Maghahating gabi na ng makarating sila sa bahay na iyon. Dinala siya ng mga ito sa isang madilim na bakanteng kwarto. Wala ni isang gamit ang nandoon pwera sa isang kahoy na upuan na nakapuwesto sa gitna noon at isang patay sindi na bombilya sa may bandang taas ng upuan. Pinaupo nila doon ang duguang si Jake at iginapos ang mga kamay patalikod. Itinali rin nila ang mga paa nito sa paa ng upuan. Doon ay nakatulog ulit si Jake. Samantalang dinala ni Luis si Yumi sa isang maayos na kwarto. Nakagapos din ang mga kamay nito pero malaya itong nakakatayo at nakakalibot sa loob ng room. Iniwanan siya nito ng pagkain bago ini-lock ang pinto sa labas ng kwarto. Hindi nakatulog ang dalaga noong gabi sa kwartong iyon. Pabangon bangon siya at palakad lakad sa loob ng kwarto. Nag-aalala siya sa kalag

