Chapter 2

1261 คำ
"Mama, saan ka? Aalis na ako." Few months after my father left us, my brother went abroad to work and my sister too, in Canada. Naiwan naman kami ni mama sa bahay, ilang buwan na rin mula nang umalis si papa. Pababa na ako ng hagdan para umalis papunta ng skwelahan, natigil lang nang makita ko ang anak ng landlady namin na nakaabang sa ibaba. Napabuntong-hininga ako at agad namoblema, maliban sa ayaw ko sana siyang harapin dahil wala pa kaming pambayad ng renta, ayaw ko rin siyang harapin dahil iba ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi nga ako nagkamali, nang makita akong pababa agad siyang bumungisngis. Napairap ako. "Niara!" "Hmm, ano? Good morning." "Good morning din, Niara." The way he says my name gives me creep. It disgusted me effortlessly. I forced a smile in hopes that somehow, he will let me pass today since I am his...crush? Or someone he finds attractive for himself. "Chad, ang aga mo naman." "Si mama kasi pinaaga ako, saka gusto rin kitang makita," sagot niya. Nag-iwas ako ng tingin nang bumaba ang mata niya sa katawan ko. I'm wearing my uniform and it's kinda short now. Hindi ako nakapagpatahi ng bago dahil kapos na talaga kami. Tumikhim ako kaya napaangat siya ng tingin. If I only have a choice... "Chad, ano kasi, maniningil ka ba ulit ng renta?" "Ah...sana," sagot niya. "Pero kung wala pa kayong pera, ayos lang." "Talaga?" "Oo, Niara." I would like to thank him but... "Pero sumama ka sa inuman mamaya, birthday ko at sana dumalo ka." Hay naku, sinasabi ko na. "Chad, may klase kasi ako bukas. Baka malasing ako." "Hindi naman, babantayan kita." That sounds creepy, no way. If I only have a choice. "Ayoko." "Niara naman," ungot niya. "Hindi na muna kita sisingilin kung dadalo ka at sasali sa inuman. Pero kung ayaw mo, pwede namang umalis na kayo. Ilang buwan na rin kayong walang binabayad. Marami na sanang nakarenta rito sa bahay." How I hate it when he's slapping the truth to my face, I could only laugh sarcastically. The nerve of him. Although he's right, I don't think it's acceptable that he will use our debt to make me do his biddings. Napilitan akong umuo para makaalis na, nagngitngit ako sa inis nang tumalikod siya. Umagang-umaga pero ang asim na ng mood ko, may part time job naman ako sa school pero maliit lang ang sweldo at kulang nga pambayad sa kuryente at pagkain namin ni mama. Lalo akong nainis nang maalalang simula nang umalis si papa naging pabaya na siya at halos iasa sa'kin lahat. Ngayon sinisingil na kami sa renta pero walang-wala na ako, wala ring tawag galing kina kuya. Pakiramdam ko lalagnatin ako sa galit nang umaga pa lang nakita ko na si mama na naglalaro ng sugal sa kapitbahay namin. "Mama!" Hindi ko napigilang tawagin siya malayo pa lang at magngitngit sa inis. Walang-wala na nga kami nakukuha niya pang magsugal. Agad siyang napatayo at iritado pa nang harapin ako. Iyon naman pala talo siya, nakikita kong tuwang-tuwa ang dalawa niyang kasama sa mesa at nagbibilang pa ng pera. "Mama naman! Ang aga-aga nagsusugal ka na naman!?" Palagi na lang...bakit hindi niya nakikitang sobrang hirap na namin? Hindi na nga ako makapag-concentrate sa pag-aaral at trabaho, pati ba naman dito sa bahay? "Niara naman! Alam ng naglalaro ako, ano bang kailangan mo?" Asar niyang sabi at namewang. "Pera ba? E wala na nga akong pera. Hindi ba may pera ka naman?" Kung pwede lang maiyak ngayon para makita niyang pagod na ako, pero ayokong makita ng ibang tao na miserabli ako...kami. Kahit na oo, sobrang miserabli na kami. Simula nang iniwan kami ni papa at iniwan din nina kuya. Pakiramdam ko walang direksyon ang buhay namin, parang temporaryo lahat at...walang kabuhay-buhay. "Wala ka ng pera kasi natalo na," mahina kong sabi. Patulo na ang luha ko at ayokong maiyak ngayon, may klase pa ako. Lalo siyang nairita, hinawakan niya ako sa braso at hinila palayo sa mga kasugalan niya. Nasa tabi ng kalye palabas sa iskinita, nadadaanan na kami ng mga sasakyan. "Alam mo, h'wag mo akong pakialam at wala kang alam. Hindi naman kita pinagbabawalan sa mga luho mo kaya hayaan mo ako!" "Luho? Mama, wala nga ako niyan. Sa dami ng trabahong dapat kong pasukan para magkapera...tingin mo may luho pa ako?" "E ano ba'ng problema at ang aga-aga nagdadrama ka?" Am I supposed to answer that? Can't she see what's the problem? Can't she see it in my eyes? I am exhausted and I don't think I had to deal with this. I have classes and I must go now. But seeing how irresponsible she gets after our father's departure...just hurt me the most. Umalis ako ng hindi sinasabi ang dinaramdam, hindi na ako sumakay dahil maaga pa naman at kung lalakarin ko hindi naman ako mahuhuli sa klase. Mahuhuli man ako sa part time job sa school, ayos lang dahil sa hapon naman talaga ako nakatuka. Ayaw kong gastusin ang pera ko dahil kulang pa nga 'to pambayad ng tuition para makapag-exam ako. Crying, I walked in the street. Alone and broken. Mabuti na lang mahaba ang buhok ko at kaya nito itago ang mukha ko. I have no enough time to dwell on these things but today, this morning, let me. I just have to cry to make the burden a little less. Tumahan lang ako nang mapadaan sa iilang studyante na nakatambay sa tapat ng convenience store. The place is well-known to be a waiting area for students, dito sila tumatambay kung walang pasok at klase. Iilang kotse rin ang nadaanan ko bago lumagpas. I stopped when someone bumped me, hindi ko naman pinansin at pinulot na lang ang nahulog na bag. Hindi ko nga lang inaasahang may mauunang dadampot no'n. "Pasensiya na, Miss. Hindi ko sinasadya." "Ayos lang." Hindi ko na tinignan kung sino ang lalaki, tinanggap ko na lang ang bag at tumalikod. Malamang na kapag tinignan ko siya, mahihiya lang ako dahil halatang umiyak ako. My nose clogged and my eyes are sour. Hindi ako na-late pero wala ring gana. Habang naghihintay sa susunod na klase, pumunta ako sa restroom. Paglabas ko naabutan ko ang dalawang kaklase na nag-uusap tungkol sa kung paano magkapera ng mabilis. Naakit akong makinig dahil kailangan ko rin kumita ng mabilis. "Niara, gusto mo rin ba?" "Legal ba naman 'yan?" Gusto ko magkapera pero ayokong illegal, baka druga pala ang kahihinatnan namin. Ngumuso si Jenneth at hinampas ako sa braso. "Hindi na mahalaga kung legal o hindi basta mabilis na pera." "Ano?" "Saka hindi ko rin alam kung legal ba 'to o hindi. Pero sekreto lang 'to, ah." Napabuntong-hininga ako, handa na akong umalis nang pigilan niya. Ngumisi siya sa'kin. "Jenneth, ayoko. Baka masabit pa ako." "Ano ka ba, Niara. Hindi naman 'to masama, e. H'wag ka matakot, walang human trafficking, drug dealing or ano pa man dito. Simpling bagay lang 'to rito." Simpling bagay? I wonder what's that? Tinitigan ko siya, curious. Curious din yata ang isa pa naming kasama. Pareho-pareho kaming nangangailangan ng pera, pero hindi ako sasali kung illegal. "Maganda ka naman, may katawan, may lahi ka pa yata." Sinuri niya akong mabuti. "Tiyak na maraming magkaka-interest sa'yo kapag dinala kita a party." "Party?" "Exclusive party for the members of this anonymous organization consisting of young and hot bachelors. Kapag nando'n ka na, at kapag may lumapit sa'yong lalaki...kailangan mo lang sumama at..." "At?" "Have s*x with him in exchange of money." I sucked a breath and glared at her. So, it's p**********n!
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม