Chapter 8: His girlfriend
PAREHONG nanlaki ang mga mata namin dahil sa nangyari sa amin. Mabilis na umalis ako sa ibabaw niya at agad nang umupo sa kama. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko.
Ramdam na ramdam ko pa rin ang pagdampi ng mainit at malambot na bagay na iyon sa lips ko. Masyado ng mainit ang pisngi ko. Hindi ko inaasahan.
“I'm sorry. A-Are you okay? Hindi k-ka ba nasaktan sa pagbagsak mo sa akin?” nauutal niyang tanong sa akin. Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi at tainga niya. Masakit ba iyon?
Napalunok ako nang bumaba ang mga mata ko sa mapupula niyang mga labi na kanina ko lang naramdaman at magkalapat pa...
Napatikhim siya nang mapansin ang pagtingin ko sa lips niya kaya mabilis na nag-iwas ako nang tingin sa kanya. Para akong maiiyak. Nakakahiya na talaga.
Ang first kiss ko. W-Wala na... Nakuha na niya.
“Sorry ulit. Natakot kasi ako na baka bumagsak ka kung hindi ko iyon ginawa,” katwiran pa niya. Naiintindihan ko pero...
Tumango na lang ako bilang tugon dahil wala na akong masabi pa dahil sa gulat. Kasasabi ko lang na walang magaganap na parang telenovela pero...
“Hey, babe? Where are you?”
Napatingin kami sa pintuan nang may marinig kaming boses ng isang babae at mukhang ang lalaking ito ang tinatawag niya.
“Drim?”
“Babe! Nasaan ka ba?!”
“Shet!” mahinang mura ni Drimson at nilapitan ako. Huminto siya sa tapat ko at bigla siyang namutla.
Sino ang babaeng humahanap sa kanya at nakapasok dito sa pamamahay niya?
Nagulat pa ako nang marahan na hinawakan niya ako sa balikat ko at naninimbang na tiningnan ako pero nasa mga mata pa rin niya ang pangamba at takot. Hindi ko alam kung bakit.
“Listen. Huwag kang umalis dito, okay? Huwag kang lumabas sa kuwartong ito hangga't hindi ako bumabalik. You need to stay here and wait for me,” saad niya at kabadong-kabado na siya ngayon.
Wala sa sariling tumango lang ako at nagmamadali niyang tinungo ang pintuan. Bago pa siya lumabas ay sinulyapan pa niya ako.
“Lock the door, please,” sabi nito sa akin at tuluyan na siyang nakalabas sa silid na pinagdalhan niya sa akin.
Tinungo ko ang pintuan at ginawa nga ang inuutos niyang ikandado ko pero dahil curious ako sa mangyayari sa labas ay idinikit ko ang tainga ko sa pinto. Hindi ako tsismosa. Gusto ko lang marinig ang pag-uusapan nila.
Sino naman kaya ang babaeng naghahanap sa kanya? Kapatid ba niya? Kaibigan? Pero imposible dahil tinawag siya niyong 'babe'.
“Where have you been ba? Kanina pa kita hinahanap at wala ka sa kuwarto mo,” narinig kong sabi ng babae.
“Dito lang. Gabi na Carlin at bakit pumunta ka pa rito?” narinig ko ring sagot ni Drimson at bakit ang lambing ng boses niya?
Bakit ganoon siya makipag-usap sa babaeng iyan? Girlfriend ba niya?
“I just miss you, babe. Dito ako matutulog for tonight,” sabi pa nito.
'Babe', girlfriend siya ni Drimson!
Sa malaman na may nobya na siya ay tila may kung ano'ng bagay ang bumaon sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito. Pero tila may panghihinayang sa puso ko. May nobya na siya at doon ko lang napagtanto ang lahat.
Kaya pala pinangaralan niya ako kanina na huwag aalis at lalabas dito sa loob ng kuwarto niya dahil baka makita ako ng girlfriend niya. Baka malaman at mag-isip nito ng masama na nagdala ng babae ang boyfriend niya.
Kaya pala namumutla siya kanina dahil natatakot siyang mahuli kami ng girlfriend niya. Eh, kahit wala naman kaming ginagawang hindi kaaya-aya sa paningin ng lahat.
Maliban sa aksidenteng...
Pero sa maisip nga na ganoon ay mas dumoble pa ang pagbigat sa dibdib ko. Nilihim niya ako. Hanggang pagtatago lang pala ako mula sa mga taong malapit sa kanya.
At sino ba naman ako para kilalanin ng mga taong hindi naman ako kilala? Ako itong nakakaabala sa tao pero bakit bigla ay lumungkot ako?
Bumalik ako sa kama at dahan-dahan na humiga roon. Sa nalaman ko lang na may nagmamay-ari na pala sa kanya ay parang nasasaktan ako. Ang tanga ko naman, eh hindi ko naman kaano-ano si Drimson!
Napabangon ako nang maalala ko na naman ang nangyari kanina lang. Bumalik na naman ang nakakahibang na pakiramdam na ito.
Siya 'yong first kiss ko! Hindi ko inaasahan na mawawala na lamang iyon nang ganoon kadali!
Pero kasi... hindi naman ako nanghihinayang pa dahil guwapo naman--mali! Mali ka riyan, Sam-Sam. Dapat huwag ka nang mag-isip pa ng kung anu-ano dahil may mahal na nga ang tao!
Ibalik nga natin ang topic sa babaeng iyon kanina. Bakit siya matutulog sa bahay ni Drimson? Nagli-live in na ba sila? May ginagawa na ba sila na ano?
Marahas na umiling ako dahil hayon na naman ang pagkirot sa puso ko. Dapat hindi ako mag-isip pa ng mga bagay na iyon!
Naalala ko rin ang kanina. Nayakap ko siya. O sa tamang salita na niyakap niya ako dahil nakita niyang umiiyak ako kanina.
Binabangungot kasi ako at ngayon lang ako natakot nang husto! Sa panaginip ko kasi ay naaksidente raw ako. Pero naaksidente nga ako. Ngunit mas nakakatakot iyong nasa panaginip ko.
Nasa madilim na highway raw ako at walang katao-tao sa lugar na iyon. Basta na lamang daw dumaan ang itim na sasakyan at hit and run ang nangyari sa akin. Hindi ako binalikan ng may-ari ng kotseng iyon.
Ang mas nakakatakot pa ay ramdam na ramdam ko ang pagbagsak ko. Ramdam ko rin ang paghinto nang t***k ng puso ko at isang pangalan lang din ang naibigkas ko bago ako kinain ng kadiliman.
“Dri?” Sino'ng Dri kaya? Si Drimson?
Nasa panaginip ko ang takot na tila may isang bagay akong maiiwanan. Na hindi lang daw isang bagay dahil napakaimportanteng tao... Isang tao...
Kinilabutan ako nang makita ko pa ang sarili ko na tila wala nang buhay...
Dahil sa panaginip kong iyon ay hindi na ako nakatulog pa nang maayos dahil natatakot na ako.
Natatakot na ako na baka mapanaginipan ko na naman iyon. Ayoko na... Baka tuluyan na akong hindi magising.
Pero sa huli ay hindi ko pa rin namalayan na nakatulog na pala ako...
Nagising lang ako nang may kumakatok sa pintuan. Pikit-pikit pa iyong mata ko na bumangon at pinagbuksan ang kung sino mang taon na kumakatok.
"Bakit po?" inaantok ko pang tanong at nagawa ko pang kusutin ang mga mata ko para tuluyan na akong magising.
Naamoy ko agad ang mabangong perfume ni...ang pamilyar niyang perfume at doon nanlaki ang mata ko.
Nasa tapat nang pintuan si Drimson at ayos na ayos na siya! Mukhang papasok na siya sa trabaho niya!
Natotorete na naman ang puso ko nang una kong masilayan ang guwapo niyang mukha at fresh na fresh na siya sa umaga.
Maliit na siwang lang ng pintuan ang pagkakabukas ko dahil naalala ko ang sinabi niya sa akin kagabi. Na huwag akong lalabas, kung hindi naman daw siya ang papasok o kakatok.
Parang lalabas ang puso ko nang unti-unti siyang humilig sa hamba ng pintuan niya at bahagya pang yumuko sa akin.
Sobrang lakas nang kabog sa dibdib ko at matataranta na talaga ako dahil hindi pa ako nakakaligo na kahit ang manghilamos man lang ay hindi pa!
Baka bad breath ako. Mabilis na tinakpan ko ang bibig ko at nagsalubong ang kilay niya.
Heto na naman... Para akong hihimatayin sa lapit ng mukha niya sa akin.
Nanginig ang kalamnan ko nang hinawakan niya ang kamay kong nakatakip sa bibig ko saka niya ako hinila palabas.
“I already cooked our breakfast. Kanina pa kita ginigising, actually. Pero ang himbing nang tulog mo,” sabi nito sa akin habang hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko.
Akala ko ba may girlfriend siya? Eh, kasi bakit niya ako hinahawakan ngayon?
Sobrang tangkad niya at parang hanggang baba niya lang ako baka hanggang balikat lang.
Nakasuot na siya ng dark blue longsleeve at light brown na slacks. Nakapambahay na tsinelas pa siya at maayos na naka-brush up ang buhok niya. Ang bango niya rin.
“T-Teka lang. H-Hindi pa ako nakakaligo at nagsipilyo,” nahihiyang sabi ko at napahinto siya.
Humarap siya sa akin kaya napaatras ako kahit hawak pa rin niya ako, “Mabaho pa ako,” dagdag ko pa.
Ang gulo-gulo pa kaya ng buhok ko dahil hindi pa ako nakakapagsuklay! Alam kong amoy pawis na rin ako kahit ang lamig ng kuwarto niya buhat nito ang aircon sa loob. Pero kasi, hindi pa ako nakakapagpalit ng mga damit mula pa kahapon!
“Mabaho ka pa?” parang timang na tanong nito sa akin at ako naman na masunurin ay tumango pa ako na parang bata.
My eyes widened in shock na naman when he pulled me towards him at kasabay na inamoy niya ang leeg ko na maging ang magulo ko ring buhok.
“Ano'ng...” kinakabahan na sabi ko at ramdam ko na pati siya ay nagulat din sa ginawa niya.
Parang napapaso siyang binitawan ang kamay ko at mabilis na dumistansya sa akin. Halos hindi na ako makagalaw pa sa kinakatayuan ko.
“B-Bakit mo g-ginawa iyon?” Dapat hindi na ako nagtanong pa dahil mas nag-iilangan na kaming dalawa. Parang bumibigat na nga ang atmosphere.
“I'm sorry, again. It's just that...it seems natural that... Nevermind. Come on, t-the breakfast is ready,” aniya at mabilis na siyang naglakad.
Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bilis nang t***k nito. Ano ba iyon?
Dahan-dahan din ang naging lakad ko at sumunod sa kanya. Ang ganda ng kagamitan niya sa loob. Ang yaman-yaman nga niya.
Pagkarating namin sa kusina niya ay pinaghila pa niya ako ng upuan kahit ang highchair naman iyon.
“Salamat,” nahihiya pa ring sabi ko at yumuko rin kalaunan.
Narinig ko pa ang mahinang pagtikhim niya, “Don't mention it. Please, feel at home. Kumain ka lang and you need to gain your energy. Nabinat ka raw kahapon and I'm sorry,” sincere na saad niya at tumango lang ako.
Nawala na ang masungit na si Drimson na nang-away sa akin sa hospital. Dahil mukhang mabait na siya ngayon.
“A-Ako na po,”'tarantang sabi ko dahil siya pa ang nagsandok sa akin ng ginisang kanin o tamang sabihin na fried rice. Tapos dinamihan pa niya.
Maalaga pala siya...
Fried rice, may pritong itlog pa, bacon at sandwich ang hinanda niyang agahan namin. Nagluto pa siya tapos may tatlong piraso pa ng mansanas at dalawang pirasong saging.
“Okay na po bang lumabas ako?” sabi ko at napatingin ako sa pintuan. Baka kasi ay hindi pa nakakauwi ang babae kagabi at bigla na lang ito papasok sa loob ng kusina. Pag-aawayan pa nila ang tungkol sa akin.
“What? Sorry about that. Kanina pang umuwi ang girlfriend ko. Pasensiya na kung hindi kita naipakilala sa kanya kasi hindi naman niya alam ang tungkol sa 'yo,” sabi niya.
Inabot ko ang kubyertos at nagsimulang kumain. Inilapit pa niya sa akin ang isang basong kape.
“What do you want, coffee or juice?” he asked me.
“Coffee lang po,” sabi ko sa marahan na boses at tumikhim na naman siya. Kaya napalingon ako sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang kinakagat niya. Eh?
Bago pa niya ako mapansin na nakatingin ako sa kanya ay ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko.
Ang suwerte ng babaeng iyon na boyfriend na niya si Dri. Si Drimson pala. Mayaman na, mabait, matangkad at maalaga. Bunos na rin ang guwapo niya.
“May trabaho ako ngayon kaya maiiwan kang mag-isa rito. Kung may magdo-doorbelle sa condo ay huwag mong pagbubuksan. Magpahinga ka na muna rito at huwag mag-gagalaw-galaw. Tatawag ako sa telepono para sabihin sa 'yo na nag-order ako ng lunch mo. Basta ang bilin ko ay huwag kang lalabas kung hindi ka pamilyar sa lugar,” mahabang sabi niya. Hindi tunog na seryoso ang boses niya. Dahil mababang tono lang iyon at para bang bata ang kausap niya.
Kung magpapatuloy siyang ganito sa akin at hindi ako makakaalis agad sa poder niya ay baka...masanay ako.
Baka hahanap-hanapin ko ito. Ayokong mangyari dahil nakakatakot, eh.
“May spare clothes ako sa kuwarto kaya kunin mo na lang, para makaligo ka na rin. Doon ka na sa kuwarto ko maligo dahil kompleto ang mga gamit doon,” dagdag pang sabi niya.
“Bakit ang bait mo?” naitanong ko bigla.
“What?”
“Bakit ang bait mo sa akin bigla?”
“Hindi ka ba natatakot na baka pagnakawan kita sa oras na wala ka rito? Hindi ka ba natatakot na baka masamang tao pala ako?”
“Why did you asked me that?” salubong ang kilay na tanong niya.
“Hindi mo ako kilala at baka...”
“I trust you, okay? Sa ngayon ay responsibilidad kita. Hangga't hindi ka nakakaalala ay mananatili ka sa poder ko.”
“S-Salamat.”
“No worries.”
A/N:
Baka hanggang chapter 30 na lamang po itong story nina Sam at Drimson. Dahil nababahala na rin po ako sa mataas na word counts niya at kung sakaling maging physical book ang All Fake ay baka maging higit pa sa 450 pesos ang presyo ng book. Mas mainam po ang maikli lang para afford nating bilhin ang book nila.
Sa mga readers po na gustong bumili ng book ng All Lies ay dm mo po para sa book details at may one week na lang po to avail the book, (October 25)
Maraming salamat po, dudes!
Happy reading!
Love lots,
Ate Lyn