Nauna na siyang bumaba ng kotse saka tuloy tuloy na tinungo ang elevator. Nang abutan siya ni Zandro ay agad nitong hinawakan ang kamay niya habang bumababa pa lang ang elevator. Wala pa rin siyang imik hanggang sa makapasok sila ng condo. "Hey.. I'm sorry." Iniharap siya nito sa kanya at itinapat ang mukha nito hangga't hindi siya tumitingin. "Huwag ka ng magalit. Nagselos lang ako." "Iinitin ko muna ang ulam." Iwas niya ngunit sa halip na bitawan siya'y siniil lang siya ng mapusok na halik. Hindi siya tumugon pero ikinangiti pa iyon ng binata. "Tignan ko nga kung hanggang saan yang pagmamatigas mo..." Pilyo nitong wika. Isa isa nitong tinanggal ang butones ng uniform niya habang hinahalikan siya sa leeg. Nang matanggal ng tuluyan pati ang bra niya'y bumaba pa ang halik nit

