Chapter 7: What happened?
MABILIS na bumaba ako mula sa kotse ko nang marating na namin ni Gabril ang condo ko.
"Easy," komento pa ni Gabril pero inirapan ko lang siya.
Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at nakitang mahimbing pa rin ang tulog ng babae.
Napagod talaga siya kanina? I took a deep breath. It's my fault.
I had no choice but to carry her. I slowly removed the seatbelt from her body. Dahil sa paghawak ko sa kanyang braso ay naramdaman ko na inaapoy siya ng lagnat.
"She has a fever," mahinang usal ko at parang problemado na naman ako.
Hinawakan ko ang mukha niya at doon ko lang napansin ang pamumutla niya. Wala na ring kulay ang mga labi niya. Ang benda niya sa ulo ay bumabakat na ang dugo roon.
"Gabril, call Ark," I said to Gabril who is now beside me and looking at the woman too.
"It looks like she's been stretched. Lagot ka sa Dr. Ark niya," Gabril commented.
I even ignored what my friend said I took off my coat and wrapped it around her body. Maingat na binuhat ko ang babae na hindi man lang siya nagising.
Sumunod si Gabril sa akin at siya pa ang nagpindot ng floor ng condo ko at nagbukas ng pintuan.
"SHE was pulled over. For now, she needs to rest first. Her fever will go down later. Make her drink a lot of water too and my suggestion is to feed her vegetables and fruits so that she will have vitamins," Ark's long statement, after examining the woman and replacing the case on her bleeding head, since earlier.
"That wound of her. Isn't that deep?" my question. Because there was a lot of blood earlier today. Could it also be that she doesn't remember anything because of her huge wound?
"It's just a minor injury. She will be fine," he replied to me then he stood up from his seat on the bed. Para mas matingnan niya ang kalagayan ng babae.
Sa guest room ng condo ko siya dinala para makapagpahinga siya nang maayos at mas komportable.
"Ano ba'ng ginawa niya buong araw at nabinat siya agad? Hindi ba sinabi ko sa 'yo na kailangan niyang magpahinga at hindi siya puwedeng mag-gagalaw?" tanong sa akin ni Ark na ikinailing ko lang.
"She just recovered from the accident and her whole body probably fell to the floor, so hard. So when she woke up her body might be heavy," he added.
"Ano nga ba ang ginawa niya para mabinat siya ng husto?" muling tanong niya sa akin.
"Niligaw namin siya ni Gabril," sagot ko at pinanliitan niya ako ng mata.
"Ginawa niyo 'yon?" malamig na tanong niya sa amin at isa-isa kaming sinamaan ng tingin ni Gabril.
"She has nowhere to stay. Just leave it to me if you can't take care of her, Drim. Ako na ang bahala sa kanya," supladong sabi niya at inirapan pa ako na akala mo ay babae siya kung gawin ang bagay na iyon.
"Why is Drimson taking care of this girl? That doesn't really matter to him, eh. Oo nga at si Drimson ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan ngayon pero tapos na ang obligasyon niya sa babae. Binayaran na kaibigan natin ang lahat ng bills niya sa hospital. Then how can we trust those violet eyes?" Gabril asked consecutive questions and he even poked at the girl he was referring to. Salubong ang kilay.
"Nasaan na ang mabait na Gabril na taga-Sta. Maria?" nanunuyang tanong ni Ark sa kanya.
"It's just my opinion, Ark and what if she is a bad person?" I stared at Gabril with my evil eyes.
"So, ang pasyente mo pala ay isang sindikato, Ark? Paano natin pagkakatiwalaan ang babaeng 'yan? Nowadays there are a lot of bad persons that's why you shouldn't trust someone you just met. Then her pretty face is not exempted. You know that look is deceptive. Just look at her beautiful face, I couldn't trust her easily. No, no and no," Gabril said and he even pointed at the sleeping woman.
"You're an idiot, Gabril. She's not like that, ah," my defense to the woman who doesn't know that my friend is judging her, already. I'm not defending her but I don't seem to like what he said that she was a bad person and an syndicate.
Hindi halata sa mukha. Again, it's not because I'm against Gabril. I can understand his point of view too. Because he is right after all. We should not trust every one we just meet.
Totoong mahirap ng magtiwala sa mga tao ngayon.
"See? You are already defending her! Here you go, Drim. Carlin's gonna be mad if she finds out this thing! Sinasabi ko sa 'yo! Pag-aawayan niyo ito!" sabi sa akin ni Gabril pero sa mahinang boses lang. He didn't want her to wake up either. Pero grabe na siya kung makahusga.
"Carlin won't know if you don't tell her, Gabril," Ark teases.
"Gsgo, I'm not a gossiper," he said and looked at Ark.
I was worried about that matter though. But I think my girlfriend will understand me. Knowing her, she is so kind.
I'll just find the right time to tell her about the girl and temporarily she'll stay here if she doesn't remember anything.
I don't want to do what Gabril and I did earlier. My conscience will just eat me. I can't sleep sound like I'm having a nightmare.
"Just wait for her to remember. She will leave when that time comes." Ark's voice got serious and he was really looking at me. Tila nagbabanta pa sa akin.
Wala sa sariling bumaba ang mga mata ko sa kama. The thought of her leaving has something in my chest weighing heavily. I don't know why I feel that way.
Pero siguro naaawa lang ako sa kanya saka ako ang dahilan kung bakit nawala ang memorya niya. Ako ang dahilan kung bakit siya naaksidente.
Napabuntung-hininga ako at inayos ko ang kumot niya sa katawan. Bahagya pa siyang gumalaw pero hindi naman siya nagising.
"I'm going to tell Carlin this thing. No I can't not say it because we might even fight it," my reason and Arkhanghel nodded in agreement. He even tapped my left shoulder.
"That's good. Come on, Gabril. Let's go home," pag-aaya niya kay Gabril at inakbayan pa niya ito na parang wala pang balak na umuwi ang kaibigan namin kung hindi lang siya hinawakan ni Ark.
"Alright, we'll go first."
"Just good luck, Drim."
"That's her medicine, Drim. Wake her up later." Nodding is all I can respond dahil lumalalim na naman ang pag-iisip ko.
Lumabas na muna ako para makapagluto ng soup para sa kanya. Kailangan niyang kumain no'n bago siya uminum ng gamot.
After cooking I went back to the guest room, bringing a tray with a bowl of soup and a glass of water.
I was even shocked to see her sitting on the bed with her back on the headboard.
It feels like a needle is stabbing my chest when I see her crying. Her cheeks were wet with tears.
Nagmamadaling inilagay ko ang tray sa bed side table at dinaluhan siya para aluin.
"Are you okay? Is there something painful in you?" I immediately asked her.
At first she seemed hesitating when I sat on the bed next to her but when she saw me she immediately hugged me.
My whole body got stiff and goosebumps all over my body. Just touching her skin on me like... I shake my head with my thoughts.
I just hugged her back and leaned her head on my chest.
Her body was shaking too. Looks like she had a bad dream.
Napahawak ako sa likod niya. Ramdam ko pa rin na mainit siya pero nababasa na ng pawis niya ang manipis niyang shirt.
"It's okay. Calm yourself," I said to her and I felt her body relaxed. She just keeps on sniffing around.
SAM-SAM's POV
"I'M sorry," biglang sabi ni Drimson sa akin. Teka, nagso-sorry siya? Bakit naman?
"Para saan? Bakit ka nagso-sorry sa akin?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
Nakaupo siya sa paanan ng kama habang ako ay kumakain ng soup na hindi ko alam kung siya ba ang nagluto nito o may katulong siya sa loob...
O hindi man lang ako nagising kanina kaya hindi ko na rin namalayan na nasa loob na pala ako ng hindi pamilyar na kuwarto. Malaki, malinis at mabango ang loob kahit wala gaano na mga gamit sa loob.
Siguro nga rin ay napagod lang ako dahil sa kakalakad ko kanina at tila isang pulubi nga ako na kung saan-saan na ako nakarating.
Kung wala lang akong dalang prutas kanina ay baka gutom na gutom na ako. Pinagtitinginan pa nga ako ng maraming tao. Kaya mas nailang ako.
Akala ko kanina ay forever na akong pulubi at mabuti na lamang nakita ko si Drimson at ang kaibigan niya. Dahil sa labis na kasiyahan ay napaiyak ako habang yakap-yakap ko siya.
Feeling close ako, 'no? Kahit ramdam ko ang pagkailang ko sa kanya--bumibilis kasi ang t***k ng puso ko sa hindi ko malaman na dahilan pero presensiya pa lang niya ay nararamdaman kong safe na ako. Lalo na kung nakakulong ako sa makisig niyang mga braso.
