"Kumain ka muna, Zandro. Hindi ka man lang tumikim ng kahit ano maliban sa kape kaninang alas tres." Wika ni Ezekeil na hindi rin umaalis sa ospital mula nang dumating kaninang umaga. Alas sais na pero hindi pa rin nagkakamalay si Danica. "What have I done to suffer like this? Naturingang Neurosurgeon ako pero wala akong magawa sa kalagayan ng babaeng mahal ko." "Lahat tayo'y dumadaan sa pagsubok, Zan. Naniniwala akong itinadhana kayo sa isa't isa dahil lagi kang nadyan sa mga pagkakataong kailangan niya ng makakapitan. Just like you did two years ago. Have faith and hold on to that love you have for her." Umupo siya sa gilid ng kama ni Danica. Naalala niya ang una nilang pagkikita sa club. She was shy and hesitant. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagkasindak sa mata nito sa mga

