CHAPTER 9

1942 คำ
AF Chapter 9: Purple sneaker PAGKATAPOS naming kumain ng agahan ni Drimson ay nag-volunteer pa ako. Na ako na lang ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin pero hindi niya ako hinayaan. Baka raw kasi mabinat ako at mas mabuti na lang daw ang magpahinga ako. Ang bait-bait niya talaga sa akin. Nakakahiya naman kasi kung wala man lang akong ginagawa rito tapos siya na itong nagmagandang loob sa akin na kupkupin ako. Libreng tirahan na at may libre pa akong pagkain. Kaya sana makaambag naman ako sa buhay niya kahit iyon lang, `di ba? Hindi naman mahirap ang trabahong iyon. Napakadali pa. Pero hindi ako magpapaawat. "Eh, ako na po..." sabi ko at tinaasan niya lang ako ng kilay. Napanguso ako pero mas tumaas pa yata ang kilay niya sa akin. Ang guwapo niya talaga. "Ako na. Umakyat ka na lang sa kuwarto ko at maligo ro'n. Papalitan ko mamaya ang benda mo sa ulo," ani pa niya sa akin kaya no choice na naman ako. Kasi mukhang ayaw rin talaga niyang magpaawat. Napakamot na lang ako sa kilay ko pero wrong touch ako dahil iyong sugat ko ang mahawakan ko kaya napangiwi ako. Saka ko siya iniwan doon. Bahala siya. Hindi ko alam kung saang kuwarto niya ba ang tinutukoy niya pero hindi naman ako nahirapan na hanapin iyon dahil dalawa lang naman ang silid sa... Siguro condo niya ito? May parents pa kaya siya? Bakit mukha siyang independent ngayon? Pareho pala kami na independent! Naging independent lang naman ako dahil wala na akong mga magulang. Natuto akong mabuhay ng ako lang mag-isa. Pinilig ko ang ulo ko dahil nagda-drama na naman ako. Pumasok ako sa loob ng kuwarto niya. Agad na nanuot sa ilong ko ang pamilyar na pabango niya. Ang linis ng kuwarto niya at mamahalin ang kagamitan sa loob. Parang natatakot pa ako na mahawakan iyon at makabasag pa ako. Pero hindi naman siya masisira kung hindi ko lang hahawakan. Puro paintings lang naman at may bedside table pa. Umupo ako sa paanan ng kama niya. Mas malambot ang bed niya kaysa sa hinihigaan ko kagabi. Lumundag-lundag pa ako dahil sa tuwa pero napatayo rin ako nang bumukas ang pintuan. Nagulat ako. Nakakunot agad ang noo ni Drimson sa akin. Nahihiyang ngumiti ako sa kanya. Nagalit ba siya sa akin? Dahil sa halip na maligo ako ay heto nakikiupo pa ako sa kama niya. "What are you still doing? Maligo ka na at lalabas tayo ngayon," sabi niya sa akin. Akala ko ba may pasok siya ngayon sa work niya? At bakit kami lalabas? Para saan naman? Saan kami pupunta? "Saan po tayo pupunta? Hindi po ba may work kayo?" inosenteng tanong ko at hayan na naman ang klaseng titig niya sa akin. Para na naman ako nitong hinihigop. Napakalalim at malamig pa naman ang mga mata niya. "Don't ask too much, Miss. Maligo ka na at nang malaman mo kung saan tayo pupunta," sabi niya lang. Napakadamot nito sa akin at hindi man lang ako sinasagot. Kaya humaba na naman ang nguso ko. Napatingin siya sa labi ko at salubong na naman ang kilay niya. "Don't pout," masungit na sabi niya. Mabait na may pagkasungit pala ang ugali niya. Tumango lang ako at naglakad naman siya patungo sa cabinet niya yata. May pintuan sa right side niya. Iyon kaya ang banyo niya? O sa kabilang banda? Binuksan ni Drimson ang cabinet at may kinuha siyang paper bag doon saka siya lumapit sa akin. "You can wear this," saad niya at ibinigay sa akin ang paperbag. Hindi ko naman iyon tinanggihan. "Hmm," aniya at nginuso ang pintuan. Baka iyon na ang banyo niya. Tumango ako at tipid na ngumiti sa kanya. "Tanggalin na muna natin `yan," saad niya at lumapit sa akin. Dahan-dahan niya lang inalis ang benda sa ulo ko at naiwan ang maliit na Band-Aid sa sugat ko. "Sige na." Pagpasok ko sa banyo niya ay namamangha na naman ako. Napakalinis tapos kompleto ang kagamitan sa loob. My God... Tapos maging dito ay naaamoy ko pa rin ang pabango niya o tamang sabihin na may ginagamit siya rito. Iyong sabon niya siguro, `no? Shampoo? Alin kaya sa mga nakahilerang sabon at shampoo riyan? May malaking tuwalya naman sa loob. Kinandado ko pa ang pintuan kahit na alam ko na hindi ako papasukin ni Drimson. Tsk. Kung ano-ano ang pinagsasabi ko. Isa-isa kong tinanggal ang saplot ko sa katawan. Puwede naman ako maligo sa kabila, ah? Bakit nga ba rito pa ang gusto niya? Mabuti at sa ganitong sitwasyon ay hindi ako ignorante kaya madali lang ako nakaligo nang hindi ko siya inaabala. Kasi baka pati ang pagbukas ng shower ay hindi ko alam. Nakakahiya naman. Iisipin pa niyang obob ako. May extra toothbrush din na puwede kong gamitin. Puwede ko naman din na gamitin iyong kanya. I don't mind naman pero joke ko lang iyon. Baka pagalitan na naman ako. Tiningnan ko ang laman ng paper bag nang maayos kong naitapis ang puting tuwalya sa katawan ko. Nag-init ang magkabilang pisngi ko nang makita ang underwear. Tapos mukhang kasya pa sa akin ang size. Sa girlfriend niya kaya `to? Magkasing size lang ba kami? Tapos isang maluwag na grey T-shirt at itim na sweatpants naman ang susuotin ko. Mukhang sa kanya ito kasi amoy na amoy ko pa rin ang pabango niya. Parang gusto ko na rin ang pabango niya. Malaking tao si Drimson, kumpara sa akin kaya malaki sa katawan ko ang damit niya pero keri ko naman. Mas mabuti na ang may maisusuot ako kaysa naman na suotin ang damit ko na marumi na. Kaderder na iyon. Pagkatapos kong isuot ang mga ito ay lumabas na rin ako. `Sakto ulit na bumukas ang pintuan. Marahil ay lumabas siya kanina. Nahihiya pa ako sa kanya pero natigilan siya nang makita na ako. Hinagod pa niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa. Tapos bumalik na naman sa mukha ko. Hindi ba bagay sa akin ang damit niya? Masyado ba'ng malaki? Kasi alam ko na nagmumukha akong suman nito. Taong suman. Ngumiti ako para mabawasan naman ang hiya ko. "Ayos po ba? Hindi po ba ako mukhang taong suman sa suot ko?" birong tanong ko. Hindi naman siya mukhang masungit ngayon dahil may amusement sa mga mata niya. "You're good. It's suit you, better then me," aniya at hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya. Kasi ano'ng 'better than me' naman kaya iyon? Ano'ng pinagsasabi niya? "Maupo ka," utos niya sa akin at itinuro pa niya ang kama niya. Basang-basa pa ang buhok ko at hindi ko pa iyon nasuklay. Pero mukhang hindi naman siya magulo. Dahan-dahan akong umupo sa malambot niyang bed at nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "B-Bakit po--" "Ssh..." putol niya sa sasabihin ko sana. Doon ko lang nakita ang dala niyang box at inilapag iyon sa carpeted niyang sahig. Binuksan niya iyon at yumuko ako para masilip din ang laman no'n pero malakas na napadaling ako nang tumama sa noo ko ang ulo niya. Mariin na naipikit ko ang mga mata ko. Sobrang sakit... Iyong sugat ko... Kingina. "Bakit ba kasi yumuko ka pa? Makikita mo naman, eh. Tss," masungit na sabi niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay kong nakatakip sa nasaktan kong noo. Tapos ibinaba niya iyon sa paanan ko. "Patingin. Baka dumugo na naman ang sugat mo." Hindi pa rin ako dumilat pero ramdam ko ang paglapit ng mukha niya sa akin kaya natataranta na naman ako. Binuksan ko na ang mga mata ko at lalayo na rin sana pero mabilis niyang kinulong ang mukha ko. Ang lapit ng mukha niya sa akin tapos parang magkatapat lang kami kahit nakaluhod pa siya sa sahig. Ang tangkad niya nga. "Namumula," usal niya tapos nabigla pa ako nang hipan niya iyon. Nagiging abnormal na ang puso ko! Dahil sobrang bilis nang t***k nito. "Lalagyan na lang natin `yan ng yelo dahil baka magkakabukol ka. Palitan natin ng band-Aid`yan. Be careful, next time," wika pa niya at binigyang pansin ulit ang laman ng box. Sinundan ko rin iyon nang tingin. Purple sneaker iyon! At mukhang bagong-bago pa. Napaigtad ako sa gulat nang hinawakan niya ang talampakan ko. "A-Ako na. Kaya ko naman po," nahihiyang sabi ko at aagawin ko na sana ang sneaker na hawak niya pero inilayo niya iyon mula sa akin. "Ako na. Just shut up." Ang sungit niya, na naman. Nahugot ko ang hininga ko nang muli kong maramdaman ang mainit at magaspang niyang kamay. Feeling ko ay si Cinderella ako sa mga oras na ito. Kaya ko naman talagang suotin ang sneaker kahit kahit na niya gawin ito para sa akin. Mas lalo lang ako nahihiya nito, eh. "Kasya?" tanong niya sa akin nang maisuot ko na ito. Tinulungan pa niya akong makatayo at sinubukan kong maglakad sa tapat niya. "Kasyang-kasya po," tumatangong sabi ko. Napangiti siya dahil do'n. "Paano po niyo nalaman ang size ko?" tanong ko at nag-iwas siya nang tingin sa akin. Nakita ko ang pamumula ng tainga at leeg niya. Bakit mukhang nahihiya siya ngayon sa akin? Tinanong ko lang siya tungkol sa size ng sapatos na binili niya sa akin, ah. "My instinct," sagot niya at nagawa pa niyang lumunok. Tumango na lang din ako. "Mag-ayos ka na at aalis na tayo pagkatapos," anas niya at tumikhim pa siya. Muli niya akong pinasadahan nang tingin saka niya ako tinalikuran. "Wait," sabi niya at nilingon ko siya. "Ginamit mo ba ang sabon ko?" "Po?" Namilog ang mga mata ko sa tanong niya. So, iyon nga ang sabon na ginagamit niya? Hindi nga ako nagkamali. "Nevermind." Naguguluhan na tiningnan ko na lang ang likod niya at tuluyan siyang lumabas. "Ang weird niya," bulong ko at mabilis na nagsuklay ako ng buhok. Lumabas na rin ako pagkatapos. Naabutan ko siya sa may sala niya at may kausap yata sa phone niya. "I'm in big trouble, Ark. Hindi ko dapat `to nararamdaman. Darn it," narinig kong sabi niya. Ano naman kaya ang hindi niya dapat maramdaman? Ano'ng big trouble? May problema ba siya? "Fvck you! Ang bata-bata pa niya at kung ano-ano na ang pinagsasabi mo! Tigilan mo ako!" iritado pang sabi niya. Si Dr. Arkanghel kaya ang kausap niya? Tinawag niya kasing Ark, eh. Napansin niya siguro ang presensiya ko kaya napatingin siya sa gawi ko. Nasundan pa ng mga mata ko ang malutong niyang pagmumura. Nagmamadali akong bumaba mula sa hagdanan at sunod-sunod na ang mura niya. Sinalubong pa niya ako at mabilis na hinawakan ang siko ko. "Don't do that again! Paano kung nadulas ka? Clumsy ka pa naman!" suway niya sa akin at umigting pa ang panga niya. Ang sungit niya talaga! Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang hinawakan niya ang chin ko at inangat iyon pataas. Doon ko lang nakita ang hawak niyang malaking band-Aid. "There. Let's go," aya niya sa akin tapos hindi na niya binitawan ang kamay ko. Hinayaan ko na lang siya. "Sa akin na ba `tong sapatos?" tanong ko nang nakasakay na kami sa elevator. Bumaba ang tingin niya sa sapatos kong binili niya. Oo, baka nga binili niya. "Bakit ayaw mo?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin. Humaba na naman ang nguso ko at nagawa niyang ihilamos ang malaking palad niya sa mukha ko. "Para kang bata. Huwag mong gawin `yan," marahan na suway niya sa akin. Tumango lang ako at ngumiti. Tumaas lang ang sulok ng labi niya. "Bakit ganitong kulay ang binili mo?" curious na tanong ko. "I remember your beautiful eyes," sagot niya sa mahinang boses. Na halos hindi ko pa marinig. "Salamat!" masayang saad ko. Ngumiti lang siya tapos umigting na naman ang panga niya. Weird.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม