Halos mahigit dalawang oras din nawala sina Bogs at Gil. Pagbalik ng mga ito ay sakay na ang mga ito ng isang itim na lumang kotse na binili ng mga ito sa di kalayuang car dealership. Nasa loob noon ay ang mga pinamili ng mga itong mga pagkain at tubig.
May iniabot si Gil na isang plastic bag kay Jake na ibinigay naman nito kay Yumi. Nagtatanong ang mukhang binuksan iyon ng babae. Napag-alaman niyang puno iyon ng mga bagong damit kasama na ng mga bagong bra at underwear.
Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon tungkol doon.
“Sabi ni Boss ibili ka raw namin ng damit. Hindi namin alam kung ano ang size mo so pagtyagaan mo na na lang ang mga iyan!” patawa tawa pang saad ni Gil.
Magkasalubong ang kanyang kilay na nagpasalamat. Ano kayang nasa isip ng mga ito habang namimili ng mga panloob na kakasya sa kanya? Inismiran niya ang dalawa bago pumasok sa banyo at nagpalit. In fairness kasya ang lahat ng pinimili ng mga ito para sa kanya, may ibang maluwang ng konti at may ibang masikip pero mapagtatyagaan na.
“Siya nga pala boss, napanood namin sa tv habang nandoon kami sa car dealership na nagbigay na ng mensahe si Mr. Huang. Handa daw siyang makipag-cooperate sa atin at ibigay ang amount na gusto natin, basta siguraduhin lang na ligtas si Yumi. Kinuha namin ang phone number na ibinigay niya,” balita ni Bogs habang inilalabas ang mga pinamili mula sa plastic bags.
Tumango lang ang lalaki.
Noong gabing iyon ay hindi makatulog si Jake. Marami siyang iniisip. Isa na doon si Yumi.
Paulit ulit na pumapasok sa isipan niya ang mukha nito. Naglakbay ang imahinasyon niya nang masagi sa isip ang hubad na katawan ng babae. Pinagpantasyahan niya iyon ng ilang saglit. Binalikan ang mga pagkakataon nang magdikit ang kanilang mga katawan. Nang mayakap niya ito, at maikarga sa mga braso ng ilang beses. Kinapa niya ang dibdib sa nararamdaman sa babae. Ibig sabihin ba ay nagkaka gusto na siya dito? Iba ang sayang dulot ng babae kapag nakikita niya ang mukha nito lalo na kapag nakakasama ito.
Napailing siya ng ilang beses. Hindi yata pwede na lumago pa ang nararamdama niyang iyon towards sa dalaga. In the first place sino ba naman siya para gustuhin din nito. Magkaiba ang mundo nila. At alam niyang hindi gugustuhin ng babae na mapasama ito sa magulong mundong ginagalawan niya ngayon. Tila ang lakas ng loob niya na pangarapin ang babae eh dakilang magnanakaw lamang siya. Pwera na lang kung baguhin niya ang landas ng mundong pinasok. Ipinilig niya ang ulo. Imposible ang nasa isip niya.
Samantala...
Bumangon ang dalaga at iminasahe ang kaliwang paa na kumikirot. Narinig naman ni Jake ang tila komosyon sa loob ng kuwarto. Sinilip siya nito doon at nang makitang gising pa siya ay pumasok na ito sa loob.
“Okay ka lang?” tanong nito nang makita ang ginagawa ng babae. Lumapit pa ito sa dalaga.
Tumango lang siya at tipid na ngumiti sa lalaki.
“Is it bad?” tanong ulit ng binata.
“Hmm… Hindi naman. Hindi lang ako makatulog dahil sa kirot pero okay lang naman,” ngiti ulit niyang sabi sa lalaki.
Tumayo si Jake at lumabas sandali. Pagbalik nito ay may daladala na itong gamot at isang basong tubig. “Drink this, baka makatulong para makatulog ka na,” anito at iniabot sa dalaga ang mga hawak.
“Salamat.” Tipid ang ngiting ibinigay ni Yumi kay Jake. “Ikaw, bakit gising ka pa?” tanong naman niya pabalik.
“I don't know, maraming iniisip,” maikling sagot nito sa tanong ng babae.
Ilang minutong katahimikan ang sumaklaw sa kanilang dalawa.
Bumuntong hininga si Jake bago muling nagsalita. “We decided na ibalik ka na sa pamilya mo sa lalong madaling panahon.”
Nagtaas ng ulo si Yumi. “Humingi kayo ng ransom money?” natigil ang pag mamasahe niya sa sariling paa at umayos ng pagkaka-upo.
“Hindi na. Hindi naman talaga namin intensyon na kidnapin ka. Isa lang sana ang hinihiling namin, nakikiusap kami na sana huwag mo na lang din kami isuplong sa mga pulis,” anito.
“No!” iling ni Yumi. “Its okay,” sa narinig ay nahawakan pa niya ang kanang kamay ni Jake.
Naguguluhang tinitigan ng binata ang dalaga.
“Humingi kayo ng ransom! It's okay. Hindi ba may sakit ang mama mo?” patuloy na sabi niya.
Napakunot ang noo ni Jake. Paano nito nalaman ang kalagayan ng kanyang ina? At bakit parang hindi pa ito masaya na hindi na sila mag-a-ask pa ng pera mula sa pamilya nito?
“I’m sorry, narinig ko lang noong isang gabi sa mga kasamahan mo na may sakit ang nanay mo at need ng maraming pera para gumaling siya,” sinagot niya ang mga nagtatanong na tingin na iyon ng binata.
Binawi ni Jake ang kamay nito mula sa pagkakawak ng dalaga. “Unfortunately, hindi na gagaling ang mama ko, gusto ko lang madugtungan pa ng maraming taon ang buhay niya kaya kahit mahal ang mga kailangan niya sa gamutan ginagawa ko ang lahat ng paraan para makasama pa siya ng matagal,” may lungkot ang boses na lumabas sa bibig ng binata.
“Kaya nga humingi kayo ng pera kapalit ko. Isang milyon? Dalawang milyon? Kahit magkano! And don't worry, hindi ko kayo ikakanta!” seryosong sabi niya dito.
Naguguluhan si Jake mula sa mga ikinikilos at mga kasagutan ng babae.“Bakit mo ginagawa ito?” tanong na nito sa dalaga.
“I just wanna help. Lalo na sa iyo. You’ve been good to me. And alam ko naman na kahit ginagawa mo ito ay hindi lang pangsarili ang iniisip mo. Maraming makikinabang ng pera na iyon kaya okay lang na humingi ka ng malaking halaga.” paliwanag niya.
Napapaisip si Jake. Ito lang yata ang kilala nitong tao na sa kabila ng nakidnap na ay may gana pang bigyan ng payo ang mga kumuha dito na humingi ng malaking halaga kapalit nito.
Sa kabilang banda, tama rin naman ito at marami ang matutulungan ng mga pera na iyon. Sa gabing iyon ay napagdesisyunan nito na humingi na ng ransom money sa mga Huang. At least mula sa narinig nito sa babae ay hindi na ito makokonsensya pa dahil mismong ito na ang nagsabi na okay lang na mag demand ng pera mula sa mga magulang nito.
Kinabukasan ay tinawagan ni Jake si Mr. Huang upang ipaalam ang napag kasunduang nilang presyo. Wala namang pagtutol ang matanda na pumayag agad. Binigyan nila ng dalawamput apat na oras ang mga ito upang makalikom ng sampung milyon. At inabisuhan na tatawag sila ulit upang ipaalam kung saan ang meeting place para sa palitan ng mga ito.
Naabutan niya ulit si Yumi na gising pa noong gabing iyon. Ito ang huling gabi bago nila isauli ang babae sa mga magulang.
“I know excited ka nang umuwi,” pumasok ulit ito sa kwartong pinaglalagakan ng babae na noo’y naka silip sa bintana at nakatanghod sa langit na makikitaan ng maraming bituin.
Hindi ito sumagot, bagkus ay nagpakawala lang ng sarkastikong pagtawa. Ibinalik nito ang paningin sa labas ng bintana at humalukipkip sa pagkakaupo.
“How's your foot?” tanong ni Jake dito na umupo rin sa katre at sumandal sa dingding.
“It's better! Thanks for asking,” maikling sagot ng babae. Medyo masakit pa iyon pero ramdam na niya ang paunti unting paggaling noon.
“This will be the last night na pagstay mo dito, and gusto ko lang ulit mag-sorry sa mga napagdaanan mong hirap sa poder namin. Especially doon sa ginawa sa iyo ni Rick,” may senseridad ang paghingi niya ng paumanhin dito.
Natawa ang babae na ibinaling ang tingin kay Jake. “Isn't it weird na humihingi ka ng sorry sa akin? You were supposed to be rude to me. Bilanggo mo ako, hindi mo ako bisita,” saad nito.
Ikinatawa rin naman iyon ni Jake na itinuon ang paningin sa labas ng bintana ng kuwarto. “It's just not my thing. I have a mom. And I used to have two sister’s. Hindi ko lang magawang maging rude sa isang babae.”
Napatitig si Yumi dito dahil sa narinig. Parang binuksan na ng lalaking ito ang puso nito sa kanya at nakita niya kung anong pagkatao meron ito. Isang paghanga agad ang umusbong sa kanya para dito. Gusto niyang magtanong tungkol sa mga binanggit nito ngunit alam niyang wala siya sa lugar para malaman ang tungkol sa mga iyon. Bumalik siya sa dating ayos ng pag-upo.
“Tell me, bakit hindi ka man lang natatakot sa akin?” tanong ng lalaki habang nakatingin din sa kawalan.
“Ipinakita mo ba na dapat akong matakot sa iyo?” Sagot nito na hindi tumitingin dito.
Si Jake naman ang lumingon dito. Oo nga naman. Kung gaano kasi ito kahigpit sa mga kasamahan, kabaliktaran naman ito sa babae.
Hindi na sila nagkaimikan pa noong gabing iyon. Pero nag-stay pa doon sa kuwarto si Jake ng ilan pang minuto. Siguro ay sinasamantala niya lang ang oras na makasama ito. Samantalang ganoon din naman si Yumi. Kung pupwede lang na mag-request na huwag na lang siyang ibigay nito sa mga magulang. Kahit pakawalan siya nito kahit saan basta huwag lang siyang ibalik sa mga ito, tatanawin niya ito ng utang na loob.
Napa halukipkip ulit siya ng pag-upo. Kailangan niyang mag-isip ulit ng panibagong plano pag-balik sa poder ng mga magulang. Sigurado siya na hindi naging hadlang ang nangyari sa kanya ngayon sa balak pa rin ng mga itong ipagkasundo siya sa anak ng kanilang ka-business partner. Umusbong na naman ang galit niya sa dibdib para sa ama. Gagawa at gagawa pa rin siya ng paraan para lamang hindi mangyari iyon.