CHAPTER 3

1490 คำ
Chapter 3: Accident INABOT ko sa isang mama ang pamasahe at ticket ko sa barko. Since tinulungan nga ako ni mayor ay magandang higaan ang bid ko. Ilang oras ang biyahe mula Pangasinan to Manila kaya pagod na pagod ako. Nakatulog naman ako pero dahil first time kong makasakay ng barko at sa sobrang ingay nito ay hindi ko masasabi na maayos nga ang tulog ko. Basta nakatulog lang ako at thankful pa rin ako na hindi ako nahilo. Kasi nga first time ko. Inansuyo ng isang lalaki na dumating na kami sa Manila kaya tuwang-tuwa pa ako. Pagabi na kaya kitang-kita ang magagandang lights ng mga building kahit nasa daungan pa kami at hindi pa nakakababa. Excited akong bumaba mula sa sasakyang pandagat habang bitbit ko pa rin ang mga bagahe ko. Namangha ako sa magandang view ng mga building at maririnig mo ang pagbusina ng mga sasakyan. "Ang ganda," namamanghang sabi ko, kahit masyadong maingay sa paligid. Hindi ako pamilyar sa Manila kahit nakarating na ako rito noong bata pa lamang ako. Nakalimutan ko rin naman, eh. At dahil mag-isa lang ako at malapit nang gumabi ay kailangan kong maghanap ng matutuluyan ko saka ako maghahanap ng trabaho. Hinalungkad ko ang maliit na wallet ko sa malaking bag ko sa para kumuha ng pera. Ngunit parang humiwalay ang kaluluwa ko nang hindi ko makita ang wallet ko at maski ang sobreng binigay sa akin ni engineer. Hindi ko man lang nalaman kung magkano iyon. Naibaba ko sa sementadong daanan ang bag ko at hinalungkad ko ang laman no'n pero wala talaga. Kahit ang mga mahahalagang ID ko ay wala talaga. Nanakawan ba ako?! "Hoy, Miss! Umalis ka nga riyan, hindi kami makadaan sa 'yo, eh!" Hindi ko iyon pinansin kaya ang ginawa nila ay binangga nila lang ako sa balikat. Ang malas-malas ko, para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil wala na akong pera kahit piso man lang! Nawala pa ang pinaka-importanteng bagay ko! Nanakawan ako ng hindi ko namamalayan! Bakit ganoon? Natulog lang ako, ah? Para akong batang nanakawan ng candy at wala akong nagawa kundi ang ngumawa dahil sa kamalasan ko pagdating ko pa lamang sa Manila. Sana pala ay hindi na ako umalis. Para akong baliw na umiiyak na naglalakad sa kalsada at panay ang punas ko sa luha ko. Ang t-nga ko kasi, eh! Hindi ko nabantayan ang mga gamit ko! Eh, babae lang naman ang katabi ko sa bid. Masamang mangbintang alam ko, pero siya lang naman ang malapit sa akin kaya baka siya ang kumuha ng pera ko. AT PATI ang langit ay dinadamayan ang kamalasan ko ngayong araw kaya nakaligo ako ng ulan ng wala sa oras. Mas lalo lang napalakas ang iyak ko at hindi na ako nagkamayaw pa. Tinatawag ko ang nanay ko. Paano na ako? Ano na ang mangyayari sa akin? Magiging pulubi na ba ako forever? Eh, hindi ako makakauwi sa amin gayong wala na akong perang pamasahe ko pabalik sa amin. Ang malas-malas ko talag-- Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong nasilaw sa... Mamamatay na ba ako? Dahil sa gulat ay hindi ko na nagawang umiwas sa paparating na sasakyan na sunud-sunod ang pagbusina nito. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa takot na baka ito na ang oras ko kaya ang nagawa ko na lamang ay ang pumikit at hintayin ang kotseng babangga sa katawan ko. Sabi nila, kung malapit ka na raw mamatay ay lahat ng memories mo from the past and present ay lahat daw iyon ay magpa-flashback sa 'yo. Lahat daw iyon ay maaalala mo. Pero bakit sa halip na iyon ang mangyayari sa akin ay iba ang pumasok sa isip ko? Ang sabi ng isip ko ay may paparating na anghel para tulungan ako... Napasinghap ako nang una kong naramdaman ang pagbangga ng sasakyan sa baiwang ko at nahugot ko ang hininga ko ng makaramdam ng lakas ng impact n'on. At ang huli kong naramdaman ay ang pagkirot ng ulo ko bago ako nawalan ng malay. Mamamatay na nga yata ako... Car accident pa ang dahilan ng pagkamatay ko. _______ DRIMSON DEL LABIBA's POV "OKAY na po ba 'tong materials, Arct. Drimson?" tanong sa akin ng mga tauhan ni kuya Crim. Kasalukuyan naming sinusuri ang mga materials para sa pagpapatayo namin ng bagong hotel na ang kakambal ko ang humahawak sa project na ito. Actually, dapat kasama kong mag-inspect si Engr. Mikael at ang iba pang team namin. Ang lalaking iyon na kinaba-baliw-an ng kakambal ko. Hindi naman ako against sa kanila kung magkakaroon sila ng relasyon. May girlfriend si kuya pero alam ko na niloloko lang siya ng babaeng iyon. Pera lang ng kakambal ko ang mahal niya at hindi si kuya Crim. Pero natamaan eh, kaya hindi magawang hiwalayan ang girlfriend niyang gold digger. Not until na dumating si Engr. Mikael S. Brilliantes. Siya na yata ang pinaka-guwapo sa balat ng lupa at pasadong maging babae dahil sa hitsura nito, napaka-amo. Kaya pala ganoon na lamang mapatulala ang kakambal ko. At wala akong pakialam kahit maging bakla pa siya dahil tatanggapin ko naman siya. Siya ang kalahati ng pagkatao ko kaya kung ano man ang magiging desisyon ay tatanggapin ko iyon. Pamilya kami kaya susuportahan ko na lamang siya. Mabuti ng mapunta siya sa lalaki kaysa sa babae na pera lang ang habol sa kanya. Masasaktan lang siya. Napahinto ako sa pag-iisip ko nang makita ko ang kotse ni Engr. Mikael. Napangisi ako nang makita si kuya na pagkababa lamang siya mula sa sasakyan ay sumuka ito kaagad. Napailing na lamang ako. Maaliwalas ang langit pero biglang umambon hanggang sa lumakas ang ulan. Kasama ko ang mga tauhan namin sa isang waiting ched at nasa kabila no'n sina kuya at magiging boyfriend niyang engineer. Alam ko na nakakailang na tawagin niyang boyfriend si Engr. Mikael dahil pareho silang lalaki pero nakikita ko naman na komportable naman sila sa presensiya ng isa't-isa. Dahil sa naisip kong kapilyuhan ay tinawagan ko ang kakambal ko over the phone. Kaagad na tiningnan ako nito mula sa kinatatayuan nila. "YES?" my twin brother asked me when he accepted my call. "It's a rainy day, kuya. At baka dalhin mo si Engr. Mikael sa kung saan-saan, ha? Masosolo mo siya at baka may gawin ka--" "Idi*t, wala akong gagawin," defensive na sagot niya at napahalakhak ako. Napalingon din sa gawi ko ang kasama niya. "Malamig pa naman ang panahon, kuya," giit ko pa. Alam kong malakas akong mang-asar pero joke lang naman ang lahat ng sinasabi ko, eh. Siya lang talaga ang pikon, eh. "'Tado," sabi pa nito sa akin. "Hindi na kayo niyan makakauwi, kuya. Dahil alam kong hindi ka uuwi ng hindi kasama ang engineer mo," natatawang sabi ko pa. Alam kong naiinis na siya sa akin. Kung nasa iisang waiting ched lang kami ay baka kanina pa niya ako nabatukan. Na madalas niyang gawin sa akin. "Tigilan mo ako, Drim," frustrated na saad pa niya. Tawa lang ako nang tawa. "Stop it, Drim," sabi pa niya saka niya ako binabaan ng tawag. Hindi ko na hinintay pa na tumila ang ulan. Kailangan ko ng umuwi dahil susunduin ko pa si Carlin, ang girlfriend ko. Si kuya Crim at ang boyfriend niya ang naiwan sa site. At dahil may kalakasan ang ulan at unti-unting dumilim ang paligid ay dahan-dahan lang ang pagmamaneho ko. Nag-iingat ako lalo pa na madulas ang kalsada at baka maaksidente pa ako. I can't afford that. Mag-aalala lang ang parents ko lalo na ang mommy ko. Tumunog ang cellphone ko kaya yumuko ako upang dukutin ang phone ko sa pocket ng pants ko but that's a wrong move. Dahil nang mapatingin ako sa unahan ko ay nakita ko na lang ang isang pigura ng tao. At nang nailawan siya ng light ng sasakyan ko ay roon ko lang nakita ng malinaw na babae. Kahit nakailang ulit ako sa pagbusina ay para siyang napako roon. Bago ko pa maiwasan ang babae ay hindi ko na nagawa. Because it's too late. Nagmamadali akong bumaba mula sa kotse ko. Takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon. "Miss!" tawag ko sa babae na nakabulagta na sa sahig. Alam ko na hindi naman malakas ang impact no'n pero natakot ako nang makitang nawalan siya ng malay. Tumambad sa akin ang maamo niyang mukha at sa gilid ng ulo niya ay may umagos na dugo roon. Basang-basa siya ng ulan. Nang mahawakan ko ang magkabilang pisngi niya nakaramdam ako ng kuryente roon. I don't know why, sumabay pa ang pagbilis ng t***k ng puso ko. I don't want to touch her, dahil baka mapaano siya. Pero kung hindi ko siya hahawakan at buhatin dito ay baka... Mabilis na pinangko ko siya at isinakay sa kotse ko saka ko siya sinuotan ng seatbelt. Hinawi ko palikod ang mahaba niyang buhok at kaagad na akong sumakay. Panay ang mura ko habang nagmamaneho ako. Pasulyap-sulyap din ako sa babae. Wala talaga siyang malay. "s**t!"
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม