CHAPTER 17

1760 คำ
AF Chapter 17: Unexpectedly meeting his Kuya Charleston "ILANG araw ka pa lamang nakilala ng boyfriend ko tapos nakuha mo na agad ang loob niya? Kung hindi pala ako naniwala kay Fauzia ay hindi ko malalaman ang tungkol sa `yo," nanlilisik ang mga matang sabi niya sa akin at dinuro pa niya ang noo ko. Napaatras ako. Katulad nga nang sinabi ko ay hindi ako takot sa kanya. Hinahayaan ko na rin siya ang magsalita pa ng kung anu-ano dahil alam ko balang araw ay ako na naman ang mananakot at mambabanta sa kanya. Wala pa akong ginagawa ngayon dahil inaalala ko si Dri. Siguro depende sa gagawin niya sa akin. "Hindi magiging maganda ang buhay mo rito, dahil siguraduhin ko na iiyak ka ng dugo sa poder ko. Huwag mo lang sabihin sa boyfriend ko ang mga ginagawa ko sa `yo dahil malilintikan ka talaga sa akin. Naiintindihan mo?!" sigaw niya sa mukha ko at napapikit pa ako dahil natalsikan ako ng laway niya. Kaderder naman. May kalalagyan ka rin naman sa akin, eh. Hintayin mo lang. "Hindi mo naman po kailangang sumigaw. Ang memorya ko lang ang nawala kaya hindi ako bingi," sabi ko at napasinghap siya sa gulat. Hindi inaasahan na sasabihin ko iyon o sasagot ako sa kanya. Just like I said ay hindi ako takot sa kanya. Ayos lang sa akin ang api-apihin niya ako dahil makakaganti rin naman ako sa kanya, soon. Ang reputation lang ng boyfriend niya na si Dri ang inaalala ko. No one else. "Ano'ng sabi mo?!" pagalit na tanong niya sa akin. Hindi ako nagpakita sa kanya ng takot o pangamba na saktan niya ako. Sa halip ay ngumisi ako at itinuro ko ang noo ko na may maliit pang band-aid. "Alam kong girlfriend ka ni Dri," sabi ko. "Ano'ng Dri?!" nanggagalaiting tanong niya at parang umuusok na rin ang butas ng ilong niya. Lumapad ang ngisi ko sa labi, "Ma'am Carlin, ayos lang po sa akin ang api-apihin mo at pagsasalitaan ng masasama. Pero tandaan mo na hindi mo ako kayang saktan dahil may kalalagyan ka rin," nakangising sabi ko. "Umaakto ka lang na maamong tupa! Ikaw--" "Ikaw po ang mas nag-iinarte na inosente, Ma'am. Kung tutuusin po ay kaya ko namang umalis sa condo mo pero hindi mo pala iyon puwedeng gawin na palayasin ako. Dahil hahanapin ako ni Drimson sa `yo. Sabi mo nga na sa maikling panahon lang ay nakuha ko na ang loob niya kaya huwag mong subukan ang gusto mong mangyari. To be honest din po, nalungkot po ako dahil hindi ko na makikita pa si Dri pero ayos lang. Favor ito sa akin," sabi ko at nanlaki ang mga mata niya. "Ginagamit mo lang ba ang boyfriend ko?!" "Miss, ikaw po ang nanggagamit sa sarili mong boyfriend. Ikaw na bruhang sinungaling na at hampas lupa pa." Tumaas ang isang kamay niya at alam kong sasampalin niya ako kaya hindi ko siya pinigilan. Hinayaan kong dumapo ang marumi niyang palad sa kanang pisngi ko. "Para mabawasan naman po ang paninibugho mo sa akin kahit wala naman po akong ginagawa. Dadalaw po bukas si Dri. Ano po ba ang idadahilan ko sa namamaga kong pisngi, Ma'am?" nang-aasar na tanong ko sa kanya at sa labis na galit niya ay nagsusumigaw na siya. Para siyang baliw kaya pigil na pigil ko ang malakas na tawa na kumawala mula sa bibig ko. "Shet ka!" sigaw niya sa akin. "Sa maid's quarter ka matutulog!" Nagkibit-balikat lang ako at hinanap ang kuwartong tutuluyan ko. Wala akong pakialam kung maid's quarter