Chapter 4 : Worried
ILANG minuto ang nakalipas bago ko narating ang hospital. Wala pa ring malay ang babae kaya mas lalo akong kinabahan. Pinulsuhan ko siya kanina, buhay pa naman siya pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala sa babaeng ito.
"Nurse! Patulong naman! May pasyente po rito!" tawag pansin ko sa isang nurse, mabuti naman at sa entrance pa lang ay may naka-tambay na nurse roon.
Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan ko at tinanggal ang seatbelt ng babae. Maingat na pinangko ko siya at may hinanda ng stretcher ang nurse.
"Dito po, Sir!" sabi nito sa akin at ibinaba ko na roon ang babae sa stretcher.
Kaagad na sinugod nila ito sa emergency room at siyempre sumunod ako. Ako ang naka-disgrasya sa babae kaya responsibilidad ko siya.
Sana naman ay hindi malala ang aabutin no'n.
Nakita kong sinuotan nila ng oxygen mask ang babae at may lumapit ng doctor dito.
"Nagsusuot ba ng contact lens ang pasyente? Pakitanggal," narinig kong usal ng doctor.
"Yes po, doc!"
"Ay! Natural po yata ang mga mata niya."
Sa isang bench na lang ako umupo habang naghihintay na matapos ang mga doctor. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil sa sobrang kaba at takot. I don't know kung bakit ganito ang nararamdaman ko towards the girl.
I don't even know that girl but hell, I'm scared...
Siguro dahil baka makukulong ako kapag namatay iyon. Shoot! Ang dami pa namang namamatay sa car accident at baka hindi kayanin ng babaeng iyon.
Oh, please, woman! Still alive!
At dahil basang-basa ako ay kanina ko pa nararamdaman ang lamig. May spare clothes naman ako sa kotse ko para makapagpalit ng damit pero gusto ko na muna malaman ang kalagayan niya. Kung okay na ba siya.
"KAYO po ba ang kamag-anak ng pasyente, Sir?" tanong ng nurse nang makalapit sa akin.
And speaking of girlfriend! Oh, sh*t! Baka hinahanap na ako ni Carlin at mag-aalala pa iyon sa akin.
"Hindi. Ako lang ang naka-sagasa sa pasyente," I told her the truth.
"How's she? Hindi ba critical ang condition niya? Magigising pa ba siya?" sunud-sunod na tanong ko sa nurse.
"Ang doctor na lamang po ang kausapin niyo. May identification card po ba ang pasyente? Puwede ko po bang makita? At kung may guardian pa po at ng matawagan namin, Sir." Umiling ako.
Ang babae lang naman ang sinagip ko at hindi ko na napansin kung may bag o mga gamit pa ba ang babae.
Inilabas ko ang wallet ko at mabuti naman ay hindi ito nabasa.
"Ako po ang bahala sa bills ng pasyente. Just call me kapag may guardian na ang naghahanap sa pasyente," saad ko at ibinigay ko sa kanya ang calling card ko.
Kaagad namang may lumapit sa akin na doctor. "Minor injury lang naman ang natamo ng pasyente. She will be fine. Hindi naman gaano kalakasan ang impact kung nasagasaan mo ang pasyente. Nagulat lang ito at sumabay pa ang gutom at pagod. Sa ngayon ay kailangan pa namin siyang i-monitor at madi-discharge naman siya as soon as possible," paliwanag sa akin ng doctor. I nodded.
Parang doon lang ako nakahinga nang maluwag.
"Thank you, doc," pasalamat ko sa doctor.
"May guardian ba ang pasyente? I need to talk to her parents. Bawal na muna siyang magbuhat ng mga mabibigat na bagay o magtrabaho. Kasi sa mga nakikita ko ay masyadong kinakawawa ng pasyente ang katawan niya. Wala siyang maayos na pahinga at madali siyang himatayin," dagdag pang sabi nito sa akin.
Napa-isip naman ako. Ano ba ang buhay na mayroon ang babaeng iyon? Bakit ganoon ang statement sa kanya ng doctor?
Nakausap ko naman na ang doctor. Bago ako umalis ng hospital ay binayaran ko na muna ang bills niya at sana matawagan ako ng nurse kung may dumating na bang guardian nito.
At noong nasa kotse na ako ay tila labag sa loob ko na iwanan ang babae sa hospital. Nababahala ako. Responsibility ko naman ang nangyari sa kanya pero mas priority ko ang girlfriend ko.
To be honest ay wala namang problema kung iiwan ko siya roon dahil may kamag-anak naman siguro iyon.
Pinilig ko ang ulo ko nang bigla kong maalala ang mukha ng babae.
I admit it that she's beautiful... Mas maganda pa yata siya kaysa sa girlfriend ko. Freak.
NANG gabing iyon ay hindi ko na nagawang sunduin si Carlin dahil sumabay na raw siya kay Ethan. Ang pinsan niyang lalaki. And as usual nagalit na naman sa akin.
Sa halip na mag-sorry ako sa kanya ay hindi ko na lamang siya kinausap pa. Lalamig din naman ang ulo niya kaya hinayaan ko na muna. Ganoon lang talaga ang ugali niya. Minsan ay hindi ko naiintindihan. I love her and I can't lose her.
AT HINDI rin ako nakatulog nang maayos dahil naalala ko ang babae. Hindi ako mapakali hanggat hindi ko nalalaman kung gising na ba siya.
Todo bantay rin ako sa phone ko. Baka sakaling tumawag na ang nurse at sana mabalitaan ko na ayos na nga talaga siya.
Kaya kinabukasan ay late na akong nagising. Um-absent ako dahil dadalawin ko ang babae.
Bumili pa ako ng mga prutas para sa peace offering na rin. Hindi ko naman kasi sinasadya na mabangga ko siya ng sasakyan. Ayoko siyang sisihin kung bakit ba naman kasi pakalat-kalat siya sa kalsada. Umuulan pa naman.
Maayos akong pinalaki ng parents ko at pinapahalagan ko naman ang mga babae. Ayoko ring makakakita na nasasaktan sila. Ilang beses ko nang nakita ang girl best friends namin ni kuya na nasaktan, dahil lang sa mga lalaking minahal nila.
"Miss, saan ang hospital room ng babaeng sinugod kahapon? Iyong may minor injury?" I asked the desk clerk.
"Kayo po ba ang guardian ng pasyente? Nasa left ward po siya," sabi nito. I raised a brow.
"Bakit sa ward lang? At hindi ako guardian ng pasyente. Nag-iwan na ako ng calling card ko sa inyo kung may guardian na ang bibisita sa pasyente. At nagbayad ako ng sobra para sa private room niya. Hindi ang ward lang," malamig na saad ko at namutla ang babae.
"K-Kayo po ba si Arct. Drimson Del Labiba, Sir?" tanong nito sa akin habang may binabasang notes.
"Ako nga. Hindi porket hindi ko sinabi sa inyo na sa private room ang pasyente ay ilalagay niyo na siya sa ward. Sobra-sobra ang binayad ko sa inyo," I added.
Walang kibo na tumalikod ako at hinanap ko na lamang ang pasyente. 'Tado talaga.
Sa right side ay punong-puno ang pasyente sa ward at nang makarating ako sa ward ng babae ay nag-iisa lang siya roon. Open ang puting kurtina dahil nag-iisa lang naman siya roon.
Kumuyom ang kamao ko nang masaksihan iyon. Wala man lang nurse ang nagbantay sa kanya.
Nakahiga lang siya sa maliit na hospital bed. May iilan na galos at gasgas ang braso niya na maging sa pisngi at namamaga rin ang right cheek niya. Naka-benda ang ulo niya. May dextrose siya. Wala siyang oxygen mask dahil siguro okay naman na siya.
But funny is it. Kahit ganoon ang kalagayan niya ay hindi man lang nabawasan no'n ang maganda niyang mukha. She looks pale, too.
I walked towards her at mas nabigyan pa ako ng pagkakataon na pag-aralan ang mukha niya.
Mahaba ang buhok niya na natural na kulot sa dulo, hindi rin ako sigurado kung natural ang buhok niya. At dahil nakapikit siya ay malinaw na nakita ko ang mahaba at malalantik niyang pilik-mata. 'Sakto lang ang haba ng ilong niya pero sobrang tangos no'n. Maputla ang labi niya.
My brow furrowed, tagaktak siya ng pawis sa noo at leeg kahit may aircon naman ang ward.
Wala sa sariling sinalat ko ang noo niya gamit ang likod ng kamay ko. Napamura ako ng totoo nga ang hinala ko.
Inaapoy ng lagnat ang pasyente! Nagda-dalawang isip pa ako na iwan ang babae para sana tumawag ng doctor.
Mas lalo lang ako nagalit sa staff ng hospital na ito.
"Ano bang klaseng hospital ang mayroon kayo? Mga staff na nagiging iresponsable sa mga pasyente nila? Nag-iisa lang ang pasyente niyo sa ward na ito pero hindi niyo man lang nagawang bantayan. Inaapoy na pala ng lagnat ang pasyente niyo pero ni isa sa inyo ano ang ginawa niyo? Paano kung nag-convuls na ang pasyente niyo?" malamig na sumbat ko sa kanila.
"Sir, hindi naman namin po pinapabayaan ang pasyente. Nandito po kami kanina para suriin siya. Maayos naman po siya kanina," paliwanag ng nurse.
Umiling ako. "Anong oras?" tanong ko at hindi na siya nakasagot pa roon.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Ark.
"Ark, speaking. Who's this?" Ark asked me from the other line.
"Drimson. I want to ask you something. Okay lang ba kung tatanggalan ko ng dextrose ang pasyente? Naaksidente siya at minor injury lang naman," sabi ko.
"What? Why would you do that, Drim?"
"Gusto kong ilipat ang pasyente sa ibang hospital," paliwanag ko.
"Okay. Nasa hospital naman na ako. Sasalubungin na lamang kita rito."
"Alright," sagot ko at maingat na tinanggal ko ang dextrose sa babae.
Tinanggal ko pa ang kumot at hinubad ko ang coat ko. Ibinalot ko iyon sa babae saka ko siya maingat na pinangko.
Disappointed ako sa mga doctor na iyon.