"Ha?" biglang nasambit ko nang dumapo ang malaking kamay niya sa noo ko. Nagulat ako sa biglaang pagdampi ng balat niya sa akin.
Halos mabitawan ko ang kutsara ko dahil nagsisimula na namang manginig ang mga kamay ko.
"You're spacing out. May lagnat ka pa pero ayos ka lang ba talaga?" tanong niya. Nasa boses ang pag-aalala at hindi ko rin alam kung bakit tila may paruparo sa loob ng tiyan ko na walang tigil sa paglipad.
Parang nayayanig ng kuryente ang buong katawan ko. Ang lambing din ng boses niya. Nagkamali rin ba ako sa pagkakakilala sa kanya kaninang umaga?
Na hindi naman siya suplado at masamang ugali? Dahil ang totoo niyan ay mabait lang talaga siya sa akin? O mabait talaga siya sa maraming tao?
"A-Ayos lang ako," nauutal kong sagot ngunit muntik ko nang sampalin ang sarili ko dahil sa himig ng boses ko.
Para akong nagpapa-bebe kanina! Nakakahiya! Baka kung ano pa ang masabi niya sa akin!
Niyeta ka naman Sam-sam!
Eh, sa nakakakilig talaga siya, eh!
"Ubusin mo na 'yan. Ako ang nagluto niyan," sabi niya at nakatingin siya sa soup.
Ang totoo niyan ay wala akong ganang kumain lalo na kung soup pero dahil sabi niya siya ang nagluto nito. Eh, 'di sige uubusin ko ito!
"Oy, dahan-dahan lang," suway niya sa akin nang sunud-sunod ang pagsubo ko kaya parang umakyat na naman ang dugo ko sa ulo at naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko.
Nakakahiya ka na talaga, Sam-sam!
"B-Bakit ka nga ba nagso-sorry sa akin? May nagawa ka bang kasalanan sa akin?" tanong ko sa mahinang boses. Masama pa kasi ang pakiramdam ko pero parang mawawala na kung palagi kong nakikita ang guwapo niyang mukha.
May girlfriend na kaya siya? Ayos ba siyang maging sugar daddy ko? Mukhang mas matanda kasi siya kaysa sa akin. Pero joke lang ang sinabi ko.
"Seriously? Sa ginawa ko kanina, kasama ang kaibigan ko. Niligaw ka namin dahil akala namin ay nagpapanggap ka lang na walang maalala. Baka kasi malay namin, 'di ba? Hindi ka namin kilala kaya natural iyon ang iisipin namin," mahabang sagot niya at natamaan ako sa sinabi niya.
Alam iyon ng kaibigan niyang doctor na wala naman talaga akong amnesia. Pero bakit hindi sinabi sa kanya ang totoo? Bakit nilihim ng Arkanghel na iyon na nakakaalala talaga ako?
Parang ako naman ang nakokonsensya ngayon. Sinadya nilang iligaw ako kanina para umuwi na ako sa amin. Eh, hindi ko nga rin alam kung paano ako uuwi sa Pangasinan gayong wala naman akong pera at saka...
"Saan ka pupunta?" nalilitong tanong niya sa akin nang bigla akong bumangon at inusog ko palayo sa akin ang tray na parang maliit na table lang.
"A-Aalis na lang ako kung ganoon. Ayokong makaabala pa sa 'yo. Maraming salamat na lang," nahihiyang sabi ko at parang mababali pa ang leeg ko sa kakayuko ko.
Bago pa ako makalabas ay hinila na niya ang braso ko at masyadong napalakas dahil bumagsak siya sa kama. Dahil hila-hila niya ako ay damay ako sa pagbagsak niya.
Parang lalabas mula sa loob ng dibdib ko ang puso ko sa lakas ng tambol nito.
Pero wala kang maaasahan na pang-teleserye o nobela ang mangyayari sa amin.
"Aw!" malakas na daing niya.
Lumanding kasi ang noo ko sa ilong niya at masyadong malakas ang pagkabagsak ko sa kanya!
"P-Pasensiya na!" natatarantang sigaw ko at mabilis na aalis na sana ako sa ibabaw niya nang mabilis na kumilos din siya.
Nakalimutan ko na sa gilid lang kami ng kama kaya dahil sa ginawa ko at maging siya...
Napakurap-kurap ako sa naramdaman kong mainit at malambot na bagay na dumapo sa mga labi ko.
Ano'ng nangyari?