lang ang kuwarto ko. Kinuha ko ang bagahe ko at inosenteng tumingin kay Carlin na mukhang stress na ang lola niyo sa akin. Nakaupo na siya sa sofa at hilot-hilot pa niya ang nananakit niyang sentido, marahil. "Nasaan po ulit ang room ko, Ma'am?" pekeng paggalang ko sa kanya. Dahil sa inis sa akin at mukhang gusto na akong paalisin ay itinuro naman niya sa akin ang kuwarto. Nagpasalamat pa ako sa kanya at matamis na ngumiti kaya mas lalo siyang nairita. "Buwisit ka! Pakitanggal ang contact lens mo! Hindi ka maganda!" sigaw niya sa akin nang paakyat na ako sa hagdanan niya. "Ang kaso po ayaw matanggal, eh," nanunuyang sabi ko at binilisan ko ang pag-akyat ko dahil tumayo siya. Napangisi na lang din ako sa huli. Nasa kaliwang banda ang maid's quarter at nasa second floor din iyon. Masyado nga siyang maliit at walang bed, banig lang pero keribels ko naman. Sanay naman ako na natutulog sa banig kaya oks lang. Inilapag ko lang sa sahig ang bag ko at tumihaya sa higaan. Walang aircon, malamang kuwarto ito ng mga katulong pero may electric fan naman. O magiging katulong na pala ako ngayon. Oks lang, mang-iinis na lang ako sa kanya at doon ay wala siyang laban sa akin. See? Hindi ko na rin napigilan pang sumagot sa kanya. Dahil medyo lutang ako ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako nang may kumakatok sa pintuan ng silid ko. I rolled my eyes, "Wake up, katulong! Kailangan mong magluto ngayon ng dinner ko! Huwag kang palamunin dito!" sigaw niya mula sa labas at halos masira na niya ang pintuan. Chill ka lang, Ma'am Carlin. Ni hindi mo pa ako nakikita ay stress ka na sa akin. Pigil na pigil ko na naman ang ngiti ko. Hay naku, dear. Maaga kang tatanda, sige ka. "Hoy, babae!" sigaw pa niya. "Lalabas na po ako, Ma'am!" sigaw ko at bahagyang natawa. Umalis naman siya kalaunan pero parang sinipa pa niya ang pinto. Umiiling na nagtungo ako sa banyo. Mabuti at kompleto rin ang mga gamit dito. Dahil hindi ko na nagawa pang dalhin ang mga gamit ko. Ang favorite kong sabon ni Dri. Nanghilamos lang ako at nagpalit ng simpleng pink na shirt. Naka-pajama lang din ako. Saka ako lumabas ng silid. Sa living room ni Carlin ay naririnig ko ang boses niya na tila may kausap siya at nang makalapit ako sa kanya ay napagtanto ko na may kausap nga siya over the phone. Sinulyapan ako ni Carlin. Nanlilisik na naman ang mga mata niya, "Natutulog si Sam-sam--" "Aray!" kunwaring daing ko at napahawak ako sa tuhod ko. Namimilog ang mga mata niya at galit na galit na naman siya sa akin, "S-Sorry po," sabi ko at umakto ako na nasaktan. Lumapit sa akin si Carlin at inabot niya sa akin ang phone niya pero nagawa pa niya akong kurutin. Siyempre nasaktan ako kaya mahinang dumaing ulit ako. Doon ko rin narinig ang boses ni Dri. Ah, namiss ko agad siya. "Sam-sam, are you okay? May masakit ba sa `yo?" nag-aalalang tanong niya mula sa kabilang linya. Sorry, Dri. Alam kong ikaw ang kausap ni Carlin base sa sinambit niyang pangalan ko pero gusto ko lang asarin ang nag-iinarte mong girlfriend. "A-Ayos lang po ako, Dri. Sumakit lang ang binti ko," sagot ko at tinitigan ko si Carlin. Naka-krus ang magkabilang braso niya sa tapat ng kanyang dibdib. "Bakit? Ano'ng nangyari at bakit nananakit `yan, Sam-sam? Hindi ko `yan nagamot kanina," sabi niya at narinig ko ang paggulo sa background niya. "Ayos lang. Kaya ko naman po," sabi ko. Oo, pabebe ako pero wala akong pakialam. Gusto ko lang mang-asar. Hindi ko na narinig ang boses ni Dri nang inagaw na sa akin ni Carlin ang phone niya at siya na ang kumausap. Ilang saglit ko siyang tinitigan at bago niya ibinaba ang tawag. "Magluto ka na roon!" sigaw niya sa akin. Napakamot lang ako sa kilay ko saka ko tinungo ang kitchen niya marahil. At nagsisimula na nga ang miserable kong life dahil pagdating ko sa kusina niya ay wala namang puwedeng lutuin doon. Puro alak lang naman na ikinangiwi ko. "ANO na naman ba?!" asik niya sa akin nang nilapitan ko siya. "Wala pong mailuluto roon, Ma'am," sabi ko. "Eh, `di bumili ka sa baba! Bukas pa ang store!" Hay, stress na stress ang lola niyo. Inilahad ko ang palad ko sa kanya kaya nalilitong tiningnan niya ako, "Ano `yan?" Bobo si Ma'am, eh. "Pahingi po ng pera, pambili," sabi ko. "Bakit wala ka bang pera? Pera mo ang gamitin mo!" masungit na sabi niya sa akin. "Eh, pahiram na lang po ng phone mo? Manghihiram na lang po ako ng pera kay Dri," sa sinabi ko ay agad na ibinato niya sa akin ang wallet niya na kulay red pa. "Dadalhin ko na po ito?" tanong ko. "Bahala ka sa buhay mo! Lumayas ka na nga!" Sinunod ko ang utos niya kaya nang makalabas ako ay hindi ko na napigilan pa ang matawa nang malakas. Pero nang maaalala ko kung bakit ako lumabas doon ay nawala ang ngiti ko sa labi. Paktay, hindi ko alam ang store na tinutukoy niya. Sumakay na lang ako ng elevator at palinga-linga pa. Napakagat ako sa kuko ko dahil wala talaga akong ideya kung saan ako bibili ng grocery. Humaba ang nguso ko at napansin ko ang lalaking nasa exit ng condominium. Nakatayo lang siya at nasa tainga niya ang phone niya. Hindi naman talaga iyon ang napansin ko. Hindi ako tsismosa, ah. Pamilyar kasi ang pigura niya sa akin. "Fvck you, Cyan! May kalalagyan ka talaga sa akin!" Cyan? Cyan na kakilala ko kaya? Nilagpasan ko ang lalaki dahil hindi naman ako interesado pang makinig sa kanya. Baka ibang Cyan ang kanyang tinutukoy. Maraming kapangalan ang isang iyon. "Damn it! Lumabas siya! Wala na akong pakialam, Cyan! Magpapakilala ako sa kapatid ko! Tumigil ka!" Napahinto ako sa sigaw niya. Huwag naman sana... Unti-unti akong lumingon sa kanya at umawang ang labi ko nang makita ko siya. Ang guwapo naman niya. Kinapos ako ng hangin sa dibdib. Hindi dahil ano, ah. Si Dri pa rin ang may malakas na impact sa puso ko. "Charleston Shane Lorenzo." Nagulat ako sa sinambit niyang pangalan. "B-Bakit po?" "Gusto kong...gusto kong maging kaibigan ka." O magpakilala na bilang kuya ko? Pero feeling ko kinakabahan siya sa akin. "Hindi mo naman po ako kilala. Bakit gusto mo akong maging kaibigan?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Umiling siya at walang babala na hinila niya ang aking kamay at basta na lamang niya akong niyakap. Sobrang higpit. "A-Ano'ng..." "Ang tagal ka naming hinintay..." Bumilis ang t***k ng puso ko... Oh, shet! Nakilala na ako ng kaibigan ni Cyan na kuya ko raw! Parang mahihilo naman ako nang may humila ulit sa akin and this time ay mas bumilis na ang t***k ng puso ko kaysa sa normal. "D-Dri?" "Bakit nasa labas ka, Sam-sam? At sino ang lalaking ito?" malamig na tanong niya.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม