Kinabukasan ay inasikaso ni Hannah ang release paper niya at nang araw ding iyon ay lumabas na sila ng ospital. Sa bahay ng mga magulang ni Zandro ay naghihintay ang lahat para sa paguwi nila. May munting salo-salo na inihanda ang ina ng binata. At habang nasa hapag kainan ay nakumpirma niyang nakatakda na ang kasal nilang dalawa anim na bwan mula ngayon. Pagdating ng gabi ay umuwi na ang mag-asawang Zane at Selena kasama ang dalawang anak ng mga ito. Nakatunghay siya sa mga bituin sa langit habang nasa balkonahe nang yumakap si Zandro sa kanya at ipinatong ang ulo sa balikat niya. “What were you thinking?” “Hindi ako makapaniwala na ako ang nandito at kapiling mo ngayon at hindi si Bea.” Kumunot ang noo nito at sumeryoso ang mukha. “I never imagined myself getting romantically in

