Chapter 6: Regrets
DRIMSON DEL LABIBA's POV
"DMN you, Gabril! Kapag nawala ang babaeng 'yon lagot ka talaga sa akin!" sabi ko kay Gabril. Siya kasi ang nakaisip na iwan ko na lang daw ang babae sa bus, kasi baka nga raw nagsisinungaling lang ito na walang maalala.
Tiyak na uuwi naman daw ito kapag nakitang wala na ako. But shoot! Hindi ko matanggal-tanggal sa utak ko ang imahe niya!
Na para siyang bata at iniwan ng nanay niya. Nakikita ko ang takot sa mga mata niya. Nakita ko pa mismo ang paghabol niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit...ang sakit na makita ang reaction niya na iniwan ko siya. Ang sikip sa dibdib.
"Suggestion lang naman ang akin, man. Nasa 'yo pa rin ang desisyon," sabi pa niya. Halatang ayaw na siya ang sisisihin ko sa nangyari.
"Kapag nalaman ito ni mommy ay patay talaga ako, Gabril!" Tumalim ang mga mata ko na tiningnan siya at nagkibit-balikat lang siya. Nakikita ko naman ang pangamba niya.
"Sumbong pa kita sa best friend mong si Art," wika niya.
"Ah...si Shin. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Shin sa suggestion mo, ha?" tanong ko at nginisihan siya.
Sabay pa kaming napaisip saka nagmamadaling sumakay sa kotse ko.
"Pakibilisan, baka hindi natin maabutan ang bus!" sigaw niya sa akin. Kung makautos...
"Ang bagal mo!" reklamo pa niya.
"Wow, huh! Ikaw kaya ang mag-drive nito!" supladong saad ko.
"Silence, hinahanap ko ang bus. Fake news talaga 'yang sina Hillarus at Ark. Sinabi pa na grabe raw ang pag-aalala mo kay Ms. Violet, pero kanina lang ay iniwan mo sa bus. Heartless."
"Ikaw kaya ang nagsabi no'n!"
"I told you na suggestion ko lang 'yon! It's for you to decide, man!" he said and he even glared at me.
"What a jrk, kaya ka pala binasted ni Shin noon. Napaka-bulok mag-isip," komento ko at umismid pa. Sanay na kami sa laitan kaya parang wala lang iyon sa amin.
"Hoy! Hindi ako magiging engineer for nothing! Saka may asawa na ako, ha!" nanlalaki ang mga matang wika niya.
"Huh! Akala mo matinong asawa. Eh, paulit-ulit mo ni-reject ang asawa mo noon!"
"Shut up! Matawagan ko nga si Faye. Pinapaalala mo pang animal ka. Naiiyak ako!" pagda-drama niya kaya napamura ako.
"What a gay."
"Urgh! Why she's not answering her phone?!" I shook my head.
"Karma..." I murmured.
Hindi namin alam kung saan o anong bus ang hahanapin namin ni Gabril. Sa dami ng bus na halos kapareho ng sinakyan ng babae kanina ay hindi na namin alam kung saan pa siya hahanapin.
Kaya buong araw kaming naghahanap sa kanya. Wala kaming kinain ng matino, burger at bottled water lang ang pinagtsagaan namin hanggang sa inabutan na kami ng gabi.
At wala kaming nakitang anino ng babaeng iyon. Hindi ko na nga rin mabilang kung nakailang sakay kami ng bus para lamang makita siya.
Nawe-weird-uhan na nga sa amin ang mga pasahero. Dahil hindi pa naman ito humihinto ay nasa tapat na kami kaagad.
Marami na rin ang pinagtanungan namin. Katulad nito.
"Nanay! May nakita po ba kayong babae? Magandang-magandang babae? Kulay lila po ang mga mata niya. Matangkad, meztisa at medyo kulot po ang buhok niya?" Si Gabril ang nagtanong niyan. Ang lakas maka-nanay.
"Ay hindi, hijo."
"Ate, ate! May nakita ka po bang magandang-magandang babae? Kulay lila ang mga mata niya."
"Hindi po, wala akong napansin."
"Excuse me po," pakikipag-usap ko sa driver ng bus.
Nilingon niya ako. "May napansin ka po bang pasahero mo na kakaiba?" sa halip iyon ang itinanong ko. Nakakapagod na kasi ang paulit-ulit na pagtanong namin ni Gabril.
Pero ang kasama ko ay 'magandang-magandang babae' pa rin. Kaya 'kakaiba' na lamang ang sinabi ko.
Sa dami kasi nang nagtanong nito; "hijo, maraming magandang babae ang sumakay sa bus." "Maputi ba? Matangkad? Baka iyon ang tinutukoy mo!"
May itinuturo nga sila pero hindi naman 'yon ang hinahanap namin. Malayong-malayo sa babaeng iyon.
ALL FAKE
Chapter 6 (2.3)
"ANO'NG ibig mong sabihin na kakaiba, Dodong?" Pumingtig yata ang sentido ko sa tinawag niyang 'Dodong' sa akin. Parang ang init sa tainga.
Ang ganda ng pangalan ko na tinawag niya lang akong 'dodong'? Nasaan ang hustisya?
"Alalahanin mo po manong, na may pasahero ka na kakaiba sa lahat," sabi ko.
"Kakaiba ba? Katulad na lang ba na nagbayad siya ng pamasahe niya na isang libo?" tanong niya sa akin at ipinakita pa ang pera na hindi man lang nalukot. Kaya nabuhayan ako ng loob na baka siya na nga 'yon.
"Wala akong panukli, kaya ibinigay na lamang niya ang sukli sa akin," sabi pa niya. Napaka-sinungaling. Puwede naman niyang suklian ang pasahero niya kahit kulang-kulang pa iyon.
"Saka 'yong babae na kasing kulay niyan ang mga mata niya?" tanong niya ulit sa akin at may itinuro siya sa likod ko. Nilingon ko ito at si Gabril ang nakita ko na may dala-dalang balloons na kulay lila.
Napahilot ako sa sentido ko nang mapagtanto ko ang ginagawa niya. Tinatanong niya ang mga tao at bibigyan ng tig-isang balloon ang kasamahan nitong bata.
Binalingan ko ulit si manong at tumango. "Saan po siya bumaba?" I asked him.
Lihim na nanalangin na sana siya na nga ang tinutukoy ni manong.
"Nakailang balik na ako rito, Dodong. At hindi ko alam kung saan na siya nagpunta. Basta bumaba siya sa lugar na ito."
"Salamat po!"
Hinila ko si Gabril at nagprotesta pa ang isip bata. Isang balloon na lamang ang hawak niya.
Ang lapad-lapad nang ngiti niya at parang nagkaroon ng achievements.
"Hindi na ako magi-guilty, Drim. Marami na akong natanggap na 'salamat' at 'ngiti'!" tuwang-tuwang saad niya. Hindi ko siya sinagot at palinga-linga sa paligid.
Padilim na sa parteng ito. Malamang pagabi na at hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita.
"Pagod na ako. Nasaan na ba kasi si Ms. Violet? Ganito ba siya kahirap hanapin? Naku, Drim. Maghanda ka na at kung magiging kayo, tapos inaway mo. Naku-naku, luluha ka ng dugo sa kakahanap sa kanya," mahabang bigkas niya at sinabayan pa nang pagtawa. Sasagot na sana ako nang may naaninag akong pigura ng isang babae.
"Bakit namamalimos ka? Ang dali-daling magnakaw. Iyon ang gawin mo, bata," narinig naming wika ng babae. Pamilyar sa akin ang boses niya at siya na nga ang hinahanap namin kanina pa.
"Aba, matabil din pala ang dila ni Ms. Violet. Bad influence sa mga batang lansangan. Nagbibigay pa ng idea kung paano magkakaroon ng pera," mahinang bulong ni Gabril. Nasa boses niya ang pagkadismaya. Na ganoon din ako.
Ganito pala ang pag-uugali niya. Nakaka-disappointed nga.
"Ate ganda, masama po ang magnakaw. Saka mas mabuti pong humingi o mamalimos na lamang. Kaysa ang gumawa ka nang masama at magnakaw sa iba. Napaka-dali pong gawin 'yon, kaysa gawin ang sinabi niyo," pangangaral ng bata sa kanya. Gusto ko tuloy palakpalakan ang bata at pagalitan ang babaeng ito.
Narinig ko rin ang pagngisi ni Gabril at binubulong pa ang 'burn it.'
"Paano naging madali? Eh, may iba hindi ka binibigyan. Tss," masungit na sabi ng babae.
"May iba naman po na hindi ganoon, ate ganda," sabi pa ng bata.
"Tama ka! Good boy ka naman pala!" tuwang-tuwang sabi ng babae at nagawa pa niyang guluhin ang buhok ng bata.
Halos malaglag ang panga namin ni Gabril. Bigla ay umiba ang pag-uugali niya. Walang arte-arte na hinawakan ang batang lansangan. Kahit gaano pa ito karumi.
"Alam mo ba? Dahil sa sinabi mo. Napaka-suwerte mo, nandiyan ka pa at kahit palaboy-laboy ka lang sa lansangan ay hindi ka namatay sa gutom, 'no? Kasi ang ibang mga bata riyan ay ganoon ang nangyayari. Kasi nagnanakaw sila. Ikaw, nanatili kang nandiyan kasi mabait kang bata at palagi kang ginagabayan ni papa God," sabi pa nito at inabot ang dala-dala niyang paper bag.
"Mga prutas lang ang mayroon ako. Wala akong pera, eh. Saka baka palaboy-laboy na rin ako. Wala akong mapupuntahan, eh," narinig pa naming sabi ng babae at tila may kung ano ang bumaon sa puso ko nang marinig ang mga katagang binigkas niya.
Wala talaga siyang maalala? Wala siyang ibang mapupuntahan? Sht! At heto ako, iniwan pa siya.
"Eh? Magbenta ka na lang ng laman mo, ate!" suggestion ng bata sa kanya. Hayan, bumaliktad na naman.
"Aray ko po!" daing ng bata nang binatukan niya ito. Tumatawa-tawa naman ang kasama ko.
"Anong laman?!" She have a good heart. That's the truth.
Hindi na ako nakatiis at lumapit na sa kanila.
"Umuwi na tayo," marahan ang boses na sabi ko at nagulat pa siya nang makita ako.
Napatayo at nanlalaki ang mga mata. Nabigla ako nang yakapin niya ako nang sobrang higpit. Literal na bumilis ang puso ko.
ALL FAKE
Chapter 6 (3.3)
AND the next I knew ay umiiyak na ang babae sa dibdib ko. Para siyang bata at humihikbi. Sinasabi na huwag ko na raw siyang iwan dahil takot na takot daw siya.
Hindi raw siya pamilyar sa lugar, at wala siyang kilalang tao kahit na isa.
Nagsisisi tuloy ako na ginawa ko 'yon at iniwan siya sa bus. Ramdam ko ang takot niya, sa halip na magalit sa akin dahil sa ginawa ko.
Iyak siya nang iyak, kaya nag-first move na si Gabril. Ibinigay niya ang balloon sa babae. Effective naman at tumigil sa kakaiyak.
"Hi, Ms. Violet. My name is Gabril Santa Maria. Ikaw? Ano ang pangalan mo?" Parang bata lang ang kausap ni Gabril kaya nakatikim sa akin ng batok. Mahinang dumaing lang siya at hinaplos ang nasaktan niyang ulo.
"Sam-sam... Sam-sam," tila inaantok na sambit ng babae at nang makita ko ang hitsura niya ay namamaga ang mga mata niya at namumungay rin. Halatang inaantok na siya.
"Sam-sam, ano 'yon?" nalilitong tanong ni Gabril.
"Naalala ko lang ang Sam-sam," sabi pa niya at bahagyang humilig sa akin. Bumagsak na nga ang talukap ng mga mata niya.
"Napagod yata ang bata, Drim," natatawang sabi ni Gabril.
Maingat na pinangko ko na ang babae at bago kami umalis sa lugar na iyon ay binigyan pa ni Gabril ng pera ang batang lansangan. Kaya todo pasalamat sa amin.
Sinabi pa na anghel ang kasama naming babae at dumating pa kami.
***
"Ano na? Saan mo na siya dadalhin?" Gabril asked me. Kasalukuyan na kaming lulan ng sasakyan at pauwi na rin. Si Gabril na ang nagpresinta na magmaneho ng kotse ko.
Nasa backseat ang kasama naming babae at mahimbing na ang tulog. Talagang napagod nga siya.
"No choice," maikling sagot ko.
"Napipilitan? Ibigay mo na lang siya kay Ark. Mukhang gusto naman niya si Ms. Violet."
"O sige, at nang magkagulo sila ni Jasmine," sabi ko.
"Mabait naman si Jasmine. Ayaw na nga no'n kay Ark."
"Sino nga ba ang hindi aayaw kay Ark? Tarantado iyon katulad mo."
"Grabe ka sa akin! Para namang ikaw ay hindi!"
"Sshh. May natutulog," suway ko sa kanya at napasulyap sa backseat.
"Grabe ang takot mo kanina, 'no? Ako, para akong nawalan ng anak."
"Baka nga at anak mo na 'yan."
"Tarantado."
For the last time, I glanced at the girl. Kahit na sobrang pagod na pagod ako ngayong araw ay gumaan naman ang pakiramdam ko.
Dahil nahanap na namin siya. Hindi ko gagawin ang ginawa ko sa kanya kanina. Nakakatakot pala at sising-sisi ako.