CHAPTER 16

1560 คำ
AF Chapter 16: Stay with her DAHIL sa sinabi ni Cyan ay mabilis na kumalas sa akin si Dri at ikinulong ng mainit at malaking niyang kamay ang mukha ko. Doon ko lang natitigan nang maigi ang emosyon na naglalaro sa kanyang mga mata. Pag-aalala at may iba pang emosyon na hindi ko kayang ipaliwanag dahil hindi ko rin alam kung ano ba iyon. "Did they hurt you, Sam-sam?" seryosong tanong niya. "I... I'm so sorry, Drim..." Napatingin ako sa nagsalita at napaatras ako nang makita ko ang girlfriend niyang si Carlin. Hindi na niya kasama pa ang babae na nagsumbong sa amin ni Dri. Na nanood lang sa buong pangyayari. "Nagulat lang talaga ako kasi unang sumugod sa kanya si Fauzia. I'm so sorry, Miss. Kung sana ay natulungan kita kanina. Oh, ang dami mo ng sugat at pasa!" umiiyak na sabi niya at tiningnan ang mga sugat at pasa ko na natamo ko lang naman mula sa kanya. Pero bakit? Bakit mukhang inosente siya ngayon? At bakit...iyong Fauzia ang sinasabi niyang... Hindi kaya. Hinarap ulit ako ni Dri kaya napatingin ako sa kanya, "Damn you, Cyan. Bago mo sana dinala sa kung saan-saan si Sam-sam ay ginamot mo na muna ang mga sugat niya!" naiinis na sigaw niya kay Cyan, na hindi na lang kumibo ang huli. "I have to go," pagpapaalam niya. "See you when I see you, Sam-sam," dugtong niya at nang lilingunin ko na siya nang maagap na hinawakan ulit ni Dri ang mukha ko. "Ha?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Gamutin na muna natin `yan, Sam-sam," saad niya at bumaba ang tingin ko sa braso ko. Wala sa sariling napatingin ako sa girlfriend niya na ngayon kahit may luha sa kanyang mga mata ay matalim ang mga matang tiningnan niya ako. Tila may pagbabanta pa iyon. PANAY ang paghinging paumanhin ni Carlin sa akin at um-acting pa siya na umiiyak. Parang sinasabi niya na ang babaeng kasama niya kanina na si Fauzia ang nang-api sa akin at nagpalayas sa condo ni Dri. Gayong siya itong... Kumaladkad sa akin. "Aw!" mahinang daing ko nang humapdi ang sugat ko dahil sa bulak na inilagay ni Dri. "Sorry. I'm so sorry, Sam-sam. I failed to save you gayong iyon ang ipinangako ko sa `yo na poprotektahan kita," sabi niya at kinakabahan na tiningnan ko si Carlin. Masyado ng masama ang tingin niya sa akin dahil sa sinabi ni Dri. Hindi ba aware ang isang ito na kasama namin ang girlfriend niya? At parang hindi na talaga niya iyon naisip pa! Baka kung ano ang sabihin nito sa amin at pag-aawayan pa nila. "Kasalanan ko ang lahat, Drim. N-Nagkataon lang na nakasalubong ko si Fauzia at halatang pupunta sa condo mo. `Sakto na bumukas ang pintuan at hindi ko na namalayan pa ang lahat dahil sa bilis nang naging kilos ng babaeng iyon. Hindi ko rin siya kayang awatin pa dahil tinulak niya ako," umiiyak na sumbong niya at doon lang yata natauhan si Dri, na kasama namin si Carlin. Nilingon siya ni Drimson na pag-aalala sa mga mata nito, "Ang babaeng iyon. Ginawa niya iyon sa `yo?" malamig na tanong niya. Nasa kanya na naman ang spot. Ang galing niya rin na mang-agaw ng atensyon, `no? Sabagay boyfriend niya ang tao at ako ay isang sampig sa buhay nilang dalawa. Ako itong nakikihati sa atensyon ni Drimson. Na walang karapatan. "Oo. May sugat nga ako rito," sagot niya na halatang nag-iinarte lang. Nasundan ng mga mata ko, may pag-iingat na paghawak sa kanya ni Drimson sa siko niya. Masuyong hinaplos pa nito ang balat niya. May sugat at gasgas iyon, hindi ko alam kung saan niya nakuha gayong hindi naman sila nagpisikalan ng babaeng kasama niya at bakit ba binabaliktad lamang niya ang nangyari kanina? At bakit hindi ko kayang magsalita o sabihin ang katotohanan? Dahil ba ay wala ako sa lugar? Wala akong karapatan na sabihin iyon sa kanya? Tutal tapos naman na yata ako ginamot ni Dri dahil ang girlfriend naman niya ngayon ang pinagtuunan niya ng atensyon ay tumayo na ako. Magpapaalam na rin sana ako na umakyat sa kuwarto ko at magpapahinga nang magsalita si Carlin. Ang bruhang sinungaling na kay sarap lagyan ng busal sa kanyang bibig. Puwede ba? Allergic ako sa mga babaeng katulad niya na hampas lupa. "Babe, alam kong babalik si Fauzia sa condo mo." "Ipapasulat ko ang pangalan niya sa blacklist ng condominium para hindi na siya makapunta pa rito," agad na sabi ni Dri. "Drim, sa kuya niya itong condominium, you can't do that. At saka baka ipakalat niya sa mundo ang tungkol sa `yo. Kilala ka nila na may girlfriend na at ikakasal din soon pero heto sasabihin at iisipin ng mga tao na may babae kang binabahay. Sa babaeng hindi mo pa kilala. Masisira ang reputasyon mo kapag nalaman nila ang tungkol dito. Hahayaan mo ba'ng mangyari iyon sa `yo?" mahabang sabi niya. Gusto niya bang ipahiwatig sa akin na lumayas na ako sa poder ng boyfriend niya? Bakit hindi niya sabihin mismo sa pagmumukha ko para magkaalaman na kami ngayon? Bakit makikiusap pa siya? Madali naman akong kausap, ah? "A-Ano'ng masama kung mananatili rito si Sam-sam?" tila kinakabahan na tanong ni Drimson at tinitigan ako. "Alam mo naman na iba ng mag-isip ngayon ang mga tao. Parang ang bata pa niya para bigyan siya ng titulong isang kabit," walang babalang sabi niya. Isang kabit? Lumalabas na mismo mula sa bibig niya ang tunay na siya. Siya lang naman ito ang nag-iisip tungkol sa bagay na iyon. Idadamay pa niya ang mga inosenteng tao dahil sa kagagahan niya. "She's not a mistress, Carlin. She never be," mariin na utas ni Drimson na sinabayan pa niya nang pag-iling. "Nasaan ba ang pamilya niya? Bakit siya nakikitira rito sa condo mo? O isang katulong mo lang siya?" tanong niya. Ang kapal ng mukha niya na masarap hampasin ng librong kasing kapal niya. "I already told you about her at naiintindihan mo naman ang sitwasyon niya. Responsibilidad ko si Sam-sam, Carlin." "N-Nakuha ko. May suggestion ako, babe. Para maiwasan niyo ang mga issue na naisip ko. Sana ay pumayag ka, alang-alang sa reputasyon mo at maging siya rin." Sa suggestion niya ay hindi ko alam kung iyon ba ay tama o ano. Pero mukhang mas mahalaga nga ang reputation ni Drimson kaysa sa akin? Dahil nagawa niya ring sumang-ayon sa gusto ng girlfriend niya. Na dahilan ng pagsakit sa puso ko sa hindi ko malaman na kadahilanan kung bakit ko iyon nararamdaman. Dahil lang sa sagot ng boyfriend ng babaeng ito. "Sa akin na muna titira si Sam-sam habang hindi pa siya nakakaalala. Mas mabuting sa condo ko na muna siya pansamantala, Drim. Hindi ko siya pababayaan doon. Mas mainam nga iyon kaysa ang manatili siya sa `yo. Hindi rin ito magugustuhan ng parents mo at tutulungan ko siyang makaalala. Remember mo naman kung ano ang family namin, `no? Matutulungan namin si Sam-sam. Makakaasa ka na gagaling din siya." PAGKATAPOS nang pag-uusap namin ay saka ako nag-impake ng mga gamit ko. Labag sa loob ko ang umalis dito. Dahil hindi ako kampante na si Carlin ang kasama ko gayong ang sama ng pag-uugali niya. Ayoko sa kanya. Masyado siyang maarte. Ayoko rin na lumayo kay Drimson. Hindi ko rin alam, eh. Dumating na rin ang bagay na kinakatakutan ko. Ang masasanay ako sa presensiya niya at parang maiiyak pa ako. Hindi pa naman malalim ang nararamdaman ko sa kanya. Pero mas mabuti na rin siguro ang malayo sa kanya? Para kaya ko pang isalba ang sarili ko mula sa pagkakahulog sa kanya na alam kong hindi niya ako kayang saluhin. Dahil may ibang babae siyang minamahal at may girlfriend na rin. Nasabi na rin ni Carlin na soon ay ikakasal na raw sila. Parang ang sakit no'n para sa akin pero baka ito na ang hudyat na kalimutan ko na lamang ang nararamdaman ko sa kanya. "Mabait si Carlin, Sam-sam. You'll be good there, okay?" sabi niya sa akin noong palabas na ako sa kuwarto ko. Bitbit ko ang malaking bag niya na naglalaman ng mga gamit ko na siya rin ang bumili nito. Nakaramdam ako ng lungkot pero wala akong magagawa na isa pa kailangan ko rin naman na sumunod sa gusto ni Carlin. Ayoko rin naman na masira pa ang reputasyon ni Drimson ng dahil lang sa akin. Mas mahalaga pa rin siya sa akin. "Dadalaw naman ako sa `yo, Sam-sam," sabi niya at tumango lang ako. Siya na ang nagdala ng bag ko at naunang bumaba. Siya na rin ang maghahatid sa amin sa condo ng girlfriend niya at katulad ng mga nababasa ko sa nobela na extra character lang ako ay naupo ako sa back seat. Sila ay nasa tapat ko lang at sila lang din ang nag-uusap. Nakikita ko pa ang pagyakap ni Carlin sa braso ni Drimson na hindi naman siya sinuway nito. Nakaramdam ako ng selos at mas nararamdaman ko rin ang matinding pagkirot sa puso ko. Hindi pa ba malalim ang aking nararamdaman para sa kanya? Eh, ano itong pakirot-kirot sa puso ko? Isa lang din ang masasabi ko bago nagpaalam na umalis na si Drimson ay nagsimula na rin ang miserable kong buhay kasama ang kanyang girlfriend. Wala rin naman akong choice, hindi ko kayang lumaban dahil kung hindi ko pagtitiisan si Carlin. Saan na ulit ako pupulutin nito?
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม