Paalis na siya sa compound ng Albano Corp. nang tawagan siya ng ina. "I'm at Resorts World, Zandro, we're having dinner with your Papa. Matagal ka naming hindi nakakasalo sa hapunan." Tila may pangungunsensyang wika nito sa kanya. Alas sais pa lang naman at alas otso pa ang labas ni Danica sa trabaho. "Okay, Ma, I will be there in fifteen minutes." Pagdating niya'y laking gulat niya nang naroon din si Bea, Belinda at Marco. Bumati siya sa mga ito. "What is this, Ma?" Mahina nitong tanong sa ina. Kahit paano'y kumabog ang dibdib nya nang makita roon si Bea at pamilya nito. "We're just celebrating Marco and Belinda's reconciliation, Iho. Mabuti at hindi naman malaki ang naidulot na pinsala ng babaeng iyon sa relasyon nilang dalawa." Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ni

