AF
Chapter 10: Cussed
"DID you like it?" mahinang tanong niya sa akin. Hindi na kasi matanggal-tanggal ang mga mata ko sa rubber shoes na binili niya para sa akin.
Kasing kulay ito ng beautiful eyes ko. Nakakatuwa kasi ngayon lang ako nakatanggap ng ganito at mula pa sa ibang tao. Tapos pinili pa niya ang color niyo dahil naalala niya ang eyes ko. Nakakakilig naman! Araw-araw ko na yatang mararamdaman ito!
"Opo," tumatangong sagot ko at halos mapunit ang labi ko sa lapad-lapad nang pagngiti ko.
"I can see that," bulong niya.
"Kailan mo po ito binili?" tanong ko.
"Stop saying that po. Hindi naman ako mukhang matanda, ah," aniya at nilingon ko na siya.
"Pero iyon po ay ang pagrespeto lang sa taong nakakatanda sa `yo," usal ko.
"Nakakatanda? Sabagay, mukha ka ngang bata kung hindi lang `yan malaki," sabi niya at nag-iwas siya nang tingin sa akin. Kumunot lang ang noo ko at bumaba ang tingin ko sa kamay kong hinahawakan pa rin niya.
Hindi naman ako nagrereklamo kasi nag-e-enjoy ako sa init at malaki niyang palad. Pero alam kong mali na gawin ito. Dahil may nobya na siya.
Kaya ako na lang ang unang bumitaw at binawi ang kamay ko. Nagulat pa siya sa ginawa ko at parang doon lang siya natauhan. Kanina pa niya kaya hawak ang kamay ko at tila komportable lang din siya roon.
"I'm sorry," utas niya at tumikhim.
"Pero bakit magaspang ang palad mo? Marami ka bang ginagawa sa buhay mo? I wonder what's your work before," marahan na tanong niya sa akin at kiniskis ko ang kamay ko sa sweatpants na suot ko.
Nakakahiya. Magaspang daw ang kamay ko. Nakaka-turn off kaya iyong mga ganoon?
Magaspang nga talaga ang palad ko, inaamin ko na. Dahil sa dami kong trabaho na ginagawa ay hindi ba gagaspang ang kamay ko?
"Don't get me wrong. Hindi kita pinagtatawanan dahil diyan. I'm just curious about your life bago ka nagka-amnesia. Saka..." pabitin pa na sabi niya at tiningnan ang kamay ko na ngayon ay pilit ko nang itinatago mula sa kanya. Nasa likuran ko na lang iyon.
Nakakahiya nga kasi...
Napaigtad ako sa gulat nang humakbang siya palapit sa akin at wala sa sarili naman akong napaatras. Ang bilis na naman nang t***k ng puso ko at parang may kabayo na yata roon na naghahabulan.
Para akong tatakasan ng kaluluwa at lahat yata ng balahibo ko sa katawan ay tumayo, nang dahan-dahan niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at dumausdos iyon pababa sa braso ko.
Saka niya inalis mula sa likuran ko ang itinago ko, ang magkabila kong kamay at itinaas pa niya ito saka seryoso niyang tinitigan.
"Kahit na magaspang ay maganda pa rin naman ang mga kamay mo. Iyong mga daliri mo ay ang hahaba at maliliit." Hay, palagi na lang akong namumula sa tuwing kasama ko ang lalaking ito.
"Huwag mong itatago dahil lang sa sinabi kong magaspang ang mga kamay mo. I'm sorry kung iyon ang naisip mo," seryosong saad niya at tumango lang ako bilang tugon.
Kasi hindi na ako makakasagot pa nang hindi ako nauutal. Sobra-sobra na itong nararamdaman ko sa kanya at nakakatakot lang na kilalanin ito...
Dahan-dahan naman niyang binitawan ang mga kamay ko at kasabay nang pagbukas ng elevator.
Napangiti na ako dahil hindi naman pala siya na-turn off sa akin.
Oo, nagpapa-impress ako sa kanya. May one point na ako dahil sa beautiful eyes ko tapos ngayon iyong mga daliri ko.
NANG lulan na kami ng mamahalin niyang sasakyan ay tahimik na kami sa loob. Hindi siya palasalita at seryoso lang siyang nagmamaneho.
Pero nangangati ang dila ko at gusto ko siyang kausapin.
"Ilang tao na po kayo?" pagsisimula ko. Oo, balak ko siyang kilalanin ng masinsinan.
"Twenty five," sagot niya at napa-yes ako sa sarili ko dahil hindi naman pala naglalayo ang age namin!
Ilang taon lang gap namin at okay pa sana. Kung wala lang siyang girlfriend pero mayroon, eh. Sayang.
"Ako kaya?" kunwari ay sabi ko.
Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang wala pala akong amnesia? Na nakakaalala naman na talaga ako?
Na ang kaibigan niyang doctor naman ang nagbigay sa kanya ng ideya na nawala talaga ang memorya ko para lamang kupkupin niya ako.
Sa naisip ko na posibleng magagalit siya ay parang nanghihina ako. Parang nasasaktan ako kapag makita ko na naman ang galit na galit na ekspresyon ng mukha niya. Nakakatakot kaya siya kung magagalit siya.
"You're probably 18, but I doubt it," sagot niya at nagawa pa niya akong sulyapan. Mabilis na napayakap ako sa sarili ko dahil pinasadahan niya nang tingin ang katawan ko.
Hindi naman dahil malisyosa akong tao, ah. Pero kasi nahihiya ako. Tapos narinig ko na naman ang mahihina niyang pagmumura. Napatitig ako sa braso niya at ang kamay niya na mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela ng kotse niya. Halos pumutok ang mga ugat niya roon.
Mukhang galit yata siya.
"Pero sigurado ako na mas matanda ako ng ilang taon kaysa sa `yo," dugtong niya. Mga two years lang naman.
"You already know my name, yeah?" untag na tanong niya sa akin at tumango lang ako.
"I'm Drimson Del Labiba, Architect," pakilala niya sa akin at parang bored na bored pa siyang sabihin sa akin na Architect siya. Dahil napakasimple naman.
Architect, bagay sana kami, chos at magiging magkatrabaho pa sana kung hindi lang ganito ang unang pagtatagpo namin.
Kung hindi lang sana kami iniwan ni tatay ay baka isa rin akong Interior designer ngayon at baka bibigyan din ako ng pagkakataon na makilala siya.
Kung sana...ay huwag ng magsana pa Sam-sam dahil ganito na ang buhay na ibinigay sa `yo ni Papa Lord. Kaya tanggapin mo na lang ang mayroon ka ngayon.
"Kung mas matanda ka po kaysa sa akin... Eh, `di tatawagin na lamang po kita na Kuya," sabi ko at bigla siyang napapreno at mabuti na lamang ay naka-seatbelt ako! Kung hindi ay baka makipaghalikan pa ako sa dashboard ng kotse niya! Masakit kaya iyon!
Pero kinabahan ako roon kasi first time ko.
Nag-aalala niya akong tiningnan kasi nakahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
"You okay? I'm sorry," mahinang usal niya at nagawa pa niyang abutin ang pisngi ko para lamang haplusin iyon.
N-Nakakapag-isip pa ba siya ng tama? Bakit niya ginagawa ang mga ito? At sa ibang babae pa? Hindi ba niya naiisip ang girlfriend niya?
Pero... kinikilig ako, eh... Kaya hahayaan ko na lamang siya?
"O-Okay lang po," nauutal ko pang sagot. Nautal, hindi na dahil sa gulat. Kasi nagrarambulan na naman ang mga alaga ko sa tiyan. Kinakabahan talaga ako kapag ganito siya, eh.
Mariin na naipikit niya ang mga mata niya at bayolenteng bumuntong-hininga, "Please, stop saying that. Just call me, Drimson or Drim," sabi niya sa akin at diretsong tinitigan niya ang mga mata ko. Nakikita ko na naman ang amusement doon.
"Drim... Drimson," sambit ko sa pangalan niya. Marahan lamang iyon. Pero hayon na naman siya. Sunod-sunod na naman ang pagmumura niya.
Palamura rin naman akong tao pero sobra na yata iyong sa kanya. Kahit English pa iyon. Malutong na malutong.
"Say my name, again..." sabi niya at nagulat na naman.
"P-Po?" nagtatakang tanong ko.
"Nevermind," masungit na sabi niya at nagawa pa akong irapan. Para siyang babae, nakakatuwa!
Muli niyang pinasibat ang sasakyan niya. Ang bango-bango sa loob dahil naaamoy ko siya. Hala naman...
Napatingin ako sa labas ng bintana, "Dri..." sambit ko sa pangalan na iyon.
Naalala ko ang panaginip ko. O tamang sabihin na isang bangungot. Ano kaya ang ibig sabihin no'n?
"Hmm?" Napalingon ako nang biglang sumabat si Drimson. Nilalaro ng daliri niya ang pang-ibabang labi niya tapos tumataas pa ang sulok no'n.
"What is it?" tanong niya sa akin at saglit na sinulyapan ako.
Akala niya siguro ay siya ang tinatawag kong Dri? Puwede naman...kung gusto niya.
"Dri," sambit ko.
"Hmm? Masakit pa ba ang noo mo? Nakalimutan natin na lagyan `yan ng yelo at baka magkabukol ka pa," concerned na saad niya. Napangiti ako.
So, gusto niyang tawagin ko siyang Dri? Iyon na iyon? Sige, gusto ko rin naman.
"May tanong po ako..."
"Ano?" Humaba ang nguso ko dahil sa lambing ng boses niya.
"Paano kung malalaman mo...isang araw na nagsisinungaling lang pala ako?" tanong ko. Kahit kinakabahan na ako sa puwedeng isasagot niya pero gusto ko lang talagang malaman kung ano ba ang gagawin niya kapag nalaman niya ang totoo.
"Nagsisinungaling?" tanong niya, sa halip na sagutin ako. I nodded.
"Iyong may inilihim akong bagay mula sa `yo. Iyong bagay na puwedeng makasakit sa `yo?" sagot ko.
"Na nagsisinungaling ka? I hate liar. Remember that. Pinakaayaw ko sa lahat iyong mga taong sinungaling and fake person. Iyong mapagpanggap at walang ginawang iba kundi ang lokohin lang ang mga tao kahit na kaibigan pa nila ito," mahabang saad niya at kumikirot na ang puso ko.
Natamaan ako sa pinagsasabi niyang sinungaling, fake person at taong mapagpanggap. In short, hate niya ang mga taong katulad ko na manloloko.
Pero hindi ko naman intensyon na magsinungaling sa kanya na may amnesia ako. Hindi ko ideya ang ganoon at hindi ako manloloko. Pero dahil sa sinabi niya ay parang iyon na iyon, ako na iyong sinasabi niyang manloloko.
Because I faked my amnesia...at masakit iyon sa parte ko. Hindi ko alam kung mapapatawad pa ba niya ako.
"At kung...manloloko ako. Sa tingin mo, kaya mo pa ba akong mapatawad?" umaasa pa ring tanong ko. Sana magbago ang isip niya, `no? Ayokong magalit siya sa akin, kasi nga nasasaktan ako.
"Maiintindihan ko naman kung may inililihim ka. Mapapatawad naman siguro kita kung hindi malaki ang kasinungalingan mo. Basta tandaan mo ang mga sinabi ko na ayoko sa mga taong ganoon," paliwanag niya at bayolente akong napalunok.
Maiintindihan niya pero bakit may kutob ako na kamumuhian niya lamang ako? Sa halip na patawarin niya ako?
"Eh, paano kung wala pala akong amne--"
"Wait a minute," sabi niya at dinukot ang nag-iingay na cellphone niya sa bulsa ng pants niya.
Napasimangot ako dahil hindi ko natapos ang sasabihin ko. Gusto ko pang magtanong, eh.
Sana nga ay masabi ko na agad sa kanya at kaya pa rin niya akong patawarin dahil sa kasinungalingan ko.
Tatandaan ko ang mga bagay na pinakaayaw niya.
"Alright. Okay, mamaya. Bye," narinig kong sabi niya. Sino kaya ang kausap niya? Girlfriend niya? Tss.
"Ano ulit ang sinabi mo?" tanong niya pagkababa ng phone niya.
Umiling na lang ako. Nawala na ang lakas na loob kong magtanong pa sa kanya tungkol sa bagay na iyon kasi baka, mahalata niyang fake person na nga ako. Na kahit iyon naman ang totoo.
"Nakalimutan ko na," sagot ko na lamang. Nagtagal pa ang pagtitig niya sa akin kahit abala siya sa pagda-drive pero muli naman siyang nag-focus at bumuntong-hininga.
"Magiging ayos ka lang ba sa condo ko ng mag-isa? I need to go home later at doon ako matutulog. My Mom called me."
Tama nga rin ang hinala ko na, condo niya ang tinutuluyan namin ngayon. Gaano kaya kayaman ang pamilya niya, `no? Curious ako, eh.
"Oo," simpleng sagot ko. Sanay naman ako ng mag-isa lang. Kaya magiging maayos din ako.
"We're here," anas niya at hininto ang sasakyan niya sa may parking. Napatingin ako sa labas at namangha ako nang makita ko ang malaking... Isang mall! Nasa isang malaking mall kami!
First time kong makapunta rito kasi wala namang mall sa amin. Nakakatuwa naman!
Naunang bumaba si Dri at ako naman ay tinanggal ko na ang seatbelt ko.
"Ano'ng ginagawa natin dito?" tanong ko kay Dri nang pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya.
Inalalayan pa niya akong makababa at ang isang kamay niya ay nasa ulo ko na para bang takot siyang mauntog ako sa kotse niya. Ang gentleman naman niya.
"We need to shop your things," sabi niya lang tapos hinila na niya ako sa siko.
Tuwang-tuwa ako nang makita ko na ang kabuuan ng mall. May malaking placard sa building at nakasulat doon ang malaking pangalan nito.
"Pero...wala po akong pera," nahihiyang saad ko at binalingan ko nang tingin si Dri.
Pinagtaasan niya ako ng kilay, "And so? Problema ba iyon?" Nagsusungit na naman siya sa akin.
Bago pa man ako makapagsalita ay hinila na niya ako papasok at agad akong nakaramdam ng lamig kahit may suot naman akong hoodie.
Sobrang lamig naman sa loob! May aircon naman sa guest room ni Dri sa condo niya pero hininaan niya iyon dahil hindi ako sanay sa ganitong lamig.
"Are you okay?" he asked me. Tipid na ngumiti ako at umiling.
Baka sabihin niya na ignorante ako at mahalata niya na parang ngayon lang din ako na nakapunta sa ganitong lugar.
At katulad ng mga napapanood kong teleserye ay marami ngang tao sa loob ng mall. Marami kang makikita na nakakatwang bagay at nakakamangha.
Tiyak na magiging masaya rin si Anya kapag nakapunta siya rito! Sana makikita niya rin ito balang araw ay gusto kong makasama siya sa pagpunta ulit dito.
Pumasok kami sa isang boutique ni Dri at agad kaming sinalubong ng saleslady.
"Welcome po, Sir," magalang at sweet na sabi ng babae. Napataas ang kilay ko ng wala sa oras dahil si Dri lang ang binati niya at hindi ako kasali. Hindi ba niya ako nakita?
Tapos ang mga mata niya ay may kislap. Pinasadahan ko siya nang tingin mula ulo hanggang paa, para lamang mapangiwi ako dahil sa maikli niyang palda. Kitang-kitang tuloy ang makinis niyang legs doon.
Nagpapa-cute siya kay Dri. Tss.
"Can you help her?" malamig na sabi ni Dri. Nagbago ang templa ng mood niya? Pero sa halip na matakot o madismayado si ate girl--o dismayado na nga siyang nakatingin sa akin pero ngumiti lang sa huli.
"Ang cute po ng kapatid mo, Sir. Naka-contact lens ka ba, Ineng?"
"Pvtangina mo," bigla ay napamura ako. Hindi dahil sa tanong niya na kung naka-contact lens ba ako.
Dahil sa sinabi niyang kapatid ako ni Dri?! Magkamukha ba kami? Ayokong maging kapatid si Dri! Mas gusto ko siyang maging syota...
"Ay!" sabi ko nang may brasong yumakap sa leeg ko at inilapit niya ako sa kanya.
Napatitig ako sa singkit niyang mga mata, "Ulitin mo nga ang sinabi mo?" wika niya. May pagbabanta ang kanyang boses.
Masunurin ako kaya inulit ko ang sinabi ko kanina tapos mariin na napapikit siya ng mga mata. Naguguluhan naman ako sa reaksyon niya.
At inulit ko pa ang sinabi ko pero sa isip ko na lamang at muli akong napamura nang mapagtanto ko na ang ginawa ko.
Did I just, cursed?! Pvtangina!