Magnus
"BOSS ang harot mo talaga. Pati bata idadamay mo sa kalokohan mo. Tsk! Ang bata-bata pa no'n para dungisan mo ang pagkatao. Tapos idinamay mo pa ako. Pinagpanggap mo akong girlfriend mo. Nakakadiri! 'Yon na yata ang most challenging na nagawa ko buong buhay ko." Mahara exclaimed. She kept on talking and complaining like that for almost an hour while we're on our way home.
I stopped the car on the side of the road and stared at her. Hindi siya kumurap at nakipag matigasan din ng titig. Iba talaga 'tong sekretarya ko. Kung hindi lang talaga siya effective sa trabaho niya, matagal ko na siyang sinesante.
"Ang halay ng utak mo, Mahara. You know what? gusto ko lang makatulong kaya nga binigyan ko ng trabaho and in return I'll pay her tuition fees. At isa pa hindi . . . Hindi na siya bata. She's old enough. She's already eighteen. Dalaga na siya," halos pabulong nalang ang huling mga salitang lumabas sa bibig ko.
Actually hindi ko naman talaga gustong magpanggap si Mahara na girlfriend ko. Wala naman sa plano 'yon. Nag-assume lang ang lola ni Alexa at sinakyan naman ni Mahara, tapos ngayon magrereklamo. Lakas ng tama, siguradong may kapalit na hihingin mamaya 'to.
"Ako? Ako pa ang mahalay? Susme boss! Excuse me lang, sa ating dalawa ikaw 'yun at hindi ako, alam mo 'yan. Ikaw, boss Magnus, magtapat ka nga sa akin, kakaiba kasi 'yang glow ng mga mata mo kanina pagdating nu'ng Alexa, eh. Parang bituwin, kumukuti- kutitap. Spill it out and tell me the truth. Type mo ba?" namimilog pa ang mga mata nito habang hinihintay ang sagot ko. Hindi ako sumagot at muling pinaharurot ang sasakyan.
I don't have to explain because in the first place, wala naman akong dapat i- explain. I just need someone to clean and cook for me in my place. Yes, that's it! That's the explanation. 'Yun lang wala ng iba. Nothing more, nothing less.
Sinong niloko mo? Matagal kang namuhay mag-isa nang walang katulong. Ngayong tumanda ka na saka ka nangailangan ng makakasama sa penthouse mo? What a nice excuse, Magnus.
Napahampas ako sa manibela ng hindi ko sinasadya. Napatingin ako kay Mahara na bakas ang gulat sa mukha. I felt her stiffened.
"Boss, galit ka? Sige tatahimik na ako, hindi na ako magtatanong. Ito naman, masyadong seryoso. Affected much ka naman diyan." Kunwaring nag-zipper pa ito ng bibig bago tumingin sa labas ng sasakyan.
Hindi na nga siya nagsalita at mukhang natakot. I smirked. May kinakatakutan din pala ang isang Mahara Lopez. Gusto kong bumunghalit ng tawa dahil sa ekspresyon ng mukha niya pero pinigilan ko at baka bumalik ang kadaldalan niya. Naririndi na ako.
Bago ko siya ibinaba sa tapat ng apartment niya, inilahad pa nito ang palad sa akin. I frowned. Tama nga ang hinala ko. I know what's the meaning of it. Nanghihingi ng extra payment para sa pagpapanggap niya kanina.
"Two five, boss. Mahirap umarte na syota mo. Nakakapanindig balahibo." Nakangisi pa ito habang hinihintay ang i-aabot ko. Ibang klase talaga. Para bang ang daming binubuhay na anak kung maka-asta.
Bumuntong-hininga ako at inilabas ang wallet mula sa aking bulsa. Humugot ako ng dalawang tig-isang libo at isang limang daan.
"Thank you, boss. Ingat sa pag-uwi," pagkasabi nu'n ay tumalikod na ito at pumasok sa gate. I shook my head. Nabudol na naman ako ng sekretarya ko.
Tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali ko iyong kinuha at tiningnan ang caller I.d Isinuot ko ang wireless headset at ikinonekta sa cellphone.
"Yes, Rosh? Need something?"
"Kapag tumawag may kailangan agad? Hindi ba pwedeng namimiss lang kita?"
"f**k you!"
"I'm on your place. I'll wait for you. Inuman tayo." Napahilot ako sa sentido. Alas-sais palang nagyayaya na ng inuman. Ano na naman kayang problema nito?
"Okay, I'm on my way." I ended the call at mas binilisan ang takbo ng sasakyan.
Prenteng nakaupo si Rosh sa couch ng lobby ng abutan ko. His legs were crossed while his arms were stretched at the backrest of the couch. Mukhang stressed ang itsura. Bigla siyang umayos ng upo nang makita ako.
"What took you so long? Sumasakit na ang pwet ko. Kanina pa ako rito." He crossed his arms infront of his chest. This lunatic, mang-iistorbo na nga? siya pa ang may ganang magreklamo.
"Hindi lumilipad ang sasakyan ko para makarating agad. May I remind you asshole that we're in the Philippines at sa ganitong oras ay traffic ang kalaban sa labas. What brings you here?"
Umaktong nasaktan ang baliw at humawak pa ito sa dibdib. I can't believe this man. He acts like he's not the Rosh I've known before. Ang dating seryosong tao na halos hindi alam ngumiti, ngayon parang baliw na kung umasta.
Nagpatiuna na akong maglakad papuntang elevator. Naramdaman kong nakasunod siya kaya hindi na ako nag-abalang tapunan siya ng tingin pero humabol ito at umakbay pa. Tinapik-tapik nito ang balikat ko. Hindi ko alam kung para saan 'yun.
I stepped inside the private elevator at pinindot ang 42nd floor kung nasaan ang penthouse ko. Pagbukas ng lift, agad akong lumabas at sumalubong ang katahimikan. Ngayon ko lang narealized, masyado palang malungkot ang buhay ko. All of these years mag-isa lang ako sa maluwang na penthouse na ito. Aalog- alog dahil halos wala namang nakatira. Mas madalas pa nga ako sa condo. Buti pa sa bahay nila Alexa, maliit nga pero masaya.
I snorted and let out a loud breath not knowing that Rosh was staring at me.
"May problema?" He asked curiously.
"Nothing. Just tired. Kagagaling lang namin ni Mahara sa isang bagong site ng bagong itatayong condominium sa Pasay. I hate the location. Masyadong crowded and it was surrounded by poverty. Hindi ideal para sa project. Tapos dumagdag pa sa sakit ng ulo ko ang business proposal ng isa sa board member ko. Hindi feasible at masyadong mataas ang costing." Alam kong hindi kumagat si Rosh sa sinasabi ko.
I'm stressed about the project pero mas sumasakit ang ulo ko sa mga pinagsasasabi ni Mahara kanina. That girl is really a pain in the ass. Masyadong madaldal at kung anu-ano ang naoobserbahan.
"Talaga? Sure ka? Trabaho lang ang dahilan?" Nakataas pa ang kilay nito at nakangisi.
"Oo nga. Ano pa ba ang magiging dahilan?" Humakbang ako at tinungo ang mini bar. I get a bottle of rum, bucket of ice cubes and two snifters Dinala ko iyon sa sala.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina. Bakit ka nandito? Anong masamang hangin ang nagdala sa 'yo rito?" Umiling lang siya at umupo sabay salin ng alak sa snifter na hawak.
"Wala nga. Kailangan ba laging may dahilan para pumunta rito?"
"Well, Morris, I knew you very well. Dalawang rason lang kung bakit ka narito at nagyaya ng inuman. It's either you want to hang out or something's bothering you and you need someone to talk to. Ngayon, nasaan sa dalawa ang dahilan?" Tumawa lang siya pero halos hindi iyon umabot sa aking pandinig. 'Yun ay kung tawa nga iyong matatawag.
"Nasundan ako ni Cheska sa apartment na inuupahan ko. Nag- enrol pa siya sa University na pinapasukan ni Kim Angelique. Nagsisimula pa lang akong mapalapit sa kanya and knowing Cheska? She will ruin my plan. Alam kong may pinaplano 'yun. Masyado siyang tuso. Alam mo 'yan." Sinasabi na nga ba. Problema na naman sa babae.
"Bakit ka naman niya sinundan? Tapos na naman ba siyang makipaglaro ng apoy sa lalaki niya?"
"She wanted me back pero ayoko na. I love Angelique so much, bro. Siya lang ang gusto kong pakasalan, wala ng iba."
I sipped from my glass saka nagsalin muli. Damang-dama ko ang hagod ng alak sa lalamunan ko.
"Sorry, dude, you went to the wrong person. Alam mo namang wala akong maipapayo sa 'yo pagdating sa mga ganyang bagay. Hindi pa ako nai-inlove." Tumingin siya sa akin na para bang may mali akong nasabi. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Talaga? Alam nating pareho na na-inlove ka na. Hillary, remember?"
"Change topic. Ayokong ibalik ang nakaraan. What happened from the past should stay in the past."
"Kung anong nangyari sa nakaraan, bahagi parin 'yun ng kasalukuyan," makahulugan nitong sabi.
"Masaya na ako kung anong meron ako ngayon. I'm living my life to the fullest and enjoying every single day of my life. Wala na akong mahihiling pa. Kontento na ako." Humalukipkip ako at umayos ng upo. Iiling-iling lang si Rosh .
"A man can't live alone, bro."
"Who says I will live alone?"
"Tumatanda na tayo at kailangan natin ng mag-aalaga sa atin balang araw. Don't you want to have your own family? Hindi mo ba nakikita ang sarili mo na nakikipaglaro sa mga anak mo habang ang misis mo nagluluto para sa inyo? 'Yung tipong pag-uwi mo galing trabaho may mga sasalubong ng halik sa 'yo? Ayaw mo ba ng gano'n?" Medyo napaisip ako. I sipped another glass of rum then a face suddenly came into the picture.
She looks so innocent and simple yet so beautiful. Hindi ko naiwasang ngumiti. Napatigil ako. s**t! No effin way! Bakit ako nangingiti? Ipinilig ko ang ulo at sinulyapan si Rosh. Buti nalang hindi siya nakatingin dahil kung hindi, baka tuksuhin pa ako.
Not going to happen. I thought shaking my head.
***
Alexa
Kanina pa ako hindi mapakali. Ewan ko ba parang kinakabahan ako na ewan. Kanina pa ako tumitingin sa labas, mamaya sa orasan naman.
"Bakit para kang 'di mapaanak na pusa diyan? Aba'y kanina pa ako nahihilo sa 'yo," komento ni lola na kanina pa pala ako pinagmamasdan.
Bumalik ako sa upuan at humalukipkip.
"Lola, sigurado ba kayong ayos lang kayo ni Siri dito?"
"Oo naman. 'Yun lang ba ang inaalala mo kaya di ka mapakali?" Tumango ako pero ang totoo 'yung presensiya ni sir Magnus ang iniisip ko. 'Yun palang makita ko siya, parang sinasakal na ang puso ko, 'yun pa kayang magkasama kami sa iisang lugar?
"Ayos lang kami rito, ate, ako ang bahala kay lola. Basta pag-uwi mo sa lunes may pasalubong ako." Nawala ang ngiti sa labi niya ng kinurot siya ni lola.
"Aray naman 'La. Bakit nangungurot ka?" Nakangiwi ito at hinaplos ang tagiliran.
"Magkakatulong 'yang ate mo hindi magbabakasyon!"
"Ayos lang ’La. Basta ba pasahurin ako agad ni sir Magnus."
Napatigil kami sa pagkukwentuhan nang may tumigil na sasakyan. Agad ko iyong nakilala. Si sir Magnus na nga. Umayos ako ng upo at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri. Binasa ko rin ng konti ang labi at bahagyang kinagat-kagat iyon para madagdagan ang pamumula.
"Magandang hapon po," bungad ni sir Magnus sa pintuan. Nakangiti at ang linis ng itsura. Bagong shaved at bagong gupit. Napakadistracting ng itsura. Did the Gods came to invade the earth? Pucha! Ang gwapo! Ilang segundo akong napatitig sa kanya without knowing that I was already holding my breath. I was mesmerized by his blue eyes.
"Hoy, ate! Alis na raw kayo." Siri snapped her fingers in front of my face. "Laway mo, ate," bulong pa niya sa akin ni Siri na nakangisi. Pinanlakihan ko siya ng mata at inirapan. I cleared my throat.
"Ready ka na ba?" tanong ni sir Magnus. I nodded. Inayos ko ang backpack na dadalhin ko pero kinuha niya iyon dahilan para magkadaiti ang mga balat namin. Nakuryente ako kaya agad kong inilayo ang kamay ko. Para bang may nag-spark. Naaamoy ko pa ang amoy ng katawan niya. Napakabango.
"Ako na magdadala nito." He stared in my eyes. Para akong nahihipnotismo kaya agad akong nagbawi ng tingin at binalingan si lola para magpaalam.
"Lola alis na po ako. 'Yung gamot mo, ha? May nilagay na akong labels du'n. Andun na kung anong oras mo iinumin at kung ilang beses. Huwag kang masyadong magpapagod." n
Niyakap ko siya at hinalikan ang pisngi nito. Para bang ang layo ng pupuntahan ko at matagal na mawawala kung magpaalam sa kanila.
"Ang oa mo, ate. Dalawang sakayan lang ang pupuntahan mo, wala pang isang oras. Tatlong araw ka lang du'n," singit ni Siri. Pabiro ko siyang hinampas sa braso pero natawa lang ang kapatid ko.
"Tingnan mo si lola, ha? Malalagot ka sa akin."
"Oo na po, ate. Alis na, baka mainip si sir Magnus." Binalingan ko si sir Magnus na nakatitig lang pala sa amin habang nakangiti.
"Magnus, ikaw na bahala sa apo ko, ha? Minsan may pagka sutil ang batang ire, pero mabait naman. Ikaw nalang bahalang magpasensiya diyan kung maging sutil man," bilin ni lola.
"Huwag po kayong mag-alala. Aalagaan ko po siya." Nangunot ang noo ko. Parang iba kasi 'yung dating sa akin nu'ng huling sinabi niya. Aalagaan ako? Eh, magkakatulong nga ako diba?
"Aalis na po kami." Paalam ni sir Magnus. Nagmano pa ito kay lola bago kami umalis. Parang baliktad. Diba dapat kaninang dumating siya nagmano?
"Mag-iingat kayo sa daan," bilin pa ulit ni lola.
Paglabas namin ng bahay, nakatingin ang mga kapitbahay sa amin. Napailing ako. Laman na naman ako ng headline ng chismisan mamaya.
Pinagbukas pa ako ni sir Magnus ng pinto ng sasakyan. Siya pa sana ang mag-aayos ng seatbelt kaso masyadong mainit ang mata ng mga kapitbahay kaya pinigilan ko. Mukhang nakuha naman niya ang dahilan kaya ngumiti ito at umikot papuntang driver's seat.
"Ready ka na?" tanong nito pagkatapos isuot ang seatbelt niya. I nodded and forced to smile kahit pa nga nate-tense ako. Binuhay nito ang makina ng sasakyan pagkatapos ay pinaandar ito paalis.
Ginawa kong busy ang mata ko sa labas ng sasakyan kahit wala namang interesanteng makikita. Nangangalay na ang leeg ko at feeling ko magkaka- stiff neck na ako.
"Ayos ka lang ba?" He broke the silence. Sa wakas! Akala ko tuluyan ng mapapanis ang laway ko.
"O-okay lang po ako." Tumingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti.
"Daan muna tayo sa grocery. Ayos lang ba? Wala pa kasing masyadong laman ang kusina ko."
"Sige po, sir. May listahan na po ba kayo?" tanong ko.
"Listahan? Kailangan ba 'yun?"
"Siyempre po para alam natin ang mga bibilhin para hindi takaw oras at saka baka kung anu-ano lang ang mabili natin kahit hindi naman pala kailangan," sagot ko. Napangiti siya. Labas ang mga mapuputi at pantay- pantay nitong ngipin.
That simple gesture. Nagwawala na naman ang mga kulisap sa tiyan ko.
"Sige, sa susunod alam ko na. Hindi ko kasi alam. Buti nalang nandiyan ka na."
Nandiyan ka na. . .Iba yung meaning sa akin nu'n. Para tuloy kinikiliti ang puso ko.
Ilang minuto lang, tumigil kami sa isang mall. Dumiretso kami sa loob ng grocery store. Bukod sa mga canned goods, prutas, gulay, isda at karne, binilhan din niya ako ng mga pansariling gamit tulad ng sabon, shampoo, at feminine wash. May shower gel din kahit hindi naman ako gumagamit nu'n.
Sa mall narin kami kumain at pinapili pa niya ako kung saan ko gusto. Nahiya pa ako nu'ng una na magsabi kung saan at baka ayaw niya pero mapilit siya. Sa isang fastfood ang napili ko. Du'n sa may logo ng bubuyog. Siya pa ang nagpresintang mag-order. Tinanong niya lang ako kung anong gusto ko. Magpoprotesta sana ako na ako nalang pero hindi niya ako pinakinggan.
Naghanap na lang ako ng bakanteng upuan. Sakto, may mesang pandalawahan sa tabi ng glass window. Kumaway ako sa kanya at tumayo nang makitang paparating siya at hinahanap ako. Nakangiti siyang lumapit at saka inilapag ang mga pagkain. Feeling ko tuloy parang nagdi-date kami. Agaw pansin pa siya at pinagtitinginan. Sinong hindi mapapatingin? Bukod sa kapansin- pansin ang kagwapuhan, napakatangkad pa.
May mga grupo pa ng kababaihan ang parang inaalog ang pantog habang nagpapa-cute sa kaniya. Bigla akong nakaramdam ng inis. Ito namang si Sir Magnus chill lang. Gusto ko na tuloy lumabas. Kinginang mga haliparot!
Tahimik akong kumain. Panay ang sulyap niya sa akin pero pinanatili ko ang tingin ko sa kinakain ko.
"May problema ba, Alexa?" tanong niya. Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang nag-aalala niyang mata. I sincerely smiled.
"Wala po, ine-enjoy ko lang po ang pagkain," dahilan ko.
"Gusto mo pa ba? Order pa tayo." Sunod-sunod akong umiling.
"Ayos na po ako. Okay na po 'to." Biglang umangat ang kamay niya patungo sa mukha ko at pinahid ang gravy sa gilid ng labi ko. Wala sa loob na isinubo niya iyon. Para bang normal niya lang na ginagawa iyon. Nag-init ang pisngi ko sa ginawa niya. Napalunok ako at uminom sa ice tea.
Nakita ko pa ang kabiguan sa mga mukha ng mga babaeng nasa loob kanina. I felt victory. Siyempre dahil ako ang kasama ni Sir Magnus.
Habang naglalakad may biglang humawak sa kamay ko. Nang tingnan ko, si Howard pala.
"Howard!" Na-excite ako dahil may nakita akong kakilala kaya niyakap ko siya.
"Saan ka pupunta?" Nakangiti ito pero biglang natunaw ang ngiti nang makita kung sino ang kasama ko.
"She's with me. So if you'll excuse us, aalis na kami." Pahakbang na ako nang hawakan ako ni Howard sa braso.
"'Yung number mo, Alexa, pwede ko bang makuha?"
Bigla akong hinila ni Sir Magnus. Nilingon ko si Howard na nakatanga.
"Sa susunod na lang." I wave my hand and gave him an apologetic smile. Tumango lang naman ito sa akin at ngumiti.
Ang higpit ng hawak ni Sir Magnus sa palapulsuhan ko. Namumuti na sa sobrang higpit at ng tingalain ko, nakaigting ang panga at salubong ang kilay. Ang lalaki pa ng hakbang niya kaya halos makaladkad na ako. Ano'ng problema nito? Nakakatakot. Ano kayang nagawa kong mali? Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang nagpapatianod nalang sa kanya.