CHAPTER 18

2068 คำ
AF Chapter 18: Dri Vs. Kuya "Bakit nasa labas ka, Sam-sam? At sino ang lalaking ito?" Hindi ako agad nakasagot dahil sa gulat. Ang puso ko ay malakas na naman ang tambol nito. Ewan ko ba kung bakit ganito siya sa tuwing nandiyan si Dri. Ang lupit nga, eh. Parang luluwa na itong puso ko sa bilis ng t***k. "Bitawan mo siya," mariin na sambit ng lalaking nagpakilala sa akin na Charleston Shade Lorenzo. Hindi mapagkakaila na kuya ko nga siya dahil may hawig ako sa kanya pero hindi naman color violet ang eyes niya. Hazel green yata iyon? Saan ko naman kaya namana itong mga mata ko? Sa tatay ko kaya? Malalaman ko iyon kapag handa na ako. Humakbang palapit sa amin si Charleston--ano ba ang dapat kong itawag sa kanya? Kuya? Pero parang nakakahiya naman at hindi ako sanay na tawagin siyang ganoon. Napangiwi ako nang tila pipigain na ako ni Dri sa higpit nang pagkakayakap niya sa akin. Ang matigas na braso niya ay nakayakap din sa baywang ko at ang isa pa niyang kamay ay nasa likod ng ulo ko. Halos ipitin niya ang mukha ko sa kilikili niya para lamang itago ako mula sa lalaking masama ang tingin sa kanya. Naririnig ko tuloy ang malakas na t***k ng puso niya. "Who are you? Bakit mo niyayakap si Sam-sam?" walang emosyon na tanong niya sa kuya ko. "And who are you, too? Bakit nakayakap ka rin sa kanya?" balik na tanong din nito sa kanya. "I know her," mariin na sagot pa niya. Pinipilit ko ang tingnan si kuya--err, sige na nga kuya na lang ang itatawag ko sa kanya... Pero hindi ko magawang lingunin siya dahil hindi ako pinapahintulutan ni Dri. Halos bumaon na nga ang mga daliri niya sa buhok ko pero hindi naman ako nasasaktan sa paraan nang paghawak niya sa akin. "Dri?" sambit ko sa pangalan niya at tiningala ko pa siya upang matingnan ang mukha niya. Iyong umiigting na panga niya agad ang nakita ko at ang galit na galit na eskpresyon niya. "Ano'ng ginagawa mo sa labas, Sam-sam? Hindi ba dapat nagpapahinga ka na sa mga oras na ito?" tanong niya sa akin nang yumuko siya para mapantayan ang mukha ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin na halos maduling ako nito. Pero nagawa ko pa rin ang tumango. I tried na silipin ulit si Kuya pero agad na ibinalik ni Drimson ang mukha ko sa kanya. "Sino siya? At bakit nakayakap siya sa 'yo kanina?" tanong niya sa akin na hindi intensyon na ipaparinig sa kasama naming lalaki. Sa akin lang. "Hindi naman siya ano, Dri..." Wala akong mahanap na salitang ipapaliwanag sa kanya, na kung bakit nga ba niyakap ako nito kanina? Maski nga ako, eh nagulat. Hindi naman puwedeng sabihin na kuya ko ang lalaking ito. Dahil kailangan kong panindigan ang kasinungalingan na may amnesia ako at hindi pa ako handa para magpakita sa pamilya ko na hindi ko naman inakala na hinahanap pala nila ako. Ngayon nga lang din nalaman ko ang tungkol sa tatay ko. Ilang taon kong itinago ang pagtatampo ko sa ama ko na hindi naman niya sinasadya ang iwan niya talaga kami. Naaksidente siya at comatose pa ng limang taon. "K-Kaibigan po siya ni... Gusto niya lang akong samahan sa grocery," kinakabahan na sagot ko dahil seryosong tinitigan na niya ako. Naghihintay ng isasagot ko. "Kaibigan po siya ni..." Hindi ko matapos-tapos ang sasabihin ko dahil nakakakaba naman talaga. Ano ang puwede kong sabihin sa kanya? "Kaibigan nino?" tanong niya, pinagtaasan pa ako ng kilay. "K-Kaibigan po siya ni Carlin," pagsisinungaling ko at napakagat ako sa labi ko dahil sa dami-rami ng pangalan na mababanggit ko ay sa girlfriend pa niya. Hala, baka magselos siya kapag nalaman niya na may ibang--o baka wala naman talagang kaibigan na lalaki si Carlin. Siya ang mas nakakaalam dahil girlfriend niya ito! Hala, lagot na! "Kaibigan ni Carlin? Hindi ko siya kilala," kunot-noong sambit niya at tiningnan niya ang lalaki. Nagawa ko na ring sulyapan ito kahit na nakayakap pa sa akin si Dri. Naguguluhan na pinanood niya lang kami. Kung sana si Cyan na lang ang binanggit ko, tutal kaibigan naman niya yata ang kuya ko! At bakit si Carlin pa? Baka pagselosan ni Dri si kuya... "Is that true? Kaibigan ka ni Carlin?" tanong ni Dri. "Who's Carlin?" he asked back. Hala, lagot na talaga. "Eh, 'di ba kaibigan mo si Carlin? Sinabi mo sa akin, hindi ba?" tanong ko sa kanya at sana makuha naman niya ang gusto kong ipahiwatig sa kanya! Please, kumagat ka naman! Sa una ay naglulumikot pa ang mga mata niya dahil halatang naguguluhan siya sa akin. Hindi naman kasi niya kilala si Carlin. "Hindi po ba, K-Kuya?" muling tanong ko sa kanya at naging malamlam na naman ang eyes niya. Kinagat pa niya ang namumula niyang lips at lumunok. Napatango-tango pa siya at unti-unti nang sumilay ang maganda niyang ngiti na ngayon ko lang nikita. Doon din kumalas si Dri sa mahigpit na yakap sa akin pero nanatili pa rin akong nakakulong sa mga bisig niya. Hindi ako magrereklamo dahil gusto ko ang pakiramdam na ito kahit bawal. "Yes, yes," sagot niya na ikinangiti ko. Hinawakan ko ang laylayan ng suot na jacket ni Dri at hinila ko siya para makalapit kami kay kuya. Natutuwa na ako na makilala siya pero hindi sa pagkakataon na ito na pormal na magpapakilala kami sa isa't isa. Nakakaantig ng puso ang magkaroon ng kapatid, isang kuya. Hindi ko inaasahan ang bagay na iyon. "Dri, siya si Kuya Charleston Shade," pakilala ko sa kuya ko kay Dri. Lumipat ang tingin ni Kuya Charleston kay Drimson. Hayan na naman sila sa titigan nila na masyadong nakakabigat ng atmosphere sa paligid. "Siya po si Drimson," dugtong ko pa. Hindi sila kumibo na dalawa at nanatiling masama ang tingin nila sa isa't isa. Mas lumapit pa ako palapit kay Kuya Charleston at inabot ko ang kanang kamay niya saka ko naman kinuha ang kamay ni Dri. Nang silipin ko ang mukha nilang dalawa ay bumaba na iyon nang nakakunot-noo dahil ang kamay nilang magkahawak kamay na ang mas binigyan nila ng buong pansin. "Hayan," nakangiting sabi ko at ako pa ang nagmistulang nagpagalaw sa magkahawak nilang kamay. Na kalaunan ay hindi naman nagtagal dahil pareho nilang binawi ang mga kamay nila. "Drimson Del Labiba," pormal na pakilala ni Dri. "Charleston Shade Lorenzo," sabi rin ni Kuya. Pinakawalan na rin ako ni Dri kaya nakalapit sa akin si Kuya Charleston. Nagulat pa ako dahil hinubad niya ang coat niya na masyadong malaki sa akin dahil malaking tao naman siya at matangkad pa. "Shet," ang narinig kong komento ni Dri at sinilip ko pa siya na masama na naman ang tingin niya sa amin. "Hindi ka dapat nagsusuot ng ganitong kanipis na T-shirt, lalo na kapag gabi at masyado ng malamig," marahan na sabi niya at tumango ako, bilang pagsang-ayon. Inayos pa ni Kuya ang mahaba kong buhok at ilang minuto ang nakalipas ay si Dri na naman ang nasa harap ko. Nagtatagis na naman ang bagang niya habang sinusuotan ako ng itim na sumbrelo. Hindi ko alam kung bakit pareho silang ganito pero sa huli ay binigyan ko na lamang sila ng matamis na ngiti. "Nasaan si Carlin, Sam-sam? Bakit ang lalaking ito ang pinasama sa 'yo? At bakit ka niya inuutusan sa dis-oras nang gabi?" tanong niya sa akin habang pareho na kaming naglalakad. Nilingon ko si Kuya Charleston na naglalakad sa likod namin. Nakasuksok ang magkabilang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. Tanging itim na shirt na lamang ang suot niya at naka-white rubber shoes pa siya. Bumagay pala sa outfit niya ang malaking coat niyang ito. Ngumiti siya sa akin nang mapansin na nakatingin ako sa kanya, na mabilis ko namang ginantihan pero umepal na naman si Dri at hinatak ako palapit sa kanya. Magkahawak ang kamay namin at magkasiklop ang mga daliri. "Wala kasing puwedeng iluto sa condo ni Carlin," sagot ko. Salubong na naman ang kilay niya at inabot ko iyon. Tinanggal ang pagkakasalubong no'n at hindi naman ako nabigo. Walking distance lang pala ang layo ng grocery sa condominium ni Carlin. Kaya naman pala ang sabi niya ay bumili ka sa baba kaya heto sumama sa akin ang dalawa. "Hindi kita inuutusan na magluto sa unit ko, Sam-sam at wala talagang matinong pagkain ang condo ni Carlin dahil hindi naman siya marunong magluto," sabi niya. Ay, kawawa naman pala. Hindi marunong magluto? Hindi naturuan? Kawawa naman ang magiging asawa niya at ang anak na hindi niya kayang paglutuan man lang. Pero sabagay rich kid si ate girl at hindi na kailangan sa kusina para magluto ng makakain nila. Dahil sure ako na may sarili silang chef. "Pero nag-volunteer ako, Dri," nakangiting sabi ko at ipinakita ko pa sa kanya ang wallet ng girlfriend niya. Hinila ko si Dri paatras para ma-level naman namin ang paglalakad ni Kuya Charleston, kawawa naman dahil mukha siyang loner kung maglalakad siya nang mag-isa lang sa likod namin. Hindi naman siya huminto nang magpantay na ang paglalakad naming tatlo pero hindi lang sila roon nagulat. Niyakap ko ang kaliwang braso ni Kuya Charleston at sa kanan ko naman si Dri. Na mukhang hindi nagustuhan ang ginawa ko. "Sam-sam," sambit niya sa pangalan ko na may halong pagbabanta. "Kawawa naman si Kuya Charleston kapag mag-isa lang siyang naglalakad," sabi ko at humaba pa ang nguso ko. Napatingin tuloy siya roon at mariin na napapikit saka siya nag-iwas nang tingin sa akin pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang biyolente niyang paglunok. "Tara na," excited na sabi ko at pareho ko na silang hinila para makapaglakad na. Maliit na store lang pala siya at basket lang ang bibitbitin mo para ilagay roon lahat ang mga pinamili mo. Nagpresinta si Kuya Charleston na siya na raw ang magdadala, nakipag-agawan pa silang dalawa pero para fair ay pati si Dri binigyan ko na lang ng basket para maputol na ang pagtatalo nilang dalawa. Na nakakaagaw na rin ng maraming atensyon sa mga customer. Hindi ako sanay na mamili sa ganitong lugar, dahil hindi naman ito palengke na katulad ng sa lugar namin kaya sila na ang kusang kumuha ng mga iyon. "May gusto ka pa bang ibili na iba, Sam-sam?" tanong sa akin ni Dri. Umiling ako dahil wala naman akong gustong bilhin pa, maliban sa mga lulutuin ko mamaya. "What about chocolate?" suhestiyon ni Kuya at kinuha pa niya ang dalawang box ng hersey chocolate. Hala, gusto ko sana pero naalala ko na wala pala akong pera pero baka puwedeng ubusin iyong laman ng wallet ni Carlin? Hahaha. Baka mas lalong lumaki ang butas ng ilong no'n. "Nakaka-diabetes 'yan," tanggi ni Dri, hindi siya sang-ayon. "Hindi naman kada-oras na kakainin niya ito at ako ang magbabayad," malamig na turan ni Kuya. Umigting na naman ang panga ni Dri at basta na lamang siyang humablot ng malaking tsitsirya. "Gusto mo nito, Sam-sam?" nakangiting tanong niya sa akin. "Hindi rin 'yan healthy foods," singit ni Kuya Charleston. "Hindi naman kada-oras na kakainin niya ito at ako ang magbabayad," sagot ni Dri na inulit niya lamang ang sinabi nito sa kanya. Naguguluhan na tiningnan ko sila. Ano'ng problema nilang dalawa at bakit tila nakikipag-paligsahan sila? Sa huli ay hindi ko na sila tinanggihan pa. Tig-dalawang piraso na tsitsirya na malaki ang binili ni Dri at ganoon din sa chocolate ni Kuya. Apat na basket tuloy ang buhat-buhat nila at pagdating sa counter ay siya na namang pagtatalo nila. "May dala akong pera," masungit na sabi ko sa kanila at itinaas ko sa ere ang wallet na nakakaagaw ng atensyon dahil sa kulay nitong makingtab. "Sa amin naman ito ni Carlin," dagdag ko pa. Hindi sila umiimik, meaning ako ang nagwagi. "Ang card na lang ang gamitin mo, Sam-sam," suggestion ni Dri. Ang dami ngang cash sa wallet ni Carlin, nakakalula naman ang puro asul na papel. Iilan lamang yata ang dilaw na papel na nakita ko. Hindi ba siya nabahala kanina na ipagkatiwala niya sa akin itong wallet niya? Aabot pa yata ng 100K ang pera niya. Ganoon ba siya ka-rich at hindi na niya naisipan pa na baka pagnakawan ko siya? "Let's have a dinner," ang suhestiyon naman ni Kuya Charleston. "No, ihahatid na pauwi si Sam-sam," matigas na sambit ni Dri at hayon na naman ang imaginary electricity na nagmumula sa kanilang mga mata.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม