CHAPTER 9

1505 คำ
 Alexa Medyo traffic, inabutan na kami ng buhol-buhol at usad pagong na mga sasakyan sa daan. Rush hour na rin kasi. Wala pa rin imik si Sir Magnus kaya pinagkasya ko na lang ang sarili kong nakatanaw sa labas ng sasakyan. He's really pissed. Tinotoyo ang lolo mo. Hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit bigla nalang mag-iiba ang mood niya. Para bang kapag naihipan ng hangin, in an instant biglang magbabago ang mood. Ang weird ng ugali. Ngayon masaya, mamaya-maya lang biglang mag-aalburoto na parang bulkan. Hindi lang pala mga babae ang mahirap ispelingin ang ugali, mas malala pa siya. Parang palaging may regla. Medyo naalog-alog pa ang tiyan ko dahil sa bilis ng lakad niya. Para kaming hinahabol sa bilis ng mga hakbang niya kanina. Hindi yata siya aware na malaki siyang tao tapos ako parang maleta lang kung hilain niya. Appendicitis ang aabutin ko sa lalaking 'to! Napahawak ako sa palapulsuhan ko. Nakaramdam kasi ako ng medyo p*******t dahil siguro sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin kanina. Bahagya kong iniangat ang kamay para makita. Saktong nag-red naman ang traffic light. Medyo namumula pala kaya medyo masakit. Nagulat ako nang hinawakan ni Sir Magnus ang kamay ko. Sinipat niya ito at pinakatitigan. Narinig ko pa ang mahina niyang pagmumura. I looked into his eyes and saw his concern. Para bang may pagsisisi doon. I'm not sure though. . .parang lang. Pero dapat lang na magka-concern siya, siya ang may gawa nito, eh. Bigla-biglang magsusungit at manghihila. Dalawang beses na niyang ginawa sa akin iyon. "I'm sorry about this. Masakit ba?" Aba! concern nga yata. Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit pa nga parang bigla na lang sumikdo ang puso ko sa simpleng hawak niya. "Ayos lang po. Baka hindi lang kayo aware na napahigpit ang hawak niyo kanina sakin. Hindi naman po masyadong masakit." Binawi ko ang kamay ko at tumingin ulit sa labas ng sasakyan. Hindi ko matagalan ang tingin niya. "Still, I'm sorry. I should'nt do that." Nilingon ko siya at nginitian. I did my best to be civil and to look normal. Kahit pa nga nagwawala na ang mga daga sa dibdib ko. "Apology accepted. Smile ka na, wala lang 'to. Malayo pa sa bituka," biro ko. His genuine smile that reaches his eyes appeared atlast. Thanks God! ♡♡♡♡♡♡ It took us for almost thirty minutes bago makarating sa penthouse niya. Nalula ako sa laki at ganda nito. Para bang sampung beses ang laki sa bahay namin. Minimal lang ang disenyo pero halatang mamahalin ang lahat ng mga gamit. Halatang lalaki ang nakatira. Black and white lang ang makikitang kulay. From curtains, paints to furnitures. Lahat may touch ng black or white. Napaka-plain lang kung tutuusin pero eleganteng tingnan. May mga paintings na nakasabit, hindi ko nga lang ma-gets kung ano ang mga iyon kahit saang anggulo ko tingnan. Abstract yata ang tawag sa gano'n. I'm not into arts kaya hindi ko talaga alam. Over looking din ang kabuuan ng buong siyudad mula sa glass window sa sala. May malaking flat screen t.v  na nakasabit sa dingding. Lalapitan ko sana ang isa sa mga paintings na nakaagaw sa atensyon ko pero biglang sumulpot si Sir Magnus. May hawak itong ice pack. Tumabi siya sa akin sa couch at kinuha ang kamay ko. Maingat niyang idinampi ang hawak sa wrist ko. Nakakunot pa ang noo na para bang may mahirap na puzzle siyang binubuo. "Sir, kaya ko na po. Ako na lang." Inaagaw ko ang ice pack sa kanya pero ayaw niyang ibigay. Tiningnan niya lang ako pagkatapos ay muling idinampi ang hawak na ice pack sa kamay ko. "Let me, Alexa. Let me do this for you." He smiled at me sincerely. Parang ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag siya ang bumanggit. Ewan ko ba? Isang ngiti lang din niya, para bang nagiging okay na ako. But I can't really avoid the buttetflies in my stomach. Nangingiliti sila at nagsisiliparan sa tiyan ko. Ang kukulit! "Okay, sabi mo, eh. Sino ako para tumanggi sa boss?" lalong lumawak ang pagkakangiti niya. Heck! Ang gwapo! Lalo pa siyang nagiging gwapo kapag ganitong malapitan. Posible ba 'yun? 'Yung dati nang gwapo, mas nagiging gwapo pa? "Ahm. . . Alexa, can I ask you a favor?" "Ano po iyon?" Saglit siyang napatigil like he was weighing his thoughts kung sasabihin ba o hindi. "Pwede bang huwag mo na akong tawaging Sir? Pwede bang Magnus nalang? Drop the formality. Wala na ring po, opo, boss or anything na parang formal o kaya parang nakakatandang pakinggan?" Medyo natawa ako sa huling sinabi niya. Nakakatanda talaga? "Bakit ka natawa?" Luh? seryoso na naman ang mukha niya. Lagot! Bad shot na naman yata si lolo Magnus. Bigla rin niyang itinigil ang pagdampi ng ice pack sa kamay ko. Did I get my self into trouble again? Change mood na naman siya. Hindi tuloy ako nakapagsalita. "Cat got your tounge?" I cleared my throat first para matanggal ang tila nakabara sa aking lalamunan. "Boss ko po kayo at sign po ng paggalang ko sa inyo 'yun." "That's it, boss mo ako kaya sundin mo ang sinasabi ko. Okay, ganito na lang. Let's make a deal." Nangunot ang noo ko. Deal? parang kinabahan tuloy ako. "Deal? Anong deal iyon?" "Everytime na tatawagin mo ako ng kahit na ano aside sa pangalan ko, may kapalit na consequence." Nakangisi pa siya habang nagsasalita. "Anong consequence po?" Sana naman hindi niya bawasan ang sweldo ko sa bawat mabigkas ko. Sandali siyang nag-isip. "Saka mo na malalaman." "Ang daya naman. Walang specific na parusa?" Napakamot ako sa ulo. Maduga 'tong lalaking 'to. Kailangan kong mag-ingat. Kung wala akong sasabihing importante, shut up na lang ako. Tama! Ang galing ko talaga! Mautak siya pero mas mautak ako. "So is it a deal?" He offered his hand for a hand shake. Hesitant pa akong tanggapin ang pakikipag-kamay niya. Baka mamaya may mag-spark na naman at makuryente ako. May poste ata 'to ng kuryente sa loob ng katawan kaya palagi akong nakukuryente kapag nadidikit ako sa kanya. Pero kailangan kong tiisin so I did! Nakipag-shake hands ako sa kanya at hindi ako nagkamali, nakuryente nga ako. Parang natigilan siya. Naramdaman din kaya niya 'yung spark? O ako lang 'yun? "Deal!" Wala nang atrasan 'to, Alexa. "Masakit pa ba ang kamay mo? Nalagyan na ng cold compress. Magiging okay na 'yan," he said smiling. Umiling lang ako. Nice! Ang galing ko. Safe parin sa consequence. "Playing safe, huh? Ayaw mong maparusahan?" Tumango lang ako. Para tuloy akong pipi sa ginagawa ko. Pero strategy ko 'to. Wala naman sa usapan na bawal ang gestures and movements kapag sasagot. I yawned. God! I'm sleepy. Napatawa naman siya sabay gulo sa buhok ko pagkatapos tumayo na siya. "Go freshen up. I know it's been a long day for the both of us. I think it's time to call it a night. That's gonna be your room."Turo nito sa isang pintuan. Sa wakas makakapagpahinga na rin. "Thank you. Pahinga na ako. Goodnight, Ma-Magnus." "Good night, Alexa." *** Magnus Sobra akong na-guilty sa paghila ko kay Alexa. Halos magmarka na pala ang kamay ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa kanya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko sa ikinikilos ko. Hindi naman ako ganito dati. In fact, I am a man of control and I know how to hide my emotions very well. But a while ago, feeling ko gusto kong balatan ng buhay ang lalaking 'yun. Akala ko pa naman boyfriend niya, bakit kinukuha niya 'yung number ni Alexa kanina? Pakiramdam ko umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo nang makita kong niyakap niya ang Howard na 'yun. Parang gusto kong ihiwalay ang mga buto niya sa katawan niya. Nag-init ng husto ang ulo ko sa nakita. That monkey! Parang nag-enjoy pa siya sa yakap ni Alexa not knowing na pinagnanasahan siya ng unggoy na 'yun! I'm usually calm and emotionless but now, I never thought that I could be this possessive over a girl—over Alexa. I never felt this way before. Ngayon lang! Even with Hillary—my ex. Hindi ako ganito sa kanya dati even someone tries to hold her. Hinatak ko si Alexa at hindi man lang siya nagreklamo kahit nasasaktan na pala siya. She stayed calm at nagpatianod lang sa paghila ko. Ayokong may humahawak sa kanyang iba. I don't know why. But when I've got to see her smile, she instantly lightens me up. She can really calm me. Sino ba nams kadi ang hindi kakalma kung nginitian ka ng isang mukhang anghel? At nu'ng araw na dumampi ang labi ko sa kanya, mas lalo akong nabaliw at hinanap ang presensiya niya. Kaya nga kahit hindi ko naman talaga kailangan ng maid inalok ko siya. Kapag kaharap at kausap ko kasi siya, narealize ko na napaka-effortless pala maging masaya. And now, I've finally realized that this feeling I felt inside is not just a lust. No! Definitely not! It's more than that. I think...I think I'm falling for her...
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม