CHAPTER 10

1811 คำ
Pagkatapos mag-shower at magpalit, lumabas muna ako ng kwarto para ayusin ang mga pinamili namin ni Sir Magnus kanina. Garterized shorts at sphagetti strap na pantaas ang napili kong isuot. Hinayaan ko lang din na nakalugay ang buhok ko. May dim light naman sa sala kaya hindi ako nangapa sa dilim. Dumiretso ako agad sa kusina at binuksan ang ilaw. Nasa island counter pa ang mga pinamili namin. Kung sa bahay 'to kanina pa pinagpiyestahan ng mga pusa. Isa-isa kong inilabas ang laman ng eco bags. Inuna kong inilagay sa ref ang karne, isda, prutas at gulay. Isinunod ko ang mga de-lata. Ginamit ko ang stool para doon tumuntong. Hindi ko kasi abot ang cupboard at may kataasan. Nasa gano'n akong posisyon nang may tumikhim sa likod ko. Na-out balanced ako at muntik nang mahulog sa stool dahil sa gulat. Napatili tuloy ako. Buti na lang mabilis siya at nasalo agad ako. Pero wrong move, napayakap ako sa kanya habang siya, nakahawak sa baywang ko. My heart almost stopped because of our position. Halos magdikit na rin ang mga mukha namin. Tumatama sa aking mukha ang mainit at mabango niyang hininga. Bahagya pang nakaawang ang labi niya at nakatitig sa mga labi ko. Parang gusto ko tuloy idikit ang mga labi ko. Nate-tempt akong halikan siya. Parang gusto kong madama ulit ang malambot niyang labi sa labi ko katulad no’ng birthday ko. Shit! Ano bang iniisip ko? Gumagana na naman ang kalokohan sa utak ko. I composed my self. Hindi niya dapat mahalata na affected ako sa kanya. "P-Pwede mo na akong ibaba." I stuttered as I tried to speak and I had to clear my throat a couple of times again. Napapikit ako. Bakit ba ako nauutal? Nakakainis naman. Buti nalang ibinaba na niya ako. Kinurot-kurot ko ang mga daliri na para bang maiibsan no'n ang pagtambol sa dibdib ko. " 'Di ba sabi ko magpahinga ka na? Bakit nandito ka pa? It's late," he said in a husky yet calm voice. Nagbilang ako hanggang sampu at humugot ng malalim na hininga bago magsalita. Baka mautal na naman kasi ako. Kailangan ko munang kumalma. Medyo nakatulong naman at nag-subside ang mabilis na pagtibok ng puso ko. "Baka kasi masira 'yung mga isda at karne. Nakalimutan natin ilagay sa ref kanina," aniko. "Actually 'yan rin ang dahilan kung bakit ako pumunta rito. I thought you're sleeping soundly kaya hindi na kita kinatok pero nakita ko na may ilaw dito, so I guess naalala mo. Muntik ka na tuloy mahulog. You should've asked for my help. Sa susunod kung may hindi ka maabot tawagin mo ako. Dapat nag-iingat ka rin." Hindi sana ako muntik mahulog kung hindi ka lang nanggugulat. Para kasing multo pasulpot-sulpot. "Trabaho ko 'to kaya bakit ako hihingi ng tulong sa boss ko? Kaya nga nandito ako para gawin ang mga 'to—" Natigilan ako. Bakit siya nakangiti? Amused na amused sa mga sinasabi ko ang timang. I tried to remember kung may nasabi ako. Then it hit me! Magpoprotesta ako kasi hindi counted 'yon! "Ooooppss! Hindi 'yon counted. Hindi kita tinawag na 'boss' kaya hindi kasama iyon sa napag-usapan natin." His smile faltered and then faded. Tama nga ako! Unti-unting nawala ang ngiti niya. Iniisip niya talagang counted 'yong pagkakasabi ko ng 'boss' kanina. Akala mo makaka-one point ka na, ah. Not so fast. "Tsk! Sayang naman may naka-ready na akong ipapagawa sa 'yo kung sakali." Naupo siya at nangalumbaba pa! Parang natalo ng milyones ang itsura. Is this his other side? May pagka- childish pala ang isang CEO ng isang multi-billionare company. "Hindi ka pa antok? Balik ka na sa kwarto mo. Tatapusin ko lang ito." Pinagpatuloy ko ang paglalagay ng mga groceries sa cupboard. "I can't sleep. Magpapa-antok lang muna ako." May nakalapag na alak pala sa harap niya. Hindi ko napansin iyon kanina. Nagsalin siya sa baso at nagsimula nang uminom. "Hindi ka umiinom?" tanong nito saktong pababa na ako sa stool. May balak pa yatang alalayan ako. Buti nalang nakababa na ako. "Umiinom naman." "Really? Then join me here." Aya nito at akmang kukuha na ng baso para sa akin. Luh? Hindi naman alak ang tinutukoy ko. "Umiinom ng tubig." Binuntutan ko pa ng mahinang tawa. "Akala ko pa naman magkakaroon na ako ng drinking buddy. Samahan mo muna ako rito kung hindi ka pa inaantok. Kwentuhan muna tayo." Tumayo siya at tinungo ang ref. Kinuha ang karton ng gatas at kumuha ng isang baso. Ano 'yon? Gagawin niyang chaser? Inilapag niya iyon sa tapat ko at sinalinan ng gatas ang baso. Para sa akin pala. He motioned the stool kaya umupo na ako sa tabi niya. "Cheers!" Itinaas nito ang baso. Gatas at alak? Malalasing kaya ako sa gatas? Ang weirdo talaga ng lalaking 'to. "May drinking buddy ka pang nalalaman diyan. Kahit naman siguro umiinom ako, hindi ako iinom ng tayong dalawang lang, 'no. Malay ko ba kung tiyansingan mo ako." Napatanga siya at mukhang nagulat sa sinabi ko. Me and my big mouth! Nalasing na yata ako sa gatas. Bakit ang lakas ng loob kong sabihin 'yon? Magnus GUSTO ko lang uminom ng konti para makatulog. Knowing that we're in the same roof drives me crazy. Kung ano- ano ang nasa isip ko at hindi ko pwedeng gawin iyon sa kanya. Pagkalabas ko ng kwarto napansin kong nakabukas ang ilaw sa kusina. Dahan-dahan akong naglakad at nakita ko siyang nakatalikod habang nag-aayos ng mga binili namin sa grocery. Naka shorts lang at sphagetti straps siya na pang-itaas. Napailing ako at napalunok. Damn her creamy flawless skin. I cleared my throat to get her attention pero nagulat yata siya at kamuntik pang mahulog. Nilapag ko ang hawak na whisky sa island counter at dali-dali ko siyang nilapitan para saluhin. I hold my breath for a second because our faces were just inches apart. Magkadikit din ang mga katawan namin dahil sa pagkakayakap niya. She smells good. Really good. I can hold her like this forever. Kahit walang ka effort-effort, maganda pa rin. To think that she's not even in her full bloom yet. And her lips, parang iniimbitahan akong halikan siya. Muntik na akong mawala sa katinuan. Hahalikan ko na sana siya pero bigla siyang nagpababa. Napansin yata niyang nakatingin ako sa labi niya. I really should keep my distance from her. Baka hindi ako makapagpigil. I mean not really distanced myself, hindi lang 'yung ganito kalapit. Baka kung ano ang magawa ko sa kanya na pagsisihan ko. Tangina! Karma ko na yata 'to sa kakatukso kay Rosh. Masyado pang maaga. Kailangan ko pang maghintay hanggang pwede na. Hindi siya katulad ng mga babaeng naikama ko na. She has everything that the other girls I've known has nothing. She's too special at ayaw ko siyang dungisan ng hindi muna inihaharap sa altar. "Basta may alak, may balak." Hindi ako agad nakapagsalita sa sinabi niya. Pero kalaunan bigla akong napatawa ng malakas nang mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Masyadong straight forward. Well atleast nagiging honest lang siya. "Tyansing talaga? Baka nga ikaw pa manantsing sa 'kin, eh. Oh, kapag nalasing ako, don't take advantage on me, huh? Sabihin mo nalang sa akin, I'll give to you my self whole heartedly." She look at me with disgusting face. Ang cute niya talaga even in simple gestures like that. "Luh? Lakas ng tiwala sa sarili ni sir—" Napatakip siya ng bibig. "Got you!" "Pwede bang trial muna?" "No trials, baby. A deal is a deal. Now be ready for the consequence." "Sige na nga. Game, sabihin mo na." Aba't parang napilitan pa. Seryoso siyang nakatingin sa akin at hinihintay ang sasabihin ko. "Kiss me." Napakurap-kurap siya at nanlaki ang mga mata niya . "Ano?" Ulit niya sa sinabi ko. Alam kong maliwanag ang pagkakasabi ko pero uulitin ko pa rin. "I said kiss me. Halikan mo ako." "Uy, ikaw na ang nagti-take advantage sa akin niyan, ah. Stop flirting with me. Alam kong yummy ako pero bawal tiyansing. Parang candy lang naman ang hihingin nito." I know that she's just trying to ease the tension kaya nagiging kwela na siya. How I love her sense of humor. Kahit halatang nahihiya at kinabahan sa sinabi ko, pinipilit niya pa rin pagaanin ang sitwasyon niya. Gusto ko tuloy matawa sa sinabi niya. Namumula na rin kasi ang mga pisngi niya at mas lalo siyang gumaganda. "I'm waiting, Alexa. That's the consequence. Kapag hindi mo ginawa ngayon, doble na bukas." "Halla! Ano ’yon? May interest? Oa ka na sa pagiging negosyante. Pati ba naman dito dadalhin mo ang pagiging CEO mo?" "Sige mamili ka nalang. You will kiss me or I'll be the one to kiss you?" She gaped at the words that just left my lips. Epekto na yata ng alak 'to. Masyado nang nagiging makapal ang mukha ko para hingin ang isang halik kay Alexa. "Pa'no kung ayaw ko?" "Doble ang kapalit sa susunod." I stared at her in my most intimidating look. Silence. Hindi siya gumalaw at nanlalaki lang ang mga mata habang nakatitig sa akin. Na-shocked yata. Sasabihin ko sanang joke lang pero bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. The next thing I knew, she kissed me. . . On the lips. It was just a simple kiss. Tatalikod na sana siya but I drew her back and kiss her passionately. I did not hold back. Hinalikan ko siya ng dahan-dahan at ninamnam ang bawat sandali. I felt her stiffened pero kalaunan ay dahan-dahan ding sumabay ang galaw ng mga labi niya sa galaw ng labi ko. Bawat hagod ng mga labi niya ay nagdudulot ng kakaibang dagundong sa dibdib ko. Para akong inantok at dahan-dahang pumikit ang mga mata ko. This is the sweetest kiss I've ever tasted. Dama ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko. At sa unang pagkakataon, nakadama ako ng labis na saya na hindi ko naramdaman sa mga babaeng nakakasama ko. This feeling is magical. Pero bakit parang lumilindol yata? Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at bumungad sa akin ang nagtatakang tingin ni Alexa habang niyuyugyog ang balikat ko. Pupungas-pungas pa ito at kukusot-kusot ng mata. "Lipat ka na sa kwarto mo. Dito ka na nakatulog. Sabi naman kasi sa 'yo huwag kang maglalasing, makulit ka rin pala. Ang tigas ng ulo mo." Luminga ako sa paligid ko. Nasa kusina nga ako at halos wala ng laman ang bote ng alak. At si Alexa, medyo magulo ang buhok at halatang galing sa pagtulog. I am speechless or more like tounge tied. I tried to remember kung ano ang nangyari kanina. Sure akong hinamon ko siyang halikan ako. Pero bigla ko rin naalala na pagkasabi ko pala no'n ay mabilis siyang tumakbo papunta sa kwarto. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. s**t! Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang mga palad. Realization hit me. . . Panaginip lang pala.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม