Alas sais ay nag-rounds na si Zandro dahil dalawang linggo siyang nasa bakasyon. He was supposed to leave Malaysia early pero hindi pumayag ang ina. Sa Malaysia nag celebrate ng ikasampung kaarawan ni Jayzee na anak ng kuyang si Zane kasama rin ang pamilya Rusco. At sa panahong nasa Malaysia siya ay muling ginulo ng isang babae ang isip niya.
Just like she did two years ago when she left him and took his goddam five hundred thousand pesos.
Balak niyang usisain muli si Beth kung kelan ang balik ng babaeng iyon sa clinic ni Marco. He was intrigued. Sa pagkakakwento ni Beth ay tila may namamagitan kay Marco at sa babaeng iyon. Marco is rich, no doubt about it. Pero hindi pa rin siya makapaniwalang kayang patulan ni Danica ang matandang doktor, not unless she needed another half a million.
A gold digger b*tch.
Eksaktong alas otso ay nagpasya siyang umakyat sa opisina ni Marco para makibalita sa mga pasyenteng hindi niya nabisita habang nasa Malaysia siya. Dahil sa salaming dingding, malayo pa lang ay natanaw niya na ang babaeng muling gumugulo sa isip niya. Napako siya sa kinatatayuan. She was elegant-looking in her white uniform, na kahit nakatalikod ay sumisigaw sa s*x appeal.
Is she working for Marco now?.
Tumikhim siya saka bumati kay Beth. Nakita niyang nagulat ito sa presensya nya at bahagyang namula ang pisngi nito, saka mabilis na tumalikod na tila may aayusing files sa cabinet. Napakunot noo siya.
"Is she working here?" tanong niya kay Beth at mata lang nito ang sumagot sa kanya na tila hindi nito gusto ang babae. "Since when?"
"Since two weeks ago," tamad pang sagot nito.
"I didn't know. Akala ko’y pasyente siya ni Marco?"
"Hindi ko rin alam. Doctor Solivan instantly hired her. Pagpasok niya'y saka pa lang niya dinala ang resume niya."
"Lakas ha," sarkastiko niyang wika saka tumayo at lumapit dito. "Hi, I am Zandro Albano. Since Doctor Solivan hired you, we'll be working together also." Tinanggap naman nito nag pakikipagkamay niya ngunit saglit lang na tila ito napaso.
"Danica Gamboa," mahina nitong sagot.
"Nandyan na ba si Doc?" tanong niya kay Beth. Muli siyang bumalik sa pagkakaupo pero ang mata'y hindi inaalis kay Danica.
"Wala pa. Pero parating na iyon," sagot pa rin ni Beth. Si Danica naman ay akmang lalabas ng pinto.
"Pupunta muna ako sa washroom," paalam nito kay Beth habang ang mata'y panay ang iwas sa kanya.
"She is beautiful, isn't she?" wika ni Beth pagkaalis ni Danica. Hindi niya iyon sinagot. "Alam mo bang humalik pa sa noo niya si Doc nung unang araw niya dito? Hindi rin nila itinatago ang pagiging close sa isa't-isa," dagdag pa nito. Tila nanibugho naman siya sa sinabing iyon ng sekretarya na agad inignora.
"So, you're really leaving," pag-iiba niya sa usapan. Kung bakit hindi niya gustong marinig ang ugnayan ng babaeng iyon kay Marco ay hindi niya tiyak.
"Nakahanda na ang ticket ko. I can't delay it anymore."
"So how is she when it comes to work?"
"In fairness to her, maayos nang magtrabaho. Madali siyang turuan dahil hindi paulit-ulit."
"Pwede ko bang tignan ang resume niya?" Kinuha ng sekretarya ang folder nito na nasa cabinet. Bukod sa management graduate ito at nagtrabaho ng matagal sa isang fastfood chain ay wala nang ibang nakasulat doon. Ang magulang nito'y nasa Batangas at nakatira lang ito sa boarding house.
Ibinalik niya kay Beth ang files nito. Ilang sandali pa'y dumating na si Marco.
"How's your vacation?"
"It went fine. So, you have a new secretary, a beautiful one, huh!" May halong biro niya sa matandang doktor.
"You know we're not getting any younger, Zandro, we need someone like her to keep our young mind stay with us. Where is she?" tanong nito kay Beth pero bago pa ito makasagot ay sumungaw na ito sa pinto.
Malayo ang itsura nito noong gabing ipinakilala siya ni Lizette sa kanya. Kung noon ay nababalutan ng kolorete ang mukha nito. ngayon ay napakasimple lang nito sa manipis na lipstick at kaunting blush-on at nakalugay lang ang lagpas balikat na buhok. But the thought of her on his bed one enchanted midnight, or dawn rather, makes his groin ache. Ipinilig niya ang ulo sa naisip.
"Good morning, Marco." Naningkit ang mga mata niya sa pagbati nito sa doktor sa unang pangalan. Beth calls Marco Doctor Solivan, at kahit siya'y hindi niya ito tinatawag na Marco kapag nasa harap ng ibang tao. Sa kaswal na pananalita nito'y nakumpirma lang niya ang sinabi ni Beth na matagal na ngang magkakilala ang dalawa.
"Good morning, Dani, I need coffee please." Pumasok ito sa sariling silid at sumunod siya para idiscuss ang kalagayan ng mga pasyenteng dinalaw niya ngayong umaga.
"Where did you get her?" tanong niya na ang tinutukoy ay si Danica.
"She's an old friend's daughter. Nangailangan ng trabaho kaya tinanggap ko."
"Pero ang sabi ni Beth ay dati na iyang dumadalaw dito."
"Paminsan minsan kapag may ikokonsulta, but nothing serious. Why?"
Nagkibit balikat siya para huwag ipahalatang kanina pa siya naliligalig sa presensya nito. Maya maya'y pumasok ito at may dalang dalawang tasa ng kape.
"Dani, have you met Doctor Zandro Albano? Kapag wala ako'y siya ang nagro-rounds sa mga pasyente, so you will also work for him."
"Hi, Mr. Albano," kaswal ba bati nito.
"Call me Zandro. If you call Doctor Solivan in his first name then you can do the same with me. I'm not that old after all." Ngumiti lang ito saka mabilis na nagpaalam. Bumaling naman siya kay Marco para idiscuss na ang pakay dito dahil may nga naghihintay pang pasyente sa labas.
Paglabas niya sa opisina ni Marco ay wala sa Beth sa pwesto nito at si Danica ang nakaupo doon.
"So, it's a small world after all." Ngumiti lang ito saka muling ibinaling ang mga mata sa folder na hawak.
"What time are you going out?"
"Alas singko."
"Ihahatid kita pauwi," wika niya na agad namang tinutulan nito. Umupo siya sa gilid ng mesa at tinitigan ang bawat kilos nito.
"M-may susundo na sa akin."
"Sino? Another lover of yours?" may pang-uuyam niyang wika.
"I don't have a lover," sagot nito at nakita niya ang panginginig ng kamay nito habang may sinusulat.
"Sabihin mo sa kung sinuman ang susundo sayo na huwag ng tumuloy. I'll pick you up at exactly five o'clock." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa mesa at hindi na hinintay ang sagot nito. Tinungo niya ang pinto palabas.