pera, Sabi mo lapitan kita 'oag walang wala na talaga kami." Saad ko sa kaniya, nilapitan niya ako at hinawakan sa balikat.
"S-Sige dyan ka lang kukuha lang ako ng pera." Saka siya umalis na para siyang natataranta na ewan. Ganon ba talaga pag nakasinghot?
Naupo ako sa kaninang inuupuan ni kuya, nakita kong madaming mga pakete ng droga sa lamesa ni kuya, Hindi naman siguro masama kung tumikhim ako ng isa diba.
"And then tumikhim ka dahil sa curiosity mo?" Tanong sa akin ni Dr. Kim, siya ang pinupuntahan ko 'pag sa gantong mga oras.
Simula ng ampunin ako ng mga Martinez, hindi ko na muling nakita sila Mama at kuya. Tumigil na rin ako sa pagsusugal at pagiging addict sa drugs. Nagbagong buhay ako kasama ang bagong pamilya ko na hindi ako inaalipusta. Doon na rin ako nagsimulang kitain si Dr. Kim na isang psychiatrist, nakakatulong siya sa akin para mailabas lahat ng hinanakit ko ukol sa Past ko.
"Yes." Sagot ko sa kaniya.
"Alam mo hindi naman masama kung meron kang masamang nakaraan, ang masama ay 'yung paglimot mo dito." Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan ang gusto niyang sabihin.
"Ang nakaraan ay siya 'yung nagiging dahilan kung sino ka man ngayon, Bad Past can lead you to a Better Present." Saad nito.
"What if meron akong Dark Present?" Huling tanong ko sa kaniya.
"Then, have a bright future, Present is a gift sabi nga nila pero hindi mo kailangan na ma stuck lang sa Dark Present mo kailangan mong umusad na parang pumipila ka, ganon." Napatungo ako sa sinabi ni Dr. Kim sa akin. Maybe i can be positive even na napapaligiran ako ng mga demonyo.
Galing talaga ng timing, kung kailan kailangan ko ng masasandalan tsaka pa nawala si Rosie.
Umalis na ako sa office ni Doc at bumalik na lang sa bahay namin, ayoko munang pumasok dahil baka bwisitin na naman ako ni Rollen na palagi naman niyang ginagawa.
Detective Connor POV
"Merong kakaiba sa mga batang 'to, I can sense it." Saad ko habang tinitignan ang mga files ng mga batang nakausap namin kanina sa School.
"You can sense too?" Tumango ako bilang sagot sa tanong ng partner ko na si Rose.
"May kakaiba sa kanilang lahat lalo na sa Frankie na 'to." Tinap-tap ko pa ang larawan ni Frankie. "Hindi ko alam kung totoo o peke 'yung pinapakita niya kanina. Sa Expression niya parang hindi na siya nagulat na nawawala ang kaibigan niya." Dagdag ko pa.
"Si Ece rin, parang seguradong segurado siyang wala talaga silang kinalaman sa kaso na ito, kung makapag alala siya parang kakaiba na ewan." Sabi ni Rose, sumangayon naman ako sa kaniya.
"Lahat sila may tinatago, may sekreto silang kahit mamamatay sila hindi nila sasabihin. Ipahanap mo ang mga files nila, As in lahat, kung may criminal records ba sila or something na pwedeng magturo sa kanila." Saad ko agad namang umalis si Rose para sabihan sila.
Pakiramdam ko talaga ang isa sa kanila ang gumawa nito, or kung wala man sa kanila may nagbigay ng impormasyon sa gumawa nito.
At malalaman ko kung sinong tarantado ang gumagago sa amin.
Kinuha ko na ang mga gamit ko dahil pupuntahan namin ni Rose ang venue kung saan nagsimula ang lahat.
Kung sino man ang suspect, siguraduhin mong magtatago ka ng mabuti dahil pagnahuli kita wala kang mapupuntahang iba.
End of Chapter 003
NOTE: As usual nag update ako ng hapon, might update later kung kakayanin ng aking balikat.
Stay Safe! Stay away from viruses in short stay away from your fake friend!
Piece Out!!!!