Intimacy Starts

2035 คำ
Kinabukasan, maaga palang ay inabangan na nila ang pagbabalik ni Rick pero lumipas na lang ang ilang oras hanggang matapos na sila magtanghalian ay hindi pa rin ito bumabalik. Dagli silang kinabahan. Baka ikinanta na sila nito sa mga pulis at sa mga sandaling iyon ay paparating na ang mga ito para hulihin sila. Mabilis silang nag-impake at umalis sa bahay na iyon. Iniwan din nila ang sasakyan na ginamit sa pagnanakaw. Tinawid nila ang tatlong malalaking palayan at tinungo ang daan papunta sa kakahuyan. Pupunta sila sa bahay ng malayong kamag-anak ni Jake na matagal nang walang umookupa sa kadahilanang malayo ito sa kabihasnan. Ngunit bago marating iyon ay kinailangan muna nilang tumawid sa malaking ilog. Dala ang tig dadalawang bagpack at dalawang galon ng tubig na ginagamit nila sa pagre-refill ng kanilang dala dalang tig-iisang maliit na boteng plastic na tubig ay pinapagitnaan nila ang babae sa paglalakad. Wala itong imik na sumusunod lang sa lahat ng ipinag-uutos nila. Minsan nga ay nagtataka na si Jake, maraming beses na itong nagkaroon ng pagkakataon para tumakas pero hindi nito ginawa. Magdadalawang oras na sila sa paglalakad nang biglang kumulimlim ang paligid. Mukhang uulan pa yata. Kailangan nilang magmadali dahil magiging maputik ang daan at mahihirapan silang tumawid sa ilog. Makalipas pa ang ilang sandali ay lumamig na ang paligid at nagsimula nang pumatak ang malalaking butil ng ulan. Nagdesisyon silang huminto muna at sumilong sa malaking puno na nadaanan nila para makapagpahinga habang nag hihintay na tumila ito. Pasimple niyang pinagmamasdan ang babae na walang karekla-reklamo kahit ilang oras na silang naglalakad. Ilang minuto na silang nakaupo sa may lilim ng malaking puno nang mapagpasyahan na nilang magpatuloy sa paglalakad. Gagabihin sila kung hindi sila magmadali. Mas magiging mahirap maglakad sa kakahuyan sa gabi lalo na kung masungit ang panahon. Patila na ang ulan nang tinahak ulit nila ang daan. Napansin ni Jake na wala nang tubig ang dala ni Yumi na water bottle kaya pinahinto niya ito upang i-refill ang bote. Ito na ang pinaka last na tubig sa galon na daladala nila pero pinili niya na lang na ibigay sa babae kahit maging sa kanya ay ubos na rin. Ipinag patuloy ulit nila ang paglalakad nang maya maya ay huminto si Yumi at alisin ang flat shoes na suot. Itinaktak nito ang suot na sapatos dahil sa mga dumikit na na putik dito dahilan kung kaya nahihirapan na itong maglakad. Akma na itong isusuot pabalik ang sapatos ng mawalan ito ng balanse sanhi ng pagkakadaosdos ng isang paa mula sa madulas na basang lupa. Pero bago pa man ito mapahiga sa lupa ay nasalo na ito ni Jake. Naipulupot agad ng lalaki ang mga braso sa katawan ni Yumi at ito naman ay napakapit bigla sa leeg nito. Parang naalala ni Yumi ang napanood nito sa pelikula sa ayos nilang iyon. "Ok ka lang?" tila may pag-aalalang tanong ni Jake dito. Sandaling natigil ang mundo nila nang magkatitigan. Napansin ni Yumi ang pawisan nitong noo at tagaktak na pawisang leeg. Malinis pa rin tingnan ang lalaki. Yung tipong kahit na ganoon ang itsura nito ay di ka pa rin magdadalawang isip na halikan. Agad namang nitong sinaway din ang sarili sa isiping iyon. Tumango ang dalaga. "Y-yes, I-I'm o-ok," pautal utal niyang sagot, kahit hindi naman. Ramdam niya kasi na parang na sprain ang kaliwang paa niya. Sinubukan niyang iapak iyon sa lupa ngunit nakaramdam siya ng sakit kaya napakapit ulit siya sa braso ng lalaki. "Are you sure kaya mong lumakad?" may pag-aalalang tanong ulit ni Jake. Tumango lang siya at paika ikang nagpatuloy sa paglalakad mag-isa. Sa wakas ay narating na nila ang ilog. Malakas ang agos ng tubig nito dahil nga sa kakatapos lang ng ulan. Napatigil si Yumi at nag-aalalang tiningnan ang agos ng tubig. Kaya n'ya kayang tawirin ang ilog na iyon? Walang sabi sabi ay lumapit si Jake sa kanya, kinuha ang isang kamay niya, iniakbay sa balikat nito, at hinawakan siya sa kabilang bewang. Inalalayan siya nito habang papatawid sa ilog na iyon na hanggang tuhod ang taas ng tubig. Parang naglalakad siya sa alapaap noong mga oras na iyon. Paano’y hindi naman alalay ang ginagawa ni Jake, halos binubuhat na siya nito na wala man lang kahirap hirap. Naisip niya'y ganoon na ba siya kapayat ngayon na isang kamay lang ang gamit nito ay kayang kaya na siyang iangat nito ilang inches mula sa sahig ng ilog na iyon? Sinulyapan niya ang mukha nito mula sa gilid ng kaliwang mata. Hindi mo man lang mahalata na nabibigatan ito sa kanya. Pasimple niyang tinitigan ang matangos nitong ilong, mahahabang pilikmata, at maliit na hiwa sa gitna ng baba nito na tinatawag na cleftchin . Nagtagal ang pagtitig niya sa mapula pula at basa nitong labi. Nasa gitna siya ng pagpapatansya dito nang biglang matauhan. Paano ay Nasagi ng kanyang kaliwang paa na may injury ang isang malaking bato sa ilalim ng tubig. “Aray!” bulalas niya. Naitaas niya iyon ng bahagya. Agad na huminto sila ng paglalakad at walang ano-ano’y yumuko si Jake at binuhat na ang buong niyang katawan. Medyo napamaang siya sa ginawa nito. Tuloy, hiya na ang naramdaman niya at hindi na makatingin dito. Ngunit sa kabilang banda ay lalo siyang humanga sa lakas at tibay ng katawan nito habang buhat siya na kasamang daladala ang dalawang bag pack at naglalakad sa ilog na may malakas na rumaragasang tubig. “I can walk now, you can put me down,” saad niya na nang medyo malayo na sila sa ilog. Sandaling nag protesta ang kanyang isipan. Bakit ba lumabas pa sa bibig niya ang mga salitang iyon samantalang kargo naman talaga siya ng grupo nito? At kahit ano pa mang mangyari sa kanya, pananagutan iyon ng tatlong lalaki. Plus masakit pa ang kanyang paa, hindi niya alam kung makakalakad ba talaga siya ng mabilis. Nah! Nagdadahilan lang talaga siya. Ang totoo’y anong sarap ng pakiramdam sa mga bisig nito. “Are you sure?” tanong ni Jake sa kanya. Nagtama ulit ang kanilang paningin. Sadyang kunyaring umubo sina Bogs at Gil. Nakahalata na yata ang dalawa na nasa likuran nila sa paulit ulit na paghinto ng mundo nila everytime magkakatitigan. Nakaramdaman ng hiya na buong pag-iingat na ibinaba na siya ni Jake at hinayaan na maglakad mag-isa. Kahit paika ika ay pinanindigan niya na kaya na niya. Samantala, may ngiti sa labi si Jake habang inaalala ang nangyari kanina. Sabihin nang tinake advantage nito ang nangyari sa babae. Lahat ng iyon ay naaayon din sa kagustuhan nitong mapalapit ang katawan dito. May tila saya itong nararamdaman doon. “Malapit na tayo,” saad ng binata sabay turo sa isang kubo sa di kalayuan. Maliwanag pa nang makarating sila sa mismong kubo. Nag-iisa lang ito doon at walang makikitang kapitbahay pero ayon kay Jake may mga bahay ka na na makikita as soon as makarating ka malapit sa kalsada. Mga isang milya galing doon. Pagod at uhaw silang pumasok sa kubo. Unang hinanap ni Yumi ang tubig para makainom. Ubos na ang tubig na dala dala at kanina pa nanunuyo ang lalamunan niya sa uhaw. Ngunit wala ni isang patak ng tubig ang nandoon sa kusina. Kahit malinis na tubig na panghugas man lang sa kanilang kamay at paa ay wala rin. “Magpahinga tayo ng konti, maya maya ay luluwas ako para bumili ng mga kailangan natin,” ani Jake, sabay upo sa isang upuan na nasa kusina. Kumpleto ang mga gamit dito, may dining area, mga gamit sa kusina, maliit na sala at isang maliit na kwarto na kinapapalooban din ng maliit na gawa sa flywood na katre. Lahat may kalumaan na pero magagamit pa. “Hindi boss, kami na lang ang lalakad,” nagprisinta si Gil. Sa pamamagitan ng tingin ay inaya niya rin si Bogs na sumama sa kanya na mabilis namang tumango. “Marami tayong kailangan, hindi mo kaya kung mag-isa ka lang na lalakad,” anito. Sa tagal na nilang ginagawa ang palipat lipat ng pagtataguan, kabisado na nila ang mga kailangan. “Ngayon na kami aalis, para hindi kami maabutan ng dilim, boss,” sabat din ni Bogs. Dumistansya silang tatlo ng kaonti kay Yumi at pa-sikretong nag-usap pa ng kaonti. Itinuro ni Jake kung saan kailangang dumaan ng mga ito at saan ang kailangan ng mga itong puntahan para bumili ng mga kakailanganin sa bahay. Pagkatapos ay gumayak na ang mga ito suot ang sumbrero para hindi mamukhaan agad ng kung sino at isang bag na may lamang pera. Ilang minuto pa ang nagdaan, mahabang katahimikan ang nabalot kina Jake at Yumi. Sa liit ng bahay na iyon, nagawa nilang umiwas sa isat isa. Bakit nga ba tila naging uncomfortable sila sa isa't isa magmula nang mapag-isa sa bahay na iyon? Pero hindi rin nagtagal ay nagsalita na rin ang babae. “Um, pwede ba ako mag hugas ng katawan sa ilog?" sinasadya niyang iiwas ang mga mata kay Jake. " Mabilis lang. Hindi ako tatakas, promise!” sabi pa nito habang inaalis ang mga tuyong putik sa binti. Bahagyang natawa si Jake. Alam naman nito na kahit tumakas ang babae ay hindi rin ito makakalayo ng tuluyan. Kalaunan ay sumang-ayon rin ang lalaki para makapag-igib na rin ng tubig para sa banyo. Dala ang balde at sukbit ang malinis na maliit na tuwalya sa balikat para kay Yumi ay sabay silang pumunta sa kalapit na ilog sa likod lang ng bahay. Karugtong ito ng ilog na pinagtawiran nila kanikanina lang. Iginiya ni Jake ang babae sa malinaw na parte ng tubig ng ilog na iyon. Ilang sandali pa ay nagsimula na ma hugas ng kanyang paa si Yumi. Pumunta naman si Jake sa isang sulok ng ilog para sumalok ng tubig. Pinuno nito ang dalawang baldeng daladala. Binuhat nito ang mga iyon mga ilang hakbang palayo mula sa babae. Nang lingunin nito ulit si Yumi ay bahagyang napaawang ang bibig nito at agad na ibinaba ang paningin. Paano'y nakita nitong isa-isa nang hinuhubad ni Yumi ang suot na damit. Noong lingunin nito ulit ang dalaga ay wala na itong ni isang saplot sa katawan. Dahan dahan si Yumi na lumakad papunta sa medyo malalim na parte ng ilog. Hindi nito alam kung tatalikod ba ulit siya noong sandaling iyon. Alam nitong pangboboso ang tawag sa ginagawa nito ngayon pero masisisi mo ba ito? Kung iba ang nasa katayuan nito ngayon hindi nito nanaisin na hindi makita ang napakagandang tanawin na iyon. Isang pilyong ngiti ang bumungad sa mga labi ni Jake habang pinapanood ang naliligong babae. Samantala… Ang sarap ng pakiramdam ni Yumi nang maramdaman ang katamtamang lamig ng tubig sa kanyang katawan. Hanggang bewang niya lang ang tubig kaya umupo siya para lumublob pa ng konti, hindi pa nakuntento ay inilubog niya pa ang ulo sa ilalim ng tubig. Na-miss niya ang kanyang sariling swimming pool sa kanyang condo na kahit anong oras pwede siyang lumusong na walang saplot sa katawan. Sa isip niya, kailangan niyang samantalahin ang pagkakataon habang nasa kabilang side ng ilog ang lalaki. Na hindi niya alam na kanina pa nag-eenjoy sa kapapanood sa kanya. Ilang minuto pa ay may tumawag sa kaniyang pangalan. Si Jake. First time niyang marining na tawagin siya sa pangalan ng lalaking iyon. Parang ang sarap pakinggan. Nilingon niya iyon. Medyo nagulat pa siya nang makitang nakatingin ito sa kanya. Mabuti na lang at nakalublob siya sa ilog nang dumating ito. Ngunit paano ba siya makaka-alis sa tubig kung nandoon ang lalaki? “Tara na at baka bumalik na ang mga buwaya na nakatira diyan!” sigaw nito sa kanya mula sa kalayuan. Bigla siyang napatayo sa narinig, pero napaupo rin naman nang maalalang wala nga pala siyang saplot sa katawan. Napatawa ng mahina si Jake. Tumalikod na lang ito at pinahaba ang braso habang iniaabot kay Yumi ang puting tuwalyang hawak hawak. “Totoo? May mga buwaya dito?” interesado namang tanong ni Yumi habang ibinabalik ang suot na damit kanina. Natawa ulit si Jake sa tinuran ng babae. “Wala. Baka kako malamigan ka na,” sambit nito sabay buhat sa mga balde at sinimulan nang maglakad pabalik sa bahay. Sumunod rin naman si Yumi na nasa likuran lang ng binata.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม