CHAPTER 14

1809 คำ
AF Chapter 14: About her father NAPAIGTAD ako sa gulat nang makarinig ako ng malakas na pagbusina ng sasakyan. Tumabi pa ako sa gilid ng kalsada upang hindi ako mabangga ng kotse. Masyado yata akong nakaharang sa dinaraanan ko. Kumunot ang aking noo nang hindi na umusad pa papalayo ang halatang mamahalin na kulay bughang sasakyan. Sa halip ay bumukas ang pintuan no'n sa driver's seat at una kong nakita ang dalawang pares ng blue rubber shoes at unti-unti akong nag-angat nang tingin. Kumislot ang puso ko nang makilala ko ang lalaking bumaba mula sa kanyang kotse at umawang ang labi ko sa nakita. Ang makisig na lalaking naghahanap sa aking ina, na matalik na kaibigan din ni Dri ang kaharap ko ngayon at walang emosyon na tiningnan ako. Bagamat hindi naman mabigat ang kanyang presensiya. Casual lamang ang kanyang kasuotan ngayon pero ang guwapo pa rin niyang tingnan. Nasaan na po ang hustisya para sa lalaking ito? Pero mas guwapo naman sa paningin ko si Dri kaysa sa kanya. "Come on. Get in," sabi niya, may kalamigan ang kanyang boses pero hindi naman nakakatakot. Iyong may authority siya, ganern. Umiling ako, senyales na ayokong sumakay sa kotse niya. Dahil para saan naman? Tsk. Bakit niya ako inaayang sumakay sa kanyang expensive na kotse? Tumaas lang ang kanyang kilay saka siya naglakad palapit sa akin. Marahan na hinawakan lang ng magaspang niyang kamay ang siko ko at wala akong nagawa nang igiya niya ako upang makapasok sa kotse niya. Hindi naman masamang tao si Cyan dahil best friend niya si Dri at hindi ko naman nararamdaman na may binabalak siyang masama sa akin pero magtatanong pa rin naman ako sa kanya. "Bakit ba? Bakit mo ba ako pinapasakay? May binabalak ka ba sa akin?" sunud-sunod na tanong ko sa kanya nang tuluyan akong nakaupo sa passenger's seat. "Assuming," maikling sabi niya lang at nagawa pa niyang pitikin ang tungki ng ilong ko. Kung kaya't mabilis na hinaplos ko iyon. Hindi naman masakit, masyado lang akong maarte. Mabilis na nakaikot siya sa sasakyan niya at ako naman ay hinagod ko nang tingin ang kabuuan ng kotse niyang ito. Ang lamig dahil sa aircon at naaamoy ko rin ang pabango niya ngunit mas mabango ang perfume na gamit ni Dri at sabon. Iyon kaya ang ginagamit ko, iyon din naman kasi ang binili niya para sa akin. Mukha raw kasing nagustuhan ko iyon. Eh, that's true naman. Naging favorite ko na rin sa huli. "Saan tayo pupunta?" tanong ko at napatingin ako sa labas ng bintana. "Sa mundo na dapat nasa sa `yo sa mga oras na ito," makahulugang sabi niya bagamat ang creepy ng dating no'n sa akin. Paano naman kasi. Kung makapagsalita siya tungkol sa mundo na dapat sa mga oras daw ito ay nasa akin? Huh? Na-gets niyo ba ang sinasabi niya? Bukod ba sa Earth na ito na ating tinitirhan ngayon ay may iba pa bang mundo na maliban din sa ibang planeta? "Nasaktan ka ba?" tanong niya sa akin sa gitna ng aming biyahe. "Nasaktan saan?" tanong ko, kunwaring inosente pa. Kahit na alam ko naman ang kanyang itinatanong. Hindi naman ako mangmang upang hindi rin ma-gets ang kanyang tinutukoy. "I saw them a while ago. So, sinugod ka nga ng girlfriend at ex-girlfriend ng aking matalik na kaibigan. Bakit hindi ka lumaban, Ms. Lorenzo?" tanong niya sa akin pero hindi ko pinagtuunan iyon ng pansin. Sa halip ay iyong surname ko na kanyang binanggit ang mas napansin ko. Kilala niya nga talaga ako. Hindi ko alam kung paano. Pero inaamin ko na kinabahan ako. Bumilis ang pintig ng puso ko at nanlamig ang magkabilang palad ko. Halos manginig ako sa nerbyos. "Don't worry, hindi naman kita isusumbong kay Drimson kung ano man ang nalalaman ko tungkol sa `yo or where do you really come from. But because of what Ark and I did, we both know that was a betrayal of our best friend. But Drimson will understand us anyway. Because I can't force you into something you're not ready for and I know you don't even plan on finding your father." Napamaang ako sa mahabang salaysay niya. Kilala niya ako at kilala niya rin ang tatay ko. Si Tatay ba ang nag-utos sa kanya para hanapin sa Pangasinan si Nanay? Para saan at bakit pa niya hinahanap ang ina ko? Ang daming tanong agad ang gumugulo sa utak ko. Hindi ako nakakibo dahil ang hirap mag-sink in, ang lahat ng sinabi niya sa akin. Pumasok sa isang village ang kanyang sasakyan. Bahagya niya lamang ibinaba ang salamin ng bintana niya at nag-wave lang siya sa mga guards pero may hawak siyang isang kapirasong papel at tumango lang din ang marahil ay security ng village na ito. Masyadong secure ang lugar na ito at may entry pass pa-- tama ba ang aking sinabi? Ah, basta iyon na iyon. "Ano'ng gagawin natin dito?" naguguluhang tanong ko at ilang segundo lang ang nakalipas ay huminto na naman kami sa malaking bahay o tamang sabihin na isang mansyon. Maganda siya, hindi lang ako sure kung ilang floor ba ang mayroon itong mansion nila, napakalaki niya. Purple and white ang kulay nito na maganda sa mata. "May ideya ka ba kung bakit dinala kita rito?" tanong niya sa akin, imbis na sagutin niya rin ako. "Kaya nga ako nagtatanong kanina, hindi ba?" nagsusungit na sabi ko. "Bahay ito ng tatay mo," sagot naman niya at mataman akong tinitigan sa aking mata na tila hinihintay niya ang magiging reaksyon ko. Kahit sa loob-loob ko ay matinding nerbyos na ang nararamdaman ko at halos mabingi ako sa lakas ng kabog sa dibdib ko. Pero hindi ko iyon ipinahalata sa kanya. Sino naman ang hindi kakabahan kung dadalhin ka ng lalaking ito sa mansion ng sarili mong ama na iniwan ka lang at hindi pinagutan ang nanay mo na nabuntis? Tapos sa buong buhay ko ay hindi ko inakala na makakarating ako rito ng walang kahirap-hirap? Aaminin ko na hindi lang paghahanap ng sariling trabaho ang ipinunta ko sa Manila. Sino ba naman ang lolokohin ko, eh hindi nga ako nakapagtapos sa pag-aaral at may mahahanap ba akong trabaho kung hindi ka papasok bilang janitress o kahit saleslady ay baka hindi ka tatanggapin man lang. Oo, inaamin ko na ito ang isa sa dahilan ko. Kung bakit gusto kong pumunta rito para hanapin ang tatay ko. Hindi dahil manggugulo ako, hihingi ng pera? Hindi ko alam. "Nathaniel Achelois Lorenzo, `yan ang buong pangalan ng tatay mo," sabi niya sa akin. Niel, Tatay Niel lang ang alam kong pangalan niya ayon din sa mga sulat na nakikita ko kay Nanay. Oo, masyadong minahal ni Nanay ang ama ko na iresponsible naman. Na madalas siyang nagsusulat para kay Tatay kahit hindi naman niya kayang iabot ito para mabasa nito ang laman ng sulat niya. "May kapatid ka sa ama at tatlo silang lalaki pero walang babae," usal niya. May k-kapatid akong lalaki? Mas matanda siguro ako o ano? Ah, hindi ko alam. "Dalawa ang kuya mo at isang nakababatang kapatid na nasa college pa," sabi pa niya. Kahit hindi naman ako nagtatanong sa kanya ay sinasabi niya sa akin ang lahat ng iyon. "Ano'ng pakialam ko sa kanila? Hindi ko naman sila hinahanap, ah?" malamig na saad ko. Halos irapan ko pa siya. "Saka bakit pa niya ako ipapahanap? Masaya na ang buhay ko kahit wala siya," naiinis na sabi ko. Hindi ako bitter, hindi ko lang maiwasan ang magtampo at masaktan dahil sa kanya. Kaya pala hindi niya kayang panagutan ng nanay ko noon dahil parang ginawa pa niyang kabit si Nanay at may ibang pamilya na siya. "Hindi lang naman ang tatay mo ang gusto kang mahanap. Pati ang dalawang kuya mo," sabi niya sa akin pero inilingan ko siya. "Wala na akong pakialam doon. Nabuhay naman ako na wala sila, ah. Nakontento na ako sa buhay na kinakasadlakan ko ngayon. Bakit pa nila ako hahanapin pa?" sabi ko at napaklang tumawa. "Buhay na kinakasadlakan mo ngayon, ang niloloko lang ang kaibigan ko sa amnesia thingy mo? Ms. Lorenzo, sa panahon ngayon na halatang nahihirapan ka ng mabuhay ay ang tanging pamilya mo ang makakatulong sa `yo. Kahit kapatid mo lang sa ama ang tatlong iyon ay alam kong mahalaga ka para sa kanila." "Hindi ko naman intensyon ang magsinungaling, ah! Si Arkhanghel at ikaw! Kayong dalawa naman ang may ideya no'n at hindi ako!" sigaw ko at nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. Sila naman talaga ang may pakana no'n, ah! Inosente lang ako! "Nasa sa `yo naman ang magiging desisyon kung gusto mong sabihin ang katotohanan pero pinili mo rin naman ang magpanggap," malamig na utas niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagawa ko siyang hampasin sa braso niya na hindi naman niya ininda. Pambihira ang tigas, ako pa yata ang nasaktan. Kumunot lang ang noo niya at naguguluhan na tiningnan ako. "What was that? Parang kagat lang ng lamok," nang-iinsultong sabi niya. "At saka paano mo `yan nasasabi sa akin na mahalaga ako sa kanila. Eh, hindi nga nila ako kilala, ah," sabi ko. "Miss, kilala ko ang mag-amang Lorenzo. Mababait iyon at mabuting tao--" "Na naging iresponsableng ama pagkatapos niyang mabuntis ang aking ina? Pinapabango mo ba ang pangalan ng tatay ko? Dahil kahit ano pang sabihin mo ay hindi--" "May sakit ang tatay mo," putol niya rin sa sasabihin ko sana. "A-Ano?" nauutal kong tanong sa kanya. May hinanakit ba ako sa ama ko? Parang wala naman pero bakit nahabag ako sa kalagayan niya ngayon? May sakit siya at mamamatay na ba? "Ano naman ngayon? Mayaman naman siya, kaya niyang magpagamot at bakit mo sinasabi ito sa akin?" matapang na tanong ko sa kanya. "May mga bagay na hindi mo pa alam, Samantha Joyce Lorenzo. Ang tanging nalalaman mo lang ay ang side ng nanay mo. Paano naman ang side ng tatay mo? Hindi ka ba interesado na malaman at marinig ang dahilan kung bakit nandiyan ka ngayon na hindi mo kasama ang tatay mo?" Tumindig ang balahibo ko sa katawan dahil sa aking narinig. Tama nga naman siya. Ang side lang ni Nanay ang alam ko at hindi...ang alam ko rin naman kasi ay iresponsable siyang ama. Iyon lang. "Naaksidente ang tatay mo 24 years ago at limang taon din siyang na comatose." Ang alam ko lang ay matapobre ang parents niya at hindi niya kayang ipaglaban ang nanay ko. Kaya tinawag ko siyang iresponsableng ama at paanong naaksidente siya na in coma sa loob ng limang taon? "Your father, ipinagkasundo lang siya sa anak ng business partner ng parents niya, and who knows na walang pagmamahal na involve doon. Kaya nagawang magtaksil ng tatay mo sa ibang babae at ang nanay mo iyon. Totoong mahal niya ang nanay mo at naging biktima lang siya ng tadhana niya." Wala na akong ma-say pa...
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม