Pabagsak akong umupo sa gilid ng kalsada sa tapat ng eskwelehan habang hawak ang plastic cup na may lamang fishballs. Kanina ko pa hawak 'to pero nawalan na ako ng ganang kainin. Iniisip ko kasi 'yung offer ni sir Magnus noong nagdaang gabi.
Tatlong araw na rin simula nu'ng inialok niya sa akin ang trabaho pero hanggang ngayon hindi pa ako nakaka-sagot sa kanya. Kung ako lang talaga tatanggapin ko 'yun. Si lola lang talaga ang inaalala ko. Siguradong hindi papayag 'yun lalo na't stay in. Sa hilatsa pa naman ng pagmumukha ni Sir Magnus, halatang hindi 'yun tumatanggap ng 'no' bilang sagot. He even offered to double my salary. Gano'n ba siya ka-persuasive para i-hire ako?
Malapit na ang bakasyon at ayokong maburo sa bahay nang walang ginagawa. Napagbuntunan ko tuloy ng inis ang hawak kong fishballs at tinusok-tusok hanggang sa malamog at halos madurog na. Napangiwi pa ako sa itsura nu'ng tingnan ko.
Napabuntong-hininga nalang ako. Bakit ba kasi antagal ni Angelique?! Kanina pa ako naghihintay sa kanya. Nabobored na ako rito. Kung anu-ano na tuloy ang naiisip ko.
Pumangalumbaba ako at inilabas ang cellphone mula sa aking bag. Binuksan ko ang social media account ko pero wala naman mga bagong notifications doon. Badtrip lang din ang mga nakita kong myday at posts. Mga relationship goals kuno pero hanggang social media lang naman sweet. Kala mo naman kung totoo ang ka-sweetan samantalang nagpopost lang naman sila for attention.
Sa gallery na lang ako napunta. Scroll lang ako ng scroll pero wala naman talagang ibang makikita du'n kundi mukha ko lang. Kung hindi ko mukha, mukha ni Siri, ni Angelique o kaya ni lola. Nangunot ang noo ko nu'ng makitang may ibang folder na naka- save.
'HOT' ang nakalagay na file name nu'ng folder. Wala naman akong matandaan na may na-save akong ganitong folder sa gallery ko. Ni-click ko ang folder at bumuluga ang pictures ni sir Magnus.
Kingina! Hot nga! Nakakapaso. Naglalagablab.
Puro selfies ni sir Magnus ang nasa bagong folder. Nasa anim ang bilang ng photos. Meron pang naka-topless at captured iyon sa harap ng full-size na salamin.
Gusto kong takpan ang mga mata ko pero sinong niloko ko? I'm enjoying the view! Namimintog ang mga abs niya. I even zoomed the photo and count his abs using my index finger.
Isa... dalawa...tatlo... apat...
Napalunok ako habang nakaturo ang daliri ko sa mga pandesal niya.
Anim! Anim ang abs niya! Mahabaging bathala, nagkakasala na naman ang mga mata ko. Bakit ba kasi meron ito rito?
Naalala ko tuloy 'yung paghaplos niya sa pisngi ko at 'yung labi niyang dumantay sa labi ko. Nakahaplos na, nakahalik pa tapos ngayon mag-iiwan pa ng mga ganitong pictures sa gallery ko.
Nag-swipe ulit ako sa screen ng cellphone para ilipat sa iba pang photos. Putaragis! Nakatapis lang siya ng puting tuwalya. Halatang bagong ligo dahil may butil-butil pa ng tubig sa dibdib niya. Natigil ang mata ko sa gitnang parte niya. May nakaumbok doon. I unconciously gulped. Parang pagpapawisan na ako ng malapot. Ang init-init, susme!
Napaka-bastos ng tuwalya. Bakit nakaharang? Ang swerteng tuwalya naman! Para tuloy may nadagdag na sa mga pangarap ko. Parang pangarap ko na rin maging. . .
TUWALYA!
"Hoy Alexa!"
"Aaayyy! tuwalyang may umbok!” Nagulat ako nu'ng biglang sumulpot si Angelique sa harapan ko. Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat. Bigla akong nataranta at agad na itinago ang cellphone sa bag ko. Nasamid pa ako dahil sa laway ko at naubo.
Langya ka, Alexa, kung ano-ano ang iniisip mo!
"Kanina ka pa riyan?" Napanguso si Angelique at nangunot ang noo.
"Anong tuwalyang nakaumbok? Namumutla ka, oh. Pinagpapawisan ka pa." Pasimple niyang sinulyapan ang fishball na nasa tabi ko at napailing ngunit muli ring bumaling sa akin. Umupo rin siya sa tabi ko pero halatang naiinis.
"Wala, nagulat lang ako sa 'yo. Bakit ba antagal mo at anong meron diyan sa pagmumukang 'yan? Bakit lukot 'yang mukha mo?" tanong ko. Maayos pa naman kasi ang itsura nito kanina at maganda pa ang mood pero ngayon halos hindi maipinta ang mukha.
Iniangat niya ang dalawang kamay at aktong parang may hinahamon ng suntukan.
"May nakasalubong akong mga impakta roon sa hallway papuntang cr. 'Yung grupo ni Monique. Ang sabi pumapatol ka raw sa matatandang mayaman. Naku! mga bruhang iyan pagbubuhulin ko ang mga buhok ng mga 'yan, makita nila!" Nanggigigil pa ito habang patuloy sa pagsuntok sa kabilang palad.
Medyo nagulat ako sa narinig. Kilala ko si Angelique. Hindi siya agad-agad magre-react kung talagang hindi nabi-bwisit.
Ako? Papatol sa matanda? Gunggong sila! Kailan pa? Buti sila alam nila, bakit ako hindi ko alam?
"As in, bes? Ako talaga 'yung sinasabi nila?"
She quickly nodded and stands in front of me.
"Alangan naman ako? Matanda lang si Rosh pero hindi siya mayaman."
Napanguso ako at napaisip sa sinabi niya. Ngayon palang umiinit na ang bumbunan ko dahil wala naman akong pinapatulang matanda. Ni wala akong boyfriend! FYI lang!
"Naku, Alexa! Buti nakapagpigil ako dahil kung hindi lalabas silang duguan ang anit." Nanggagalaiti parin siya at pulang-pula na ang mukha.
"Hayaan mo na, baka wala lang silang magawa kaya pati ako ginagawan ng chismis. Chill ka na. Magrelax ka. Kumalma ka. Mas asar ka pa sa akin, eh."
Bumuntong-hininga siya at parang nawala ang inis. Ang mata diretso sa harap niya. Parang kumislap pa nga ang mga 'yun at wala nang bakas ng inis. Binalingan ko ang direksyon ng kanyang mata.
Ay, kaya naman pala. Andiyan na pala ang nagpapatibok sa puso niya. Hindi pa sila pero alam kong indenial lang 'tong bestfriend ko, eh.
"Oy! Laway mo tumutulo na!" Napahagikgik ako dahil para siyang natulos sa kinatatayuan.
"Sshh.. tahimik!" Saway niya.
I stand up and fixed my uniform. Pinagpagpag ko rin ang likurang bahagi ng palda ko at baka may kumapit na dumi mula sa inupuan ko.
"Bes, nandito naman na ang prince charming mo kaya mauuna na ako. Mukhang may date yata kayo. Ayokong maging chaperone." I winked at her .
"Sira! Sige ingat ka."
"Bye, Rosh! Ikaw na ang bahala sa kaibigan ko. Dahan-dahan lang ang pagpasok, ha?"
Parehas silang napatingin sa akin.
"Alexa!" Pinanlakihan ako ng mga mata ni Angelique pero si Rosh nangingiti lang.
"Why? Did I say something wrong?" inosente kong tanong kahit alam ko na ang ipoprotesta niya. Lalo pang namilog ang mata niya at namula ang mga pisngi. How adorable. Napaka inosente talaga ng babaeng 'to.
"Huwag mo na lang pansinin si Alexa, love." Rosh chuckled lightly.
"Ang dirty kasi ng isip mo, bes. Ang sabi ko dahan-dahan lang ang pagpasok ni Rosh sa puso mo. Baka kasi biglain niya baka masaktan ka. Luh? greenminded siya."
Asar na asar ang mukha niya kaya sumibat na ako at mabilis na lumayo sa kanila. Ang bigat pa naman ng kamay no'n, baka mahampas ako. Kumaway na lang ako habang naglalakad ng patalikod.
Habang naglalakad, napaisip ako kung bakit nila sinasabing pumapatol ako sa matanda. Saan kaya nila nakuha ang mga pinagsasasabi nila? Wala naman akong sinasamahan na lalaki para magkaroon sila ng especulation na pumapatol ako sa gurang. Iisang lalaki lang naman ang pumunta sa University para sunduin ako.
Si Sir Magnus.
Pero hindi naman siya matanda, ah. Nasa late 20's palang naman yata siya. Eh, bakit naman ako magpapa-apekto sa mga sinasabi nila kung alam kong hindi naman totoo?
Napatigil ako sa paglalakad nang biglang tumunog ang cellphone ko. I yanked my phone out from my bag to see who's calling. Si Siri.
"Hello? Napatawag ka?"
"Ate, nandito si kuya Magnus sa bahay. Bakit di mo sinasabing may alok siyang trabaho sa 'yo? Kinakausap niya si lola. Ipinagpapaalam ka niya."
"Ano? Wait lang pauwi na ako. Naku, pasaway si Sir Magnus. Sabi kong ako na ang magpapaalam kay lola, eh."
Hindi ko na hinintay na sumagot si Siri. Pinatay ko kaagad ang tawag at mabilis na pumara ng tricycle.
"Naku, baka kung ano ang masabi ni lola sa kanya. Straight to the point pa naman kung magsalita iyon."
Halos hindi na ako mapakali sa loob ng tricycle.
"Kuya, pwede bang pakibilis pa po? " Baling ko sa tricycle driver. Hindi sumagot ang driver pero ramdam kong bumilis nga ang takbo nito. Muntik pa akong masubsob nang nadaan kami sa lubak.
"Aaayyyy butete! Ano ba Manong? Dahan-dahan naman, muntik nang magalusan ang ganda ko!"
"Sabi mo kasi bilisan ko, eh," sagot ng driver sa akin. Napaismid ako.
Hindi nalang ako umimik at may point naman siya.
Medyo malapit na ako. Tanaw ko na ang sasakyan ni Sir Magnus. Agad akong pumara at nagbayad. Malalaki ang hakbang kong pumasok sa bahay. Halos takbuhin ko na ang distansya kaya hingal ang inabot ko nang makapasok sa loob.
Nabaling ang tingin nila sa akin. Ngumiti ako agad nang magtama ang mga mata namin ni Sir Magnus. May naiwan pang ngiti sa labi nito mula sa pakikipag kwentuhan kay lola.
"Oh, apo, nandito ka na pala. Bakit parang hingal na hingal ka?" Lumapit ako kay lola at nagmano. Medyo uneasy pa ang paghinga ko pero paunti-unting bumabalik na rin sa normal na paghinga.
"Ayos lang ako, lola." Nabaling ang tingin ko kay Sir Magnus na noon ay nakatitig pala sa akin. Ayan na naman yung titig niyang nakakatunaw. Nag- iwas ako agad ng tingin. Pumintig na naman kasi ng 'di pangkaraniwan ang puso ko. I always find it hard to breath when he's around. Para bang ang nipis ng hangin. Nawiwirduhan na talaga ako sa nararamdaman ko.
"Hi, Alexa." Nabaling ako sa katabi niya. Hindi ko siya agad napansin. O sadyang hindi ko lang napansin dahil nasa iba ang atensyon ko? Kilala niya ako pero hindi ko naman siya kilala. I smiled at her. She smiled back.
"Hello po." Nakita kong bumulong siya kay Sir Magnus at mahinhing tumawa. Hinampas pa niya ito ng mahina sa braso. Ang ganda niya, para siyang manika. Napakaputi at ang hinhin ng itsura at galaw. Parang may tumusok bigla sa dibdib ko. Bagong babae kaya niya? O baka naman ito ang totoong girlfriend niya?
"Nadaan lang kami rito. Malapit lang kasi ang site ng bago naming project kaya naisip kong dumalaw at para ako na lang din ang magsabi kay lola ng alok ko sa 'yo," nakangiting pahayag ni Sir Magnus. Sinulyapan ko si lola mula sa aking gilid.
"Oo nga, apo. Wala ka naman nababanggit sa akin. Eh, maganda naman pala itong offer ni Magnus sa 'yo."
Napatanga ako sa narinig. Ang akala ko kasi hindi siya papayag pero heto parang ang saya-saya pa. Humawak ako sa braso ni lola at pinakatitigan.
"Papayag ka ba lola?" tanong ko.
"Bakit naman hindi? Eh, sasagutin daw ni Magnus ang pag-aaral mo. Alam ko namang ayaw mong umaasa lagi sa mga bigay ng tito at tita mo. Pagkakataon mo na 'to."
Nanlaki ang mata ko at muling tumingin kay Sir Magnus.
"Talaga po? Pero 'di ba ang sabi niyo---"
"Sasagutin ko ang pag-aaral mo maliban pa sa sahod mo basta stay in ka. Tutal friday to sunday lang naman. Pumayag narin si lola. Ikaw nalang ang hinihintay namin ang sagot."
"Pumayag ka na, apo. Huwag mo akong alalahanin. At saka sabi naman nitong girlfriend ni sir bibisi-bisita siya du'n kapag nandun ka para may kakwentuhan ka. Tutal tatlong gabi lang naman ang pamamalagi mo roon kay Sir sa loob ng isang linggo."
Girlfriend?
Napatingin ako sa dalawa na parang may sarili na ngang mundo. Parang wala kami ni lola sa harap nila.
Girlfriend pala niya.
Bakit ba parang ang sakit? Inipon ko ang hangin sa dibdib ko. Hindi dapat ako nakakaramdam nito. Para saan ba ang sakit na nararamdaman ko dito?
Is this my first heartbreak? Narindi ang utak ko sa mga naiisip at sa abnormal na nararamdaman ko kaya pumayag na ako.
"S-sige po tinatanggap ko na po ang trabaho."
Nabaling sa akin ang atensiyon ni Sir Magnus. "Good. Bukas ako na magsusundo sa 'yo."