Where is Rosie by SundayisBest
Investigation
Ece POV
Kakalabas ko lang ng banyo, kakatapos ko lang maligo nang biglang tumunog ang cellphone ko, pagka bukas ko ay bumungad agad sa akin ang text ni Frankie.
From: Frankie da Missing in action
Hey Ece! Tungkol sa nangyari kanina, pagpasensyahan mo na 'yung inasal kanina ni Rollen. Manghihingi naman daw siya ng paumanhin 'pag nagkita daw kayong dalawa. I hope your okay na.
Grabe ang effort ni Frankie sa message na 'to. Hindi naman kasi laging nagte text sa akin si Frankie ngayon lang. Naisipan ko na replayan siya.
To:Frankie da Missing in action
Hi Frankie! I'm okay na, don't worry manghihingi rin naman ako ng pasensya kay Rollen dapat kasi hindi ko na siya pinatulan. By the way thank you for checking if okay na ako. Thanks~
Pagkatapos kong isend ay pinatay ko na ang cellphone ko. Habang nagpapatuyo ng buhok ay nahagip ko ang larawan naming dalawa ni Rosie noong makagraduate kami ng highschool.
Since first year highschool palang kami ay magkaibigan na kami, hanggang ngayong college na kami ay hindi na kami naghiwalay, para kaming kambal na hindi magkamukha. Sanggang dikit kami sa lahat ng bagay, through worst or best situations. Dinaig namin ang mag jowa, kasi kami nagtagal sila hindi.
Hindi ko maisip kung nasaan na ba ngayon si Rosie, kung kumain na ba ito, kung ayos lang ba siya. Nasanay ako na lagi akong nasa tabi niya kapag nahihirapan siya, ako lang ang masasandalan niya kapag walang wala na siya.
"I hope your okay Rosie. Mahahanap ka rin namin. Goodnight" Bulong ko bago ako dalawin ng antok.
Detective Connor POV
Kasama ko si Detective Rose, sabay kaming pumunta sa pinangyarihan ng lahat, ang Venue.
"Napag alaman naming na dalawang beses na nag black-out dito while ginaganap ang Party, hindi nila alam kung bakit mukhang sinadya daw." Saad ni Rose habang papasok kami sa loob ng venue.
" 'Yung nagbabantay sa Power System, Wala?" Tanong ko dito,
"Meron naman daw, pero may dumating daw na substitute sa kaniya pero late na niya na realize na hindi naman pala daw nila ka trabaho 'yun." Tinignan ko ang mga tao na kumukuha ng mga pwedeng lead.
"How about the manager, nasaan siya?" Bigla namang sumulpot ang manager sa kung saan. Babae ang manager, nakita ko sa name patch niya na ang pangalan niya ay Haley.
"Good Morning sir, how may I help you?" nakangiting tanong nito
"Meron ba kayong copy ng list ng naging mga guest noong Anniversary nila Mr. and Mrs Hernandez?" Tumango naman siya, sumunod kami sa kaniya papunta sa Bar counter. Nandoon ang isang folder na merong napakakapal na papel.
"Ilang guest ba ang umattend nun?" hindi makapaniwalang tanong ni Rose, sobrang kapal ng folder mas makapal pa sa kilay ng ibang babae dyan.
"Nasa 1,000 ang guest na nakapirma dito, hindi pa kasama 'yung mga hindi umattend at hindi nakapirma." What? Ganun kadami ang umattend sa Golden Anniversarry nila. Nginitian kami ni Haley bago siya umalis dahil may gagawin daw ito.
"1,000 guests? 'wag mong sabihin na suspect ang isang libong tao na ito?" Tanong sa akin ni Rose habang nakatingin sa folder.
"Nope, lahat ng tao na malalapit lang kay Rosie, friends, family, basta lahat ng connected kay Rosie na umattend sa Party." Sagot ko sa kaniya, bakit naman kasi sobrang daming bisita nung dalawang matanda na 'yun?
"Sir Connor!!" Biglang kaming napalingon dahil sa pagtawag sa akin ng napakalakas ng isang detective rin katulad namin.
"Ano 'yun Nate?" Tanong ko sa kaniya, sa sobrang hingal niya pinakita niya na lang ang hawak niyang isang sapatos na pambabae.
"Saan niyo nakuha 'to?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"Malamit doon sa may Parking Lot, medyo gubat na iyon kaya masyadong malayo mula dito." Saad niya, malamang kay Rosie ito.
"Mukhang sapilitan siyang kinuha, or baka naman nakatakas siya mula sa dapat kikidnap sa kaniya." Suhestiyon ni Rose, Nilagay ko sa isang Plastic ang sapatos, evidence.
"Maghanap pa kayo sa ibang part neto baka meron pa kayong makitang iba." Agad namang bumalik si Nate, hinarap ko si Rose.
"Puntahan natin 'yung CCTV baka may na recover na footage na pwedeng mag lead sa atin sa suspect." Agad kaming nagpunta sa CCTV Room ng Building, obviously nandoon ang manager, nanonood ng footage.
"May nakita ba kayong kakaiba?" Tanong sa kanila ni Rose at tumango ang manager.
"Yes, bago makuha si Rosie ay nag black out and then lumabas siya ng building, ilang minute rin siya nag stay sa labas hanggang sa may lalaking kumausap sa kaniya." Saad ni Haley, nakita namin ang buong pangyayari, parang may pinaguusapan silang dalawa.
"Parang pamilyar 'yung lalaki." Mahinang sambit ni Rose, pero bago niya pa malapitan ang Screen bigla na lang namatay ang footage.
"A-anong nangyari?" Tanong nito
"Hanggang doon lang ang nakunan ng CCTV dahil biglang nagblack out ulit." Sagot ni Haley.
"Parang pamilyar 'yung lalaki sure ako nakita ko na siya somewhere." Saad ni Rose, nilapitan ko siya at hinawakan siya sa balikat.
" 'Wag mong pilitin kung hindi mo siya maalala, baka matandaan mo din siya sa susunod na araw." Payo ko sa kaniya, umalis na kami sa CCTV Room. Napagpasyahan naming puntahan naman ang guard sa Power System, nagbabakasakaling namumukhaan niya ang pumalit sa kaniya nun.
"Bakit kailangan mag black out ng dalawang beses kung kahit isang beses lang 'e pwede ng makuha si Rosie?" Ani Rose, nakakapagtaka nga rin eh.
Pagkapasok namin sa Power System, bumulagta sa amin ang isang bangkay ng lalaki. Agad kong tinignan ang pulsuhan niya nagbabakasakaling baka buhay pa siya pero wala na siya.
"Base sa dugo niyang mukhang kahapon pa siya dito, namuo na 'yung dugo niya dito at namamaho na siya." Saad ni Rose, tinitignan niya ang butas sa noohan ng lalaki, mukhang dahil sa pagkakabaril sa noo niya ang kinamatay niya.
"Mukhang gumamit siya ng CZ-75 na baril, with a silencer kaya siguro hindi nila narinig ang pagbaril dito." Diyan magaling si Rose, kaya niyang sabihin kung anong klaseng baril ang ginamit kahit tinitignan niya lang ito. Expert siya sa mga ganung bagay.
Kinuha ko ang cellphone ko at kinontak si Nate, hindi nagtagal ay sinagot niya ang tawag. "Nate, pagpadala ka ng Forensic Pathologist, may bangkay dito sa Power System and ang iilang investigators na rin." Pinatayan ko na agad ng tawag si Nate baka kung ano pa ang itanong niya.
"Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit siya pinatay?" Tanong ko kay Rosie habang nagiikot ikot sa buong kwarto baka may naiwan na ibedensya na pwedeng magturo kung sino ang pumatay sa kaniya.
"Malamang sa malamang nakita niya ang suspect."Sagot ni Rosie.
"We should go na, may pupuntahan pa tayo." Ani ko at lumabas na kami sakto namang papadating na ang Forensic Pathologist kasama sila Nate.
" 'pag may narecover kayong iba pang evidence sabihan mo agad ako." Saad ko bago kami umalis ng Building.
Ece POV
Nasa school ako at naglilibot libot habang Vacant Time namin, ako lang mag isa dahil hindi ko pa nakikita ang buong tropa simula nung pumasok ako sa school.
Habang naglalakad ay nahagip ng mata ko sila Detective Connor at Detective Rose na parang may hinahanap din. Tumakbo ako papalapit sa kanila.
"Detective!"
"Oh?Ece, buti naman at nakita ka namin, hinahanap din namin kasi kayong magkakaibigan." Sambit nito.
"Bakit niyo po kami hinahanap?" May nahanap na ba silang lead kung nasaan si Rosie? "May lead na po ba kayo kung nasaan si Rosie."
"Wala pa pero may na recover kaming sa tingin namin ay pagmamay ari ng kaibigan mo." Kinuha niya ang cellphone niya at may pinupundot pindot dito, may pinakita siyang isang sapatos na alam kong suot suot ni Rosie nung party.
"Sa kaibigan mo ba 'yan?" Tanong nito at tumango na lang ako bilang sagot.
"We will find your friend basta makikipag tulungan lang kayo sa amin. By the way, kaya namin kayo hinahanap to inform you na kakailanganin namin hingin ang statement niyo tungkol sa nangyari." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Parang interrogation?" Napatungo naman siya sa tanong ko. "Pero wala naman kaming kasalanan bakit kami ie interrogate?" Dagdag ko pa.
"Kahit na wala kayong kasalanan you need to prove na wala talaga. And we need to know kung anong nalalaman niyo bago mawala si Rosie. Pumunta na lang kayo sa Station pagkatapos ng klase niyo, aalis na ako" Saad nito saka umalis.
NAGPUNTA ako sa Secret Room dahil alam kong nandodoon silang lahat. Nadatnan ko silang lahat na busy dahil may kani kaniya silang ginagawa.
"Hey, guys may sasabihin ako." Panimula ko, napatigil naman sila sa ginagawa nila at tumingin sa akin.
"Ano 'yun?"
"Nakita ko sila Detective Rose at Detective Connor kanina dito sa school, may na recover daw na gamit ni Rosie which is yung sapatos na gamit niya nung time na 'yun and.."
"And?"
"Iniimbitahan tayo nila Detective na pumunta sa Police Station pagkatapos nang klase natin." Saad ko, nabagsak naman ni Rollen ang ballpen niya.
"Really? Kahit na wala naman tayong kinalaman sa pagkawala ng bestfriend mo?" Tanong niya sa akin kaya napatungo na lang ako.
"Kahit na sinabi nating wala tayong kinalaman kailangan parin nating magbigay ng statement sa kanila kung ano ang nalalaman natin." Dagdag ko.
"Unbelievable." Bulong niya.
"Magsipunta na lang tayo, kung hindi tayo sisipot baka magulat na lang tayo na mag show up sila sa bahay bahay natin mas mayayari tayo sa mga nanay at tatay natin." Suhestiyon ni Indiax na lahat kami nag agree.
"Sure then, after class dito tayo mag me meet bago tayo pumunta sa Police Station." Saad ni Olivia.
"Make sure na sasabihin niyo ang alam niyo, no more lies." Sabi ni Indiax habang naglilinis ng Bar Counter, na lagi naman niyang ginagawa.
Aalis na sana ako ng biglang lumapit sa akin si Rollen.
"May kailangan ka?" Umiling lang siya at niyakap ako.
"Sorry not sorry, kaya ko lang 'to ginagawa dahil ayokong makonsyensya dahil sa ginawa ko sayo." Napairap na lang ako sa kaniya
Plastic ka friend?
"Bati na ang mag best friend." Masayang sambit ni Sicario.
"Don't forget na alam ko ang sikreto mo, and by the way alam na rin pala si Frankie." Agad ako napatingin kay Frankie na nakangiti sa akin saka pa lang kumalas ng yakap sa akin si Rollen at tinap tap pa ang braso ko.
"Sweet dreams are made of this
Who am I to disagree?
I travel the world
And the seven seas,
Everybody's looking for something.
Some of them want to use you
Some of them want to get used by you
Some of them want to abuse you
Some of them want to be abused."
Out of nowhere bigla na namang napakanta si Frankie parang may hidden message siyang sinasabi sa akin pero hindi ko maintindihan ang gusto niyang sabihin sa akin.
"Tigil tigilan niyo na 'yan. Maghanda kayo para mamaya baka mamaya gisahin tayo sa mga tanong nung dalawang detective." Saad ni Indiax
"Mainit ang mata ng dalawang 'yun sa atin kailangan mag-ingat tayo." Sicario said.
"Nag iisip kami bago kumilos baka ikaw." Napatahimik na lang si Sicario dahil sa sinabi ni Indiax
May tiwala naman ako sa dalawang detective alam kong may tiwala din sila sa akin dahil ako lang naman ang pagkakatiwalaan nila sa aming lahat.
End of Chapter 004