"I can't let you go, Dani. Alam mong hindi lang ang trabaho mo dito ang inaalok ko sayo. I want you to be my girl. Tapos magre-resign ka?"
"It's important, Johns, hindi ko pa masabi sa ngayon. Pero malaki ang utang na loob ko dun dahil siya ang nagpa-aral sa akin." Wala siyang maidahilan kaya yun na lang ang nasabi niya. Halos umusok naman sa galit si Johnson dahil isa rin naman siyang asset sa kumpanya bukod pa sa nanliligaw ito sa kanya.
"Can I still visit you there?" tanong nito nang sa tingin nito'y hindi rin naman na siya mapipigilan.
"Of course, as long as it's off office hours. Magkaibigan tayo wala namang mababago dun."
"I still can't believe you're leaving this soon." Tumayo ito sa mesa saka tamad na naglakad palabas ng opisina nito. "Pwede pa rin naman siguro kitang ihatid mamaya." Ngumiti siya at sumunod na dito para lumabas. Bukas ay uwi niya sa Batangas at dalawang araw siya roon. Sumatutal ay last day niya na ngayon dito. Pagkalabas niya'y agad niyang tinawagan si Beth na magrereport na siya sa Lunes.
Kinabukasan ay maaga rin siyang bumyahe patungong Batangas. Nasa tatlong oras din ang paglalakabay niya mula sa Quezon City hanggang sa bayan ng Agoncillo. Excited siyang makita ang ina at ibalita na magtatrabaho siya para sa ama.
Alas dyes ng umaga ng dumating siya sa bahay sa Agoncillo. May inihanda ang ina na maliit na salo-salo para sa selebrasyon ng pagtatapos niya at naroon ang ilang pinsan niyang halos kasing edad din niya. Si Susie ay isa nang teacher sa baryo nila at si Maribeth ay isa namang sekretarya ni Mayor sa munisipyo.
"Buti ka pa, Danica, malakas ang loob mo, akalain mo eh mag-isa ka lang naninirahan sa Maynila," wika ni Susie sa puntong Batangas. Sa kanilang magpipinsan ay siya lang ang naglakas ng loob na mamuhay sa Maynila. Kahit kung tutuusin ay dalawang oras lang ay Paranaque na, hindi ito sinubukang puntahan ng mga ito. Sapat na sa kanila ang bayan ng Agoncillo.
"Mahirap din ang buhay sa Maynila, mausok, matraffic, at lahat doon binabayaran." Mula ng gumaling ang ina at muling makalakad ay nagsimula itong magtanim ng mga gulay sa bakuran, na kalauna'y naging hanapbuhay nito doon. Ikinatuwa naman niya iyon dahil nalilibang ang ina at hindi siya nagsisisi na inuwi nya ito doon. Bagama't madalas ay hiniling niyang sana'y kasama niya pa rin ito sa bahay kapag umuuwi galing sa trabaho tulad ng dati.
Nang matapos ang salo-salo at nagsiuwi na ang mga pinsan niya'y saka niya ipinaalam sa ina ang pagtatrabaho sa opisina ng ama.
"Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot anak. Alam kong nakapag desisyon ka na. Yun nga lamang e natatakot ako para sa ‘yo."
"Bakit naman ho? Magaan lang naman ang trabaho dun, Ma."
"Matapobre ang napangasawa ng Papa mo, Dani. Kapag nalaman nila ang tungkol sayo ay hindi mangingimi ang mga iyon na palayasin ka at ilayo kay Marco."
"Alam ko naman ho yun, ‘Ma. Pero matanda na si Papa at gusto ko rin siyang makasama kahit man lang sa opisina." Napailing na lang si Sylvia sa desisyon niya.
"Basta't huwag kang papayag na aapihin ka nila ha. Wala ako doon para damayan ka kapag may mga problema ka. Mag-iingat ka palagi, Danica."
Niyakap niya ang ina at binigyan niya ng assurance na hindi niya pababayaan ang sarili. At alam niyang hindi rin naman siya pababayaan ni Marco.
Linggo ng hapon nang bumalik siya sa Maynila. Kung sa dati pa siya nagtatrabaho ay Lunes pa sana siya luluwas dahil hapon pa ang pasok niya. Pero kung sa St. Luke's na ay kailangan niyang alas sais umalis dahil hindi niya kabisado ang traffic sa lugar na iyon.
Maaga naman siyang nakarating sa ospital kinabukasan. Nauna pa siyang dumating kay Beth. Pagdating nito'y hindi man lang siya nito binati pero ngumiti pa rin naman siya rito. Nang makapasok silang dalawa sa opisina ni Marco ay hindi rin ito nag alok ng upuan. She obviously doesn't like her, but she doesn't mind. Kung hanggang katapusan na lang ang babaeng ito'y tatlong linggo lang siyang magtitiis. She can handle it.
Iniabot niya ang resume dito para sa files niya kung kakailanganin pa iyon. At syempre, hindi niya kailangang ilagay ang pangalan ng ama. Hindi naman iyon binasa ni Beth kundi inilagay lang sa drawer.
"Hindi naman araw araw ang schedule ni Doctor Solivan dito, pero kapag wala siya'y nariyan si Doctor Albano. Tuwing umaga lang may mga pasyente pero hanggang alas singko ang pasok mo dahil marami din ang tumatawag para sa mga inquiries," pormal nitong sabi. Wala pa naman siyang maisip na itatanong kaya hindi na muna siya nagsalita. Itinuro sa kanya ang mga files at iba pang mahahalagang bagay. Alas otso y media nang dumating si Marco at agad humalik sa noo niya pagdating na ikinagulat ni Beth. Kahit si Marco ay nabigla dahil nakalimutan nitong nasa labas sila ng mismong opisina nito.
"Papasukin mo na ang unang pasyente, Beth," utos nito sa sekretarya na agad namang tumalima.
Matalim ang mga tinging ipinupukol sa kanya ni Beth. Pagdating ng lunch break ay umalis na si Marco at wala siyang nakasabay kumain sa canteen ng ospital. Namiss niyang bigla ang dating pinagtatrabahuhan, wala siyang nadamang ganito sa mga kasamahan. Importante sa kanila ang pakikisama at respeto sa katrabaho kahit pa ang iba'y halos hindi pa nakakatapos ng pag-aaral.
Tinapos niya ang pagkain saka bumalik sa opisina. Sa isang araw pa ang balik ni Marco dahil sa Makati Med naman ang schedule nito bukas, ang dapat na nasa St. Luke's sa Martes at nasa Malaysia pa raw para sa dalawang bwang bakasyon.
Isinandal niya ang likod sa upuan at pumikit kahit sampung minuto lang. Mas nakakapagod pa yata ang pagkakaroon ng kasama sa trabaho na katulad ni Beth kesa sa maghapon niyang paikot ikot sa kitchen ng fastfood chain. Pero wala na siyang magagawa dahil andito na siya.
Isang mahinang katok ang narinig niya at agad siyang nagmulat ng mata. Isang gwapo at batang doktor ang sumungaw dala ang isang folder.
"Hi, is Doctor Solivan still here?" tanong nito.
"Umalis na si Doctor Solivan, Doc Dennis," wika ni Beth mula sa likod ng batang doktor. "Hanggang alas dose lang ang clinic niya dito."
"Oh. Hi, Beth! May pasyente lang akong ire-recommend sa kanya. Can you just give him this?" Iniabot nito ang dalang folder at si Beth naman ay ngumiti ng napakatamis. Akala niya'y aalis na ang doktor ngunit sa halip ay nakipagkilala sa kanya.
"I'm Dennis Padua, nasa kabilang pinto lang ako. I guess you're Doctor Solivan's new secretary."
"Yes. Danica Gamboa," pakilala niya sa sarili. "Kaka-start ko lang ngayon."
"Glad to meet you, Danica. Ako'y ilang bwan pa lang din dito. But my father is working here for more than ten years; he's a good friend of Doctor Solivan."
Ngumiti lang siya dito hanggang sa nagpaalam na ito. Hindi nakaligtas sa kanya ang muling pagsimangot ni Beth. Pumikit na lang siya ulit dahil may sampung minuto pa naman siyang break.