AF
Chapter 15: Her brother
HINDI ko alam kung umabot ba kami ng ilang oras doon at lahat ng nalalaman ng lalaking ito tungkol sa buhay ng ama ko ay hindi niya ipinagkait sa akin at lahat ng iyon, sinabi niya sa akin at wala na akong nasabi pa na ano.
Pero isa lang ang masasabi ko, "Hindi pa ako handa para harapin silang lahat. Hindi madali para sa akin na gawin ito. Dahil hindi lang ako kinakabahan. Natatakot ako."
"Naiintindihan kita. Kaya nga hinayaan ka namin para maghanda na rin. Sa oras na malaman ni Drim ang katotohanan ay alam kong magagalit iyon sa `yo," sabi niya na ikinasikip ng dibdib ko at parang ang bigat huminga.
Guilt lang ang mararamdaman ko kung nagkataon na malalaman niya iyon. Hindi pa man ay ako na nasasaktan.
"Pero makakaya pa rin niyang magpatawad. Kaya kung dumating ang oras na iyon ay bukas ang pintuan ng mansion ng tatay mo at masaya ka pang sasalubungin ng mga kapatid mo," sabi niya at may kung ano'ng malambot na bagay ang humaplos sa dibdib ko. Hindi ko lang kayang ipaliwanag kung ano ba iyon.
"Oh, he caught us," nakangising sabi niya at sinundan ko nang tingin ang ngayon ay binibigyan niya rin ng pansin.
May lalaking nakasuot ng formal attire ang lumapit sa kotse niya at kinatok pa niya ang salamin ng bintana nito.
Sa hitsura pa lamang nito ay bumilis na agad ang t***k ng puso ko at may ano na naman sa dugo ko na...hindi ko maintindihan.
Bahagyang ibinaba niya lang ulit ang salamin ng binta nito at pilit na itinatago niya ako o huwag lang makita ng lalaking nasa labas.
Matangkad ito at oo, may histura.
"Charles," simpleng sambit ni Cyan, marahil ay kanyang pangalan?
"I've been waiting for you to get down from your car and go to the mansion but it seems like parang wala kang balak na lumabas diyan," ang sabi nito sa kasama kong lalaki.
"Wala. I really don't have any plans. I was just thinking of something."
"May kasama ka?" ang tanong niya kay Cyan at pilit na sinisilip ako mula sa labas pero hindi niya magawa dahil patuloy na humaharang sa kanya si Cyan.
Ako na masyado ng kabado. 160 degrees. Hindi pa man sinasabi sa akin kung ang lalaking ito ay parang alam ko na kung sino nga ba talaga ito.
"Bakit ka ba humaharang diyan? Gusto kong makita ang kasama mo at saka buksan mo nga ito," sabi pa nito na mukhang nairita na. Kinalampag pa niya ang pintuan.
"Hindi mo na kailangan pang makita ang kasama ko dahil wala akong balak na ipakilala sa `yo."
"Alam ba ito ng asawa mo, Cyan Lay?"
"Wala ka na roon. Masyado kasing private ang kasama ko. Alam mo na, artista," pagdadahilan ni Cyan. Ang daming puwedeng gawin na alibi ay artista pa? Talaga lang, ha?
"May ibang babae ka ba, Cyan Lay? Sino ba `yang kasama mo at dito pa kayo tumigil sa-- nahanap mo na ba ang kapatid ko, Cyan Lay? Siya na ba `yan? Bakit ayaw mong ipakilala sa akin?" sunod-sunod na tanong niya rito.
Kinabahan na talaga ako. Sana hindi na kami pumunta pa rito dahil hindi pa naman ako handa para harapin sila! Kasalanan ito ng lalaking kasama ko!
Pero sa sinabi niyang nahanap na nga ba ni Cyan ang kapatid niya. So, totoo pala iyon? Totoong hinahanap nila ako?
"Cyan..." nagsusumamong sambit niya sa pangalan nito. Parang nahabag na naman ako pero hindi naman ako makasagot pa.
"Buksan mo ang pintuan kung siya na ba ang kapatid ko, Cyan." Nasa boses nito ang pakikiusap at parang nahihirapan na siya na ano.
"Hindi ko pa nahanap ang kapatid mo, Charleston," seryosong sagot sa kanya ni Cyan.
Nakita ko ang pagbagsak ng balikat niya kahit may harang pa iyon ng salamin ng bintana ng kotse.
"Ang tagal na, Cyan. Hindi mo pa rin nahahanap ang kapatid ko?" tanong pa nito na may lungkot talaga sa boses.
"Sapagkat umalis na siya sa Pangasinan, bago pa man ako tumungo roon." Ang galing din umakto ng isang ito.
"Cyan, habang tumatagal ang panahon na hindi mo nakikita ang kapatid ko ay siyang unti-unti rin na humihina si Dad. Before he leaves, he wants to see our youngest and only sister first. We've been looking for her for years but we still don't have any updates or info about her whereabouts?" mahabang sabi niya, dahilan na naman ng pagkapos ko nang hininga.
Parang gusto ko na ring magpakita pa sa kanya. Naiiyak na nga ako, eh. Pero wala... Wala silang magagawa para pilitin ako sa bagay hindi pa ako handa. Tama si Cyan.
"Bigyan mo pa ako ng kaunting panahon, Charleston. Mahahanap ko rin ang kapatid mo. Nakuha at nalaman ko na ang pangalan niya," saad ni Cyan at ilang segundo natigilan ang lalaki sa labas.
"Her name? Can u tell me her name? Maybe... it will be enough for Daddy to know the name of her youngest child. While we haven't seen er yet."
Oh, goodness!
"Samantha Joyce. Samantha Joyce Lorenzo, that's her full name and yes she has your surname."
"S-Samantha Joyce Lorenzo... Magandang pangalan..." sambit niya sa pangalan ko at nakita ko pa ang pagtakas ng luha sa kaliwang mata niya.
Pangalan ko pa lang iyon ay naiyak na siya? Duda rin ako paano kung sa personal ay makikita na niya ako?
Ano'ng gagawin niya? Tuluyan na ba siyang iiyak at yayakapin ako nang mahigpit?
"Paano kung nahanap ko na pala siya at kasama ko na ngayon pero hindi pa siya handa para magpakita sa inyo?" tanong ni Cyan, bagamat may ngisi na sa kanyang labi.
Nakakainis ang isang ito! Binibigyan niya lang ng clue ang lalaking nasa labas!
"Hindi pa handa? Para saan ang paghahanda, Cyan Lay?" naguguluhan na tanong niya.
"Ang makita kayo. Alam mo naman na hindi kayo kayang harapin ng kapatid niyo kung sakaling nahanap na natin siya. May mga doubt pa siya tungkol sa pamilya niyo, Charles. Alalahanin mo."
"Kung ganoon... Handa kaming maghintay para sa kanya, hihintayin din namin kung handa na siyang makita at makilala namin. Mis..." Napatakip ako sa bibig ko nang tila ako naman ang kinakausap niya.
"If you were ever my sister. Our home is open for you. If you're ready to deal with us don't hesitate to come back here. We'll wait but I hope you don't take too long," sincere na sabi niya at tuluyan na akong napipi.
"Sinabi ko lang ang what if, Charles. Hindi ko sinabi na what if iyong kasama kong babae ngayon ay ang kapatid mo na?" nang-iinis na sabi pa niya. Ang Cyan na ito.
"Tumigil ka, Cyan Lay. Hanapin mo na lamang ang aking kapatid," sabi nito at ilang saglit lang ay nagpaalam na si Cyan sa lalaki.
Doon lang ako nakahinga nang maluwag nang nakalayo na kami, "Abogado ang kuya mo, Sam-sam, at matalino ang lalaking iyon. Baka sa mga oras na ito ay alam na niya kung sino ang kasama ko. Pero dahil sa sinabi ko kanina ay tatanggapin at irerespeto niya ang naging desisyon mo sa paghahanda mo na makaharap sila. Kaya sana, huwag kang mag-isip ng matagal bago sila kitain. Dahil baka magiging huli ang lahat at alam mo na ang mangyayari," mahabang sabi niya.
Napatingin ako sa lalaking naiwan sa tapat ng malaking mansion nila at sa amin nakatutok ang kanyang atensyon. Habang nakasuksok ang magkabilang kamay niya sa bulsa ng pants niya.
"Drim. Kasama ko nga siya. Chill, bud. Hindi ko ipapahamak ang kapatid mo." Napalingon ako sa gawi ni Cyan nang bigla ay may kausap na siya sa cellphone niya. Tapos nasa boses niya ang tila nang-iinis na naman.
"Oh, hindi mo kapatid? Ka-live in mo, kung ganoon?" sabi pa niya at sumulyap sa akin na may malalim na gatla sa noo ko.
Sino ang kausap niya? Na sinabi niyang kapatid nino at ka-live in?
"Hintayin mo na lang kami. Oh, maghintay ka, Del Labiba," natatawang sabi niya at saka itinapon sa dashboard ng kotse niya ang mamahalin niyang phone tapos lumakas ang halakhak niya.
Naguguluhan man pero tanging pag-iling lang ang nagawa ko sa kanya.
"Hulog na hulog na ang aking kaibigan kahit kakikilala pa lamang niya," sabi niya.
"Ano iyon?" curious na tanong ko sa kanya.
"Wala," sagot niya at nagkibit-balikat pa. Walang balak na sabihin sa akin kung ano nga ba iyon pero hindi na lamang din ako na nagtanong pa.
Bumalik kami sa condominium at hayon na naman ang kaba sa dibdib ko.
"Bakit..."
Pagkahinto pa lamang ng kotse niya ay bumukas na agad ang pintuan sa side ko kaya hindi ko napigilan ang magulat.
Hindi ako agad naka-react ng hawakan ako nito sa braso ko at inilabas ako mula sa kotse, na halos buhatin na niya ako.
Saka niya ako niyakap nang mahigpit na kay hirap huminga.
"Thanks God. Nag-alala ako sa `yo, Sam-sam..." mahinang saad niya sa akin, at hayon na naman ang pamilyar na pagkislot sa puso ko.
"D-Dri," nauutal kong sambit sa pangalan niya at sapagkat nahihirapan nga akong huminga dahil sa higpit nang yakap niya sa akin. Sino ba ang hindi.
"Drim, she can't breath," narinig kong komento ni Cyan.