Chapter 3

1242 คำ
Itinabi ko ang mop at naghugas ng kamay matapos maglinis sa restroom, ilang linggo na rin akong nagja-janitress sa school para lang magkapera rin habang nag-aaral. Ang palagi ko lang na nililinis ay sa bandang malapit sa department namin at sa kalapit na department. Ang ibang building naman ay sa ibang kasama ko. "Uuwi ka na?" Tanong ng kasama kong nagpa-part time rin. Ngumiti ako at tumango, may trabaho pa ako sa convenience store. "Oo, may trabaho pa ako, e." "Oh, ikaw rin?" Tumawa siya. "Akala ko ako lang ang hard working dito. Looks like, taghirap talaga ngayon." "Sinabi mo pa, sa totoo lang, wala akong pang-exam, Jedah." "Talaga?" Bumaling siya sa'kin at naging seryuso bigla. "Pero may trabaho ka naman, sasapat naman siguro 'yon." Mapait akong ngumiti, sasapat sana kung maliit lang ang babayaran sa renta at hindi ko kailangan magbayad ng kuryente. "Oo nga," mahina kong bulong. Sabay na kaming lumabas ng stockroom pero nakaabang na sa baba ang boyfriend niya. Hindi ko sure kung boyfriend niya pero madalas kasi siya nitong hinihintay at sobrang sweet nila. "Mauuna na kami, Niara." Tumango ako at naglakad na rin sa kabilang direksyon. Limang oras ang duty ko sa convenience store na palaging tinatambayan ng mga studyante. Kaya gabing-gabi na ako laging umuuwi, papasok ako ng four at lalabas ng nine. Minsan nakakatulog na ako sa sobrang antok. "Miss." Nag-angat ako ng tingin sa counter nang may naglapag do'n ng iilang inumin. Binaba ko ang notebook na binabasa at mabilis na prenisyo ang bibilhin. "Isusupot po o hindi na?" "Hindi na, miss." Bumagal ang galaw ko nang medyo pamilyar ang boses, parang narinig ko na kaninang umaga. Bahagyang umawang ang bibig ko nang matitigan ang kaharap na lalaki...at dahil nakatitig din siya sa'kin. Hindi pa yata nag-iisang minuto nagbaba na ako ng tingin. I just can't keep an eye contact with him, he's so intense to look at. And always, always so attractive even at his simplest. I gulped and bit my lower lip. "Heto na po, ah, 350 po, sir." Napalunok ulit ako nang tinagilid niya ang ulo at dinilaan ang labi, hindi niya inalis ang tingin sa'kin habang kinukuha ang wallet sa bulsa. Ako na lang ang nag-iwas. Agad kong sinuklian nang makabayad at agad din naman siyang umalis. Alas dyes na akong nakauwi, sinadya ko talaga na magpagabi para magsawa na ang sinomang naghihintay sa'kin. I remembered Chad's invitation, suddenly I just don't want to go home. Maybe I can sleep in the store? Uuwi na lang ako ng maaga at magbibihis para sa skwela. Akala ko talaga malulusutan ko na si Chad, nagpagabi na nga ako ng uwi pero mukhang maaga pa 'yon sa mga kapitbahay namin. Pagbaba ko ng jeep at papasok pa lang sa skinita papunta sa'min, naririnig ko na ang ingay ng mga lasing at nagsusugal. Nasa mismong daanan ang bahay ng landlady kaya hindi ako nakadaan. Agad akong nakita ni Chad at nilapitan. "Niara, nandito ka na rin sa wakas!" Pasuray-suray na siya nang lumapit sa'kin, aakbay pa sana nang saluhin ko ang braso niya at pilit na ngumiti. Goodness, why do I have to deal with this? I'm so tired with school and work, why do I have to deal with this asshole just so he won't throw us out of our house. "Chad." "Kanina pa kita hinihintay, tara! Nangako ka sa'king sasali ka sa inuman." I gasped softly and massaged the bridge of my nose. But then I was too tired to even argue. Marami pa ring tao kahit gabi na, karamihan umiinom at may nanunuod ng palabas sa malaki nilang television. "Upo ka, Niara. Saglit, dito sa tabi ko." Pagod akong naupo, napatingin sa'kin ang lahat ng kasama sa mesa. Mga pamilyar na mukha lang din ang kasama namin, agad may nag-abot sa'kin ng inumin na gusto ko mang tanggihan pero lahat sila naghihintay na inumin ko 'yon. So I did, the hot and bitter liquid gushed down my throat and it was really bitter. Napainom ako ng tubig sa sobrang tapang no'n. Nagtawanan naman sila. "First time mo bang uminom, Niara?" Si Calvin na mapupungay na ang mata. "Naku, alagang-alaga ka kasi ng papa mo nang nandito pa 'yon. Saan na nga pala papa mo?" "Ahm..." "Isa pa, Niara. Para sa'kin naman 'to," Chad interrupted me. Napapikit ako at nakangiwing tinignan ang inumin. It's that dark red liquid that smells weird and tastes so bad. Umiling ako para tumanggi pero dumukwang siya palapit at inakbayan ako. I smelled the disgusting smell of liquor from him. Damn it! "H'wag ka ng tumanggi, ako na nga 'tong umaalok, e." "Chad, ayoko." Bahala na, ayokong uminom. Ito yata ang unang beses na nakatikim ang bituka ko ng alak. Agad dumilim ang mukha niya at mas dumukwang sa'kin, humigpit din ang pag-abay niya. Umatras ako at pinigilan siya sa dibdib, nanunuod naman ng ibang kaibigan niya habang ang iba tumba na sa mesa. "Tinatanggihan mo ako, Niara?" He asked, mad. "Ikaw pa may gana, late ka na nga. Kanina mo pa ako pinaghihintay tapos tatanggihan mo pa ang simpleng alok ko?" "Hindi naman simpleng alok 'yon at wala akong sinabing maghintay ka," inis ko ring sabat, lalo tuloy siyang nagalit. "Ah gano'n? Sige, umalis na rin kayo sa bahay namin at ilang buwan na kayong walang upa!" Tumayo siya at isinigaw pa 'yon kaya napatingin sa'kin halos lahat ng gising, nakita ko ring palabas ng bahay nila si Aling Eva na nanay niya. I was embarrassed but aside from that, I feel nothing but rage and an equal anger. Maybe he's right, we should really leave. I can't stand their treatment to us. Simula nang nasira ang pamilya namin naging maliit na ang tingin nila sa'min. "Ano'ng problema rito? Ano't narito 'yan? Ang ingay-ingay!" si Aling Eva. Tumayo ako at humarap sa kaniya kahit pakiramdam ko maiiyak ako, para kaming pinagsakluban ng mundo. Kaliwa't-kanan ang problema at napapalibutan pa ng mga taong traydor. "Aling Eva—" "Hoy, Niara! Saan ang mama mo? Magbayad naman kayo ng upa, ilang buwan na! Hindi ba kayo nahihiya na nakikitira na nga kayo ng libre may gana ka pang pumunta rito! Bakit hindi niyo na simulang mag-impake?" How pitiful, Niara. Lahat na nakikinig at nakikiusyuso sa pamamahiya, siguro nga hindi kami nakapagbayad ng ilang buwan pero nakikiusap naman ako ng maayos. Nga lang, siguro nga mas mapapakinabangan nila ang bahay kung umalis na kami kaya...kaya bahala na. Ngumiti ako ng pilit at tumango, hinding-hindi ko maipapakita sa iba na lugmok na ako. Kahit sa huling beses. "Sige po, salamat. Bukas po aalis na kami—" "Mabuti naman, pero h'wag niyong kalimutan na utang niyo pa rin 'yong apat na buwan. Sisingilin ko pa rin kayo!" "Opo, kapag nagkapera na po ako ng mas malaki." Do I deserve this? Bakit hindi man lang 'to naisip ni papa nang iwan niya kami, nang mambabae siya. Bakit hindi man lang kami naisip nina kuya at ate? Oo at kakapasok pa lang nila sa trabaho sa ibang bansa pero sana man lang...maisip nilang naghihirap din kami ni mama. Hindi ko na napigilang umiyak habang naglalakad sa madilim na skinita patungo sa bahay. Dahil walang tao kaya hinayaan kung lumabas ang pinipigilang hikbi, tinakpan ko ang bibig at napahawak sa gate na gawa sa bakal ng nadaanang bahay. In another life, I would still be Niara Abbygail Bonifacio. But I wish fate would give me a better chance. And a faithful father.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม