Samantha's PoV:
What the hell just happened?
Damn that girl! Pinapainit nya talaga ang ulo ko huh. f**k. Kumukulo ang dugo ko sa kanya.
I want to rip her head. I want to strangle her to death. O mas maganda sigurong ipakain ko na lang sya sa mga crocodile nang magtanda.
Gustong-gusto kong ilabas ang lahat ng galit ko sa kanya. But it's too bad because she already left me here dumbfounded. Ugh! Bakit ba kasi ang late ko naiprocess 'yung ginawa nya?
May pa kiss-kiss pa syang nalalaman. Never kong magugustuhan 'yun kung galing lang naman pala sa kanya. It's so gross. Tsk.
"Bwiset ka talagang babae ka!" Sigaw ko sa kawalan. I stomped my feet due to my excessive annoyance. I'm seeing red. I'm trembling. Galit na galit ako sa kanya. She really likes to mess with me huh?
Isang malalim na buntong-hininga ang aking ginawa. Pilit kong pinakalma ang aking sarili. Geez. Kahit na medyo sira na ang araw ko dahil sa babaeng 'yun, hindi ako dapat magpaapekto sa kanya.
I have many things that I need to do. Speaking of, ano bang oras na? Napatingin ako sa aking wristwatch at halos mapamura ako nang makitang late na late na ako sa aking appointment.
I quickly composed myself at umalis sa pinangyarihan ng krimen. Mabilis na pumunta ako sa auditorium.
Okay nga 'yun since ako talaga ang magiging grand entrance. I smirked with that. Oh how I love attention.
I managed to get inside the auditorium. Mabilis na binati ako ng nga staffs and teachers.
"Good Morning po, Madam President." They greeted. Pero pinanatili ko lang ang aking resting-b***h face. Duh. Anong gusto nilang sabihin at gawin ko?
May emcee pang nagsasalita. And for the mean time, napagdesisyunan kong ilinga-ilinga ang aking paningin sa paligid. May quite change lang naman but for the better. Sa tingin ko ay mas dumami rin ang students na nag-eenroll. I'm impressed with that.
"Let's give our warm and dearest welcome to our precious President, President Samantha Laurent!"
The moment that my name was called, I stood up elegantly. Rinig na rinig ko ang napakalakas na palakpakan ng mga taong naririto. I started to walk na para bang nasa isang fashion show ako. I need to do that since nasa akin ang spotlight.
"Good day, everyone. It's been a long time na nakabisita ako here sa University. But that doesn't mean na hindi ko alam kung anong mga nangyayari rito. We don't tolerate things na alam nating mali." Seryoso kong saad.
Pinagpatuloy ko pa ang aking pagsasalita. Tungkol iyon sa mga teachers, students, at marami pang iba. May reputasyon kasi akong iniingatan. This University is one of the high-class and almost mga elite at mayayaman lang ang naririto.
It took a while nang matapos na rin akong magsalita. Now, I'm back here again on my seat. Pero ramdam na ramdam ko na ang mga tinging ipinupukol sa akin ng karamihan. I don't care about them though.
"Madam President, it's time na po para makipagshake-hands sa mga tao." My secretary said. Napakunot-noo naman ako dahil doon. Did I heard it right?
"I don't want to." I said with finality on my voice. Kelan pa nagkaroon ng ganong segment kapag pumupunta ako rito?
"But Ma'am, need——"
"No buts! Sabing ayaw ko nga eh!" Masungit kong turan. My eyebrows creased. Kinokontra nya ba ang desisyon ko?
I rolled my eyes in annoyance. Geez. Why would I do that in the first place? Ni hindi ko naman sila kilala at paano ako nakakasigurado na malinis ang mga kamay nila? Tsk.
The ceremony finally ended. Pinauna ko na munang paalisin ang mga students dahil ayaw kong makipagsiksikan sa labasan.
I'm now walking towards my office. I have my own place here. As far as I remember ay wala naman na akong gagawin. Gusto ko lang icheck.
Nasa kalagitnaan ako ng aking paglalakad nang isang babae ang sumulpot bigla sa aking harapan.
"Hello po, Miss President..." Magiliw na bati ng isang babae. It looks like she's one of the teachers here.
Napataas naman ang isa kong kilay. What does she wants at talagang ininterrupt nya pa ako?
The girl faked a cough. "Sorry po sa abala. Gustong-gusto lang po kasi kayong mameet nitong kasama ko."
Isang babae ang lumitaw bigla sa kanyang likuran. And my eyes widen in shock nang malaman kung sino 'yun. Well, ganon din ang reaksyon nya. Shock was also written on her face.
Hindi ko maiwasang mapangisi nang maiproseso ko lahat ang nangyari. Oh... Mukhang pumapanig ata sa akin ang swerte. Mapaglaro talaga ang tadhana.
"Aww... really? What's your name ba at nang malaman ko naman?" I said at ngumiti pa ng peke sa kanila.
"My name is Zoey Moretti, Miss." Nakatungo nitong saad. Napatango-tango naman ako. Hmm... Zoey huh? Pwede ko na siguro syang ipakulam.
"Makipagshake-hands ka naman sa kanya, Mare." Rinig kong bulong ng babaeng humarang sa akin. Zoey looked at the girl. Mukhang nagdadalawang-isip sya kung gagawin nya ba 'yun o hindi.
But in the end, she offered her hand. Malugod kong tinanggap ang kanyang kamay. The moment that our hands touched, I suddenly felt a tingling sensation on me. Ang weird.
I bit my lips. Ano bang meron sa babaeng 'to at bakit parang nakuryente ako bigla sa kanya? Kauri nya ba si Volta? Nevermind.
"I'm Samantha Laurent. The President of this University." I said while emphasizing the word 'President'. She should be careful dahil anytime ay pwedeng-pwede ko syang alisin dito.
Nakita ko kung paano nalaglag bigla ang kanyang balikat. I noticed na namumutla rin sya. Oh well, paniguradong kinakabahan na sya ngayon.
To make it worst, pinisil ko ang kanyang kamay. 'Yung tipong mawawala yung kaba nya.
The girl interferred again. "Nako, Madam. Pagpasensyahan nyo na kung ganto ang isang 'to. Nahihiya po kasi sya. Actually, she's a fan of yours. Die-hard fan po ganon."
Zoey's reaction is so priceless! Ang epic. Para syang pinagsakluban ng langit at lupa. Gustong-gusto ko nang matawa ngayon pero I can't.
"Oh really? Is that true?" I asked and act as if I'm impressed with that. Sunod-sunod namang tumango ang babae sa akin.
Suddenly, an idea crossed my mind. Lihim akong napangisi dahil doon. Ang galing ko talaga.
I looked at Zoey's side na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. "Hmm.. since you're my die-hard fan, hahayaan kitang magpapicture sa akin."
"Waaahh! Igrab mo na 'yan, Zoey. Ang swerte mo naman."
Zoey heaved a sigh as a sign of defeat. Oh, mabuti naman at pumayag sya. Hindi na ako mahihirapan pang pilitin sya if ever.
Inilabas nya ang kanyang cellphone at ibinigay ito sa kanyang kasama.
"Closer. Lumapit ka naman kay Madam, Zoey." Naramdaman kong lumapit nga sya sa akin. But still, may distance pa rin. I smiled at the camera nang marinig na magclick iyon.
Keep your friend close and enemies closer right?
I leaned closer at mabilis na inilingkis ko ang aking kamay sa kanyang balikat. Now, there is no distance that you can see on us.
"What are you doing?" She whispered on me. I can feel that she's somewhat tense.
"Nothing. Mas maganda 'yung close tayo diba?" I said and gave her my sweetest yet devilish smile.
Nakita ko kung paano sya napatigil bigla. Oh well, mukha atang nabighani sya sa ngiti ko. Can't blame her though. Likas na charming talaga ako pero hindi kami talo. Duh.
But damn. Suddenly, isang kamay ang naramdaman kong pumulupot bigla sa aking bewang.
Now, it's my turn to be stunned. Ugh! How dare her? Ang lakas ng loob nyang gawin 'yun ha.
"What? Two can play this game, Madam President." Nakangisi nitong turan sa akin. I scoffed because of that. I returned my gaze to the camera at ngumiti.
Of course, hindi ko nakalimutang pisilin ang balikat nya. Yung tipong magigising talaga sya sa katotohanan.
Infairness, ang lambot ng body nya. Feeling ko ay masarap 'tong yakapin. Ang comfortable kasi.
After that, mabilis na lumayo ako kay Zoey. But I'm not yet done. "Pwede mo ba kaming picturan uli? But this time, sa phone ko na ha."
The girl nodded hed head kung kaya't ibinigay ko na sa kanya ang aking precious phone.
I looked at Zoey na ngayon ay nakasimangot na ng husto. So cute. Paniguradong mas maiinis sya sa gagawin ko.
"1..2..3... Say cheese!"
Mabilis na idinampi ko ang aking labi sa kanya pisngi. Yes. I kissed her right cheek. Even though napakabilis ng kabog ng puso ko, ang sarap sa feeling.
Gulat ang rumehistro sa kanyang mukha. Maya-maya pa ay nakita ko kung paano sya namula. She's blushing and I love what I'm seeing right now. May epekto pala ako sa kanya.
"W-Why did you do that?" She said while stuttering. Parang hindi nya pa rin maiproseso ang lahat.
I leaned my face closer to her. Yung tipong 2 inches na lang 'yung distansya namin.
"I just want to. May angal ka ba?" Mataray kong balik-tirada sa kanya. I can feel that she's scared.
When suddenly, nakita ko kung paano bumaba ang kanyang mga mata at tumigil iyon sa isang lugar. That's my lips...
I look at her and wow, it looks tempting. I want to feel her kissable lips. Wala sa sariling napakagat-labi ako. Never akong nakaramdam ng ganto. The eagerness to kiss someone.
Using my peripheral vision, tinignan ko ang kanyang kasama na ngayon ay nakatingin na sa cellphone ni Zoey. Mukhang chinecheck nya ang mga photos.
Hindi ako nagdalawang-isip na tawirin ang distansya naming dalawa. I placed my hand on her nape and pulled her closer.
We're kissing right now. Oh scratch that, magkalapat ang mga labi namin ngayon. Damn. Napakasoft ng lips.
It lasted for a while. Pero gusto ko pa. I want more. Gusto ko ng may tongue na kasama. I want it to be a french kiss.
Naramdaman kong humigpit ang pagkakakapit nya sa aking bewang. She's looking at me as if I'm the most beautiful girl she had ever seen.
I bit my lips. Bakit kinikilig ako? Aish. That's too gay.
"Payback time. Itinuloy ko lang 'yung hindi mo ginawa kanina." I said in leave her there.
Masayang pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Wow. That's amazing. Hindi ko 'yun ineexpext.
Pero parang ngayon lang ako tinamaan ng realizations. f**k. Why did I kissed her in the first place? Maybe, it's because of my ego?
Napasapo naman ako sa aking noo. Ugh. I know naman na that's gross pero bakit ang sarap ng feeling noong kiniss ko sya kanina?
It's just a peck right? At wala namang ibig-sabihin iyon. Unless, she's gay? Mukha namang straight si Zoey kaya wala akong dapat na ikabahala.