Chapter 9

1255 คำ
Pagkalabas ni Zandro ay saka lang nakahinga ng maluwag si Danica. Hindi niya akalaing magku-krus muli ang landas nilang dalawa matapos ang dalawang taon. Kung alam lang niyang dito ito nagtatrabaho ay hindi niya tatanggapin ang alok ng ama na magtrabaho sa kanya. Their paths shouldn't cross again. Wala siyang mukhang ihaharap dito. At sa mga lihim na sulyap nito sa kanya kanina'y hindi iilang beses niyang nakita ang pang-uuyam sa mga mata nito. And she can't stand it. Kahit ang pag-uusap nila kanina ni Beth sa harap niya’y hindi niya nagustuhan. Malayo ang itsura nito ngayon sa puting unipormeng pang doktor at may nakasabit na stethoscope sa leeg – the most handsome doctor she has ever seen. Matipuno ang mga braso at malalim ang mga mata kung tumingin. Mula kaninang pagpasok nito ay hindi na tumigil ang kabog ng dibdib niya at kailangan pa niyang pumunta sa washroom para kalmahin ang sarili. Ngayong mapapadalas ang pagkikita nila ay kinakatakutan niya iyon. He was in her dreams almost every night after they had a one-night stand. At kahit hanggang ngayon ay naiisip pa niya ang binata dahil sa lakas ng atraksyong dulot nito. Kung hindi lang niya pinairal ang matinong kaisipan ay muli siyang babalik sa club na iyon kung saan siya dinala ni Lizette para muling makasama ito. But she was glad school and work kept her insanity intact, kung hindi ay napariwara na siyang tuluyan. And now what? Kaya pa ba niyang panaigin ang matinong kaisipan? Maghapon siyang balisa at napansin iyon ni Beth. Kung naging mabuti sana siyang kaibigan nito ay baka nahingahan niya na ito ng problema, but she was distant and cold most of the times. She misses Lizette. Sinadya niyang huwag makipag konunikasyon dito mula nang mangyari ang gabing iyon. Naging abala na rin siya sa pag-aaral at trabaho na nakatulong sa kanya para makalimot. But now she really needs a friend. Alas tres ay kinuha niya ang cellphone sa bag at lumabas ng silid. Nagbago siya ng number pero nakarecord pa rin doon ang telepono ni Lizette at umaasang ito pa rin ang gamit ng kaibigan. Naka limang ring pa yata bago sumagot ang sa kabilang linya. She sighed in relief. "Danica?! Oh God where have you been!" Hindi niya alam kung galit ito o natuwa na tumawag siya sa lakas ng boses nito nang magpakilala siya. "Kumusta ka na?" "Eto buhay pa rin. Bruha ka bakit pati ako pinagtaguan mo? Asan ka ngayon?" "Andito ako sa St. Luke's nagtatrabaho, mag three weeks na. Ikaw saan ka?" "Dito pa rin sa dati kong apartment. Meet naman tayo minsan na-miss kitang bruha ka." Natawa siya sa sinabi nito pero masaya siyang muli silang nagkausap. "Sa Sabado pupuntahan kita dyan," pangako niya sa kaibigan. Saka niya na ikukuwento ang tungkol kay Zandro dahil gumaan naman na ang pakiramdam niya. Pagkatapos nilang magkumustahan ay nagpaalam na siya rito. Eksaktong alas singko ay nakita niya na si Zandro na nakatayo sa pinto habang nakapamulsa ang mga kamay. Naka denim pants na rin ito at V-neck tshirt na hapit sa katawan. Kahit gusto niyang tumanggi sa pagsama dito’y mukha naming hindi ito mapipigilan. Pagkatapos niyang iligpit ang mga gamit ay sinusian ang pinto ng silid. Si Beth ay madalas na umuuwi na ng alas tres mula nang magtrabaho siya doon. Hindi nagsasalita ang binata habang papunta sila sa parking hanggang sa makaalis sila sa compound ng ospital. Sa liit ng sports car nito ay tila hindi siya makahinga lalo at pumupuno sa loob niyon ang pabango ng binata. A dangerous scent that brings panic to her senses and something else. "Where do you live?" tanong nito makalipas ang halos sampung minuto. "Sa Balintawak," sagot niya. "I saw your resume and I wonder what you did with the money kung sa boarding house ka lang nakatira. You could've at least leased an apartment." Hindi siya sumagot. Wala siyang balak ipagkausap dito ang tungkol sa buhay niya dahil hindi naman sila magkaibigan. Iniliko nito ang sasakyan sa isang fine dining restaurant sa Timog Avenue. Nang magtanggal ito ng seatbelt ay kumunot ang noo niya. Kanina'y ito na ang nagdesisyon na ihahatid siya at icancel ang sinumang dapat ay susundo sa kanya. Ngayon naman ay walang sabi sabing kakain pala sila sa restaurant. Hindi ba alam ng lalaking ito na gusto niyang umiwas? "Hindi mo ba tatanungin kung gusto kong kumain? It seems that you decide whatever you want without even asking me." "Because I don't take no for an answer." Hindi siya nagsalita at nakahalukipkip ang mga braso na tila wala siyang balak lumabas ng kotse. Isinandal naman ni Zandro ang likod sa upuan at bumuntung hininga bago nagsalita. "Look, I saw how shock you were when you saw me this morning, you were so conscious. We will be working hand in hand in the next few days, at gusto ko lang mapalagay ang loob mo sa akin." Pinindot nito ang seatbelt niya para lumuwag iyon. "Alam kong lahat ng empleyado ay ganoon ang pakiramdam sa unang mga linggo sa trabaho. Unless there's another reason why you're trembling like that." Kung ano ang ibig nitong sabihin ay hindi niya alam. Napilitan siyang alisin ang seatbelt sa katawan saka lumabas sa kotse. Hindi nito kailangang malaman na iba ang dahilan nang panginginig ng mga tuhod niya mula pa kaninang umaga. Habang naglalakad papasok sa restaurant ay nakahawak ito sa likod ng baywang niya. His body is closer and his breath touches her hair, na tila sinasadya nito ang pagkakalapit nila. Her senses overworked pero pilit pinaglalabanan ang kaba. "What's your order?" "Sandwich at juice na lang." Nang makaorder ito sa waiter ay muling bumaling sa kanya ang binata. "Paano mo nakilala si Marco?" tanong nito sa kanya. Isa sa mga tanong na gusto niyang iwasan. "Sa kakilala lang. Then he mentioned that Beth is leaving by next week already." "Kung sa Balintawak ka nakatira'y bakit hindi ka lumipat ng mas malapit sa ospital? Tutal bedspacer ka lang naman." "Okay pa naman ako sa tinitirhan ko, nakapalagayan ko na rin ng loob ang mga ka boardmate ko." Nang dumating ang order nila'y nagsimula na silang kumain. Halos hindi niya malunok ang sandwich na inorder dahil sa presensya ng binata. Sana'y alak na lang pala ang inorder niya imbes na juice. Kailangan niya ng pampakalma. "Relax," wika nito na tila nababasa ang nasa isip niya. "I only eat the food that's infront of me, not the lady no matter how lovely she is," seryosong wika nito. Hindi naman siya sumagot. Mabilis niyang inubos ang sandwich na hindi niya alam kung natunawan ba siya o hindi. Habang siya'y nagrerebulosyon ang didib, si Zandro naman ay tila kalmadong kalmado hanggang sa makabalik sila ng sasakyan at maihatid siya sa boarding house. "Salamat," wika niya pagbaba niya ng sasakyan nito. "Sweetdreams, babe." Pahabol nitong sabi bago niya mabuksan ang gate. Umalis na rin ang sasakyan nito bago pa man siya makapasok ng tuluyan.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม