Chapter 5: Amnesia
"ANAK ng! Akala ko ba gising 'yan nang tumawag ka sa akin?!" gulat na tanong sa akin ni Ark. His eyes widened while staring at the girl. Nasa loob pa ng sasakyan ang babae.
"Kahit minor injury pa 'yan ay hindi siya puwedeng galawin, Drim! What are you thinking, man?!"
I rolled my eyes. Napaka-OA talaga nito. Eh, kung suriin na lamang niya ang babaeng ito? Kaysa ang sumigaw siya riyan, 'di ba?
"Hindi ko na siya kayang ipagkatiwala pa sa hospital na 'yon! Malay natin na hindi pa pala siya nagigising simula nang naaksidente siya!" sigaw ko pabalik sa kanya.
"Stretcher!" sigaw ni Ark at nagkukumahog ang isang nurse sa pagkuha ng stretcher. Natakot sa doctor nila. Tss.
Maingat na binuhat ni Ark ang babae at ibinaba niya sa stretcher. His brows furrowed.
"Saan niyo ba napupulot ang mga babae niyo ng kakambal mo, Drim?" tanong niya.
"Napulot? What are you talking about?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Mga babae? Napulot?
"Para malaman ko rin kung saan din makakapulot ng manika," utas niya. Nagsalubong ang kilay ko.
"Anong manika?" Hillarus approached us. Sinilip niya rin ang babae sa stretcher. Manghang-mangha.
"Bagong babae?" baling na tanong niya sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Alam niyo, paki-check na nga niyo ang pasyente niyo!" supladong saad ko na ikinatawa lang ng dalawa.
"Whatever," sabay na bigkas nilang dalawa.
ISANG oras ang nakalipas bago natapos sina Ark. Naglakad siya papalapit sa akin. Napatayo ako sa kinauupuan ko. Napangisi pa ang gⓐgo nang makita ang ginawa ko.
"Worried tayo niyan?" he mocked me. I glared at him.
"So, the girl. May minor injury nga siya. Hindi naman malakas 'yong impact nang pagkakabangga sa kanya but her head injury. I'm afraid na mawalan ng alaala ang pasyente. Hindi niya na-assist nang maayos sa hospital kaya inapoy siya ng lagnat. Nagising naman siya pero nakatulog din kalaunan. She needs more rest, and as what I've observe. Hindi niya inaalagaan nang mabuti ang sarili niya. Puyat siya at mababa ang timbang. Maybe she's been working for almost 24 hours, I guess? But all in all, okay naman na siya at bumaba na rin ang lagnat niya. You can visit the patient if you want," mahabang pahayag ni Ark sa akin. I felt relief.
"Worried much?" nakangising tanong na naman niya.
"Of course!"
"Oh!"
"Sa sarili ko dahil ako ang nakabangga sa kanya! Just what if mamatay ang babae? Makukulong ako, gⓐgo!" defensive na sagot ko.
"Whatever..."
SAMANTHA JOYCE LORENZO's POV
"Bakit hindi pa siya nagigising?"
"Ssh...maghintay ka..."
NAGISING ako dahil sa naririnig kong ingay. Hindi ko pa magawang imulat ang mga mata ko dahil mabigat siya masyado. Nararamdaman ko rin ang kirot sa palapulsuhan ko. Kirot na para bang tinutusok ako ng karayom.
Pati sa ulo ko. Tapos ang katawan ko ay namimigat din.
"Nanay..." nahihirapang bigkas ko.
Nasaan na ba ako? Anong nangyari sa akin?
"Gising na ba siya?"
"Nagsasalita na nga, 'di ba?"
"Malay mo nananaginip lang?"
"Gumagalaw na nga ang talukap ng mga mata niya, eh!"
"Ako na nga ang gigising sa kanya!"
"Drimson!"
"Hey, wake up!" narinig kong sambit ng isang lalaki. Hindi naman malakas ang boses niya. Mahina lang 'yon pero tila pabulong lang?
Marahan na tinapik-tapik pa niya ang kanang pisngi ko at nakakaramdam ako ng...
"Drim naman."
"She needs to wake up, Ark. Masyado na siyang nakaka-abala sa akin!"
"Hoy! Kahapon lang, eh worried na worried ka sa kanya! Tapos ngayon?!"
"O baka gising na nga siya pero nagtutulog-tulugan lang siya?" narinig ko pang wika nito.
Gusto ko na pong bumangon pero nanghihina pa talaga ang katawan ko. Nasaan ba kasi ako? Ano ba ang nangyari sa akin?
Muli kong naramdaman ang mainit at magaspang niyang palad. Tumaas ang balahibo ko sa katawan, ngunit tila kino-comfort ako ng kamay niya.
Naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa akin. I can almost smells his scent and breath.
When I can open my eyes, ang magandang pares ng mga mata ang sumalubong sa akin. Ang matang 'yon na may pagka-singkit. Napakalamig man pero nakakahalina.
Nakakatuwang pagmasdan. Titig na titig din siya sa mga mata ko. Kung kanina ay may lamig 'yon. Ngayon naman ay naglalaro ang pagkamangha sa singkit niyang mga mata.
"I like your eyes..."
"You're handsome..." magkasabay na wika naming dalawa. Ang kamay niya kaninang nakahawak lang sa pisngi ko ay ngayon humahaplos na. Hawak ko na rin ang isa pa niyang kamay.
Tila may magnet sa amin, na ayaw maputol-putol ang paningin namin sa isa't-isa. Until someone cleared his throat and murmuring something... PDA...
Parang doon lang kami natauhan at napaatras ang lalaki.
"Finally..."
"Pahingi ng tubig..." nanghihinang sabi ko habang hirap na hirap na makabangon. May umalalay sa akin at may pinindot lang siya sa bed. Nakasandal na ako ngayon sa unan.
Binigyan naman nila ako ng tubig at kaagad na inubos ko 'yon. Pagkatapos ay pinagtuunan ko nang pansin ang paligid.
Nasa puting silid ako? Oh, nasa hospital ako. Kaya pala may kirot sa palapulsuhan ko dahil may dextrose ako. At nakabenda ang ulo ko.
Nasaan na ba ako ulit ako? Pilit ko namang inalala ang nangyari sa akin bago ako nakarating dito sa hospital.
And I remember! Naaksidente pala ako... So, buhay ako? Hindi ako namatay.
"Okay ka na?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang isang lalaki. Nakasuot siya ng puting coat at may stethoscope sa leeg. Guwapo ang lalaki at may magandang ngiti. Ang tangkad niya rin, parang modelo lang. Siguro doctor siya?
Napatingin naman ako sa katabi niya. Naka-casual outfit lang ang lalaki. Siya 'yong lalaki kanina, na singkit ang mga mata. Aminado akong guwapo ang doctor pero mas guwapo ang isang ito.
Nakaka-goosebumps ang paraan nang pagtitig niya sa akin. Napakalamig at nakaka-intimidate ang presensiya niya. Bumilis ang t***k ng puso ko.
Puwede ko ba siyang iuwi sa amin? At i-display sa bahay ko? Puwede?
"Sino ka? Nasaan ako? Anong nangyari sa akin?" sunud-sunod na tanong ko sa kanilang dalawa.
"May naaalala ka ba bago ka dinala sa hospital?" tanong sa akin ng doctor. Nakalapit na siya sa akin dahil tila inilawan pa niya ang mga mata ko kaya napapikit pa ako.
Nanatiling tahimik naman ang kasama niya habang nanonood lang.
Naalala ko ulit ang nangyari sa akin. Galing ako sa Pangasinan at lumuwas ako sa Manila. Nang makarating ako ay nanakawan ako sa barko pa lang. Tapos umulan, umiiyak ako habang naglalakad sa gilid ng kalsada at basang-basa pa ng ulan. Hanggang sa may naanigan akong ilaw at pagbusina ng sasakyan.
Naaksidente ako...akala ko katapusan ko na.
Napapikit ako dahil sa pagkirot ng ulo ko kaya hinawakan ko ito at umungol sa sakit.
And the next thing I knew, the doctor declared that I have amnesia.
At pabor sa akin 'yon. Wala akong ibang mapupuntahan. Wala akong pera para makabalik sa amin. Walang-wala ako kaya pinanindigan ko na may amnesia nga ako.
Nalaman ko rin ang lalaking may singkit na mga mata ang nakabangga sa akin. Tadhana nga naman. Tapos ang sabi ng doctor, responsibilidad daw ako ng kaibigan niya kaya ito na raw ang bahala sa akin.
Pero noong kami na lang ang naiwan...
"ARE YOU sure na wala ka talagang maalala? Hindi ako naniniwala..."
Naitikom ko ang bibig ko dahil sa malamig na boses niya. Nakakatakot talaga ang aura niya.
"Hindi ka mukhang may amnesia. Minor injury lang ang mayroon ka, Miss. Kaya paanong hindi mo naaalala ang lahat bago ka naaksidente?" muling tanong niya sa akin at humakbang papalapit sa kinaroroonan ko.
I gulped nang inilapit niya ang mukha niya sa akin. "O baka...pinaglololoko mo lang kami? Mas mukha ka pang manggagamit. 'Yang mga mata mo. Hindi ba 'yan, fake?" Natamaan ako sa sinabi niyang fake.
Ang guwapo niya sana pero ang sama ng ugali...
"Baka rin... Sinadya mo rin ang nangyari sa 'yo. Sino ang matinong babae na maglalakad sa kalagitnaan ng ulan? Baka sinadya mo nga talaga 'yon... Para may mabiktima ka? Pera ba ang kailangan mo?" sunud-sunod na tanong niya sa akin.
Wala pang isang oras ay nahusgahan na ako ng lalaking ito. Ang sakit niyang magsalita.
"Malaman ko lang na nagsisinungaling ka sa amin ay...hindi ako magdadalawang isip na ipa-pulis ka," banta niya sa akin. Inaamin ko na natakot ako. Natakot ako sa sinabi niya.
Tumunog naman ang cellphone niya at doon lang siya lumayo sa akin.
"Cyan."
Lumabas na ang lalaki at naiwan na naman ako sa loob ng hospital pero maya-maya lang ay pumasok siya ulit pero kasama na niya ang doctor. May dalang tray ito at ibinigay sa akin.
"Kailangan mong kumain para mabawi mo ang lakas mo, Miss. Ako pala si Arkanghel Montegracia. Ako ang doctor mo," nakangiting pakilala sa akin ng doctor. Mukha naman siyang friendly pero may takot ako na baka katulad niya rin...
Napalunok ako nang sumalubong na naman sa akin ang malamig niyang mga mata. Pakiramdam ko ay nabuhusan ako ng malamig na tubig.
"Anong mayroon dito, ha?" Sulpot ng isang lalaki.
"Oh, gising na pala ang manika ni Drim!" tuwang-tuwang sabi ng lalaking bagong dating. At doctor din siya.
Lahat ba ng mga kaibigan niya ay guwapo?
"Shut up, Lazello!" masungit na sambit ng lalaki na kinakatakutan ko. Dahil nga sa takot ay nagulat ako sa biglaan na pagsigaw niya.
"Drim, calm down, man. Tinatakot mo ang pasyente ko," sabi ni Dr. Arkanghel.
"Paano kung nagkamali ka lang, Ark? Paano kung hindi naman talaga 'yan nagka-amnesia? Paano--"
"A-Aalis na lang ako..." natatakot na sambit ko. Ayoko sa presensiya niya...
Gusto ko nang umuwi sa amin... Bakit ba ako umalis pa?
"Miss..." Napahiyaw ako sa gulat nang hinawakan ako ng doctor sa balikat ko. Nagulat din siya sa naging reaction ko.
Bago pa ako kainin ng takot ay kaagad na tinanggal ko ang dextrose sa palapulsuhan ko saka walang paalam na lumabas mula sa silid na 'yon. Hindi ko na pinansin pa ang tumatawag sa akin.
Ayoko sa presensiya nilang lahat. Sanay ako sa bayolente, dahil iyon ang madalas na ginagawa sa akin ng mga tao sa Pangasinan. Sa mga taong pinagkakautangan ko.
Matapang naman ako... Hindi ako ganito kahina... Pero hindi ako komportable sa mga lalaking iyon. Hindi ko sila kilala...
Napahawak ako sa palapulsuhan ko nang maramdaman ko ang pag-agos ng dugo roon. Nanginginig pa ang kamay ko.
Bumukas ang elevator at nagmamadali pa akong lumapit para makasakay no'n at nang makalayo rito.
Pero napahinto rin ako kaagad nang bumungad na naman sa akin ang pamilyar na mukha ng isang tao.
"I found you," malamig na sabi niya na ikina-atras ko.
"You didn't tell me na may anak pala si Joy Lorenzo. Alam mo ba na pinapahanap ka ng tatay mo?" tanong niya sa akin at umiling ako.
"Cyan? Kilala mo ba siya?"
"Hindi," tanggi naman niya sa akin.
"Ito ba ang babaeng tinutukoy mo na may amnesia, Drim?"
"Anong pangalan mo, Miss?" tanong nila sa akin.
So, naniniwala na nga sila na wala akong amnesia?
Dalawang araw lang akong na-confine sa hospital at simula no'n ay hindi ko na nakita pa ang mukha ng lalaking iyon. Ang pangalan niya ay si Drimson.
At ang Cyan na 'yon, hindi na rin siya bumalik sa hospital at hindi ko alam kung ano ang binabalak niyang gawin.
Kung totoo man hinahanap ako ng tatay ko ay wala na akong pakialam. Ayokong bumalik sa kanila.
"May anxiety attack ka, 'di ba?" Dr. Arkanghel asked me.
"Wala," supladang sagot ko at napatawa siya. Kami lang ang naiwan sa private room na ito. Aalis din naman kasi ako.
"Wala kang amnesia. Alam ko. Doctor ako, kaya alam ko. Wala naman akong nakikita sa 'yo na may masama kang motibo kung bakit ginagawa mo ito. But I feel... You need someone... Siguro babantayan na lamang kita. Susunduin ka pa rin ni Drimson." Iyon nga ang nangyari.
Sinundo ako ni Drimson pero ganoon pa rin siya. Ang lamig-lamig ng trato niya sa akin.
Wala siyang dalang sasakyan pero sumakay kami ng taxi at huminto ito sa bus terminal.
Sumakay siya kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Umupo siya sa dulo. Naghanap naman ako ng bakanteng mauupuan.
Ilang segundo ang nakalipas ay inansuyo na ng driver na aalis na raw ang bus pero hindi ko inaasahan ang biglaang pagtayo ni Drimson at bumaba siya.
Natatarantang napatayo ako at sumunod. Halos mawalan ako ng balanse dahil paandar na ang bus.
Hindi ko na nagawang makababa nang sumara na ang pintuan. Nag-aalalang tiningnan ko si Drimson. May katabi na siyang lalaki na hindi ko kilala.
May namuong takot sa dibdib ko dahil... Sinadya nga niyang iwan akong mag-isa?
"Ano ka ba naman, Miss! Bumalik ka na sa upuan mo!" sigaw sa akin ng mga pasahero sabay tulak sa akin.
Napapikit ako nang tumama ang ulo ko sa upuan nila. Literal na kumirot ito. Nakabenda pa ako dahil hindi pa naghihilom ang sugat.
Niyakap ko na lamang nang mahigpit ang paperbag na ibinigay sa akin ni Dr. Arkanghel. May mga prutas ito at may ibinigay sa akin na pera.
Isang libo. Pamasahe ko sa bus?
Ang sama pala talaga ng lalaking iyon.
Wala sa sariling kumuha ako ng mansanas at kumain. Napatingin ako sa batang babae na inosenteng nakatingin sa akin tapos bumaba sa mansanas ko. Binigyan ko pa siya ng isa at kaagad na kinuha niya saka nagpasalamat.
Saan na ako pupunta nito? Ano na naman ang mangyayari sa akin? Hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Paano na ako?