Alexa Naalimpungatan ako na parang may mabigat na nakadagan sa akin. Pagmulat ko ng mga mata, nakayakap na braso pala ni Magnus ang nakapatong sa aking tiyan at paa naman niya ang naka dantay sa aking binti. Napatingin ako sa kanyang maamong mukha na payapang natutulog. Mahimbing pa ang tulog niya marahil ay dala ng pagkapuyat sa pag-aasikaso sa akin ng magdamag. Naging hands-on siya sa pag-aalaga sa akin. Nagtatanong lang siya kay lola kung ano ang dapat na gawin. Mula pagpapakain, pagpapa-inom ng gamot every four hours, pag-check ng temperature ko, hanggang sa pagpapalit ng damit ko kapag basa na ako ng pawis, siya lahat ang gumawa. Pinupunusan din niya ako ng basang towel maya't maya para daw bumaba ang lagnat ko. Turo daw iyon sa kanya ni lola. Awtomatikong umangat ang kamay ko para

