Kinabukasan ay maaga ulit si Zandro sa opisina at kasama nila ni Beth na naghihintay kay Marco. Pinilit niyang kalmahin ang sarili at maging kaswal sa harap nito. Pagdating ni Marco ay agad nagusap ang dalawa sa silid ng ama, inasikaso naman niya ang mga pasyenteng naghihintay sa waiting area.
Alas onse ay dumating ang asawa at anak ni Marco. Both women are sophisticated and classy in their own way. Matanda na rin ang asawa nito, mas matanda sa Mama niya. Si Bea naman ay halatang mataray at matapobre. Tuloy-tuloy itong pumasok sa opisina ng ama kahit may pasyente pa itong kausap.
"Huwag mo ng pakialaman kung ano ang gustong gawin ng anak ni Doctor Solivan," paalala ni Beth sa kanya sa mahinang tono. "Aawayin ka lang niyan," pabulong pa nitong sabi. Nakita niyang lumabas muli ang babae at nakasimangot na tila inip na inip. Nang dumating si Zandro ay nagbago ang anyo nito at nagpakawala ng matamis na ngiti.
"Hello, babe. Glad to see you. May lunch kami nila Dad, wanna come?"
"Sure. But I still have two patients to attend to." Ikinawit ni Bea ang braso nito sa binata at inihilig ang ulo. Iniwas niya ang tingin dahil sa hindi maipaliwanag na kirot sa dibdib.
"I will wait. Sasabay na lang ako sa kotse mo, kahit mauna na sila Mom sa Aberdeen Court."
Lumabas ang huling pasyente ni Marco at lumabas na rin ang ama dala ang gamit nito. Sinalubong ang asawa ng halik saka bumaling sa anak.
"Bea, meet my new secretary, Danica."
"Good morning, Ms. Bea," bati niya ngunit hindi naman siya pinansin dahil ang tingin nito'y nakatuon kay Zandro. Nang mapatingin siya sa binata ay nagtama ang kanilang mga mata. Una siyang nagbaba ng tingin saka ibinalik sa mesa ang atensyon.
Agad ding umalis ang mag-asawa at si Bea naman ay nakasunod kay Zandro. Nagkunwari naman siyang abala sa trabaho at hindi na tinapunan pa ng tingin ang mga umalis.
"Ang swerte ni Bea no? Ang gwapo ni Doctor Albano." Hindi niya alam siya ang kausap nito dahil ngayon lang ito nagsalita sa kanya ng walang kinalaman sa trabaho. Pag-angat niya ng mukha ay sa kanya ito nakatingin.
"May relasyon ba sila?" kunyari ay kaswal niyang tanong.
"Sa tingin ko. Hindi itinatago ang pagkagusto ni Bea kay Doctor Albano. At alam mo naman ang mayayaman, karaniwan nang pinagkakasundo ang mga anak. Noong nakaraan ay nagkaroon ng dinner ang pamilya ni Doctor Albano at Doctor Solivan."
"Maganda naman si Bea at bagay sila ni Zan— Doctor Albano." Kung bakit tila nahirapan siyang lumunok pagkatapos ng sinabi ay hindi niya alam.
"Pero mas maganda ka," wika nito sa kanya na ikinagulat niya. "Alam mo bang kahit akoy nagkagusto kay Doctor Albano? Pero kahit maghubad yata ako sa harap niya'y walang epekto."
Ngumiti siya dito at tinitigan. Beth is somehow attractive if you are up with a modern kind of beauty. Marunong kasi itong mag-ayos at aral ang pagkaka makeup sa mukha. But there's nothing extra ordinary. Bea is far prettier than her.
"Napapansin ko na ang mga lihim na sulyap ni Doctor Albano sayo kahapon pa. Aaminin ko na intimidate ako sa ganda mo unang araw pa lang na sinabi ni Doctor Solivan na ikaw ang papalit sa akin."
"I'm sorry."
"Wala ka namang dapat ihingi ng tawad. Pero gusto ko lang ipaalala sayo, mahirap kalabanin si Bea. Kahit ang tatay niya hindi siya masupil. Kaya kung gusto mo ng tahimik na buhay, stay away from Doctor Albano."
"Huwag kang mag-alala hindi ko kakalimutan yan." Ngumiti siya rito bagama't may alinlangan sa dibdib. Mahirap iwasan ang tulad ni Zandro, lalo kung ito ang panay ang lapit sa kanya.
Tumunog ang telepono niya ata agad niya iyong binuksan. Si Johnson ang nagtext at sinabing susunduin siya nito para sa isang dinner. Agad siyang pumayag para mawala sa sistema niya ang presensya ni Zandro.
Pagdating ng alas singko ay naghihintay na si Johnson sa parking area. Nang makita siya ay agad binuksan ang passenger's side, bumeso ito bago siya tuluyang makasakay. Hindi nakataas ang salamin ng kotse kaya't tanaw niya ang mga naroong pauwi na rin na may dalang sasakyan. The parking is almost full at marami ang taong paroo't parito na karamihan ay staff ng ospital. But her eyes caught one particular built and stare that she wouldn't forget in a million years. Agad umahon ang kaba sa dibdib niya. Zandro is staring at her with his face dim as if in anger. Hindi siya ngumiti dahil hindi rin ito ngumiti. Ibinaling niya ang atensyon kay Johnson at sinabing itaas na ang salamin ng bintana. Hindi na siya muling lumingon sa kinaroroonan ni Zandro hanggang sa tuluyang makalabas ang kotse sa compound ng ospital.
"Where do you wanna eat?" tanong ni Johnson sa kanya. Naalala niyang muli si Zandro. Johnson tries to please her at all times, kung ano ang gusto niya'y siyang sinusunod nito. While Zandro decides on his own whether she likes it or not. Funny but she finds Johnson's gestures boring and plain while Zandro's domineering acts excites and thrilled her even more.
"Kahit saan," sagot niya. Kinumusta niya ang kumpanya nito at ang mga dating kasamahan dahil wala naman silang ibang mapaguusapan.
----
Mula sa parking lot ay pabagsak na isinara ni Zandro ang pintuan ng sports car at maingay na pinaandar ang makina nito. Kanina pa siya nagmamadali na makabalik para abutan si Danica pero ma-traffic sa Quezon Avenue kanina at nagpasama pa si Bea na pumunta sa dentist nito. He cursed silently. Buong maghapon ay nasa isip niya si Danica pero heto at may sundo palang iba. Another rich man on the line.
Sa tuwing nasa opisina siya ni Marco ay mataktika niyang pinagmamasdan ang dalawa. He sees nothing. Mas napansin pa niya ang pag-iwas nito ng tingin sa kanya kanina nang iangkla ni Bea ang braso nito sa kanya. There was something in her eyes that he couldn't fathom. And he wanted to secure her that nothing was going on between him and Bea. Not for him at least. Yayayain sana niya itong mag dinner muli pero naunahan na siya ng iba and he want to hate her for being promiscuous.
Bea is open about her feelings for him, kahit si Marco ay gusto nitong mapangasawa niya ang anak if only to discipline her. She was a rich man's daughter, spoiled brat and self-centered. Hindi niya gusto ang mga ganoong babae pero pinakikisamahan niya alang alang na lang kay Marco who was good to him from the moment he entered medical school.
Sa inis ay nagpasya siyang sa mansyon ng mga magulang umuwi. Alas otso na siya halos nakarating dahil sa traffic sa EDSA. Pagdating niya'y naroon si Ezekeil at Hannah kalaro ang anak na si Ethan na sampung taong gulang na rin at si Zanya na nasa tatlong taong gulang. Si Zane at Selena ay sa Greenhills umuuwi sa mansyon ng mga Rusco.
"Naghapunan ka na ba?" tanong ni Hannah nang makitang sa mini bar sya tumuloy. Tamad siyang umiling at umupo sa sofa habang hawak ang basong may lamang alak.
"Who's the lucky woman?" tanong ni Ezekeil at narinig niya ang mahinang pagtawa ni Hannah.
"Why do you think it's because of a woman?"
"Oh c'mon, Zandro, we have the same blood that runs through our veins. Ganyang ganyan ako noong akala ko'y may ibang tinatanging lalaki si Hannah bukod sa akin. At kahit si Zane kay Selena ay ganoon din. We think that alcohol is the best company when our hearts are broken. So, who's the lucky woman?"
"My heart's not broken, my ego maybe," pagtatama niya.
"Is it Bea?" Isang pagak na tawa ang pinakawalan niya.
"Sa tingin mo ba'y maglalasing ako dahil sa babaeng yun?"
"Yeah, I don't think so. Pero wala akong alam na ibang nauugnay sayo ngayon kundi siya. Kahit ang mga modelong dini-date mo dati hindi mo na napagkaabalahang kausapin man lang. What happened to the most handsome doctor in the universe? That woman must be beautiful. Pwede na bang ilinya kina Selena at Hannah?"
Tumawa siya ng mapait saka muling nilagok ang huling laman ng baso. Yes, she’s strikingly beautiful, wika niya sa sarili. Kung sa ganda ay higit na maganda sa dalawa sa paningin niya. Pero kung ang pag-uusapan ay ang pamantayang moral ay hindi niya masagot.
Nagpaalam na siya sa mag-asawa na aakyat na ng silid. Hindi niya gustong pag-usapan pa ang babaeng ngayon ay may kasamang ibang lalaki.